Isang malalim na buntong hininga ang ginawa niya pagkatapos ay dahan-dahan siyang humarap kay Thomas nakita niya ang pagbilog ng mga mata ni Thomas na halatang na gulat.Pero mas nagulat siya ng makita niya na wala na ang malaking peklat sa mukha ni Thomas at lalo lamang lumabas ang kakisigan nito.
‘’Rhuella!?’’gulat na sabi ni Thomas at patakbo na umalis si Rhuella sa harapan niya.
Mabilis din naman niyang hinabol si Rhuella. Nakita niyang tumakbo si Rhuella sa comfort room ng mga babae at hinabol parin niya ito at bago pa maisara ni Rhuella ang pintuan ay iniharang agad ni Thomas ang braso ni sa pintuan. Naitulak naman ni Thomas ng bahagya ang pintuan at tuluyan na siyang nakapasok sa loob at mabilis na inilock ang pintuan. Laking gulat naman ni Rhuella ang pagsunod ni Thomas sa kaniya.
‘’Thomas!?’’ gulat niya.
Isang madilim na awra ang nakita niya sa mga ni Thomas.
‘’anong ginawa mo dito Rhuella!?tanong ni Thomas na walang emosyon
‘’a-ano ah!’’utal niya
‘’siguro hiwalay na kayo ng lalake kaya nung malaman mo na kilalang tao at bigatin ang mga darating sa event na ito ay pumunta ka dito para makabinggit ka ng mayamang lalake tama ba ko gold digger woman!.’’
Halos mabiyak ang puso niya sa sinabi sa kaniya ni Thomas sa tagal nilang hindi nagkita ay isang mababang babae parin ang tingin nito sa kaniya.Hindi siya sumagot sa sinabi ni Thomas at lumapit siya dito at isang malakas na sampal ang iginawad niya kay Thomas. Hinawakan ni Thomas ang kaniyang pisngi na sinampal ni Rhuella at ngumisi ng nakakaloko .
‘’sa tatlong taon nating hindi nagkita Rhuella ito lang pala ang ibibigay mo sa akin! Then I punish you!’’galit na sabi ni Thomas at sabay hablot sa bewang ni Rhuella at binigyan niya ng isang malalim na halik. Nang magkahiwalay na ang mga labi nila.
‘’your lips is the same taste before Rhuella!’’ at binigyan niya ng ngisi si Rhuella at nang akmang sasampalin ulit ni Rhuella si Thomas ay agad nahawakan ni Thomas ang pulsuhan ni Rhuella.
‘’You try again then I make sure hindi lang halik ang ibibigay kong parusa sayo!’’saad ni Thomas at nakita ni Thomas ang pagpatak ng luha ni Rhuella at agad naman binawe ni Rhuella ang kamay niya mula sa pagkakahawak ni Thomas at mabilis lumabas ng pintuan.
Unti-unti namang nawala na sa paningin ni Thomas si Rhuella at mula sa bulsa ay kinuha niya ang kaniyang cellphone at may dinial sa kabilang linya.
‘’hello! Im Mr. Madrigal at kailangan ko ng private imbistegator!’’sabi niya sa kabilang linya.
‘’good evening sir! Sino po ang papaimbistigahan ninyo sir!?’’
‘’Rhuella Cruz is name, ASAP!’’
‘’ok sir!’’sagot naman sa kabilang linya. at inoff na ni Thomas ang cellphone mula sa kabilang linya at muling bumalik sa karamihan ng tao.
Samatalang si Rhuella ay mabilis na tinahak ang daan palabas ng Hotel at dumiretso sa kaniyang kotse bago paandarin ang sasakyan ay tinawagan muna niya ang naiwan na kaibigan.
‘’hello! Katrina mauna nako umuwe sumama kase ang pakiramdam ko!’’pagdadahilan niya
‘’ganun ba! Sige ok lang naman. Magpahinga ka na ako na ang bahala dito.!’’sagot niya kay Rhuella
‘’pasensiya kana Katrina!’’paghingi niya ng paumanhin
‘’wala yun! Ok lang, ano kaba! Sige na at para maabutan mo pa si Kylie na gising sa bahay.’’
‘’salamat Katrina!’’
‘’welcome friend’’sagot ni Ktrina.
Napahawak siya ng mahigpit sa manebela ng maalala niya ang ginawang paghalik ni Thomas sa kaniya at kasabay ng pagpikit niya ay ang pagdaloy ng mga luha niya.
‘’bakit pa tayo nagkitang muli Thomas! Bakit!? bakit ganito nalang nararamdaman ko hindi ko maintindihan dapat, dapat magalit ako sayo! Pero pakiramdam ko sabik na sabik ako na makasama at makita kang muli!’’ sabi niya sa kaniyang sarili at mabilis na ipinahid ang mga luha gamit ang kamay at mabilis na pinaandar ang kotse niya…
Maagang nagising si Rhuella at balak niyang umuwi na silang mag-ina sa Baguio. Pumunta siya sa kusina at nakita niyang nagkakape na si Katrina sa lamesa.
‘’good morning Katrina!’’bati niya sa kaibigan
‘’good morning din Rhuella!’’bati din ni Katrina
‘’sorry nga pala ulit kagabi!’’ pahingi niya ulit ng paumanhin habang nagtitimpla siya ng sarili niyang kape.
‘’ok nga lang sabi eh! Ano ok na ba pakiramdam mo!’’
‘’oo ok na! Sabay higop ng mainit na kape
‘’masama ba talaga pakiramdam mo o ayaw mo lang makita si Sir.Madrigal!’’
Muntikan naman siyang mapaso sa biglang tanong ni Katrina.
‘’ano bang pinagsasabi mo Katrina!?’’kabadong tanong niya at agad umupo sa tabi ng kaibigan
‘’sus! Rhuella kahit dimo sabihin alam ko na kung sino ang dady ni Kylie at walang iba kundi si Mr.Madrigal pogi1’’tiling sabi ni Katrina
‘’ano ba Katrina wag ka maingay at baka marinig ka ni Kylie!’’saway nito sa kaibigan
‘’Sabihin mo na kase totoo Rhuella, si sir pogi nga diba!?’’
‘’oo na! Si Thomas nga ang ama ni Kylie!’’sabay higop sa kape niya
‘’OH! MY GOD!!! as in OMG! Rhuella pano!? grabe! Napakalihim mo talagang babae ka!’’
‘’mahabang kwento Katrina kaya please lang sekreto lang natin ito.
‘’sige ba! Kaya pala unang kita ko palang kay sir.Madrigal ay namumukhaan ko na siya,hanggang sa maalala ko sa kaniya si Kylie. Grabe Rhuella kahawig na kahawig niya si Kylie parang babaeng Thomas,’’paliwang ni Katrina
‘’oo nga eh! Kaya sigurado pagnakita niya ang anak niya hindi niya masasabing hindi niya anak si Kylie.
‘’korak! No need ipa DNA test pa! teka nakita ka ba niya kagabi!?’’
‘’oo Katrina! Kaya nga umalis agad ako!’’
‘’OMG! Ulit! Imposible na hindi niya malaman na may anak kayo!’’
‘’kaya nga uuwe na kame sa Baguio ni Kylie mamayang hapon!’’
‘’ganun! Nakuh!mamimis ko na agad si baby Kylie!’’simangot ni Katrina at napangiti naman si Rhuella.
Habang nagpupunas si Rhuella ng mga table ay si Katrina naman ay naka pwesto sa Cashier at abala naman ang anak niyang si Kylie na maglaro ng mga dolls isa sa bakanteng lamesa sa gilid. Nang biglang bumukas ang entrance hudyat na may customer na sila. Pagtingin niya sa pumasok ay isang malapad na ngiti ang isinalobong niya dahil si manang Lucy ang pumasok at naalala niya na huli nilang pagkikita ay ibinigay niya sa matanda ang address niya dito sa bake shop at agad naman niya iting niyakap.
‘’manang Lucy ano pong ginagawa ninyo dito?’’tanong niya sa matanda
‘’iha! Gusto ko kase makita ang anak ninyo ni Thomas! Parang namis ko tuloy nung bata ang alaga ko ganiyan na ganiyan noon!’’pagpapaliwanag ng matanda.
‘’ganun po ba! Kylie anak halika dali!’’agad naman niyang tinawag ang anak at dali-dali nagpunta sa kaniya ang bata.
‘’bakit po mommy!?’’tanong ng bata at agad na niyukuan ang anak,
‘’baby naalala mo ba si lola sa supermarket?’’tanong niya sa anak at tungo ang naging sagot ng bata
‘’siya si lola Lucy ihug mo siya baby!’’utos sa anak at isang ngiti ang ibinigay ng bata sa matanda at sabay yuko din ng matanda ng saganun ay maakap din niya ang bata.
‘’mommy! Mommy nyo po ba siya?’’tanong ng bata
‘’oo anak! Paraang nanay nadin ang turing ko sa kaniya kaya lola mo nadin siya at mahalin mo din siya ha!
‘’yehey! May lola na po ako kase may lolo din po ako si lolo Hulyo.’’kwento ng bata kay manang Lucy. Napangiti naman ang matanda at si Rhuella sa pagkabibo ng bata at hinayaan lang ni Rhuella ang maglola na magkwentuhan. Natutuwa naman si Rhuella dahil mababakas sa anak niya ang kaligayahan. Maya-maya pa ay nagpaalam na si aling Lucy sa kaniya.
‘’Rhuella ako ay paparito na dumaan lang ako para makita si Kylie at natutuwa ako at napalaki mo siya ng maayos’’ sabay ngiti ng matanda.
‘’oo nga po namang! Sa kaniya lang naman po ako kumukuha ng lakas at kahit ano gagawin ko para sa ikaliligaya ng anak ko!’’
‘’tama yun! Pano aalis nako dadaan pa kasi ako sa palengke! Humalik nadin ako kay Kylie!’’pagpapalam niya kay Rhuella
Sige po manang at mamayang hapon nadin po ang alis namen mag-ina pauwe ng Baguio!’’
‘’ganun ba! Nakakalungkot naman at mukhang matagal na ulit bago kayo makabalik ulit dito.’’
‘’siguro nga po manang pero wag po kayo mag-alala babalik parin naman po kame mag-ina.’’ ngiti niyang sagot sa matanda at nagpaalam na ulit sakaniya ito. Nalulungkot man siya sa muling pag-alis pero kailangan na niyang mailayo ang anak nila mula kay Thomas.