Chapter 29

1685 Words
Tahimik lang ang silid. Ganun naman talaga dapat kapag nasa ospital ka pero kanina pa hindi mapakali sa upuan si Julie. Siya lang kasi ang kasama ng ama niya sa loob. Huminga siya ng malalim at pinagmasdan si Julian. Pinatulog ulit ito simula nang tumakbo siya palabas ng kwarto na iyon. Baka nga inakala nito na panaginip lamang ang lahat eh. Si Miguell at si Irene ay parehong kumain muna. Kasama niya kanina si Elmo pero nagugutom na daw ito kaya bumili muna ng pagkain. Nung una ay ayaw pa nito siya iwan but she assured him that everything would be alright. Nakatingin lang siya sa kanyang ama habang mahimbing pa rin ang pagtulog. Mabilis ang pagtibok ng kanyang puso dahil hanggang ngayon hindi niya alam ang gagawin kapag nagising na lamang ito at mag-isa lang siya sa kwarto na iyon. Hindi pa natatapos ang pag-iisip niya na iyon nang nakita niya na unti unti na nagigising ang kanyang ama. "Mmm..." Mabilis na tumayo mula sa kanyang uan si Julie at pinuntahan ang ama. "Pa..." Mahinang sambit niya. Matagal na niyang hindi nasasabi ang mga katagang iyon. Seventeen years na din ang nakakalipas. Napabukas na ng tuluyan ang mga mata ni Julian. Nung una ay sa kisame ito nakatingin hnaggang sa nalipat ang mga mata sa babaeng nakatayo ngayon sa tabi ng kama niya. "Julie Anne." He muttered. "Maayos na po ba ang lagay ninyo?" She asked, fixing Julian's blankets around him. Tintingnan lang ni Julian ang anak habang inaasikaso siya nito. "Julie..." Nabulong na lamang niya ulit. Umupo na ulit si Julie sa upuan. Katahimikan lang bumabalot sa kanilang dalawa ngayon. Kahit ang ugong ng aircon ay hindi nakakatulong para kay Julie. "K-Kamusta ka na?" Tanong ni Julian, ang boses ay napapaos. Hindi alam ni Julie kung matatawa ba siya o ano. "Hindi po ba dapat ako ang nagtatanong sa inyo niyan?" You could hear the sarcasm in her voice. Julian sighed. "I'm sorry anak." "Para saan po?" Julie asked. "For leaving my mom and me? Or for not remembering that you have a daughter?" Alam ni Julie na hindi niya dapat inaaway ang ama sa mga panahon na ito dahil nga sa may sakit ito. Pero hindi niya kasi mapigilan ang sarili. "Alam ko malaki ang kasalanan ko sa inyo ni Lily." Panimula ni Julian. Hindi sumagot si Julie. Nagpipigil lang talaga kasi siya. Mabuti at alam ng tatay niya na may kasalanan ito pero wala naman ginawa. He still left them. And look what happened, she lost her mother without him by her side. "I-I'm sorry anak..." Julian croaked. Muhkang nahihirapan na ito sa posisyon sa kama. Nangingiyakna tiningnan ni Julie ang ama. Pigil na pigil siya sa pagtulo ng kanyang luha pero hindi na niya kinayanan. Sa isang ikot ay naglakad siya palabas ng kwarto. "Anak!" Hindi alam ni Julie kung saan na siya papunta basta derederetso ang lakad niya. Panay ang lagpas niya sa mga tao sa ospital hanggang sa dinala siya ng kanyang mga paa sa rooftop ng ospital. Dumeretso siya sa mababang dingding ng lugar na iyon at umiiyak na napasandal doon. Ipinatong niya ang mga siko sa taas ng tuhid at ginamit na pangtakip sa umiiyak na muhka ang mga kamay. Mga ilang minuto din siyang ganun nang marinig niya na bumukas ang pinto papunta sa rooftop. Napaangat siya ng tingin, baka palayasin siya dito. Pero hindi pa umaamgata ng pwet niya mula sa lapag nang makita na parang pamilyar ang taong papalapit. It was Elmo. "Sioppy?" Anas ni Elmo. Ginamit niya ang ilaw ng kanyang cellphone at nakita na nakaupo nga si Julie doon sa may lapag. Hindi nakaimik ang huli at patuloy lang na tinitingnan si Elmo. Nagaalala na lumapit ang huli sa kasintahan at lumuhod sa harap nito. "Sioppy ano nangyari?" He wirriedly asked. Kitang kita naman sa nuhka niya na nagaalala siya para sa nobya niya. At hindi na napigilan ni Julie dahil tumuloy nanaman ang landas ng kuha niya. Napayuko siya at nagsimula umiyak. Mabilis na lumapit si Elmo at kinalong ang babae para mayakap niya ito ng mahigpit. "Ssshh, sshhh, I'm here." Napasinghap si Julie at hinigpitan ang yakap dito. "Sioppy, ang sama ko ba? Bakit hindi ko pa rin mapatawad si papa?" Inayos ni Elmo ang posisyon ng nobya at hinayaan na patuloy itong umiyak. "Hindi Sioppy, walang may karapatan na husgahan ka sa nararamdaman mo. Alam ko na hindi madali ang patawarin ang tatay mo. Kaya sige, ilabas mo lang lahat yan." "Akala niya ba ganun lang kadali iyon? Na magsosorry siya tapos okay na? Hindi ko pa rin maintindihan bakit ba niya kami iniwan. Hindi lang talaga niya mahal si mama ganun?" "Siya lang makakasagot niyan Sioppy, at malalaman mo yan kapag nakausap mo na siya." Elmo replied and kissed Julie's hair. Saka niya hinayaan na iiyak na lang nito ang lahat. =•=•=•=•=•=•=•=•=•=•= Nagising si Julie nang umaga na iyon na parang walang nararamdaman. Ilang araw na siyang lutang. She couldn't help it. Tuwing naiisip niya kasi ang kanyang papa ay sumasama lang ang loob niya. Napaikot naman siya sa kama dahil napansin niya na wala si Elmo sa tabi niya. Usually kasi mas maaga pa nga siya nagigising dito. Napatingin naman siya sa orasan at nakitang magtatanghali na din pala. Wala rkn naman kasi silang pasok. Tumayo na siya at maghahanda dana ng almusal kaso nakita na may nakahanda na sa hapag. Good morning sa maganda ko na Sioppy! I cooked breakfast since you were still sleeping. May dadaanan lang ako sa labas, I'll see you later! I love you! Gwapong Sioppy Kahit papaano ay napangiti si Julie sa nabasa na sulat na nakaipit sa may dining table. Umupo na siya at nagenjoy sa pagkain. Matapos ay naghugas na siya ng plato at sana ay babalik na sa kwarto pero bigla na lamang may nagdoorbell. Sumilip siya sa peephole at laking gulat na nakita ang papa niya na nakatayo doon. Napalayo siya saglit sa pintuan at napaisip pa. Bubuksan ba niya ang pinto? "Anak?" Tawag ni Julian mula sa kanila. "Anak alam ko nandyan ka, please open the door. Magusap tayo." Hind pa rin sumasagot si Julie. Nakasandal lang siya sa pintuan at mabilis ang hininga na kitang kita sa pagtaas baba ng kanyang dibdib. Ano ba ginagawa ng papa niya dito?! May sakit pa ito! Sa naisip ay mabilis na binuksan ni Julie ang pinto. Nagkatinginan sila ng kanyang ama na muhkang natuwa dahil binuksan din naman niya ang pinto. "Anak..." "Ano po ginagawa ninyo dito?" Tanong ni Julie. "Hindi ba at may sakit pa po kayo?" Pero kahit patuloy ang pagtatanong ni Julie ay pinapasok niya sa loob ang kanyang ama na medyo mabagal pa din ang galaw. "Gusto lang kita makausap." Pasimula ni Julian. Tiningnan ni Julie ang kanyang ama. Kitang kita ang pagod sa muhka nito. "Kakalabas niyo lang po ba ng ospital?" "Oo--" "Sana po nagpahinga muna kayo. Tawagin ko na lang si Miguell para sunduin ka dito." Kukunin na sana ni Julie ang telepono sa condo nila pero pinigilan siya ni Julian. "Anak please...pakinggan mo naman ako." Puno ng sakit na tiningnan ni Julie ang kanyang tatay. "Pa...sa ibang araw na lang po. Kailangan niyo po magpahinga." "Julie." Madiin na sabi ni Julian. Hinawakan niya ang kamay ng anak. "Malaking pagkakamali ang pagiiwan ko sa inyo ng mama mo. Nagmahal ako ng iba. Pero kahit ganun ay hindi ko kyo dapat iniwan na lang ng basta basta. Sinubukan ko naman makipagusap kay Lily na makita kita kahit pa naghiwalay na kami. Pero nagmatigas siya at pinamuhka sa akin na kaya ka niyang buhayin ng mag-isa." Nagsimula na umiyak at humikbi si Julian. "At ako naman itong naduwag at inisip na tama siya, hinayaan ko na lang. Hindi ko man lang nakita ka na lumalaki. Pero gusto ko bumawi anak. Pakiramdam ko ito na ang pagkakataon na binigay ng Diyos para makasama kita at mapakita ko sayo na mahal kita." Sobrang bilis ng t***k ng puso ni Julie. Masyado maraming umiikot sa ulo niya. "H-hindi ko po alam ang iisipin ko papa." Sagot naman ni Julie. Napailing iling pa siya at naglakad papunta sa music room. Oo tumatakas siya. Naramdaman niya na sumunod naman sa kanya si Julian. Nakatayo lamang siya sa gitna ng kwarto hanggang sa marinig niyang umupo sa may piano ang lalaki. At nagsimula tumugtog ang isang pamilyar na kanta.  You sheltered me from harm. Kept me warm, kept me warm.  You gave my life to me. Set me free, set me free.  The finest years I ever knew,  Were all the years I had with you. Tumabi si Julie sa ama niya sa stool at sinundan ang kanta. And I would give anything I own.  I'd give up my life, my heart, my home. I would give everything I own, Just to have you back again. You taught me how to laugh. What a time, what a time. You never said too much, But still you showed the way And I knew from watching you. Nobody else could ever know, The part of me that can't let go. By this time ay magkangitian na sila at ineenjoy na nila ang kanta. Nararamdaman ni Julie ang kasiyahan na makasama kumanta ang kanyang ama. And I would give anything I own,  I'd give up my life, my heart, my home. I would give everything I own,  Just to have you back again. Is there someone you know, Your loving them so, But taking them all for granted? You may lose them one day. Someone takes them away,  And they don't hear the words you long to say. Hinayaan ni Julian na si Julie ang tumapos... I would give anything I own,  I'd give up my life, my heart, my home. I would give everything I own,  Just to have you back again; Just to touch you once again. And as the song ended, the father and daughter tandem smiled at each other. =•=•=•=•=•=•=•= AN: Chapter is rewrittend due to a glitch on w*****d.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD