Pagdating nila sa mansiyon ay buhat parin ni Thomas si Kylie.
‘’Daddy play po tayo ng dolls ko!’’pagyayaya Ng bata sa ama.
‘’oo naman baby punta tayo sa room mo!’’
Tinanaw nalang ni Rhuella ang mag-ama habang paakyat sa ikalawang palapag.
‘’Rhuella iha!’’pagtawag ni manag Lucy kay Rhuella
‘’manang!
‘’patawarin mo ako hindi ko alam kung paano nalaman ni senyorito Thomas na naggaling ako sa shop mo kaya napilitan narin ako na sabihin sa kaniya ang pag-alis niniyo mag-ina.’’paliwanag ng matanda
‘’naiintindihan ko naman po manang, alam ko naman po na darating din ang panahon na malalaman niya ang tungkol sa anak namin.sagot niya..sagot niya.
‘’sige manang akyat lang po ako sa taas silipin ko lang po sila’’pagpapaalam niya.
‘’sige iha at maghanda narin ako ng dinner ninyo!’’saka umalis ang matanda at agad naman siyang umakyat.
Nadaanan niya ang kaniyang dating silid at binuksan niya ang pinto, ganun parin tulad ng dati ang ayos ng kaniyang kwarto parang walang nagbago sa loob ng tatlong taon.Muli siyang lumabas ng silid at sunod naman niyang nadaanan ay ang silid ni Thomas na nakasarado parang bumalik lahat sa nakaraan kung paano niya minahal si Thomas at kung paano rin masaktan. Napahawak nalang siya sa pintuan ng silid ni Thomas ng di niya namalayan na nasa harap na pala ang lalaki.
‘’do you still remember! Rhuella!’’walang emosyon na sabi ni Thomas
Nagulat man siya sa sinabi ni Thomas ay nagpakatatag siya.
‘’wala naman akong dapat alalahanin pa Thomas ni ayoko na ngang balikan pa eh!’’saad niya
Nakita niyang biglang nagtigasan ang bagang ni Thomas at lalong nanlisik ang mga mata nito at sabay haklit sa braso niya.
‘’Ano ba THomas nasasaktan ako bitawan mo nga ko!’’piglas niya
‘’bakit akala mo ligtas kana sa ginawa mong pagtatago sa anak ko ha!’’galit niyang sabi kay Rhuella
‘’anak ko din siya at ako ang nanay niya dapat ko lang siyang ilayo sa katulad mo!’’
‘’subukan mo kundi papatayin kita Rhuella!’’
‘’hindi ako natatakot sayo Thomas!’’
‘’no! Hindi kita papatayin,pahihirapan kita, magfile ko ng custody para sa bata at sisiguraduhin kong mababangkrap ang negosyo mo at sa tingin mo may kakayahan kapa para buhayin ang anak ko!’’ isang nakakalokong ngisi ang ibingigay niya kay Rhuella,.
Halos buhusan si Rhuella ng malamig na tubig sa narinig niya hindi niya kayang mawala ang kaniyang anak at alam din niyang sobrang makapangyarihan si Thomas at kaya nitong bayaran ang husgado at natatakot siya isang araw na hindi niya makapiling si Kylie, at hindi na niya napigilan ang pagbagsak ng kaniyang mga luha.
‘’please Thomas wag mo ilayo sa akin si
Kylie nagmamakaawa ko sayo!’’iyak niyang sabi at agad naman niyang naramdaman ang pagbitaw ni Thomas sa kaniyang braso.
‘’Pwes simula ngayon dito na kayo titira sa Mansiyon ko at lahat ng ipag-uutos ko ay susundin mo Rhuella, like before you such a maid!’’ pag-iinsulto niyang sabi. Halos mabingi naman si Rhuella lalo na yung huling linya ni Thomas na isa lamang siyang katulong. Tanging tungo na lamang ang naitugon niya kay Thomas