Chapter 25

2080 Words
AN: Typos again! sorry masaya magtype ng mabilisan haha! "Good morning class, take your seats and we'll start with your exams..." Paninimula ni Elmo habang nagsusulat sa board ng mga instructions. Magsasalita pa sana ulit siya nang may kumatok sa pinto ng classroom niya nang sobrang lakas na para bang masisira na ang kahoy nito. . "Sino naman yun?" Parang naiinis pa na sambit ni Elmo. Nanahimik naman ang mga estudyante sa classroom na iyon habang ang isa na pinakamalapit sa pinto ang mismong nagbukas nito. Nagulat na lang si Elmo nang makita na nandoon si Miguell at hinihingal pa. Kinutuban siya. "Miguell?" "Sir, s-si Mam Julie po. Nasa clinic." Agad na binitawan ni Elmo ang chalk at tumakbo palabas habang nakasunod si Miguell. "Stay put class!" Balik sigaw na lang niya nang nasa may pinto na. "Ano nangyari?" Elmo asked the young man beside him as they ran. "Hinimatay po siya eh." Hinihingal na sabi ni Miguell. Nagaalala naman na binilisan ni Elmo ang pagtakbo. Malapit na ako Sioppy. Nakarating na sa Elmo sa may clinic at nakitang natutulog si Julie sa isa sa mga kama na nandoon. Nakita niya na nasa tabi nito si Maqui at napapabuntong hininga. Dahan dahan na lumapit si Elmo at pumwesto sa kabilang gilid ni Julie. "Ano nangyari Maq?" Umiiling si Maqui at malakas na napabunting hininga. "Di ko alam eh. Hinimatay lang siya bigla. Okay lang naman siya kanina." Umigting ang panga ni Elmo. Noong umaga kasi ay napapansin na niya talaga na parang namumutla si Julid at muhkang pagod. Di rin naman niya alam ang dahilan kung bakit. Lumapit pa siya sa natutulog na kasintahan at hinawakan ang kamay nito. Linapit niya ito sa kanyang bibig at marahang hinalikan. Saka naman sila pareho napatingin kay Miguell na nandoon pa rin pala sa may pintuan. "Uhm, babalik na lang po ako sa klase. May exam pa po ako eh." Tumigil sa pagsasalita ang mas batang lalaki at parang iniisip pa ang susunod na sasabihin pero nagsalita na din naman. "Pwede po, balitaan niyo ako sa kalagayan niya?" Marahang nagkatinginan naman si Elmo at si Maqui bago binaling ulit ang tingin kay Miguell. "Sige, Miguell, salamat. And pwede maghanap ka ng ibang prof para makapagsimula na sa exam ang section 1-B?" "Opo sir. Sige po." Miguell took one last look at his sister before slowly walking away. Nang tuluyan nang makaalis ang bata ay tiningnan muli ni Elmo si Julie. The girl looked pale but was still so beautiful. "Sioppy, tama na ang sakit ah." Elmo said painfully. "Ayoko na nakikita na nagkakaganito ka." Saka naman niya hinarap si Maqui habang nakahawak pa din sa kamay ni Julie. "Wala pa rin ba sinasabi si doc?" Umiling lang ulit si Maqui. Gusto niya sana na mas marami pa ang masabi niya kay Elmo kaso paano naman niya gagawin iyon kung wala naman siya alam? Pagod siya na napahinga bago tiningnan ulit so Elmo. "Ano ba kasi ginagawa nito ni Julie? Baka naman laging pagod? Nakakatulog pa ba ito?" Napaderetso sa upuan si Elmo. "Oo naman. H-hindi naman namin gabi gabi ginagawa yun." That was a total lie. Dahil simula nang nangyari ang kaganapan kasama si Ben ay parang hayok na hayok si Julie kay Elmo. Siguro ay humihingi na din ito ng comfort sa pangyayari at si Elmo naman ay hindi makatiis. "Huwag ka defensive Magalona, nagtatanong lang naman ako." Sabi naman ni Maqui at napailing na lamang habang tinitingnan ulit si Julie. Parang na-knockout talaga ito. Tulog na tulog kasi. "Pero sigurado ka talaga? Eh KO o!" Napabuntong hininga na lang si Elmo at napailing. "Hindi nga Maq." Mas magaling siya magsinungaling kay Julie. "Ewan ko ba kasi ang tagal niyo kami bigyan ng inaanak." Irap ni Maqui. Napangisi naman si Elmo. "Di mo lang alam Maq, na gusto ko na buntisin si Julie. Gusto ko na rin ng little Elmo at little Julie." Kaso wala eh. She's on birth control. Nanahimik lang silanf dalawa nang mapansin nila naunti unti na nagigising si Julie. Napatayo naman si Elmo mula sa kinauupuan at tiningnan ito. "Sioppy?" Julie released a soft moan before she writhes on the bed and turned her head to her left. Elmo was there and he watched as Julie opened her eyes. "Sioppy." He whispered before leaning down to softly kiss her lips. "Harujusko ito nanaman po sila." Narinig lang ni Elmo na bulong ni Maqui. "Ano nangyari?" Julie asked. "Nahimatay ka…" Sagot naman ni Maqui. "Buti na lang nasalo ka ng kapatid mo." Magsasalita pa sana sila Julie nang pumasok na si Dr. Chan mula sa kabilang kwarto. Ngiting ngiti ito sa kanilang lahat. Napakunot naman ang noo ni Elmo. Ano, masaya pa ito na nagkakasakit nanaman ang girlfriend niya? "I see you're awake Julie." Sabi ni Dr. Chan. The doctor opened her mouth to say something when Maqui spoke first. "Doc hula ko po…over fatigue po itong best friend ko ano?" Natawa naman ang doctor. "Ang galing mo Frencheska ah. Akala ko music ka? Bakit med ata course mo?" Tumawa lang naman si Maqui. "Eh pano doc, itong magjowa ata kasi na ito wala ginawa kundi magsex--aray!" "Eh kung bigwasan kaya kita diyan Maq?" Sabi ni Julie matapos kurutin si Maqui. Napapout lang naman ang huli habang natawa nanaman si doctora at nagsalita ulit. "Well, baka iyon nga talaga ang dahilan…" Natigilan naman ang natitirang tatlong tao sa kwarto na iyon. "P-po?" Sabi ni Elmo. Masamang epekto na ba talaga ang madalas na pagtatalik? Nako muhkang napapagod na ang Sioppy niya dahil sa kanya. Dr. Chan smiled again. Intisik na smiling face talaga ito eh. "Well, congratulations…Julie is 3 weeks pregnant." Katahimikan. Hanggang sa… "AHHHHHHH NINANG NA AKO!" At pinanuod ni Julie na tumakbo palabas ng clinic at sa mga corridor atang best friend niya habang nagsisisgaw ito. "Guys! Buntis si Julie! Ninang na ako!" Natatawa lang naman si Dr. Chan bago tingnan ang magkasintahan. Umupo ito sa tabi ni Julie at marahang hinawakan ang kamay nito. "You take care of yourself okay Julie?" Saka tumingin kay Elmo. "At ikaw Elmo, aalagaan mo ito ah. Make sure na lagi siyang safe." Saka naman ito tumayo. "Reresetahan lang kita ng vitamins." Bumalik na ito sa opisina kaya naman naiwan ang magkasintahan sa kwarto na iyon. Pinanuod ni Elmo si Julie at nakita na parang nalilito pa ang ekspresyon nito. Pero siya? Siya masayang masaya. Literal na naiiyak na siya sa saya. Kaya naman linapitan niya si Julie ng marahan. "Sioppy." He called out. Parang tulala pa rin kasi talaga ito. Ayaw ba nito? Ayaw ba nito ng baby? Gusto niya na ata talaga umiyak. "S-Sioppy…" At saka naman tumingin sa kanya si Julie. "Ano kaya maganda na pangalan no? Isip na tayo ng both for a girl and a boy." Natigilan si Elmo bago niya nakita ang malawak na ngiti ni Julie. Hindi niya napigilan ang mapatalon sa tuwa at walang sabi na sinunggaban ng halik ang kasintahan. Tuloy tuloy na din na tumulo ang luha niya sa sobrang kasiyahan. "O, Papa, naiiyak ka nanaman. Pakaiyakin mo talaga." Biro ni Julie nang matapos ang halik at haplusin niya ang muhka ni Elmo. Suminghot lang naman ang lalaki. Masyado siya masaya. "Mahal na mahal kita Sioppy." Then he kissed her temple before travelling down to do the same to her tummy. "Ikaw din baby, mahal ka ni Papa." Pakiramdam ni Julie sasabog ang puso niya sa sobrang saya. A baby. She has a baby. Inside her womb. She and Elmo will be having a baby! "Mahal na mahal din kita Elmo Magalona." She cooed before pulling the man down and kissing him fervently. Then she touched her tummy and couldn't help but smile. =°=°=°=°=°=°=°=°=°=°= "Let's celebrate!" Masayang sabi ni Kris. Nasa isang resto-grill sila kung saan may acoustic band na tumutugtog. Maganda ang ambiance. Saktong sakto lang. "Julie, di na pala uso GM ngayon, si Maqui pa lang alam na ng lahat." Nakangiting sabi naman ni Tippy. "Totoo ba?" Natatawa naman na sabi ni Joyce habang nakaakbay sa kanya si Kris. "Totoong nagsisisigaw si Maqui sa may Apollo-Artemis?" "Oo grabe laughtrip!" Sabi naman ni Sam. Pero wala pake si Maquo sa pinagsasabi nila. Masaya lang talaga siya eh. Nasa isang malaking booth sila kung saan kasya silang lahat. Nakasandal si Julie kay Elmo na inaamoy amoy ang buhok niya. "Basta bes ah. As in. Ninang ako!" Hindi mapakali na sabi ni Maqui habang nagtetext. "Teka sasabihin ko kay Frank!" Ngumisi si Elmo. "Pakisabi ninong na din siya." "Magpartner na yan o!" Commento ni Kris. "Sagutin mo na kasi yung kuya ni Elmo, Maq." "Di pa siya naghihirap no. Wag muna." Sabi ni Maqui bago binaba ang phone at nginitian nanaman si Julie. Hindi na niya napigilan at hinila ito palapit kay Elmo para yakapin kaya napasimangot ang lalaki. "I'm so happy for you bes! Pero teka, pano yon? Akala ko ba nagpipills ka?" "Oo nga Jules." Nagtataka din na tanong ni Tippy at hinarap ang kaibigan. "Paano yon, naflush ba ni Maqui?" "Gaga Tips di ko nagawa nakabantay 'to si Julie eh." Maqui nudged her friend. Nakangiting napapailing na lang si Julie. "Ganito kasi…" "Doc?" "Yes?" Harap naman ni Dr. Chan sa magkasintahan na nakaupo sa kama. Katatapos lang niya kasi magbigay ng reseta. "Kung pwede lang po magtanong, paano po nangyari yun? E nagpipills po ako?" Julie asked. Hindi naman sa ayaw niya mangyari ito. Siguro nung una nilang arrangement ni Elmo oo. Pero ngayon ay wala na siyang hihilingin pa na iba. Pinagtatakhan lang niya talaga kung bakit nakalusot ang isa sa mga sundalo ni Elmo. Napabuntong hininga naman si Dr. Chan. "I believe it's because you took antibiotics Julie. I wasn't aware you were taking pills thought. And the antibiotics I gave you for your pneumonia caused a side effect so the pills didn't work." "Hallelujiah sa antibiotics!" Sabi nanaman ni Maqui at natawa lang ang mga kabigan nila. =°=°=°=°=°=°=°=°= Mariwasay na nakauwi sa condo si Julie at si Elmo at alagang alaga naman ang huli sa kanyang minamahal. Naghalf bath na din si Julie at sumunod naman si Elmo para handa na sila matulog kinabukasan. Nasa kama na si Julie at nagbabasa ng libro nang tumabi naman sa kanya si Elmo na ang suot ay tanging sando at boxers. Nakasandal pa rin sa may head board ang babae at binaba na lamang ang libro nang makita na tapos na magpunad si Elmo. Humiga naman ang lalaki at nakayakap ang katawan kay Julie. Ang tenga naman niya ay nakasandal sa tiyang ng dalaga. Hindi niya mapigilan ang mapangiti. Buntis si Julie. Magkakaanak na sila. Kahit ilang beses niya naririnig iyon ay parang hindi talaga nagsisink in sa kanya sa sobrang tuwa niya. Inangat niya ang ulo para magtama ang tingin nila ni Julie. "Ano gusto mo pangalan Sioppy?" He asked. Napaisip naman si Julie. "Gusto ko kapag babae…EJ yung start ng names. Tapos kapag lalaki naman, JE." Ngumiti lang ulit si Elmo. "I like that. Magiisip na ako ng pangalan." He kissed her tummy yet again and they stayed in comfortable silence. Nang bigla nanaman magtanong ito si Elmo. "Sioppy?" "Yes Sioppy?" Umangat na si Elmo at hinila si Julie para nakapatong ito sa kanya at magkaharap na sila. "Masaya ka naman diba? Masaya ka na magkakababy na tayo?" Natawa si Julie sa sinabi nito. "Oo naman. Masayang masaya. Bakit mo pa tinatanong?" "Eh kasi…" Nahihiyang simula ni Elmo at nag-iwas pa ng tingin. Ang cute, namumula ang muhka nito. "Nagbirth control ka nga diba? Tapos biglang mabubuntis ka." Julie looked tenderly at him before she caressed his face and he leaned to her touch. "Sioppy, we started with this arrangement that it would be just something on the side. But of course, as time passed, I knew…  I could never go on without you again." She leaned in and kissed him softly. "I guess, that something, became something better." Elmo smiled at that before gazing at Julie's eyes. And he had to nod his head. "Definitely something better…" =°=°=°=°=°=°=°=° AN: Short update I know! Meron pa tomo! Pero nasagot na ba ang mga katanungan nating lahat?! Hahaha! Happy me :) Happy you? Haha! Maraming salamat po sa nagbabasa! Sa lahat ng bumoboto nagcocomment at kung ano ano pa! Pati sa twitter! Nakikita ko ang thoughts niyo and they make me so giddy. Please continue supporting! Mwahugz! -BundokPuno
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD