CHAPTER 14

596 Words
‘’Sir ito na po ang mga pictures at profile ng taong ipinapahanap ninyo sa akin!’’sabi ng isang lalake. Kasalukuyan si Thomas ay nasa kaniyang loob ng opisina at kaharap ang isang private imbestigador at sabay abot sa kaniya ng envelop. Agad niyang nakita ang isang papel na naglalaman ng background ni Rhuella. ‘’so sa baguio pala siya nagtago for three years!’’sabi ni Thomas ‘’opo! Sir! At meron din po siyang maliit na business!’’saad pa ng imbestigador ‘’what!? bake shop!? so sakanila pala galing ang mga capcake sa event ko kagabi!’’ ‘’opo sa katunayan ay may isa pa silang branch dito sa manila at may kashare siya sa shop niya nagngangalang Katrina Mendez’’ ‘’sir! Nasa loob din po ng envelope ang mga pictures!’’singiit pa ng imbestigador at dahan dahan niyang kunuha ang mga litrato. Una naiyang nakita sa pictures si Rhuella kahit sa litrato ay hindi nabawasan ang kagandahan nitong taglay napansin niya ang pag-ikli ng buhok nito na hindi niya ikinagusto. Nakita pa niya ang ibang pictures na abala si Rhuella sa shop at ikinanuot ng kilay niya ng mapansin ang isang matanda ng babae na kaakap ni Rhuella sa litrato. ‘’teka si manag Lucy ito!’’saad niya at ng buklatin pa niya ang huling litrato biglang bumilis ang t***k ng kaniyang dib-dib ng makita ang mukha ng isang batang babae sa litrato. ‘’te-tell me this is her daughter!?’’utal niyang tanong sa inupahang lalake ‘’yes! Sir!’’ sagot agad nito ‘’ok you may go!’’ madilim niyang salita at agad umalis ang lalake at muli niyang tinignan ang litrato ng batang babae. ‘’for three years nakapagtago ka sa akin kasama ang lalake mo pwes hindi muna maitatago ang anak ko Rhuella!’’galit niyang salita at sabay gusot sa litrato ni Rhuella. Kahit hindi niya komprontahin ngayon si Rhuella ay alam niyang anak niya ang batang babae na nasa litrato dahil sa kahawig na kahawig niya ito ng bata pa lamang siya at kakaiba ang pintig ng kaniyang dibdib at nararamdaman niya ang lukso ng dugo para sa batang babae. Dali-dali siyang umalis ng kaniyang opisina at gusto niyang komprontahin ang matanda at agad siyang umuwe ng mansiyon. Pagdating niya agad sa mansiyon ay agad niyang nakita sa kusina si manang Lucy. ‘’manang pumunta ka sa office room ko!’’ pasigaw niyang utos sa matanda habang abala ito sa pagsalansan ng mga pinamili. Nagulat naman ang matanda at dali-dali siyang sumunod kay Thomas. ‘’manang tell me matagal mo na bang alam ito!?’’tanong niya sa matanda at sabay abot sa litrato niya na kaakap si Rhuella. Nagulat naman ang matanda. ‘’senyorito ang totoo po ay aksidente ko lang nakita si Rhuella sa isang mall at nakiusap po siya sa akin na huwag ipaalm sa inyo!’’takot niyang paliwanag kay Thomas. Isang malakas na hampas sa lamesa ang umalingawngaw sa loob ng silid. ‘’manang naman! Ako ang amo ninyo so bakit kayo nakikinig sa gold digger na babae nayun!’’galit niyang sabi sa matanda. ‘’pa-pasensya na iho!’’takot na sagot niya dito ‘’at sinabi din ba sa inyo ni Rhuella na anak ko ang bata na nasa litrato!’’ ‘’oo senyorito anak mo siya!’’ Lalo lamang siyang nagalit kay Rhuella masakit para sa kaniya na itinago ang sarili niyang anak. ‘’senyorito hayaan mo ako makabawe!. Ngayon hapon ang alis nilang mag-ina para umuwe sa baguio!’’ ‘’what!? hindi ako makakapayag! Sige manang pwede na kayo lumabas!’’ nang makalabas ang matanda ay agad niya kinuha ang kaniyang cellphone at may tinawagan siya. ‘’hello! Andiyan pa ba mga tauhan mo?.’’
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD