"Sioppy okay ka lang ba talaga mag-isa dito?"
Umubo nanaman si Julie habang nakatingin sa kanya si Elmo. Nararamdaman niya na nagwh-wheeze nanaman ang dibdib niya.
"Wala naman na rin ako lagnat." Sagot na lang niya. But that was a lie. Dahil hanggang ngayon ay nararamdaman pa rin niya na may kaunting init pa rin sa katawan niya.
At muhkang alam din naman ni Elmo iyon dahil maalam lang niyang tiningnan si Julie.
"Sioppy, meron ka pa lagnat."
"Eh hindi ka naman pwede hindi pumasok. Ilang araw na din." Julie reasoned out. She rested back on the bed and had to cough yet again. "Nakakatayo naman ako eh. Sige na go. Okay lang ako."
At nakita nanaman niya na parang hindi pa rin talaga sigurado si Elmo. "Sioppy please? Promise okay lang talaga ako dito. Pagkabalik mo galing school ay mawawala na itong sakit ko."
Napabuntong hininga na lang si Elmo. Wala naman siya na magagawa eh. Hindi rin kasi siya nakapasok ng dalawang araw. Kawawa din naman ang mga estudyante niya na ilang araw na nakatenga.
"O sige sige. Dadaan na lang ako dito habang lunch ha. Cellphone mo wag mo bibitawan ah." Kaagad naman hinalikan ni Elmo sa tuktok ng ulo si Julie at mahinang ngumiti lang naman ang babae bago tuluyan na umalis ang lalaki.
Sinara na ni Elmo ang pinto ng condo ni Julie at tinago ang susi sa may bulsa ng pantalon niya. Pababa na siya at medyo nagulat nang makita na nandoon si Kris at si Joyce.
"Morning Moe!" Sabi ni Joyce nang makita siya nito.
"Good morning." Simpleng bati niya. Muhkang napaaga siya. Lagi kasi maaga itong dalawa.
Nakalapit na siya sa magkasintahan at napansin na hindi nakabihis pang-office si Joyce.
"Wala ka pasok ngayon Joyce?" Elmo asked habang hawak hawak ang strap ng backpack niya.
Nakangiting umiling naman si Joyce. "Wala eh. Off ko ngayon."
"Kamusta nga pala si Julie pare?" Tanong naman ni Kris pero hindi siya sinagot ni Elmo dahil nanliliwanag ang mga mata na tiningnan si Joyce.
"Joyce!"
"O bakit?" Nawiwindang na tanong ni Joyce.
"Favor naman." Sabi ni Elmo. "Okay lang ba na from time to time pa check ako kay Julie? Wala kasi siya kasama sa taas."
At hindi lang si Elmo ngayon ay nagliliwanag ang mata. Pati na rin si Joyce.
"Nako sige sasamahan ko na lang siya doon!"
"Hon, may sakit si Julie, baka di mo naman papahingahin." Sabi ni Kris.
"Nukaba hon, siyempre papapahingahin ko siya no." Sabi naman ni Joyce at lumapit na din kay Kris para halikan ito sa pisngi. "O sige na go. Baka ma-late na kayong dalawa, ako na bahala kay Julie sige na."
Mabilis naman na lumabas ng condo building si Kris at si Elmo. They both stood at the steps just outside the building.
"Nako pare, feel ko dadaldalin ni Joyce si Julie eh." Natatawang sabi ni Kris kay Elmo.
The latter simply shrugged and started walking habang nakasunod naman sa kanya si Kris.
"Basta may bantay si Julie okay na ako..."
"Pero grabe pare, nagkapneumonia siya? Siguro nabasa din talaga siya ng ulan no?" Sabi naman ni Kris habang magkahanay sila na naglalakad ni Elmo.
Napabuntong hininga naman si Elmo at saglit pa na napatingin sa kalye. "Sakitin din kasi talaga si Julie. Kaunting malamigan nga lang inuubo at sipon na eh." He stopped when he remembered that particular night. Naikuyom niya ang kanyang mga palad at pinigilan lang ang sarili. Naaalala nanaman niya kasi si Ben. Gagong yon.
"Pre okay ka lang?" Tanong naman ni Kris. Napansin din kasi nito na namumuti na ang knuckles ni Elmo.
"Pare pigilan mo ako ah." Sabi ni Elmo. They kept walking. "Baka kasi kapag nakita ko si Ben mamaya masapak ko siya."
Hindi naman na nakapagsalita pa si Kris at tumango na lamang bilang sagot. Nakarating din sila sa school kung saan sunod sunod na bati din naman ang nakukuha nila sa mga estudyante na nadadaanan.
Dumeretso silang dalawa sa faculty kung saan naglapag sila ng mga gamit. Kakaunting propesor lang ang nandoon. Hindi pa siguro nakakarating ang iba.
Nakaupo na si Elmo sa may desk nang umupo sa harap niya si Kris.
"Narinig ko rin yung ginawa ni Ben eh." Bulong ni Kris at napalinga linga pa. Baka kasi may makarinig sa kanila. "Gago talaga siya. Matagal ko na kinaiinisan yun eh. Napakasipsip kasi kaya nakakalusot."
Elmo clicked his tongue. Totoo ang sinasabi ni Kris. Sa panlabas kasi ay akala mo kung sinong palatrabaho at masipag si Ben pero hindi totoo. Sipsip lang ito pero kapag nagtuturo nga sa klase ay puro katamaran lang din naman. Dagdag pa na masama ang ugali nito.
"May araw siya sa akin..." Nangingitngit na sabi ni Elmo. Halos malukot nga niya ang hawak hawak na papel. Tumayo naman siya sa kanyang desk at naglakad palabas.
"Pre san ka pupunta?"
"Bili lang tubig." Sobrang hina ng sagot ni Elmo na halos hindi na siya marinig ni Kris.
Dumeretso si Elmo sa canteen kung saan marami na rin na kabataan na kumakain para na rin magka-energy sa buong araw. May mga bumabati sa kanya pero wala siya sa mood kaya naman hanggang tango lang ang nabibigay niya.
Iniuman niya kaagad ang bote ng tubig na binili. Baka sakali mapawi ang galit niya kapag nalamigan ang kalooban niya. Pero hindi pa rin napawi. Naubos na niya ang bote at lahat wala pa rin. Inis pa rin siya kay Ben. Lalo na kapag naaalala niya ang kwento ni Julie tungkol dito.
Pero ayan sinisingil na siya ng pahinom niya ng tubig dahil nararamdaman niya na naiihi na siya.
Ang pinakamalapit na CR ay nasa malayong corridor sa bandang kanan kaya naman doon na pumunta si Elmo.
Tahimik dahil hindi naman masyado nagagawi ang mga tao doon, kapag lang siguro may activity sa small media room na nandoon banda.
Katatapos pa lang niya mag CR nang maalala niya si Julie. Kamusta na kaya ito? Hindi niya mapigilan ang mapangiti habang inaalala ang maganda nitong muhka.
"Alam mo nakakatakot yang pagngiti mo ng ganyan."
Mabilis na napatingin sa kanyang likuran si Elmo at napasimangot nang makita kung sino nga iyong nasa likuran niya.
"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ni Elmo nang makaharap na niya si Kiara.
Nakasandal sa may dingding ang babae at nakacross-arms pa na para bang kanina pa niya pinapanuod si Elmo.
"Wala naman. Nakita kasi kita na dumeretso dito galing sa cafeteria." Sabi nito at dumeretso na ng tayo bago naglakad papunta kay Elmo.
Hindi alam ng lalaki pero parang masyadong mabagal ang paglakad nito papunta sa kanya. Parang nanghahalina kumbaga.
Napaatras siya ng kaunti at tiningnan ng matalim si Kiara. "May kailangan ka ba?"
Kiara smirked and moved closer so that she was able to place her hand on Elmo's chest.
Gumalaw naman ulit ang lalaki pero nalaman na dingding na pala ang nasa likod niya.
"Naalala mo ba Moe nung isang gabi na umiinom tayo last year?" Kiara said, allowing her voice to vs seductive.
Elmo gritted his teeth and immediately moved to the side so that he could get away from the woman. "Ah ano yun, yung bigla mo na lang ako hinalikan?"
Nakangisi pa rin sa kanya si Kiara. "Ginusto mo din naman yun. You responded."
"I pulled away." Madiin na sabi ni Elmo. "We were drunk. And why are you bringin this up anyway?"
Gumalaw nanaman si Kiara para makalapit sa lalaki. "Wala lang naman, Iniisip ko lang, nandito naman ako non. Halos kasama mo nga ako lagi eh. Tapos dumating lang si Julie parang wala na? Ano yun, masarap lang ba talaga siya gumiling? Baka naman kaya ko siya talunin Moe."
Elmo menacingly moved towards her but was able to stop himself. "Umayos ka Kiara at baka makalimutan ko na babae ka." He gritted his teeth.
"Totoo naman eh." Sabi ni Kiara at hindi pa rin natatakit na nakatingin kay Elmo. "What's so special about Julie ba ha? Hindi nga siya ganun kaganda eh."
Elmo scoffed. "And sino ang maganda? Ikaw?" He scoffed and that caused Kiara to raise an eyebrow T him. "Sorry Kiara but kahit anong gawin mo, hindi mo mahihigitan si Julie. Siya lang naman ang babaeng nasa puso ko." He smirked her way. "So if you have this whack thinking that I'll go for you instead of her? Keep dreaming then." Nagsimula na siya maglakad palayo kahit naririnig niya na tinatawag siya ni Kiara.
Inis na inis na kasi siya. Ano ba problema ng mga ito? Una si Ben, ngayon naman si Kiara. Hindi ba nila naiintindihan na wala na sila magagawa para maghiwalay sila ni Julie?
Pumasok ulit siya sa loob ng faculty at nakita na nakaupo sa may desk niya banda si Ben. Ano naman ginagawa ng gago na yan.
May tinitingnan si Ben na photoframe sa desk ni Elmo at napatingin sa kanya.
Ngumiti ito. "Ui, pareng Elmo."
Hindi sumagot si Elmo at lumapit na lamang sa kanyang desk. Nakatayo siya sa tabi habang tinitingnan niya si Ben.
"Anong ginagawa mo diyan?"
Hindi sumagot si Ben at bagkus ay tiningnan ang picture frame sa desk ni Elmo. It was a photo of him and Julie inside her condo. He was sitting on the bed and Julie was perched on his lap with their arms around each other.
Elmo fiercely looked at the man. "Ano ba kailangan mo Ben? Nanghihingi ka nanaman ba ng rason para madagdagan yan?"
Turan niya sa pasa sa muhka ni Ben.
Nainis lang naman siya lalo nang ngitian siya ni Ben. "Masyado ka bayolente Magalona. Gayahin mo ako, lover not a fighter. Malay mo ako susunod na maging lover ni Julie."
Mabilis na gumalaw si Elmo at hindi napigilan ang kwelyuhan si Ben na nakangisi pa rin sa kanya.
"Parw awat na!" Saka namang dating ni Kris. Siguro ay kanina pa ito sila pinagmamasdan at gumalaw lamang nang ito na nga at bayolente na si Elmo.
"Umayos ka Estrella." Elmo said with gritted teeth. "Malaman ko na binabastos mo ang girlfriend ko, mapupunta ka sa ospital."
Nakangisi pa rin si Ben nang bitawan siya ni Elmo at pinapakalma naman ni Kris ang kaibigan. Mabuti na lamang at kakaunti pa rin ang mga guro. Wala masyado nakakita sa kanila.
"Pare easy ka lang muna kasi." Kris said nang lumayo na din si Ben.
Malalim ang paghinga ni Elmo. Galit na talaga itong nararamdaman niya. Gaguhin mo na siya at lahat wag lang si Julie.
Napatingin siya kay Kris. "Ganito ba talaga si Ben? Bakit ba masyado niya pinagpupunteryahan ang girlfriend ko?"
Kris merely shrugged his shoulders. "Hindi ko rin alam pare. Gago lang din talaga siya eh." Sabay naman sila napatingin kay Ben at nagtatakang nakita na kausap nito si Kiara.
At sabay din sila napatingin sa isa't isa.
=°=°=°=°=°=°=°=°=°=°=°=°=
Mabilis na binuksan ni Elmo ang pinto ng condo ni Julie at kaagad na pumasok. Tawag siya ng tawag dito na dadaan siya dahil lunch period sa school pero hindi naman siya sinasagot ng girlfriend niya.
"Sioppy?" He softly called out before closing the door behind him. Walang sumasagot.
"Joyce?"
Napaigtad naman siya nang bigla na lamang nagpakita si Joyce sa kanya. Sumenyas pa si Joyce na wag siya maingay at pinakita na nakatulog sa sofa si Julie.
"Ano nangyari?" Tanong ni Elmo kay Joyce at pinuntahan ang kasintahan.
"Nakatulog siya eh." Joyce whispered. Nakangiti lang din naman ito habang tinitingnan si Elmo. "Moe, balik na muna ako ah. May aayusin lang ako sa condo."
"Ah sige sige, salamat Joyce ah. Okay lang naman siya?" Elmo asked as he turned to Joyce.
Tumango naman ang huli. "Medyo umuubo ubo din pero okay lang." Sabi naman ni Joyce. "Uminom na din naman siya ng antibiotics."
"Sige. Salamat talaga Joyce." Mahinang ngiti ni Elmo sa babae.
Ngumiti din naman si Joyce sa kanya bago kunin ang bag at lumabas na ng condo.
Kaagad naman pinagmasdan ni Elmo si Julie na hanggang ngayon ay tulog na tulog pa rin sa may couch. Hinaplos niya ang muhka nito habang patuloy na pinagmamasdan. Kahit may sakit ay napakaganda ng muhka ni Julie. Natural lang ata na mapupula ang labi nito at talaga namang maganada ang hubog ng ilong. Pati ang mga mata niya na kapag bukas ay pakiramdam ni Elmo hinihila siya palapit. Pero ang mas mahalaga kay Elmo ay king gaano siya alagaan ni Julie at kung paano nito ipakita na mahal nga siya nito. Kaya kung ano man ang ilusyon ni Kiara...hanggang ilusyon na lamang iyon.
Dahan dahan na gumalaw si Elmo para buhatin si Julie. Kahit ba muhkang masarap na ang pwesto nito sa couch, may katangkaran ang girlfriend niya kaya hindi ito kasya na sa couch lang.
Linapag naman niya si Julie sa kama pero napansin niya na nagising ito.
"Sioppy?" Julie's voice was so soft that Elmo alsmot didn't hear.
"Go back to sleep Sioppy." Sabi na lang ni Elmo at hinalikan pa ang noo ng kasintahan.
Nakapikit pa rin si Julie nang bigla naman nito hawakan ang kamay ni Elmo.
"Sioppy." Tawag ulit ni Julie at unti unti na bumubukas ang mga mata nito.
Napabuntong hininga naman si Elmo at humiga na rin sa tabi ni Julie. Bahagaya siyang nakasit-up, ang likod sa may headboard habang si Julie naman ay nakasandal sa dibdib niya. Napaubo nanaman ito kaya naman hindi napigilan ni Elmo ang pagkunot ng noo niya.
"May ubo ka pa rin talaga." He sighed.
Julie sighed and cleared her throat. "Mawawala na din naman siguro ito." She answered before smiling up at him to kiss his cheek. "Pinuntahan mo talaga ako kahit lunch time lang?"
"Gusto ko na ulit makita muhka mo eh." Simplwng sabi ni Elmo na para bang bakit pa ba tinanong ni Julie iyon?
Ngumiti lang naman ang babae at yumakap kay Elmo. "Alam mo kung pwede lang talaga wag ka na muna bumalik na ng school. Dito ka na lang. Samahan mo na lang ako."
Elmo sighed. "Oo nga eh." At napaisip siya. Naalala niya ang nangyari kanina sa school. Sasabihin ba niya kay Julie ang sinasabi sa kanya ni Kiara? Pwro bigla niya naisip na wag muna. Kailangan muna magpahinga ni Julie.
"Nainom mo na ba antibiotics mo?" Tanong ni Elmo.
"Ah oo okay na." Sabi naman ni Julie na napapaikit nanaman. Tumango na lang si Elmo. Kailangan gumaling na kaagad si Julie para naman hindi siya lagi napapapranoid.
=°=°=°=°=°=°=°=°=°=°=°=
"Elmo ah..."
"Di pa nga tapos antibiotics mo eh." Sabi naman ni Elmo.
Nakailang araw na din kasi na hindi nakapasok si Julie kahit na wala na ito nararamdaman. Gusto kasi ni Elmo ay sigurado na siya na wala na ang sakit nito bago pumasok.
"Wala na ako lagnat Sioppy at paunti-unti na lang din ang ubo ko." Sagot naman ni Julie habang naglalagay ng pabango.
Nakasunod sa kanya si Elmo habang patuloy lang siya sa pag-aayos para sa school.
"Saka ano ba Sioppy, malapit na ang prelims ng mga estudyante kaya tigil tigilan mo na kakawirry diyan. Kailangan ko na talaga pumasok." Dumeretso siya sa closet para pumili ng sapatos.
Naiwan naman si Elmo at napabuntong hininga na lang. "Haay tigas talaga ng ulo ng girlfriend ko o."
"May sinasabi ka?!" Biglang sigaw naman ni Julie mula sa closet.
"Wala Sioppy! Kako tara na malelate na tayo!"
And as always naglakad na silang dalawa papuntang work.
Pero dati kasi naglalakad lang sila together pero ngayon ay magkahawak kamay na sila at wala sila pake kahit na napapalingon ang ibang estudyante sa kanila.
"Elmo, nakaglue ba yang kamay mo? Saglit lang mag-time in lang ako." Sabi naman ni Julie na natatawa.
At parang wala sa sarili na napangisi na lang si Elmo. Hindi rin kasi niya namalayan na mahigpit ang paghawak niya sa kamay ni Julie.
"Ay oo nga no. Haha. Sorry Sioppy." Sabi niya at sa wakas ay binitawan ang kamay ni Julie. Nakapag time in na silang dalawa at maglalakad na sana papunta sa direksyon ng faculty ng maramdaman ni Julie na naiihi siya.
"Una ka na Sioppy."
"San ka pupunta?" Tanong naman kaagad ni Elmo habang nakasunod pa rin.
Natatawang tiningnan ni Julie ang lalaki. "Sa CR, sama ka pa rin?"
"O sige kung payag ka."
"Heh." Mahinang tampal naman ni Julie sa braso nito. "Una ka na, kayo ko na ito." Sabi niya at mabilis na dumeretso sa CR. Panigurado kasi siya na magpupumilit nanaman ito si Elmo.
Nakadating na siya sa CR sa may dulo ng corridor at umihi bago lumabas. Mu tik naman na tumalon ang kanyang puso nang makita niya na nadoon si Kiara at naghuhugas ng kamay. Bakit hindi man lang niya narinig na pumasok ito?! Nauna siya eh!
"Hi Julie." Bati ni Kiara. Nagkatinginan sila sa salamin doon mismo sa CR.
Julie was never one to back out from a challenge though. "Hi Kiara..."
Tumigil ang pag-agos ng tubig sa lababo ng isara na ni Kiara ang gripo. Iwinasiwas niya ang kamay para matuyo ang kamay at may ilang butil pa ng tubig na tumama kay Julie.
The latter flinched but kept standing there.
"Kamusta ka naman?" Kiara asked a little too sweetly.
"Okay lang naman." Balik ni Julie. "Magaling mag-alaga si Elmo eh."
Saglit na nawala ang ngiti sa muhka ni Kiara at tuluyan na hinarap si Julie. Lumapit pa siya dito hanggang sa kakaunting pulgada na lang ang layo nila sa isa't isa. "Alam mo, peste ka talaga eh."
Julie scoffed and showed an amused smile. "Really? What'd I ever do to you?"
"Okay naman na kami ni Elmo. Kakaunti na lang mapapasaakin na siya eh. Tapos umeksena ka pa."
Hindi napigilan ni Julie ang kanyang pagtawa. "Talaga lang ah...kaso, bakit ganun? Unang dating ko pa lang, sa akin na siya?"
Kiara smirked. "That may be the case now, but just you wait..." She left the sentence hanging and left Julie inside that room.
Matapos ay kaagad naman na naghugas din ng kamay si Julie at bunalik sa faculty. Hindi ba niya alam kung matatawa siya o maiinis eh. Paano ba naman, masyado mapilit ito si Kiara. Lagi na lang sila ni Elmo ginagambala.
Nakapasok na ulit siya sa faculty at kaagad naman lumapit sa kanya si Maqui.
"Beeeessss!"
"Oof!" Natatawang sabi ni Julie nang yakapin siya ni Maqui.
Nakaupo naman si Elmo sa tapat na desk at naiiling na lang na pinagmamasdan ang magbest friend.
"Girl, magaling ka na ba talaga? Tara, double date tayo ni Elmo at ni Frank!"
Hindi na nakayanan ni Elmo ang hindi sumingit. "Hanggang ngayon talaga nagtataka ako sa inyo ni kuya."
"Manahimik ka mokong. Buti nga kami ng kuya mo nagliligawan pa lang. E ikaw unang kita niyo pa lang ulit ni Julie gumawa na ng baby. Imbyerna!"
"Maqui ang boses!" Nahihiyang sabi ni Julie. Nakikita niya kasi na tinitingnan sila ng mga ibang teacher at puros mga natatawa na rin.
"Eh totoo naman!" Depensa pa ni Maqui sa sarili. "Saan ka ba galing girl?"
Napairap si Julie. Umupo siya sa may upuan sa harap niya habang si Maqui ay pumwesto sa gilid ng desk niya.
"Si Kiara kasi eh."
Elmo froze at that. "Bakit Sioppy? Ano sabi niya?" Sabay hawak sa kamay ni Julie na nasa taas ng desk.
Julie gripped back. "Wala naman masyado Sioppy. Pinagbabantaan lang niya ako na aagawin ka. As if naman." She chuckled.
"Mangarap pa siya." Elmo said, taking Julie's hands in his before clasping and kissing them.
Narinig nilang may napasinghap at nakita na i iikot ni Maqui ang mata sa kanilang dalawa. "Naglandian pa talaga kayo sa harap ko. Nako, alam ko pwede din kasuhan ng PDA nga teacher eh."
Tumawa lang si Julie at napatingin sa orasan. "Kain na muna kaya tayo?" Ilang araw siya nawalan ng gana kumain pero ngayon ay balik na balik na. Hinarap niya si Elmo. "Canteen muna kami Sioppy, may gusto ka ba?"
"Yung butter slice na lang nila Sioppy. Thanks." He gripped her hand again.
Julie smiled and nodded her head before pulling Maqui with her.
"Tara Maq!"
Sabay dala naman ni Maqui sa bag ni Julie dahil doon ang pera nito. "Libre mo Julie ah!"
"Fine fine..." Natatawang sabi ni Julie. Sakto naman na may tumawag sa kanyang phone kaya bahagya siyang lumayo para makausap ito.
Binutingting naman kaagad ni Maqui ang bag ni Julie...napatigil siya ng makita ang mga pill bottle sa loob. Matagal niyang tinitigan ang dalawang bote bago siya tawagin ulit ni Julie.
"Maq tara na! Ngayon ka lang nagbagal kung kailan gutom na ako ah!" Nagsimula na maglakad palayo si Julie at humabol naman kaagad si Maqui habang napapaisip pa rin.
=°=°=°=°=°=°=°=°=°=°=°=
AN: Hey faneys! Namiss niyo ba itong story? Haha! Ang tagal ko hindi nakapagupdate! Sorry po! Natoxic lang sa work :P
And thank you so much sa reads, votes and comments!! Sorry po pala sa typos!
Abangan...ang marami raraming kaganapan sa susunod na kabanata.
Please comment or vote! Nakakagana po talaga sila :)
Mwahugz!
-BundokPuno<3