AN: Typo here, there and everywhere :)))
Elmo woke up in the middle of the night. Napabalikwas siya sa kama at napansin na parang malamig. Tumingin naman siya sa kabilang side ng kama at nakita na wala doon si Julie.
Mabilis niyang tinanggal ang pagkapulupot niya sa kumot bago tumayo mula sa kama.
"Sioppy?" He called as he stepped out of the bedroom.
Sumilip pa ang ulo niya sa may living room ng condo pero wala pa rin si Julie.
And then he heard the clinking of plates and glasses.
Alam na niya kaagad kung saan makikita ang nobya
Madilim sa loob ng kusina at ang tanging ilaw ay sa maliit na hanging lamp nasa tabi ng ref. Pero kitang kita ni Elmo si Julie habang ito ay may kinukuha sa loob ng fridge.
"Sioppy?" Elmo softly called out. Napatingin naman si Julie sa nagsalita at hindi napigilan ni Elmo ang mapangiti.
Paano ba naman. Ang cute cute ni Julie na hinarap siya habang may kagat kagat na isang maliit na stick ng carrot.
Linapag ni Julie ang hawak na bowl ng yogurt at inubos ang kinakain na carrot bago nginitian si Elmo. "Hi Sioppy, sorry, nagising ka ba? Nagugutom kasi ako e." She replied at umupo na sa may counter banda bago lantakan ang carrots. Nakailang stick din siya bago niya naalala na nandoon pala si Elmo kaya naman kaagad niyang inalok ito.
"Sioppy, gusto mo?"
She looked so cute and innocent na hindi nakapagpigil si Elmo na lumapit at hawakan ito sa magkabilang pisngi.
Nakatayo siya at ang ang babae naman ay nakaupo kaya nakatingala sa kanya si Julie, pareho silang may maliit na ngiti sa muhka. "Mahal na mahal kita Julie Anne San Jose."
Nakangiti pa rin si Julie na hinawakan din naman ang kamay ni Elmo na nakalapat sa muhka niya. "May ginawa ka ba kasalanan ha Elmo? Bakit ka ganyan?"
Mahinang natawa naman si Elmo at lumapit para halikan ang noo ng kasintahan. "Wala ako kasalanan mahal kong Sioppy, gusto ko lang talaga malaman mo na mahal kita."
And Julie gripped Elmo's hands tight. "Kahit hindi mo naman sabihin Sioppy, ramdam na ramdam ko. At... mahal na mahal din kita."
They smiled at each other, just savoring the feeling as they gazed into each other's eyes. Saka naman lumayo saglit si Julie at kumain nanaman ng carrots. "Pero mamaya na Sioppy nagugutom ako eh."
Natawa nanaman si Elmo at umupo na sa tabi ni Julie at pinanuod ito na kumain.
Nahihiyang tiningnan naman ni Julie ang nobyo. "Sorry talaga Sioppy ah, gutom na kasi talaga ako."
Nginitian lang naman ni Elmo ang dalaga at inakbayan nito para halikan sa pisngi. "Naghahanda na ako sa'yo Sioppy. And I couldn't be any happier, you're carrying Baby Magalona number one remember?" He cooed as he caressed her tummy.
"Number one?" Natatawang sabi ni Julie. "Hanggang ilan ba itong baby Magalona na ito?"
"Pwedeng 15..."
"15?!"
=°=°=°=°=°=°=°=°=°=
"4 chord progession songs are the trend these days..." Pagsisimula ni Julie habang nagtuturo siya. Maya-maya kasi ay solo lessons nanaman siya at ang sched niya ay kay Miguell.
Nagsusulat siya sa board ng notes nang mapatigil siya dahil parang umiikot saglit ang mundo niya. Nakahawak pa rin siya sa chalk at saglit na napatingin sa baba hanggang sa bumalik na sa normal ang paningin niya.
Pagbalik tingin niya sa klase ay nakita niya na nagaalala ang mga ito sa kanya.
"Mam are you alright?" Tanong ni Jerry, isa sa masisipag niyang estudyante.
Nginitian naman ito ni Julie. "Thank you Jerry, I'm alright." She shook her head awake and went back to writing on the board.
"Ganun talaga guys kapag buntis..."
"Papahingahin na natin kaya si Mam Julie?"
Lihim naman na napangiti si Julie. Swerte lang talaga niya na may pake rin naman sa kanya ang kanyang mga estudyante.
Natapos naman niya ang klase at isa isa na nagpaalam sa kanya ang mga estudyante bago niya kalapin ang gamit niya. Papaalis na sana siya nang marinig niya na nagkakagulo sa labas.
"Ay shet ang sweet haha! Sweet talaga!"
"Sir Elmo ang sweet mo talaga!"
"Sinundo pa talaga o!"
Tuluyan na siyang napatingin sa may pintuan ng classroom at nakita na nandoon si Elmo na may dala dalang...orange rose?
"HI Sioppy." Bati ni Elmo bago halikan sa pisngi si Julie.
The latter blushed hard as she looked at the man in front of her. "Ikaw talaga Sioppy pinuntahan mo pa ako." Pero aminado naman siya na kinikilig talaga siya eh.
Panay lang naman ang ngiti sa kanya ni Elmo at napailing na lang siya.
"Saan ka naman nakakuha ng paper rose?" Natatawang sabi ni Julie habang dinadala ni Elmo ang kanyang mga gamit at sabay na silang lumabas ng room.
May tira tira pang kinikilig na mga estudyante na nag-give way naman sa dalawang guro nang maglakad na sila palayo.
"Gumawa ako." Kibit balikat ni Elmo. "Pinaactivity ko sila kaya ayun ginagawa ko habang busy sila."
Napatawa si Julie. "Gumagawa ka ng rose sa harap ng students mo?"
Nagkibit balikat lang naman ulit si Elmo. "Pake nila. E gusto kita gawan ng rose."
Umiling lang naman ulit si Julie hanggang sa makarating na sila sa faculty.
"Ano ba next class mo? Baka nahihilo ka ulit? Absent ka na lang kaya."
Ito nanaman. Napahinga na lang ng malalim si Julie at hinawakan ang muhka ni Elmo. "Sioppy, I'm fine alright? Saka normal naman talaga itong morning sickness ko eh. Saka yung iba ko pa na nararamdaman." She held his cheek with her hand. "Hayaan mo, kapag weekends wala ako gagawin kundi magpahinga, okay ba iyon?"
Tumango naman si Elmo. Alam naman niya na maalaga sa sarili ang nobya at alam niya na aalagaan nitong mabuti ang kanilang anak habang nasa sinapupunan pa.
"O sige, thank you for the rose. Never itong malalanta." Sabi ni Julie bago halikan ulit ang pisngi ni Elmo. Kinalap na niya kaagad ang ibang kagamitan dahil 10 minutes lang naman ang break bago niya kinailangan dumeretso sa studios. Ayaw na rin niya magtagal pa doon dahil panigurado pipigilan siya ni Elmo.
Nakita niya na nasa loob na si Miguell at tahimik na pinagmamasdan ang mga music sheet sa harap. Nakaready naman ang ngiti sa kanyang muhka nang pumasok siya.
The door sounded as she opened it and Miguell glanced her way. A simple smile was on the kid's face.
"H-hi m-mam." Bati ni Miguell.
Mahinang natawa si Julie. Alam naman niya kasi na nahihiya nanaman ang kapatid niya sa kanya.
"Kapag tayong dalawa lang Miguell, okay lang naman na ate ang tawag mo sa akin."
Napakamot sa likod ng ulo niya si Miguell at nginitian nanaman ang kanyang ate. "Ah hehe. Sige po a-ate."
"So saan tayo magsisimula nga ba?" Julie asked. Seryoso siya sa kanyang trabaho and she wanted the best for Miguell. Especially him since he was her little brother after all.
Nagpatuloy tuloy naman sila sa lesson until it was time for that short break they had every session.
Umiinom ng tubig si Julie nang mapansin niya na tinitingnan siya ni Miguell.
"What is it?" She softly asked.
Nagulat naman si Miguell dahil muhkang hindi nito aakalain na mapapansin siya ng ate. Pero dahil nahalata na nga siya, nagpatuloy na siya sa sentimyento. "Uhm ate..."
Di naman sumagot si Julie dahil hinihintay niya ang sasabihin nito. "M-magkakababy na po kayo ni sir Elmo. H-hindi po ba oras na makilala ka na ulit ni papa?"
Tila kinabugan naman si Julie. Parang kinabahan siya sa tanong na iyon ni Miguell. It's only been a couple of months din kasi since magkaalaman na sila. At hanggang ngayon ay hindi pa rin talaga siya handa.
Nakita naman iyon ni Miguell kaya kaagad ito nag-iwas ng tingin. "Ah, sorry po ate. Wag niyo muna po pala isipin."
And Julie was glad for that. Linapitan naman niya ulit si Miguell at marahang hinagod ang likod nito. "I'm sorry Miguell, hindi pa kasi ako talaga ready."
Mahinang ngumiti naman ang nakababatang kapatid. "Naintindihan ko po ate."
=°=°=°=°=°=°=°=°=°=
Bumalik si Julie sa faculty na iniisip pa rin ang sinasabi sa kanya ni Miguell. Handa na nga ba siya harapin ulit ang tatay niya? Napatigil siya sa paglalakad sa corridor at tumingin lang sa bintana.
Napahawak siya sa kanyang tiyan. She may not have a baby bump yet but she could already feel a life growing inside her. Her baby with Elmo. Pangako niya na hindi niya pababayan ang kanilang anak. Hindi nito mararanasan ang mawalan ng magulang. Hindi niya hahayaan na maramdaman nito ang sakit na naramdaman niya. And she had to let go of the past. She had to talk to her father again.
Buo na ang desisyon niya na sa darating na weekend ay bibisita na siya sa tatay niya at kakausapin ito. Sa tulong na rin siguro ni Miguell at ni Elmo.
Maglalakad na sana siya pabalik sa faculty nang mapansin niya na may dalawang pigura na naguusap sa dulo ng corridor.
Lumapit pa siya para makita ng mabuti dahil muhkang may pinaguusapan ang mga ito. Napatigil naman siya dahil sa dulo pa lamang ay alam na niya ang bulto ng lalaki. At ayaw niya ang nakikita.
Dahil ang kausap ngayon ni Elmo...ay si Kiara.
=°=°=°=°=°=°=°=°=°=
AN: Hopia! Alam ko alam ko, wag niyo na sabihin haha. The "B" word :))
May update pa ulit! I'm so sorry nalate! Tinoyo kasi itong mga kaibigan ko na magTagaytay ng gabing gabi haha! Please bear with me! The chapter is short I know pero bawi ako sa susunod!
Salamat po lagi sa mga nagbabasa, bumoboto at nagcocomment!
Mwahugz!
-BundokPuno<3