"Sioppy, okay ka na b--" Napatigil sa paglalagay ng sapatos si Elmo nang marinig na dumuduwal ang kanyang nobya sa kanilang bathroom. Agad naman niya binitawan ang hawak na isang pares ng sapatos at patakbo na pumasok sa kanilang kwarto at kung saan si Julie ngayon.
Nakaluhod sa may sahig si Julie at hinihingal na linalabas lahat ng nakain niya sa may inodoro. Lumapit sa kanya si Elmo at tumabi bago hawiin ang buhok at hagurin ang likod nito.
"Kaya mo ba talaga pumasok Sioppy?" Elmo worriedly asked as he helped Julie back on her feet.
It's been two weeks since they learned na buntis si Julie. Medyo madalas ang morning sickness nito pero sinabihan naman sila ng kanyang OB na it's normal and actually shows na okay ang kanyang pregnancy.
"Wag ka na lang kaya pumasok muna?" Sabi naman ni Elmo habang nakaupo na ulit sa kama si Julie.
Huminga ng malalim si Julie. "Okay lang naman ako Sioppy. Sobrang rami na kaya ng naging absences natin. Hindi naman ako hihimatayin na ulit." She assured him with a small smile. "Sige na, magsapatos ka na. Toothbrush lang ako then we'll go."
Tumayo na ulit si Julie at hinayaan sa may kama si Elmo bago bumalik sa bathroom.
Napahinga na lang ng malalim si Elmo. Alam naman niya kasi na kahit anong sabihin niya ay wala na siya magagawa. Matigas din ulo nitong nobya niya eh. Bantay sarado na lang siguro siya pagdating sa school.
Maingay ang grounds pagdating nila sa Apollo-Artemis. Sa rami ba naman ng estudyante pano g hindi ito iingay.
Alalay na alalay naman si Elmo sa nobya, naninigurado na walang mangyayaring masama dito. Ni langaw o langgam hindi pwede dumapo dito.
Enjoy na enjoy din naman si Julie dahil dito at talaga namang mahigpit ang hawak sa kamay ni Elmo habang sila ay naglalakad. Dati naman ay hindi siya ganito ka-clingy. Minsan pa nga ay lagi na lang niyang pinagsusungitan si Elmo pero ngayon ay para bang lagi niya ito hinahanap hanap at lagi din niya itong gustong nakikita at naamoy. Epekto siguro ng kanyang pagbubuntis.
"Dapat kumain ka ulit Sioppy kasi naluwa mo ata lahat ng kinain mo kanina eh." Sabi naman ni Elmo habang naglalakad na sila ni Julie papunta sa faculty room. "Bilhan na lang kita sa canteen ng sandwhich ha?"
Napahigpit naman ang hawak ni Julie sa kamay ng lalaki. "Sama ako Sioppy."
Hindi napigilan ni Elmo ang mapangisi. "Saglit lang ako Sioppy. Pahinga ka na lang muna sa may faculty."
"Deh ayoko. Gusto ko sumama sayo."
Hala ka. At wala naman na nagawa si Elmo dahil lalong humigpit pa ang hawak ni Julie sa kanyang kamay. Pero aaminin naman niya na nageenjoy siya eh.
At ayun nga at hindi pa nila binababa ang mga gamit nila sa faculty ay dumeretso na sila sa canteen ng school.
Malayo layo pa lang ay kaagad na nakikita ni Julie ang pamilyar na tandem ni Miguell at ni Bianca.
"Hi ate--ah, mam po pala." Nahihiyang sabi ni Miguell.
Hindi napigilan ni Julie ang mapangiti. Ang swerte lang niya na ganito ang kapatid niya. Napakabait.
"Kamusta na po kayo mam Julie? Kamusta na po ang baby?" Si Bianca naman ang nagsalita. Saka naman siya humarap sa kaibigan. "Miguell, tito ka na pala!"
"Oo nga no!" Mahinang tawa namn ni Miguell bago nila harapin muli si Elmo at si Julie.
Masayang ngumiti naman si Elmo at si Julie Anne. "Mag-one month pa lang siya eh. Naeexcite na nga ako." Sabi naman ni Julie.
"Pero mas excited po ata si Mam Maqui." Natatawa naman na sabi ni Miguell.
Alam na ata ng buong school kasi na magkakainaanak na si Maqui.
"Kaya hindi pwedeng hindi siya ang gawin naming ninang." Nakangiting sambit naman ni Elmo.
Saka naman nila narinig ang bell kaya nagmamadali na nagpaalam si Miguell at si Bianca.
"Oops, baka po malate kami. Sige po mam! Sir!" Paalam ni Miguell at Bianca.
Napataas naman ang kilay ni Julie nang makita na magkahawak kamay na umalis ng canteen ang dalawa. Nagkatinginan sila ni Elmo at hindi napigilan ang mapangiti. Muhkang nagkadevelopan ang mga chikiting!
=°=°=°=°=°=°=°=°=°=
Puros activity muna ang binibigay ni Julie sa mga estudyante niya. Ngayob ay pinagsulat niya ang mga ito ng kanta na ip-present nila sa susunod na meeting habang siya naman ay nagaayos ng records niya. Nakaupo siya sa may desk at alam niya na may iba ay kung hindi man gagawin ngayon ay mamaya na gagawin kaya medyo maingay ang klase. But it was part of being a teacher so she was already used to it.
Patuloy siya sa pagsusulat sa class records niya nang makita niya na palapit sa kanya ang tatlong bibong estudyante niya.
Tumigil siya sa ginagawa at nag-angat ng tingin para ngiyian ang mga ito.
"Yes girls?" She asked once they were right in front of her desk.
Humahagikhik na lumapit ang mga batang babae sa kanya.
"Mam, kamusta naman po kayo??" Sabi ni Hazel.
Nakangiti pa rin na tumango si Julie. "Mabuti naman. Bakit niyo natanong?"
"Blooming po kasi kayo mam." Tila kinikilig na sabi naman ni Sera.
"Ano ka ba Sera." Biglang singit naman ni Bernadette habang tinatampal ang braso ni Sera. "Buntis kasi si Mam Julie. Talagang nakakablooming."
"Matagal naman na blooking yan si Mam." Comment ulit ni Hazel.
Natawa na lang si Julie. "Kayo talaga. Tapos na ba mga kanta niyo?"
"Medyo mahirap nga po mam eh." Sabi ni Sera. "Ano po ba tips para makagawa ng magandang kanta?"
Napaisip si Julie. "Take inspiration. Saka...go with the flow sa mga iniisip mo. And actually, wag masyado magisip, just feel..."
Nakatingin lang ang tatlo sa kanya matapos niya magbigay ng tips at napansin niya ito.
"Bakit?"
"Inspired po kayo no mam?" Nakangisi na sabi ni Sera.
Namula ang muhka ni Julie at dahil doon ay napahagikhik ang talo niyang estudyante.
"Eeeehh dahil po ba kay sir Elmo yan? Bagay na bagay po talaga kayo mam." Kinikilig na sabi naman ni Hazel.
"Te ang gwapo at ang ganda siguro ng babies nila if ever no?" Comment naman ni Bernadette.
At tuluyan na nangdiskusyon ang mga babae sa harap niya. Napapangiti lang naman si Julie nang mag-isa. Dahil ang totoo? Inspired naman talaga siya eh. Napahawak siya sa impis pa rin na tiyan at bumulong. "I love you baby, papa and I will give you all the love you need."
"Ayan te kinakausap na baby niya!"
Natawa na lang si Julie. Ang close niya talaga sa mga estudyante dahil kakaunting taon lang naman ang tinanda niya sa mga ito.
"Excited na ako..." Masayang sambit ni Julie. Kung pwede lang pabilisin ang ang oras eh.
=°=°=°=°=°=°=°=°=°=°=
Pumasok si Julie sa loob ng faculty matapos ang period niya na iyon. Kakaunti lang nanaman ang prof sa loob dahil panigurado ang iba ay mayroon pa mga klase.
"Hi Jules!" Bati ni Kris nang makita si Julie na papasok ng kwarto. "Kamusta pagbubuntis?"
Julie lightly smiled. "Well, it's not that easy."
"Haha oo nga naman. Biro mo may lalabas na isa pang tao sayo."
"Shh Kris ah wag mo tinatakot best friend ko." Biglang sabi naman ni Maqui sa likod ni Julie. Nakita kasi nito na nanlaki ang mata ng huli.
Kris smiled sheepishly at them. "Joke lang Jules."
Umupo naman na si Julie sa desk niya. Hindi siya mapakali. Nararamdaman niya kasi na...masikip. Saka galaw siya ng galaw.
"Hoy bakla, okay ka lang ba?" Tanong ni Maqui sa kanya habang si Kris naman ay naglakad palayo.
Tiningnan naman ni Julie si Maqui at sinubukan ngumiti. "A-ah ako? O-oo naman. Bakit mo natanong."
"Nako, sa akin ka pa ba magsisinungaling ha Julie Anne." Nakapamaywang na sabi ni Maqui. At patuloy niya na tiningnan ang kaibigan. "Eh kanina ka pa hindi mapakali diyan, anyare ba?"
Napahinga ng malalim si Julie bago tingnan ang kaibigan. No use hiding it. "Maq...ang sikip eh."
Napakunot ang noo ni Maqui. "Ha? Ano?"
"Y-yung bra ko..."
"O...ano meron sa bra mo?"
Napahinga ng malalim si Julie. "Sumisikip. Sabi sayo ang bigat ng boobs ko eh." Nahihiya siya na napatingin sa baba.
Nung una ay wala siya narinig hanggang sa humagalpak na ng tawa si Maqui kaya naman hinila siya paupo ni Julie at pinanlakihan ng mata.
"Maq, ano ba, ang ingay mo." Napatingin tingin sa paligid si Julie at nagpapasalamat na walang tao. "Baka marinig ka eh."
"Ano ka ba, hindi naman nila alam. Saka madalas na problema ng mga buntis yan no." Natatawa pa rin na sabi ni Maqui. "Ang laki naman ng problema mo...oha double meaning yon."
"Tsk." Mahinang pinalo ni Julie si Maqui sa braso. "Samahan mo ako mamayang lunch?"
"Bakit? Ano gagawin mo?"
"B-bili ng bagong bra..."
"Ano?" Napatingin silang dalawa sa nagsalita at nakitang nandoon na si Elmo sa harap nila at naglalagay ng gamit sa desk.
=°=°=°=°=°=°=°=°=°=
"Sioppy..."
"..."
"Siopppyyy."
"Elmo magtigil ka ah." Sabi ni Julie habang naglalakad silang dalawa ng nobyo niya sa mall. Sa totoo lang naiinis siya kasi pinagtulungan siya nito saka ni Maqui. Si Elmo na lang daw kasi ang sasama sa kanya sa pagbili habang si Maqui naman ay pumayag kahit na ayaw ni Julie. Eh sa nahihiya siya magshopping para sa bra nang kasama ang ama ng dinadala niya.
Hindi naman napigilan ni Elmo ang sarili sa pagtawa. Kahit anong gawin kasi ni Julie, magtaray man o hindi, nabibighani sa kanya si Elmo. Kaya mabilis siyang humabol dito, na madali.lang naman dahil napakahaba ng biyas niya, at inakbayan ang nobya.
"Tara na Sioppy, ang bagal mo talaga maglakad. Kahit anong bilis mo nahabol pa rin kita." Pangaasar nanaman ni Elmo.
Sinimangutan siya ni Julie at sinubukan pumiglas ng babae pero sadyang mas malakas sa kanya si Elmo eh.
"Ops ops, dito ka lang." Nakangisi nanaman na sabi ni Elmo bago halikan ang pisngi ni Julie.
At wala na nagawa ang huli kundi magpatianod hanggang sa makarating na sila sa isang department store sa mall na iyon.
Sa women's section kaagad sila dumeretso at napairap nanaman si Julie dahil kitang kita niya kung papaano lamunin ng tingin ng mga sales lady si Elmo. Aba parang wala siya doon ah! Samantalang nakapulupot ang braso nito sa kanya!
Nagtimpi na lang siya. Damn these hormones!
"Yes po mam?" Sabi ng isang sales lady nang makalapit na sila. Nagtaas naman ng kilay si Julie. Maka-"yes mam" ito samantalang kay Elmo naman nakatingin.
She cleared her throat. "Uh, patingin ako nung mga cup Cs niyo." Di niya alam kung ganun ba ang hahantungan ng boobs niya ngayong buntis na siya pero talagang mabigat kasi.
"Right away mam." Sabi naman ng sales lady at may huling tingin pa kay Elmo na kay Julie lang naman nakatingin.
Nang silang dalawa na lang ang nandoon ay nagsalita naman na ang lalaki. "Sioppy..."
"Hmm?" Julie voiced out as she randomly looked at bras. Nag-angat na siya ng tingin kay Elmo at nakitang tinititigan siya nito. Parang namula naman siya. Kahit matagal na ang relasyon nila ay minsan nadadala pa rin siya sa mga tingin ng lalaki.
Nagpatuloy ng ilang minuto ang pagtingin sa kanya ni Elmo bago nagsalita ito. "Sure ka na cup C? Parang D na yang boobs mo eh."
"Elmo!" Julie hissed.
Elmo could only smirk. "Totoo naman ah!"
"Gusto mo sa couch matulog mamayang gabi?"
"Whoo kunwari ka pa." Paglambing ni Elmo at yinakap yakap pa si Julie. "Di mo naman ako matitiis eh."
"Manahimik ka Magalona." Julie blushed. But inside she was smiling triumphantly. Paano ba naman. Ang kaninang masasayang tingin ng mga babae ay puros naging inis nang makita kung gaano kalapit sa kanya si Elmo.
After many fittings, nakahanp na din ng bra si Julie na sakto lang sa boobs niya and she couldn't be happier. Feeling niya nakakahinga na ulit siya.
Nakakachallenge talaga itong kanyang pregnancy!
"Saktong sakto ang fit." Masayang balita ni Julie kay Elmo matapos niyang suotin na kaagad ang isa sa kanyang bagong mga bra.
Inakbayan naman siya ni Elmo at sabay na sila naglakad habang naghahanap ng makakainan.
"Sabi sayo lumalaki eh." Sabi nanaman ni Elmo.
Mahinang siniko siya ni Julie sa tagiliran dahilan para matawa na lamang siya. Sa paglalakad nila ay may nadaanan naman sila na baby store at si Elmo pa ang naunang humila kay Julie papasok sa loob.
Iba't ibang kagamitan para sa sanggol ang nakita nila. At nakita naman ni Julie kung paano nagliwanang ang mga mata ng nobyo habang pinagmamasdan ang mga ito.
"Sioppy ang ganda nung crib o,." Excited na sabi ni Elmo habang hinihila si Julie palapit sa nasabing crib. "Ito na Sioppy ah, ito na bibilhin natin para sa kanya." Paano ba naman ito hindi maeexcite. E musical yung crib. May design pa ng piano at gitara sa mismong pagkakahoy.
Natawa na lang si Julie at tumango. Nakita niya kasi na tuwang tuwa ang mga tauhan sa shop sa inaakto ni Elmo.
Hinawakan naman nito ang kamay ni Julie at marahang hinalikan iyon. "Excited na talaga ko Sioppy. Gusto ko na makita baby natin."
Hinalikan din naman ni Julie ang kamay ng lalaki. "Ako din Sioppy..."
=°=°=°=°=°=°=°=°=°=°=
AN: Mahirap nga ba magbuntis? Haha! Anyways! How was le chap? :D mas marami pa po kaganapan sa susunod :D abangers po tayo.
And sobrang thank you ulit sa nagbabasa! Please comment and of course vote! It would mean the world to me :) Thank you so much!
Mwahugz!
-BundokPuno<3