CHAPTER 17

657 Words
"Puntahan mo na si Kylie sa room niya at mamaya ipapatawag ko kayo para sa dinner!’’ pag-uutos ni Thomas at agad siya umalis sa harap ni Rhuella. Bago humakbang si Rhuella ay inayos muna niya ang kaniyang sarili ayaw niyang maging malungkot sa harap ng anak. Nakita niya ang anak na abalang maglaro at natuwa naman siya dahil sa ganda ng kwarto halos lahat ng dingding ay kulay pink at marami din stop toys na pambabae at kumpleto narin lahat ng kailangan niya para sa anak niya.. napansin din niya ang aparador na puno ng damit pambata naisip niyang mukhang napaghandaan talaga ni Thomas ang pagdating ni Kyliie. Naputol nag pag-iisip niya ng tawagin siya ng kaniyang anak. ‘’mommy! Tignan mo ang dami ko dolls and teddy bear!’’sabi ni Kylie na tuwang tuwa sa mga laruan niya ‘’oo nga baby eh! Gusto mo ba na dito na tayo tumira?’’tanong niya sa anak ‘’opo! Mommy! nandito po kase si dady’’ ngiting sagot ni Kylie ‘’ok baby! Basta anak lagi mo iisipin na mahal na mahal ka ni mommy at lahat gagawin ni mommy para sayo!’’at sabay yakap sa kaniyang anak. Habang nasa hapagkainan ay naiilang padin si Rhuella na kaharap si Thomas at kasabay kumain habang katabi niya ang kaniyang anak na sinusubuan ni manang Lucy... Hanggang sa napansin siya ni Thomas. ‘’bakit Rhuella hindi mo nagustuhan ang pagkain?’’tanong ni Thomas ‘’a-ah! Hindi naman sa ganun! Busog pa kase ako!’’ ‘’huwag ka ng maarte diyan Rhuella kumain ka nalang!’’baritonong salita ni Thomas ‘’pe-pero busog nga ko!’’ ‘’pagsinabi kong kumain ka kumain ka!’’pasigaw niyang salita na ikinagulat naman ni Kylie at dahilan para ito ay umiyak. ‘’pwede ba Thomas wag kang sumigaw! Nagugulat sayo yung bata!’’mahinahon niyang sabi kay Thomas ”sory! Baby Kylie! Hindi na uulitin ni daddy!’’ paglalambing sa anak at agad naman niyang binuhat ang anak at saka tumigil ng iyak ang bata at si Thomas na ang nagsubo ng pagkain sa anak. ‘’you better to follow me para maiwasan ang pagsigaw ko sayo Rhuella!’’isang matalim na tingin ang iniwan niya kay Rhuella. Kahit nawalan na siya ng gana kumain ay pinilit nalang ni Rhuella ang sumubo ng pagkain at baka magalit lang sa kaniya ng husto si THomas dahilan pa para matakot ng husto ang kaniyang anak. Nasa loob na sila mag-ina ng kwarto at kwarto ni Kylie sila magstay para matulog.. Mahimbing na natutulog si Kylie ng maisipan ni Rhuella na tawagan si Katrina. ‘’hello Katrina!’’sabi niya sa kabilang linya ‘’hello Rhuella andiyan na ba kayo sa baguio?’’ ‘’hindi Katrina andito pa din kame ni Kylie sa manila at andito kame sa mansiyon ni Thomas?’’ ‘’what? Sa mansiyon ni Mr. Madrigal? OMG!! wag mong sabihin na nalaman na niya ang tungkol sa anak ninyo?’’ ‘’oo Katrina! At next time ko nalang sayo ikwento lahat may sasabihan ako sayo!’’ ‘’ok! Ano yun Rhuella!?’’ ‘’ikaw muna nag mag-asikaso ng bake shop natin at ikaw narin muna nag magmonitor ng bake shop sa baguio wag kang mag-alala nandoon naman si Joan at mapagkakatiwalaan yun. Ikaw narin muna ang bahala magcommunicate kay Joan at ikaw narin gumawa ng magandang alibi kung bakit mawawala muna ko. Hindi ko pa sigurado kung hanggan kailan pa kame dito dahil hindi pa kame nag-uusap ng maayos ni Thomas.’’paliwanag niya sa kaibigan ‘’don’t wory Rhuella ako na ang bahala sa lahat basta balitaan mo lang ako sa inyo jan mag-ina ayoko din naman nag-aalala!’’ ‘’salamat Katrina maasahan ka talaga basta tawgan nalang kita kapag kailangan ko ng update sa negosyo at mag-ingat kadin diyan!’’ sabi niya sa kaibigan. At saka inioff ang kabilang linya.. “tok! Tok! tok!’’ napalingon naman si Rhuella at pumasok sa kanilang silid si manang Lucy. ‘’iha! Pinapatawag ka ni senyorito Thomas sa kaniyang kuwarto. Ako na ang magbabantay kay kylie habang wala kapa’’paliwanag ng matanda sa kaniya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD