Chapter 21

2977 Words
AN: TYPOS EVERYWHERE! PEACE OUT! Marahas na sinara ni Elmo ang pinto sa condo ni Julie at dumeretso sa loob. Mabilis siyang naghubad ng damit dahil basang basa na siya. Kahit pa share sila ng payong ay sinigurado niya na mas mapoprotektahan si Julie. "Sioppy--" "Magbihis ka na Julie baka magkasakit ka pa." Sabi ni Elmo habang linalagay sa labahan ang basang mga damit. Nakakunot ang noo ni Julie habang tinitingnan ang kasintahan. "Galit ka ba?" Hindi sumagot si Elmo. Nakatalikod pa rin siya kay Julie habang inaayos ang mga damit. "Julie, maligo ka na, kapag natuyuan ka magkakasakit ka." Nagpatuloy pa rin siya sa ginagawa. Nararamdaman niya na parang lumalala ang lagnat niya pero wala siya pake. Lumingon siya pero nakita na nandoon pa rin si Julie na nakatayo sa gitna ng kwarto. He sighed and finally faced her. "Julie ano ba. Gusto mo magkasakit?" "Eh ikaw?" Julie challenged. "May lagnat ka Elmo. Tapos binalikan mo pa ako sa school." "Ano gusto mo hindi kita balikan? Para nagsama kayo nung Ben na yon?" Tumataas na ang boses ni Elmo. Inis na tiningnan ni Julie ang boyfriend. "Elmo wag ngayon ah. Ano sa tingin mo, gusto ko ginagawa ni Ben ha?" Elmo's face softened as he looked at Julie. Then he sighed. "I'm sorry Sioppy, I just...he likes you and I don't want him touching you." Medyo kumalma na din si Julie at lumapit para haplusin ang muhka ni Elmo. Mainit pa rin ang balat nito at alam ni Julie na hindi pa humuhupa ang lagnat nito. "Listen to me Sioppy..." Julie said, as her right hand caressed his face while her left was placed on his waist. "Stop being jealous alright? Sino ba ang mahal ko?" "Ako..." At mahina pang natawa si Julie. Proud naman pala ito eh tapos magseselos. "Ayon naman pala." Julie smiled softly. Nakaikot na ngayon ang mga braso niya sa balikat ni Elmo habang ang sa lalaki naman ay nakaikot sa bewang niya. "Bakit ba napakaseloso ng Sioppy ko?" Paglalambing niya. Hinigpitan naman ni Elmo ang yakap kay Julie. "Because everyone wants you." Sabi naman niya. "Because you're the most beautiful girl in the world and I compete with so many guys out there." Mahinang napangiti si Julie sa sinabi ng boyfriend niya. "Elmo ano ba. Pake ko sa kanila kung ikaw naman ang mahal ko?" Ayan lumalabas nanaman ang ngiti sa muhka ni Magalona kahit pa namumula pa rin ang mata dahil sa sakit. "Tamo, ngingiti ka din pala. Wag ka na magselos ah? Saka linalayuan ko naman si Ben eh." Sabi ni Julie at yinakap pa palapit si Elmo bago ipatong ang ulo sa dibdib nito. Inikot naman ni Elmo ang mga braso sa bewang at sa balikat ni Julie bago halikan ang tuktok ng ulo nito. "Masyado mahigpit ang paghawak niya sayo. Tangina talaga may subukan lang siya baka bugbugin ko na siya ng tuluyan." "O wag na mainit ulo." Julie said. "Wala naman na siya nagawa." Kinalama na din ni Elmo ang sarili niya. Wala naman magagawa ang pagkagalit niya kay Ben eh. Hinarap na niya ulit si Julie at hinimas himas pa ang mga braso nito. "Maligo ka na Sioppy baka magkasakit ka pa eh." Hinalikan naman ni Julie sa pisngi si Elmo bago dumeretso sa banyo. Nararamdaman nanaman niya ang lagnat niya. Lumalala ata. Pero wala siya pake. Nakita lang niya na umulan kaagad niyang pinuntahan si Julie sa school. Hindi lang talaga niya inaasahan na makikita niya yung hayop na Ben na iyon. Dahan dahan siya lumabas ng banyo at nagbihis ng Tshirt at boxer shorts. Nakita niya na nagtutuyo ng buhok si Julie sa may vanity table. Linapitan niya ito at linapit pa ang muhka para mahalikan ang balikat nito at ipatong pa ang baba doon. Binaba naman ni Julie ang gamit na brush at hinimas pa ang muhka ni Elmo gamit ang kanyang kaliwang kamay. "Mainit ka pa din Sioppy." Sabi niya bago harapin ang lalaki. Kitang kita ang concern sa mga mata niya habang hawak niya ang muhka ng lalaki. "Tulog na lang tayo." Elmo whispered, tenderly kissing Julie's cheek. Tumayo na si Julie mula sa kinauupuan at magkahawak kamay na silang humiga sa kama. Ramdam na ramdam pa rin ni Julie ang init ni Elmo. "Uminom ka na ba ng gamot?" Julie asked him. They were spooning each other with Elmo's face against the area between Julie's shoulder and neck. "Oo." Maikli naman nitong sagot. "Yung totoo." "Uminom nga ako Sioppy. Tulog ka na diyan." Sabi ulit ni Elmo at hinalikan na lang ang pisngi ni Julie bago yinakap pa ito palapit. "Now be a good little Sioppy and go to sleep na." Julie cleared her throat and gave a small cough. They were still spooning nang magsalita siya. "Sioppy?" "Mmm...?" Elmo grunted. "Ako naman...wala na dapat pagselosan diba?" Naramdaman ni Julie na natigilan si Elmo sa sinabi niya dahil tumigil saglit ang paghinga nito. "Kanino ka naman magseselos? Wala na si Iris okay? Malayo na siya sa atin." "It's not that." Julie said as she sniffed and cleared her throat again. Parang ayaw nga niya ituloy ang sasabihin niya pero sinimulan na niya eh. "S-si Kiara ba?" Elmo sighed. Inangat niya ang sarili para nakatingin na siya kay Julie at nakatingala naman ang dalaga sa kanya. "Sioppy, wala ako pake kay Kiara. Wala nga siya laban kahit sa hinlalaki mo eh." He caressed her face. "Saka...ikaw lang naman kasi ang babae na nakikita ko." "Kahit si Maqui hindi mo nakikita?" Pagbibiro na lang ni Julie. Pero yung totoo tinatago lang niya kilig niya. Elmo smirked her way before capturing her lips in a soft kiss. They parted but were still only inches away from each other. "Di ko nakikita si Maqui, naririnig ko iyon. Ang ingay eh." Mahinang tumawa si Julie na nauwi sa pagubo. Kaagad naman tiningnan ni Elmo ang dalaga. Nakakunot ang noo niya. "Sioppy, are you coming down with something?" Suminghot nanaman si Julie at pasimpleng tumikhim bago tingnan ulit si Elmo. "Ha? Ano ka ba Sioppy diba ikaw may sakit? Guni guni mo lang yan. Alam mo tulog ka na. Di ka papasok bukas ah. Baka mabinat ka." "Pero..." "Tulog na Sioppy." At wala na nagawa pa si Elmo dahil mabilis na yinakap siya ni Julie at pinikit ang mga mata para matulog. Maagang nagising si Julie kinabukasana. Pero umaga pa lang ay may laban na siyang kaharap. Hindi siya makawala sa braso ni Elmo. Ang higpit! Akala mo naka straight jacket siya! Ayaw pa naman niya ito gisingin para sana tuloy tuloy ang tulog. But no can do, baka ma-late na kasi siya sa klase. "Sioppy..." She whispered slowly. Tulog pa rin si Elmo at pucha mas humigpit pa ang yakap. "Haay naman eh." Bulong ni Julie. Kahit magising na ito. Iinom din naman kasi ng gamot eh. Kumalas siya sa braso na nakayakap sa kanya at hindi nga siya nagkamali dahil nagising na din si Elmo. "Mmm...Sioppy?" The man croaked out. Hala ka paos nga. Nakatayo na si Julie sa gilid ng kama at hinawakan pa ang noo ng kasintahan. "Medyo mainit ka pa rin ah." She shook her head. "Magluluto na lang ako ng chicken noodle soup ah. Para may laman yang tiyan mo." Hindi na niya narinig pa na sumagot si Elmo. Baka nakatulog na ulit. Nagsimula na siya maghanda ng rekados ng mapabahing siya. Mabuti na lang at niawasan niya ang pagkain. Pero di maganda ito. "Magkakalagnat din ata ako." Bulong niya sa sarili. Pero hindi. Hindi pwede. Si Elmo nga may sakit na eh. Sasabay pa ba siya. "It's all in the mind Julie." Binilisan pa niya ang pagluto dahil nararamdaman niya na sumasakit na din ang ulo niya. "Sioppy." She called out as she entered the bedroom. Tulog na tulog pa rin si Elmo. Mabuti na siguro ay matulog muna ito. Itatago na lang muna niya ang pagkain. Kahit mamaya pa naman ito makainom ng gamot eh. Mabilis din siyang kumain ng sariling breakfast, naninigurado na hindi magigising sa ingay si Elmo bago naman siya naligo. At nang makapagbihis ay nag-iwan ng sulat para kay Elmo na hanggang ngayon ay tulog na tulog pa rin. "Alis muna ako Sioppy." She whispered before kissing the side of his head. =°=°=°=°=°=°=°=°=°=°=°= "Morning bes!!" Mahinang napangiti si Julie nang nakasabay niya sa may mismong gates ng school si Maqui. Hindi na masyado umuulan pero malamig pa rin ang panahon. Alam ni Julie. Ramdam na ramdam niya eh. Kaya nga yung pinakamakapal na blazer ang sinuot niya ngayon. Hinihiling lang niya na hindi mapansin ni Maqui na medyo namumula ang ilong niya. Saka wag sana ito lalapit masyado dahil mararamdaman nito na mainit ang balat niya. "Bes okay ka lang?" Ang kaso muhkang napansin pa rin talaga nito eh. Nothing goes past Frencheska Farr. "Ah okay naman." Sagot ni Julie habang nagt-time in sila ni Maqui. Hindi lang niya napigilan at napa-atsing siya. "Bes, anong okay? Eh ang puffy ng mata mo tapos yang ilong mo nanaman!" Parang nanay na sita ni Maqui. "Nako. Nagpabasa ka ba ng ulan kagabi?! Sana pala hinintay talaga kita. Nako bata ka oo!" Oo nga pala. Hindi pa pala nito alam na may nangyari kagabi. "Eh kasi bes--" "Julie." Napatigil si Julie nang marinig niya ang boses. Napatingin sila ni Maqui sa may kanan banda at nakita na nakatayo doon si Mr. Ramirez. Yung itsura nung matanda? Aba parang tatay na papagalitan ang anak. "May I speak with you in ny office please?" Sabi na lang nito. Bahagayang nagkatinginan naman si Julie at si Maqui. "Hala bes, anong ginawa mo?" Huminga na lang ng malalim si Julie. Parang alam na niya kung tungkol saan ito. "Sige bes, kita na lang tayo mamaya." Sabi naman ni Julie kay Maqui. Nagsimula na siya maglakad papunta kay Mr. Ramirez. Nang makalapit na siya ay wala na ito sinabi at nagsimula maglakad patungo sa opisina niya. Matanda na si Julie pero pakiramdam niya para pa rin siya bata na papagalitan ng magulang. Binuksan ni Mr. Ramirez ang pinto sa opisina niya at hindi na nagulat si Julie na makita na nandoon si Ben at nakaupo sa isa sa mga upuan sa harap ng desk ng superior nila. Namamaga pa rin ang gilig ng labi nito. Napansin din ni Julie na hindi siya nito matingnan ng deretso. "Please sit Julie." Sabi ni Mr. Ramirez. Julie took her place beside Ben kahit na ayaw niya lumapit dito. Sumusulyap din naman sa kanya ang lalaki pero deretso pa rin ang tingin niya at kay Mr. Ramirez na lamang tinuon ang pansin. Huminga muna ng malalim ang matandang lalaki bago tiningnan ang dalawang guro sa harap niya. "Una, alam ko na wala si Elmo dahil tumawag na ito sa akin para sabihin na may sakit siya." Panimula ni Mr. Ramirez. Wala pa rin nagsasalita sa dalawa. "Gusto ko rin sana malaman, kung totoo ba ang report sa akin ng isang estudyante na nakita daw nila si Professor Magalona na sinuntok si Professor Estrella." Nakatingin pa rin siya sa dalawa. "Pero sa tingin ko hindi ko na kailangan manigurado dahil may pasa ka Ben sa muhka. Ngayon, ang gusto ko malaman...Bakit?" Hanggang ngayon ay wala pa rin nagsasalita. Una kasi, hindi alam ni Julie kung ano ba sasabihin niya kay Mr. Ramirez. "Kasalanan ko po sir." Biglang sagot ni Ben kaya naman napatingin sa kanya si Julie sa gulat. Pero tinuloy lang niya ang kanyang sasabihin. " Gusto ko po kasi ihatid si Julie dahil umuulan. Nakita po ni Elmo kaya siguro po ay nagselos siya. Okay lang naman po." Gusto na sana umimik ni Julie. Akala pa naman niya aamin na ang hayop na ito pero ang lumalabas ay si Elmo pa ang masama. "Totoo ba iyon Julie?" Mr. Ramirez asked. "Sinuntok ni Elmo si Ben dahil sa selos?" "Sir hindi lang naman po--" "Sir, wag na po natin palakihin pa." Ngiti naman ni Ben kay Mr. Ramirez. "Pinatawad ko naman po si Elmo. May sakit din po kasi siya kaya baka hindi deretso ang pag-iisip." Mr. Ramirez shook his head. "Alright then. Basta hindi na ito mauulit." Sabi niya. "Julie Anne, please talk to your boyfriend alright? You are professionals. Please act like it. You may go." Nakangiting tumayo na rin naman si Ben at pinauna pa lumabas si Julie. Pagkasara naman ng pinto ay kaagad na hinarap ni Julie si Ben. "Ang kapal ng muhka mo." Ngumisi lang si Ben. "Papalakihin pa ba natin ang issue? Okay na yon. E nagselos lang naman talaga si Magalona kaya niya ako nasuntok." Pigil na pigil si Julie. Dahil sa totoo lang kung wala sila sa school ay kanina pa niya minura ito si Ben. Kahit lahat pa ng mura basta lang mapuruhan talaga siya ng mura. "Kaya niya nagawa yon dahil sinasaktan mo na ako." "Nagiinarte ka pa kasi." Ben scoffed. "E totoo naman sinasabi ko eh. Di naman magtatagal relasyon niyo ni Elmo. Diba puro s*x lang naman kayo? Asan ang pagmamahal doon?" PAK! Masokista ata ito si Ben. Gusto nasasaktan eh. Napahipo na lang siya sa pisngi niya at tiningnan si Julie. Ngumisi siya. "Alam mo yan gusto ko sa babae eh. Feisty." "Hayop ka." Gigil na sabi ni Julie. . "Pakipot ka pa Julie Anne." Ngisi nanaman ni Ben. Lumapit siya at hinaplos ang muhka ni Julie. The latter flinched and that only made Ben smile. "Feisty talaga. Alam mo ba lahat ng babae na gusto ko napapasaakin?" "Get used to disappointment you bastard." Julie gritted her teeth. "Mahal ko si Elmo at kahit pa anong sabihin mo walang mangyayari para maiba iyon." She walked away at narinig na mahinang tumatawa pa si Ben. "One day Julie! Ond day!" Sabi ni Ben. Julie gripped her fists. Sa totoo lang kung wala sila sa school? Kanina pa niya nasuntok si Ben. Matagal na siya naiinis dito. Masyado mahangin! Umaakyat siya ng stairs ng maramdaman niya na parang nahihirapan na siya huminga. Parang may bumabara sa dibdib niya. "Julie?" Napatingin siya sa nagsalita at nagulat sa nakita. Bakit naman nandito ito? "Kuya Frank?" "Hey." Frank smiled. Pababa ito habang si Julie naman ay paakyat. "A-Anong ginagawa mo dito?" Julie asked. "Wala si Elmo eh. May sakit siya eh." Pati sabihin yun ay nahihirapan siya. Parang nahihilo na din siya. "Ah...hindi. Binigay ko lang kay Maqui yung wallet niya. Naiwan niya sa condo ko eh." Lumaki ang mata ni Julie. "S-sa condo mo?" Nararamdaman na niya ang pagwheeze niya. "Ah oo." Parang biglang kinabahan na sabi ni Frank. "Kumain lang naman kami--Julie!" =°=°=°=°=°=°=°=°=°=°=°=°=°= Nagising si Julie sa isang kama. Alam na niya kaagad kung nasaan siya. Ang hindi niya ineexoect ay makita ang lalaki na natutulog sa tabi niya. "Elmo???" Nagising naman kaagad nag lalaki nang marinig na nagsalita siya. "Gising ka na!" Elmo said and immediately leaned in to tenderly kiss her forehead. "A-ano nangyari sa akin?" Tanong ni Julie. Pero bago pa siya makapagsalita ay saka naman pumasok sa loob ng clinic ang kanilang clinic physician. "Hello Julie." Sabi ng mabait na babaeng doctor, si Dr. Chan. "Ah, good morning po doc." Bati naman ni Julie. "Doc, ano po sakit ni Julie?" Biglang tanong naman ni Elmo habang nakahawak pa sa kamay ng girlfriend. "Ah, well, Julie..." Maingat na sabi ni Dr. Chan. "Listen carefully okay? May symptoms ka ng mild pneumonia. But don't worry dahil bibigyan na lang kita ng antibiotics. Keep taking them and you should be fine in a few days okay?" Magsasalita pa sana ang doctor ng magring ang telepono nito. "Ah please excuse me." Naiwan naman sa loob si Elmo at si Julie at kaagad naman linapitan ng lalaki ang babae. "Sioppy naman. May nararamdaman ka na pala hindi ka pa nagsalita." Julie shook her head and cleared her throat. "Sioppy, okay lang naman ako eh. Ikaw ang dapat magpahinga. May lagnat ka diba?" "Lagnat lang Sioppy." Elmo said, again caressing Julie's face. "Nawala na nga siya pagkainom ka rin ng gamot. Nabinat kang siguro ako. Pinapagod mo kasi ako lagi." "Aba at sino kaya nanglalandi sa ating dalawa?" Hamon naman ni Julie. Ngumisi si Elmo. "Ako. Pero mas wild ka." "Ah ganon. Pwes pahinga ka talaga dahil sa sakit ko." Julie smirked. Elmo leaned in and kissed her cheek. "Basta ba gumaling ka na Sioppy eh. I love you." Lambing nanaman niya. At hindi nanaman napigilan ni Julie ang kiligin. Kaya yung pinagsasabi ni Ben? Well...hanggang ganun lang iyon. "Sioppy, pigilan mo ako sapakin si Ben ah." Bulong ni Julie. Kumunot ang noo ni Elmo. "Bakit Sioppy,? Ano ginawa niya? Tadyak naman abot niya sa akin." At siyempre kwinento ni Julie ang nangyari kanina. "Pero hayaan na lang natin siya." Mabilis na sabi ni Julie. Ayaw na niya ng gulo. Gusto na lang niya makapagpahinga at gumaling sa sakit niya. "Akala niya may magagawa siya. E ikaw naman gusto ko." Bulong na lang niya. Nginitian nanaman niya si Elmo bago lumapit ang lalaki at akmang hahalikan si Julie nang... "ABA ABA NAMAN." "Tsk." Bulong ni Elmo. Kaunti na lang eh! Si Maqui talaga o. Pero nagulat siya nang makita na kasama ni Maqui ang kuya niya. "Kuya?" "Akala ko ba may sakit ka?" Pangaasar ni Frank. "Basta pala si Julie gumagaling ka. Ano, yakapsule lang pala?" Pero parehong gulat si Julie at Elmo. "M-Maq..." Julie uttered. "Kayo ba ni kuya Frank?" Ang bilis! "Ha." Maqui scoffed at tiningnan si Frank na nakangiti lang sa kanya. "Di ako mabilis gaya mo no bes. Ligawan muna ako ni Frank. Kayo kasi nito ni mokong ora orada eh." =°=°=°=°=°=°=°=°=°=°=°=°= AN: Hello! Sorry ngayon lang nakapag update! Haha! Akala ko magagawa ko kagabi di pala keri... Suri! ANyways! Mahalaga po itong chapter na ito hehe! Basta :P Salamat po sa lahat ng nagbabasa, bumoboto at nagcocomment!!! Belated birthday gift niyo na po ang pagboto at pagcomment :D THANK YOU! Mwahugz! -BundokPuno
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD