"Mommy babalik pa po ba tayo sa hause ni tita Katrina at si lola, makita korin ba siya?’’lungkot na tanong ni Kylie
‘’oo naman baby Kylie babalik tayo pero sa ngayon uwe muna tayo sa bahay natin sa baguio!’’paliwanag sa anak.
‘’ok mommy!’’ngiti naman ng bata.
Magdadapit hapon na ng umalis sila sa bahay ni Katrina. Habang nagdrive ay napansin niyang parang may kanina pa nakabuntot sa kaniya na itim na ban. Sinubukan niyang bagalan ang kaniyang pagmamaneho baka lang napaparanoid lang siya at kung anu-ano na naiisip niya. Nagulat siya ng malagpasan na siya ng itim na ban ay biglang liko nito kung saan patungo siya at nakaharang na nga ang itim na ban sa daraanan niya. Dahilan para ihinto Niya Ang kaniyang kotse. Bumilis ang t***k ng dibdib niya ng lumabas mula sa itim na ban ang mga kalalakihan. Agad niyang niyakap ang kaniyang anak.
‘’Mommy bakit po!?’’pagtataka ng anak niya
‘’nothing baby, just close your eyes hug ka ni Mommy!’’takot niyang salita sa anak.
Tumingin sa kaniya ang isang lalake at sumisenyas na buksan ang pinto ng sasakyan ng hindi siya kumikilos ay pinakitaan siya ng lalake ng baril. Dahil sa takot na kung ano ang mangyari sa anak niya ay sumunod na lamang siya sa gusto ng lalake. Nang makalabas na silang mag-ina ay inalalayan sila ng iba pang lalake at tuluyan silang mag-ina na makapasok sa loob ng ban at agad isinara ng lalake ang pinto ng sasakyan.
‘’Good to see you again Rhuella!’’
Nanlaki ang kaniyang mata at napabilis ang pagtibok ng kaniyang dib-dib ng makita kung sino Ang nasa loob ng sasakyan si Thomas. Sabay mulat ng mata ni Kylie
‘’Mommy sino po siya?’’pagtatanong ng bata
‘’Rhuella ipakilala mo ako sa anak ko!’’diin niyang salita. Agad namang nagulat si Rhuella sa galit na tono ni Thomas, nangamba siya na baka matakot din ang anak nila.
‘’Thomas pwede ba babaan mo ang tono ng boses mo!’’paggalit din niyang salita
Nakita naman niyang mabilis na pag-iba ang ekspresiyon ni Thomas.
‘’Kylie baby! Listen nakita mo ba yung guy na yun sa harap mo!? Kylie siya ang dady mo!’’ isang malaking ngiti naman ang nasilayan sa mukha ng bata at agad naman tumingin ang bata kay Thomas na ikinatuwa din ni Thomas at agad lumapit ang bata sa kaniya at agad naman niyang binuhat ang anak at niyakap niya ng mahigpit ang anak.
‘’Daddy!’’pasigaw na salita ng bata kay Thomas at binigyan niya ng halik ang ama sa pisngi.
Halos mapaluha naman si Rhuella sa nakikita na kasiyahan para sa anak. Pati
ang tagpo na magkayap ang mag-ama parang isang alaala na hinding hindi niya makakalimutan at di niya namalayan na lumuha na pala siya at agad pinahid ang taksil na luha niya.
"Kylie I love you!’’sabi ni Thomas sa anak na puno ng pagmamahal.
‘’I love you too Daddy! Promise mo hindi ka na po mawawala ng matgal at hinding hindi mo na po kami iiwan ni Mommy!’’ sabi ni Kylie. Napatingin naman ng bahagya si Thomas kay Rhuella at binigyan niya ng matalim na tingin ang ina ng kaniyang anak. Bago ngumiti sa bata.
‘’oo baby! Promise hindi ko na kayo iiwan ni Mommy,Kailanman!’’sabay yakap ulit sa anak.