AN: See them typos hehe! Sorry po! Dedicated po to ItsJheaaa :)
Ayaw na ayaw ni Julie sa mga ospital. Naaalala niya kasi ang huling beses na nandoon siya at naaalala niya ang kanyang nanay nang mamatay ito.
Hindi na nga siya nakapagbihis ng matino. Simpleng hoodie na lamang at shorts pati tsinelas ang nasuot niya.
Sobrang higpit din ng hawak niya sa kamay ni Elmo habang papasok sila sa loob ng ospital.
Pinipisil pisil naman din ng lalaki ang kamay niya.
"Miss, saan po ang room ni Mr. Julian San Jose?" Tanong ni Julie sa batang nurse sa may front desk.
"Ano po relasyon nila sa paseyente?" Mahinanhon na tanong naman ng nurse.
Natigilan si Julie. Dahil…anak nga ba siya talaga ng kanyang ama?
"She's his daughter please, may we know where he is?" Tanong ulit ni Elmo.
Tumango naman na ang nurse at nagsimula na ulit tumipa sa keyboard. Hinarap naman ni Elmo si Julie at mahinang nginitian ito bago higpitana ng paghawak sa kamay nito.
Binalik din naman ni Julie ang higpit ng hawak ng kamay ng lalaki. She was so thankful that he was there.
"Mam, sa room 403 po siya." Pagimporma ng nurse matapos mahanap ang detalye sa computer.
Tumango lang naman si Julie at hinila na si Elmo patungo sa mga elevators. Madaling araw kaya naman wala talaga tao. Hindi na rin ito visiting hours at kaya siguro napayagan lang sila Julie na bumisita dahil nga...anak siya ng pasyente.
Tahimik lang sila pareho nang makapasok. Wala ni isang nagsasalita. Pero pinaparamdam naman ni Elmo na nandoon lang siya para kay Julie. Hindi siya bumitaw kahit isang beses.
Parang nagitla pa si Julie nang tumunog ang bell ng elevator. Muhkang marami masyado ang tumatakbo sa isip niya kaya nagulat na lamang.
"Let's go Sioppy?" Elmo gently asked.
Julie nodded her head. And again, she gripped Elmo's hand before they walked out of the elevators.
Tahimik lang sa corridor ng ospital. Nakita naman nila kaagad ang sinasabing room number ng nurse kanina.
Natatakot si Julie. Sa totoo lang parang ayaw niya tumuloy. Nasa ere na ang kamay niya at kakatok na sana sa pinto pero hindi siya makagalaw.
"Julie..." Elmo called out.
Hinarap ni Julie ang kasintahan at nanghihinang napailing. "E-Elmo, parang hindi ko kaya..."
Mahinang hinila naman ni Elmo palapit dalaga. "Tingnan mo ako Sioppy." Sabi niya habang hawak ang magkabilang pisngi ng kasintahan.
Kahit naluluha luha ay tiningnan naman talaga ni Julie ang lalaki.
"Anak ka okay Sioppy? Anak ka ng tatay mo, and right now he needs you." Sabi naman ni Elmo.
Mahinang umiling si Julie. "He doesn't rven know me, Elmo."
"You're still his daughter Sioppy." Sabi nanaman ni Elmo. Then he looked at her yet again. "But whatever happens nandito naman ako diba? Hindi kita iiwan."
At sa sinabing iyon ni Elmo ay nabuhayan si Julie. Tama ito. He was there for her whatever would happen anyways. She breathed in yet again just as Elmo gave her forehead a soft kiss.
Haharap na ulit sana siya sa pinto ng 403 nang marinig niyang may tumawag sa kanya.
"J-Julie?"
Sabay na napatingin si Elmo at si Julie sa boses. Napigilan naman ni Julie ang pagkunot ng noo niya. Parang nakita na niya ang babaeng ito. The woman in front of them was middle aged but still looked pretty and was wearing simple pants and a long sleeved blouse. May hawak din itong isang tasa ng kape at.
Kinutuban na din naman si Julie kung sino ito.
"I-ikaw si Julie hindi ba?" Sabi ng babae. Nakangiti naman ito pero parang nagaalangan din.
Hindi pa rin naman nakakasagot si Julie at si Elmo naman ay tintin nan lang ang kasintahan na para bang naghihintay ng sasabihin nito.
Lumapit na ang babae na may maliit na ngiti pa rin sa muhka. "Ikaw nga..." She said. Magsasalita pa ulit sana siya nang bumukas ang pinto ng 403.
Gulat na napaatras si Julie at mabilis naman siyang nasalo ni Elmo.
Nakatayo sa may doorway si Miguell. Kitang kita ang pagod sa muhka nito. "Ate!" Masayang sambit nito. At saka naman humarap sa babae na kumakausap kayla Julie kanina. "Mama..."
Tumingin ulit si Julie sa babae. So ito ang mama ni Miguell, at ang...asawa ng tatay niya.
"Pasok kayo." Sabi ng mama ni Miguell.
Ito na. Kumakabog ang dibdib ni Julie na sumunod kay Miguell papasok sa hospital room habang mahigpit pa rin na nakahawak sa kamay ni Elmo. Sa palagay niya ay mawawalan na talaga siya ng malay sa nararamdaman.
Her steps were slow as she entered. Tahimik lang ang loob ng room, ang maririnig lang ay ang ugong ng aircon na nakasabit sa ibabang bahagi ng dingding.
Nang makarating na siya sa bungad ng mismong kwarto ay natigil siya. Dahil ayun at natutulog sa kama ay ang tatay niya.
Julie stayed in her spot as she stared at her father. Ganun na ganun pa rin ang itsura nito, hindi nagbago mula sa mga ala-ala niya. And...she looked like him. Marami naman talaga nagsasabi na mas kamuhka ni Julie ang tatay niya kaysa sa nanay niya. Hindi lang niya talaga naisip dahil wala naman na natirang picture ang mama niya ng papa niya. And she was so little then. Mabuti nga ay may naalala pa siya sa tatay niya eh.
"Hinhanap ka niya ate." Biglang nagsalita si Miguell sa likod niya.
Kaagad naman napatingin si Julie sa kapatid. "W-What?"
Kinakabahan na napaharap si Miguell sa ate niya at paminsan minsan ay sa baba tumitingin. "Nalaman niya ate eh. Nalaman niya na magkakilala na tayo. Nakita niya kasi yung pictures natin sa sss nung nag-Baguio tayo." Then he looked back at Julie. "This week lang iyon. At sinabi ko po na hindi pa po kayo ready na makita siya." Huminga nanaman siya ng malalim. "Pero ito, inatake po siya ng diabetes niya at bigla na lang po niya kayo gusto makita."
Hindi makasalita si Julie matapos sabihin ni Miguell ang lahat ng iyon. Bakit naman siya hinhanap ng dad niya? E iniwan nga nito sila diba?
"Julie..." Napatingin siya sa nagsalita at nakita ang asawa ng tatay niya. Ngumiti muna ito sa kanya. "Ako nga pala si Tita Irene mo, mama ni Miguell."
Napatingin si Julie sa babae. Pilit siyang ngumiti pero sa totoo lang ay nahihirapan siya gawin iyon. "J-Julie po."
"I know, nakwento ka na din ni Julian sa akin." Ngiti pabalik ni Irene.
At kagaya ng kanina ay pilit lang ang ngiti ni Julie. Paano naman siya mak-kwento ni Julian kung di naman sila magkakilala? Gawa gawa lamang ang lahat ng iyon.
"Professors pala kayo sa Apollo-Artemis?" Sabi ni Irene at tumingin sa magkasintahan sa harap niya matapos ay kay Miguell. "Doon pala kayo nakita nitong si Miguell. Akalain mo nga naman. And you must be Mr. Magalona?" Harap niya naman kay Elmo.
"Ah, yes mam. Boyfriend po ni Julie." Elmo held his hand out for Irene to shake which she did.
Magtutuloy pa sana ang usapan nila nang may marinig sila.
"Mmm..." Sabay ubo.
"Pa?" Nagaalangan na tanong ni Miguell. Lunapit siya sa ama na unti unti nang nagigising.
Umuubo ubo pa rin si Julian pero bumubuka na ang mga mata. "Miguell." He wheezed at his son. "Pakuha ng tubig." Gumalaw naman si Miguell para kumuha na sana ng tubig pero ang pinakamalapit sa baso at sa pitcher ay si Julie.
Mabagal lang na gumalaw naman si Julie at naglagay ng tubig sa isang baso bago siya na mismo ang nagbigay sa kanyang tatay. "I-Ito po."
Kitang kita ang pagkagulat sa muhka ni Julian nang mapansin na ang panganay pala niya ang nasa harap. Nagkatinginan lang muna sila ni Julie.
"J-Julie Anne? A-anak?"
That was it. Hindi nakayanan ni Julie at napaatras. Kamuntikan pa malaglag ang vase sa naatrasan na table.
"S-Sioppy!" Elmo called out pero nakaalis na si Julie.
=°=°=°=°=°=°=°=°=°=
Natagpuan ni Julie ang sarili sa may rooftop banda ng ospital na iyon. Hingal na hingal siya dahil may dalawang floor din na inakyatan niya ng stairs bago makarating doon.
Bukod pa sa pawis ay luha din ang tumutulo sa muhka niya. Puro nakatambak na upuan at lamesa lang naman ang nandoon sa rooftop. Ramdam na ramdam niya ang simoy ng hangin na dala ng madaling araw.
Napaupo na siya sa may sahig, walang pake na maalikabok doon. She rested her back against the rooftop's railings and buried her face on her lap.
Ilang segundo lang ang lumipas at narinig na niya ang yabag ng nobyo niya. Alam naman kasi niya na susundan siya nito kaya di na siya nagulat.
Nakatago pa rin ang muhka niya sa kanyang mga kamay kaya hindi niya nakita na umupo si Elmo sa tabi niya pero ramdam niya ang inti ng katawan nito sa tabi.
"Sioppy." Elmo called out and placed his chin on top of Julie's head as the latter allowed him to pull her to.himself.
"Parang di ko kaya Sioppy." Julie whispered, still sniffing. "Di ko siya kaya kausapin."
"You can Sioppy." Balik bulong naman ni Elmo, still hugging her tight. "You need this. We all need this."
Napalayo naman ng kaunti si Julie para matingnan ang nobyo. "We?"
"Oo..." Elmo said. He started caressing Julie's tummy. "Sa atin nila baby. Para may lolo siya sa mother's side."
Napangiti naman si Julie nang maisip ang magiging anak nila ni Elmo. Pero nagaalangan pa rin siya. "Iniisip ko lang kasi Moe, may mangyayari ba kapag nagkausap kami? O wala lang, alam lang niya na buhay pa ang panganay niya."
"Whatever happens..." Simula ni Elmo. "Nandito lang ako para sayo. And, your dad needs all the help he can get...para gumaling na din siya."
Nagisip isip na si Julie. It was now or never anyways. Dahil kailangan niya na rin magtanong tanong sa kanyang ama. Kung bakit ganun nga ba ang nangyari. Ang importante ay makausap na niya ito.
"Thanks Sioppy." She muttered before kissing his cheek.
It was now or never.
"Saka..." Biglang nagsalita nanaman si Elmo kaya nanapating sa kanya si Julie.
"Hmmm?"
Elmo faced her, a small smile evident on his face. " "I want everything to be okay between you two before I ask for your hand in marriage..."
=°=°=°=°=°=°=°=°=
AN: Hopia mani at popcorn! Next chap na ang mismong paguusap ng mag-ama haha abangers!
Sorry sa madalang na update! Lagi kami nasa field eh, tapos basa ng slides hehe :)) bawi na lang po ako!
Salamat po sa lahat ng nagbabasa! Nagcocomment at bumoboto!
Please comment and vote again! Masaya po talaga ako kapag nakakakita ng comments about sa chap.
Mwahugz!
-BundokPuno<3