Chapter 8

5730 Words
AN: Paumanhin po sa mga typo na makikita niyo ✌ Sa mga panahon ngayon ay inom lang ng inom ng tubig si Julie sa sobrang kaba. Kaharap niya ngayon si Joyce na umiinom din naman ng tubig habang si Elmo ang kumakausap sa kararating lang na pizza delivery guy. Ramdam ni Julie ang bilis ng pagtibok ng puso niya habang pinagmamasdan siya ni Joyce. Nakangiti naman ang babae pero muhkang malalim ang iniisip. Bumalik naman na si Elmo at dala dala na ang isang box ng pizza at naupo na sa tabi ni Julie. Halatang kinakabahan din ito. Nagsuot na siya ng sando dahil may hiya din naman siya kay Joyce. "So would you guys care to explain what's happening?" Tanong ni Joyce. Nasa harap pa rin nila ang dala-dala nitong graham cake na pangsurprise sana kay Julie. "Kayo na? Bakit hindi niyo sinasabi?" Nagkatinginan muna si Julie at si Elmo para bang nagtatanungan kung ano ba ang sasabihin nila kay Joyce. Mahinang umiling si Julie at siya na ang sumagot. "Hindi kami Joyce." "Hindi?" Natatawa na sambit ni Joyce. "Hindi kayo tapos makikita ko si Elmo na nandito na nakaboxers lang? At ikaw nakaganyan? Ganun ang level ng friendship niyo? Naglalaro kayo ng PS4 ng nakahubad?" Derederetso na sabi ni Joyce. Halata naman na gulong gulo na ito at naf-frustrate na din. "Joyce..." Julie breathed in before looking at Elmo then back to Joyce. "This is a casual thing." Naguguluhan na naatingin si Joyce sa kanila bago kay Elmo tinuon ang tingin. Kanina pa kasi nananahimik ang lalaki at nakatingin lang sa lamesa sa harap nila. "So payag ka sa ganitong set-up niyo Elmo?" Sabi naman ni Joyce. Tila nabigla naman si Elmo sa biglaang pagtanong sa kanya. He wasn't really ready. Pero nakita niya na maalam na nakatingin sa kanya si Julie habang naghihintay naman ng sagot si Joyce. He sucked it up. "Oo naman Joyce. Enjoy lang naman kaming dalawa eh." Joyce couldn't help but shake her head at that. She looked at Julie and saw that the woman looked content with Elmo's answer and that was a problem. Because she could see the lie in Elmo's face. Matalino lang nga ata ito si Julie sa acads pero tanga at manhid sa pag-ibig. "Okay hindi na ako manghihimasok sa inyong dalawa. Ang taning ko lang, alam na ba ng iba?" "Wag Joyce. Please." Sabi ni Julie. "Okay na kami sa ganitong set-up. We don't need anyone knowing." "Shet nakakstresss itong dalawang ito." Bulong ni Joyce. "Fine. Hindi ako magsasalita. Basta bahala kayong dalawa sa mangayayri ah?" "Thanks Joyce." Mahinang ngiti naman ni Julie bago lapitan si Joyce at yakapin ito. "Binalik naman ni Joyce ang yakap pero at the same time ay nakikita niya ang itsura ni Elmo. "Kainin na lang natin itong pizza saka cake, Joyce." Sabi na lamang ng lalaki. "O sige sige." She replied. "Asan nga ba kasi si Kris?" Julie asked as she grabbed a few plates from her cupboard. "Nako, may inasikaso daw muna sa Maynila, kaya wala ako kasama." Joyce replied. "I thought of surprising you but I was the one surprised." Julie smiled sheepishly at that. "Yeah well, please lang ha Joyce? Kahit si Maqui kasi hindi pa alam." Sabi ni Julie habang gumagawa naman si Elmo ng juice sa kabilang side ng kusina. Napaisip muna saglit si Joyce habang tinitingnan si Julie. "Jules, paano kung may isa sa inyo na...mahulog? Yung hindi na ituturing ito na no strings attached?" Seryoso naman na tiningnan pabalik ni Julie ang kaibigan. "Joyce, hindi naman mangyayari yon. Una, di ako naniniwala sa pagmamahal na yan. Pangalawa, wala lang din ito kay Elmo. Pinagusapan na namin dati iyon." Napatingin naman si Joyce sa kay Elmo na tuloy pa rin ng pag-gawa ng juice. Hindi niya alam kung naririnig ba sila ng lalaki o hindi pero nagsalita na din siya. "Sigurado ka ba diyan Jules? Eh paano kung mahal ka naman na talaga ng lalaki na iyan?" Julie merely scoffed. "Hindi no. Kaibigan ko lang yan. Minsan casual na kaaway." Natawana lang na sabi ni Julie. Ayaw na ipahalata ni Joyce pero siya ang nahihirapan. Paano nga ba naman uunlad itong dalawa e parehong takot sumugal? Napatango na lang siya at sakot naman na bumalik na si Elmo sa may lamesa at sinimulan na maglagay ng juice sa mga baso. "Sioppy o..." Sabi ni Elmo sabay lagay ng juice sa baso ni Julie. At hindi pa doon nagtapos dahil kaagad naman ito kumuha ng pizza at linagay sa plato ni Julie bago hinati na din ang cake at...oo, linagay ulit sa plato ni Julie. Nakaupo naman doon si Joyce at hindi napigilan ang mapailing sa nangyayari sa harap niya. Pucha muhkang magiging mahirap nga ang paggapang ng relasyon ng dalawang ito. Matapos kumain ay saglit na nakipagkwentuhan na lamang muna si Joyce sa dalawa. Ang totoo niyan ay iwas na iwas na lamang siya sa pagdako sa topic na iyon. Anything under the sun ay tinatahak nila na topic. Hanggang sa si Joyce na ang unang nagpaalam sa dalawa na babalik na rin siya sa condo nila ni Kris sa baba. "Salamat guys ah." Joyce said as she looked at the both of them. "Yung pinagusapan na lang natin ha. Di bale, mananahimik ako." Nakahinga naman ng maluwag si Julie pati na rin si Elmo at tumango na lamang bilang pasasalamat kay Joyce. Sinara nila ang pinto ng makalabas na si Joyce. Kaagad naman napaharap si Julie kay Elmo at napahinga ng malalim. "Sa tingin mo wala talaga pagsasabihan si Joyce?" She asked. Elmo looked calmly at her. "Ewan ko, saka nasa kanya na iyon kapag gusto niya ipagkalat." Then he turned away and headed for the bedroom. Nalilitong pinuntahan naman ni Julie ang lalaki na ngayon ay preskong nakahiga lang sa kama niya. "So okay lang sa'yo na malaman nila ha? Nawiwindang ka na ba diyan Elmo?" Umikot lamang si Elmo sa kama at tiningnan si Julie. "Bakit, may magagawa ka pa ba kung may masabi na si Joyce? Baka nakakalimutan mo na boyfriend niya si Kris. They don't keep secrets from each other Sioppy." Annoyed, Julie looked at him again. "Eh bakit ang kalmado mo pa rin diyan?" Elmo shrugged again and this time turned to the other side of the bed. "Sabi sa'yo wala na kasi ako magagawa. Magrelax ka na nga lang kasi diyan. Saka kilala mo naman si Kris at si Joyce. They don't spill secrets that aren't theirs." Pagkasabi nito ay umikot nanaman ito sa kama. Narinig niya na napabuntong hininga na lang si Julie bago tumabi sa kanya sa kama. Ewan. Mas napagod ata sila umamin kay Joyce kaysa sa ginawa nila nung umaga. Alam niya na nakatalikod ito sa kanya kaya naman siya na ang humarap at yinakap ito palapit. Hindi naman gumalaw si Julie pero alam ni Elmo na naiinis ito sa kanya ngayon. Siya pa ba. E alam na alam na niya ang mood nito ni Julie Anne. "Sioppy..." "Ano..." Masungit na sagot ni Julie Anne. Di naman nakikita ni Elmo ang muhka nito eh. Pero alam niya na mahirap ito kaaway lalo na kapag naiinis talaga. Kaya naman nanahimik na lamang siya. "Wala...pahinga na lang tayo." Sagot niya. At kagaya ng kanina, hindi naman sunagot si Julie at patuloy lang na humiga doon sa tabi niya. At least hindi siya nito tinulak palayo at hinayaan lang siya na nakayakap. Maya-maya ay narinig niya na banayad na itong humihinga kaya alam niya na nakatulog na din talaga ito. He breathed in, enjoying the smell of her hair. "Sioppy?" He called out again but there was no answer. Kumalas na siya dito at umupo sa gilid niya sa kama. Hindi niya napigilan ang mapahinga ng malalim at pinadaan pa ang kamay sa buhok. Nahihirapan na din kasi siya pigilin itong naraamdaman niya. Kaso muhkang ayaw talaga ni Julie eh. Nalamukos nanaman niya ang buhok niya. Tapos nakikita pa niya itsura ni Joyce kanina. Alam na ata nito e. Alam na nito na matagal na siyang talo sa laro. Bigla naman niya naramdaman na may tumulo hanggang sa hita niya. Gago ka ba Magalona, bakit ka umiiyak?! Mabilis siyang nagpunas ng luha at kaagad na tumayo mula sa kama at lumabas sa may veranda ni Julie. He breathed in and let his head get cleared for a while. "Hirap mo din kasi Julie." Bulong na lang niya. Saka naman niya naramdaman na nagvibrate ang cellphone sa bulsa niya. Tiningnan niya ito at kaagad na nagtaka sa nagtext. Pumasok ulit siya sa loob at nagbihis bago balingan ng tingin ang natutulog pa rin na si Julie. Mahimbing ang tulog nito at parang sarap na sarap. Sobrang mapayapa ang itsura nito. Sobrang ganda... Napabuntong hininga siya. Mahirap na ito. He was in too deep. Lumapit siya at hinalikan ang tuktok ng ulo nito. "Wait lang Sioppy..." Maingat niya na sinara ang pinto ng condo ni Julie, sinsigurado na nakalock talaga ito bago dumaan sa stairs at dumeretso pababa. Hindi naman malayo ang pupuntahan niya. Saglit lang naman, walang limang minuto. "Akala ko di ka pupunta eh." Ayun ang bungad sa kanya ni Joyce pagkabukas nito ng pinto. "Tulog naman si Julie eh." Sagot naman ni Elmo habang pumapasok sa loob ng condo nila Joyce. "Wala pa si pareng Kris?" Tanong ni Elmo bago umupo sa couch mula ng senyasan siya ni Joyce. "Pabalik na din kaso traffic daw." Sagot naman ni Joyce at naupo sa couch sa harap ni Elmo. Hindi sila nagsasalita dahil pareho nila kinakapa pa ang sitwasyon. Pero kaagad naman nagdesisyon si Joyce na siya na ang unang naglalabas ng mga agam-agam. "Elmo, kaya mo ba ang ganito?" Napasulyap sa kanya si Elmo na para bang nagtatanong. "Ang alin?" Joyce sighed. "Ito...apparently may nalaglag na truck na punong puno ng anesthesia dati at naaksidente ito at nabuhos lahat kay Julie dahil napakamanhid niya." She looked at Elmo again. "Akala mo hindi ko nakikita na gusto mo ng relasyon na mas higit pa sa FuBu?" Deretsong sabi ni Joyce. "E halata naman na...you want something better. So what's stopping you Moe?" Napahagod nanaman sa buhok si Elmo. "Joyce, hindi siya naniniwala sa relationship." "Bullshit naman Elmo e relationship na nga iyang ginagawa niyo. Kakaiba lang. The fact remains na may connection na kayo! In more ways than one." "E ano ba magagawa ko Joyce." Sabi ni Elmo, trying to remain calm. "Kilala mo naman si Julie. Matatag yun. She believes strongly in what she knows. At matagalna rin niya sinabi sa akin na hindi siya naniniwala sa pag-ibig." "Sinasabi niya iyon pero totoo ba?" Biglang sabi ni Joyce kaya naman napatingin sa kanya si Elmo. "Paano kung...mahal ka na din niya?" Hindi naman nakasagot si Elmo dahil sa biglaang deklarasyon ni Joyce na naramdaman naman ng babae. "Mahal mo na siya Moe." Joyce declared. "At kapag lumalim pa yan lalo, at walang nagbabago. Edi sino pa ang talo sa laro? Ikaw diba?" "Paano kung lumayo siya sa akin?" Sabi ni Elmo. "Ayoko maramdaman ulit yung nangyari nung pumunta siya America. Kaya okay na ako sa ganitong set-up." "Paano kung mahal ka din non?" Joyce asked. Hindi napigilan ni Elmo ang matawa. "Hindi ako mahal non. Parang wala lang ang lahat sa kanya e." "Hindi ka mahal pero pumapayag na may mangyari sa inyo? Hindi ka mahal pero may tiwala ang condo sayo? Hindi ka mahal kaya ka inalagaan kagabi nung nalasing ka?" Mahinang natawa si Joyce. "Pucha kakaiba na talaga panahon ngayon." =•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•= "Kelangan pa ba talaga ng acquaintance na iyan?" Sabi ni Maqui habang palabas sila ng meeting room. Kakatapos lang kasi sila i-brief na sa darating na Sabado ay magkakaroon ng acquaintance party ang mga bata. "Oo naman Maq, e diba para nga maenjoy naman ng mga bata na hindi lang pag-aaral ang aatupagin nila dito." Sabi naman ni Tippy. "Di ata nakuha ni Julie yung ganun na memo nung tayo pa yung nagaaral." Natatawang sabi ni Sam. Sinimangutan naman ni Julie ang kaibigan dahilan para mapangiti na lang sa kanya si Sam na nanghihingi ng paumanhin. "O teka san na ba mga klase niyo ngayon?" Tanong naman ni Kris habang papasok na sila lahat sa faculty. Sa totoo lang buong araw ay hindi mapakali si Elmo at si Julie. Binabantayan kasi nila na may sabihin sa kanila si Kris o kung ano man. Pero wala. Wala itong sinasabi na kakaiba sa kanila. Baka hindi talaga madaldal si Joyce. "May individual class ako." Sagot ni Elmo. Everything was normal after what happened in Julie's condo. Kahit nung kinausap pa si Elmo ni Joyce. He didn't do anything about it. Siguro tanga siya. O di kaya takot. Either way, ayaw niya mawala si Julie sa kanya eh. Is that patethic? "Hoy Sioppy!" "Huh?" Napatingin si Elmo nang may tumapik sa balikat niya at nakita niya si Julie na nakatingin sa kanya. "Ano ulit yun Sioppy?" "Lutang ka nanaman. Sabi sayo wag ka muna magrurugby. Bukas na lang. Sabi ko...gagamitin mo ba yung studio 4? Nandoon kasi yung paborito ko na piano." Julie said, waiting for his reply. Elmo smirked. "Paborito ko din naman yung piano na iyon." "Tsk. Sagutin mo tanong ko Magalona hindi yung marami ka sinasabi na iba." Natawa lang naman si Elmo sa inasta ng babae. He loved how she looked when she was pissed. Oh and there was that word again. Love. s**t ELmo you're done for. "Hay nako kukunin ko na kahit wala ka sinasabi." Julie said before turning away. "Lintik na lalaki ang lakas ng sayad. Buti na lang gwapo e." Mahina lang na napangiti si Elmo sa sinabi ni Julie. Hindi kasi marunong bumulong ang babae. Masyado naririnig. "Buti maganda ka din Sioppy." He said even though her back was to him. He saw how she froze on the spot but still didn't face him. "Rami mo sinasabi Elmo. Manahimik ka na nga lang diyan." At naglakad ito palabas ng faculty papunta sa sariling klase. Napangisi si Elmo at nagpigil ng tawa. "Sa totoo lang tama si hon eh." Mabilis na napatingin si Elmo sa nagsalita at nakita si Kris na nakatayo sa likod niya. "Ano pre?" Kris chuckled and took a sip from his cup of coffee before talking again. "Sabi ko, tama si hon, Julie also has feelings for you. Tingnan mo kinilig." Nanlaki ang mata ni Elmo habang tinatapik naman siya sa balikat ni Kris. "Di bale pare. Wala ako isisiwalat sa mga pangyayari. Hahayaan ko na kayo na ni Julie ang magbabalita sa buong mundo." =•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•= "Maqui kailangan ko ba talaga pumunta?" "Pucha naman Julie Anne! Ayan na nga ang linya mo dati nung nag-aaral pa tayo. Hanggang ngayon pa din ba?!" Sabi ni Maqui habang palabas sila ng taxi papuntang school. Nagpaayos pa kasi sila sa isang parlor na medyo malayo sa school. Acquaintance party nga kasi ng mga bata at siyempre pati silang mga propesor ay kasama. "Ni isa kasi sa mga kaibigan natin walang kotse." Sabi ni Maqui habang papasok sila sa may school grounds. "Nanisi ka pa ng iba edi sana bumili ka ng sayo." Natatawang sabi ni Julie. Sa totoo lang natuto na siya magdrive sa America noon. Pero ngayon kasi sa Pinas wala siya kotse e so no choice. Ang mahal. Di pa niya kaya. Nakapasok na sila sa loob at napatingin naman ang lahat sa kanila. May magsabi man o wala, alam ni Julie na napakaganda nila ng kanyang best friend. Kahit wala nga sila make-up maganda sila e. Ano pa ngayon na naenhance ang kanilang beautiful faces. "Bongga Jules feeling ko matutunaw ako ang rami nakatingin." Sabi ni Maqui. Tumawa lang naman si Julie sa tinuran ng kaibigan. Tama kasi ito. Pati mga estudyante na nag-gagandahan at naggwagwapuhan sa mga suot ay nakatingin din sa kanila. Simple lang naman sila ni Maqui ngayon. She was wearing a simple blue dress with an orange accented belt habang si Maqui ay naka cocktail style na rust-red. Hindi pa nagsisimula ang program kaya naman sa isang tabi muna sila Julie kasama ang iba pa nilang kapwa propesor. "Wow. Ang ganda mo naman Jules." Napatingin si Julie sa nagsalita sa likod niya at nakita na si Ben pala ito. The man also looked dashing in his three piece white suit. Hindi lang pala ang mga estudyante ang pabonggahan sa mga suot, pati na rin pala ang mga professor. "Aba, ayos din ang porma natin ngayon ah." Sabi naman ni Julie sa lalaki. Malaking ngiti lamang ang ginati ni Ben, obvious na tuwang tuwa sa pagpuri sa kanya ni Julie. "O Ben, nandito ka na rin pala. Ready ka na magemcee?" Biglang singit naman ni Maqui sa usapan nila. Sanay na kasi sila na sila ang inaasign na emcee ni Mr. Ramirez kaya naman kahit hindi na magpractice ay alam na nilang dalawa ang gagawin nila. "Oo naman Maq." Malaking ngiti ni Ben. "You look pretty as well." Maqui only smirked at the man's way and nodded her head. "Thanks Ben." She replied before facing Julie. "Lam mo bes halata din talaga pagkagusto nito sayo eh. Biro mo sa akin pretty lang ang sinabi samantalang sayo beautiful." At kagaya ng kanina ay natawa lamang si Julie. "Napaka bully mo talaga Maq." Sabi naman niya. Akala nila ay silang dalawa lang ang nakakarinig sa usapan pero nakalimutan nila na nandoon nga pala si Ben. "Di bale girls pareho naman talaga kayo maganda ngayong gabi." Ben said, even winking at Julie's way. Sabay naman nila nakita na napaikot nanaman ang mata ni Maqui. "Alam mo Ben tara na. Pasadahan na lang natin yung script." Sabi naman ni Maqui bago hinila si Ben papunta sa may backstage kaya ayun at naiwan si Julie sa may punch bowl. Okay lang naman kay Julie, ineenjoy niya kasi ang pagmasdan ang mga kabataan na ngayon ay mga nakaupo at nakikipagusap sa isa't isa. Naalala niya ang acquaintance party din nila. Sobrang nananahimik lang siya sa isang tabi. Kaibigan na rin naman niya kaagad si Maqui nung mga panahon na iyon kaso masyado itong social butterfly kaya naman naiwan siya na mag-isa sa table habang ayun si Maqui at nakikipagkwentuhan kaagad sa iba. At saka niya naalala na...si Elmo ang kausap niya sa table nung gabi din na iyon. Yun nga lang, wala sila ginawa kundi mag-asaran din buong gabi. Oh memories. Kahit dati ba Elmo ikaw na kaasaran ko? "Natutulala ka na din Sioppy?" Napatingin si Julie sa nagsalita at nakita at hayun nakatayo sa harap niya si Elmo, wearing a blue suit with  an orange tie. Taray, ang gwapo eh. Hindi muna nagsalita si Julie dahil pakiramdam niya ay nags-staring match sila ni Elmo. Napakalagkit kasi ng tingin nito sa kanya, halos maramdaman na niyang parang nawawala ang damit niya. And then again, ganun naman talaga si Elmo when he looked at her. Saglit na naningkit ang mga mata ni Julie. "Nananadya ka ba? Bakit matching ang colors natin?" She asked at napakibit balikat naman si Elmo. "Huh." Sabi naman kaagad ni Elmo. "Hindi ko naman alam na ganyan din ang susuotin mo." He smirked, hands in his pockets. "Oh and you look like a goddess by the way." Namula naman ang pisngi ni Julie. Elmo really has a way with words that cause blood to rise up to her cheeks. "S-salamat." "Sayaw kita mamaya ah." Ngiti naman sa kanya ni Elmo. "Girls! Ang gwapo ni sir Elmo o!" "Taray! Matching sila ni Mam Julie! Baka sila na?" "Eeeeehhh, body goals si Mam!" "Them genes tho!" Napangisi si Elmo dahil naririnig nila pareho ang usapan ng mga bata. Si Julie naman ay napailing na lang at binalil ang tingin kay Elmo. Sasagot na sana siya sa sinabi nito nang bigla na lang may umakbay kay Elmo at sa kanya. "Wow guys! Pinagplanuhan niyo ba ito?" Sabi naman ni Tippy. "Aba talo niyo pa kami ni Sam ah!" "Haha hindi no." Sambit ni Julie habang nakaakbay pa rin sa kanya si Tippy. "Gaya gaya lang talaga yan si Sioppy." "Nauna ako Sioppy hindi ko lang talaga sinabi sayo." Sabi naman ni Elmo. Nagkanya kanya na sila at nagsimula naman ang program habang nakaupo sila sa faculty table. Sa kaliwa ni Julie sana nakaupo si Maqui kaso nga lang bakante ang upuan dahil nasa may podium pa ang kaibigan niya. Dumaan na ang prayer, national anthem at opening remarks ni Mr. Ramirez ng mag-salita ulit ang dalawang emcee. "Nako Ben, muhkang this will be a night of fun for the students!" "That's right Maqui so up first, just to get the momentum rolling, we'd like to present to you a song performance from one of our students!" Sabi naman ni Ben. "Please welcome, a freshmen piano major, miss Bianca Umali!" May batang tumapak sa stage at mahinang kumaway pa sa mga tao. Nagulat na lamang si Julie nang may tumabi sa kaliwa niya at nakita niyang si Elmo ang tumabi sa kanya. Siguro ginusto nito na makita ng mas malapit yung bata. Nasa kabilang side kasi siya ng table kanina, parallel kung saan nakaupo si Julie. "Alam mo ikaw naaalala ko sa bata na yan." Napatingin si Julie sa sinabi ng lalaki. "Anong ibig mo sabihin?" The guy gave a small smirk. "Parang may naalala ako noon na batang babae na walang ginawa kundi mag-aral at tumugtog ng piano. Sa klase ko kasi, ganun na ganun siya. Puro lang aral ng aral, halos hindi magkasocial life." "So sinasabi mo na ganun ako dati?" Napataas kilay na sabi ni Julie. Estudyante din niya si Bianca, at alam niya na magaling talaga yung bata, matalino pa. Hala ito ba ang little Julie? Elmo smirked. "Well, you could say you were lile that, mas magaling ka lang talaga tumugtog kahit dati pa. I mean, you were my one true contender if we're being honest." Matapos nito sabihin ang mga kataga na iyon ay nanahimik na lang ito at patuloy na pinanuod si Bianca habang nagp-piano. Hindi alam ni Julie kung ano mararamdaman niya. She just felt...special? Was that what she felt? She didn't know. Kakaiba naman kasi bumanat ito si Elmo. Simple lang ang mga pinagsasabi nito sa kanya pero pasimple siyang napapangiti. Natapos din ang pagtugtog ni Bianca at nagpalakpakan naman silang lahat. "Ang galing na bata ano?" Sabi ni Tippy na nasa tapat banda ni Julie. "Susunod na Julie na yan sabi ko sa inyo." Comment naman ni Sam. Napailing na lang si Julie sa mga kaibigan habang maliit na nakangiti. Kung nagsalita naman kasi ang nga ito parang ang galing galing niya. "Grabe naman guys, mas magaling yung bata na yan sa akin no. Tingnan mo ig-groom natin yan to perfection." "Baka kayanin." Finally ay nagsalita si Elmo at tiningnan muna sila. "Hindi pa niya abot si Julie. Wala makakaabot dyan." Saka naman ito tumayo at pumunta sa may buffet table para kumuha ng punch. Sabay na nagkatinginan si Sam at si Tippy at parehong napangiti. Then they both turned to Julie. "Sosyaaaal!" Biglang comment ni Tippy. "May ganung comments si Magalona Jules! I kennot tho!" Hindi naman nakasagot si Julie sa tinuran ng kaibigan at nanahimik lamang. Elmo ano ba problema mo? Nung isang araw ka pa ah! And at that moment ay binukas na ang dance floor para sa mga couples and friends na gusto sumayaw. Kaagad naman tumayo si asam at si Tippy para sumayaw kasama na din ang iba pa na estudyante kaya naman naiwan mag-isa sa table si Julie. Kung ano ano kasi ang naiisip niya kaya naman agad agad siyang tumayo mula sa table at dumeretso sa labas ng auditorium sa garden ng school. Rinig pa rin naman ang music na nagmumula sa loob although it was faint. "Bakit ka lumabas?" Napapitlag si Julie sa boses at muntik na mabitawan ang hawak hawak na purse. "Elmo, ang hilig mo manggulat!" Lumapit naman sa kanya si Elmo na nakapasok ang kamay sa bulsa. Kanina pa nakalagay kamay nito sa bulsa. Baka naman may tinatago ito? Umupo na lang si Julie sa isang stone bench. Tumabi naman sa kanya si Elmo at nanahimik lang silang dalawa. "Ayaw mo sa loob?" Elmo asked her after a few minutes. Julie shrugged her shoulders. "Eh, naiwan ako don sa table e. Saka may presko dito sa labas." "Umalis ka kasi, kumuha kaya ako ng punch." Sabi naman ni Elmo. Pareho lang sila nakatingin sa loob ng auditorium. Sa sinabi ang lalaki ay naalala naman ni Julie ang pinagsasabi nito. "Elmo..." She called out. The gus slowly turned her way. "Yes Sioppy?" "Kanina ka pa eh. Problema mo at puri ka ng puri sa akin?" Tanong naman ni Julie. Elmo smirked, that half smirk of his. "Nagsasabi lang naman ako ng totoo. Di ka na nasanay. Dati naman kapag pinupuri kita wala kang imik. Kahit naman kasi lagi kitabinaasar kapag talagang magaling ka sinasabi ko naman." "Eh sunod sunod eh." Sabi naman ni Julie habang nakatingin pa rin kay Elmo. "May kailangan ka ba? Ano? Sabihin mo na lang. Kinakabahan kasi ako sayo eh." Di naman nawala ang ngisi sa muhka ni Elmo. "You think too much Sioppy." He replied but his face remained somber. Hindi na ito tumingin kay Julie at deretso na lang na pinagmasdan ang mga batang sumasayaw sa loob. Magsasalita pa sana si Julie nang may marinig silang pamilyar na intro ng isang gitara. Julie froze on her seat while Elmo glanced her way with a sly smile on his face. Dahan dahan naman na tumayo si Elmo at bigla na lamang linahad ang kamay kay Julie. "O ano yan?" Pagtataray nanaman ni Julie. Elmo scoffed. "Baka kakainin mo Julie Anne, natural kukunin mo tapos sasayaw tayo." Matalim na tiningnan ni Julie ang lalaki. "Eh kung hindi ko tanggapin yang kamay mo ha?" "Tsk." "Ah!" At wala naman na nagawa si Julie dahil kinuha kaagad ni Elmo ang kamay niya at hinablot siya patayo bago hatakin palapit sa kanya. Kamuntikan na sumubsob ang muhka ni Julie sa matipunong dibdib ng lalaki. "Elmo!" She hissed. "Shhh." Balik naman ni Elmo. At nagulat na lamang si Julie dahil kinuha ng kaliwang kamay nito ang kanan niya habang ang kanan nito ay pumatong sa bewang niya. Nagsimula na tumugtog ang kanta na alam na alam nilang dalawa. Hello my friend we meet agan It's been a while Where should we begin? Feels like forever "Kasalanan mo ito eh." Mahinang sabi ni Elmo as they swayed to the music. Kahit wala sila sa mismong auditorium ay rinig na rinig panrin naman nila ang musika na tinutugtog ng isang grupo ng mga senior student. "Ano nanaman ginawa ko." Bulong ni Julie. Hindi naman niya nakikita ang muhka ni Elmo dahil hinila siya nito palapit para nakapatong ang ulo niya sa balikat nito. "Kasi kinanta mo yan dati eh. Wala na, nastuck na forever sa utak ko." Sagot naman ni Elmo. When you are with me I am free I am careless, I believe "Oo nga, linagay mo na nga sa braso mo yung title eh." Sagot naman ni Julie. Ewan ba niya kung bakit linalapat din naman niya ang muhka sa may balikat ni Elmo. Yung totoo kasi ayaw din naman niya ito makita ngayon, ayaw niya harapin ang mga mata nito dahil natatagpuan niya ang sarili na bumibilis ang pagtibok ng puso. Sa totoo lang ang bango talaga ni Elmo. Ang sarap sarap ng amoy nito sa ilong niya. She started shaking her head at that. Ano ba Julie, kung ano ano nanaman ang naiisip mo. Maya maya ay bigla naman gumalaw si Elmo para tingnan siya. Parang naubusan siya ng hininga. Napakalalim kasi ng titig nito sa kanya. Para bang nagsusumamo. Yes they were still swaying to the music but they were also busy staring at each other. Then Elmo reached up to caress the side of her face. She moved to pull away but stopped short when she saw how he looled at her. Ano ba nangyayari? "I mean it Sioppy when I praise you. You're actually too good of a person to be true." Tiningnan lang naman siya ni Julie habang napailing ito at parang natatawa sa sarili. "Hulog na hulog na talaga ako." Hindi alam ni Julie kung tama ba ang narinig niya na sinabi nito, o kung narinig ba niya talaga ito magsalita. At sa hindi niya alam kung pang ilang beses nung gabing iyon, ay naramdaman ni Julie na natigil ang paghinga niya nang lumapit si Elmo sa kanya. His face was a just a few centimeteres away from hers and his eyes were hooded as he looked at her lips. They've kissed countless times before, but they were in the school for crying out loud! "Sioppy..." Mahinang bulong ni Julie na hindi rin siya sigurado kung narinig ni Elmo. They've both already taken a breath in preparation for the impending kiss when... "Julie!" Agad naman na napalayo si Elmo at si Julie sa isa't isa. Si Maqui pala. Hahangos hangos ito na papunta sa kanila at oara bang may inaayos sa loob ng bag. Whew. Muhkang hindi nito nakita ang masyado nilang malapit na posisyon sa isa't isa dahil ngayonbay halos isang metro na ang layo nila. "O bakit nandito kayo sa labas?" Maqui asked in a rather scandalous tone. "Kayo ah. Hindi niyo ba mapigilan at talagang dito pa ang rendezvous niyo?" "S-sira." Sabi naman ni Julie kay Maqui. Napalunok lang siya at napasulyap kay Elmo bago binalingan ng tingin ang pinakamatalik na kaibigan. "Maq, ano ba iyon?" Ulit niya. "Samahan mo ako sa loob tara!" Sabi naman ni Maqui at hinila ang braso ni Julie Anne. "Naging host lang ako nawalan na ako ng makakasama!" At bago pa may magawa si Elmo ay nahila na paloob ni Maqui si Julie. Binigyan naman ni Julie ng huling tingin si Elmo na simpleng ngumiti lang sa kanya habang nakatayo pa rin sa pwesto nito. Wala na , nahila na siya oabalik sa loob ni Maqui na ngayon ay dinadaldal siya. Pero walang pumapasok sa isip niya, masyado kasi nakatatak sa utak niya ang pangyayari kanina. She was feeling something...different. Napahawak siya sa puso niya. It wouldn't stop beating so fast. Inis na inis na siya eh. Kanina pa, ayaw tumigil. At literal na masakit siya sa dibdib. "Bes okay ka lang ba?" Napatingin siya sa nagsalita at nakita na si Maqui pala ito. Nagaalalang nakatingin ito sa kanya kaya nman mahinang ngumiti lang siya. . "Okay lang ako Maq." "Eh parang tulala ka eh." Sabi naman ni Maqui. Julie shook her head at that. Kanina pa kasi. Napainom siya ng juice at sakto naman na nahagip niya ang muling pagpasok ni Elmo galing sa labas mula sa garden. Napakunot ang noo niya nang makita na kinakausap ito ni Kiara. Letse. Muhkang gusto sumayaw ng babae pero laking gulat na lamang ni Julie nang makita niya na umiling lang si Elmo sa babae bago naglakad palayo papunta sa buffet table. Napangiti si Julie habang sinusundan ng tingin ang lalaki. Haha, kala mo Kiara, sa akin na siya no, wait, what? At siguro ay naramdaman ni Elmo na nakatingin siya kaya nang mag-angat ito ng ulo ay nagtama ang tingin nila. And Julie found her heart beating fast again just as Elmo gave her a faint smile. Siya na ang una nag-iwas at bigla na lamang tumayo para makalayo. Nakalabas na siya ng auditorium papunta sa mga corridor. Kahit madilim ay wala siya pakeelam, gusto lang niya makalayo. "Julie! Sioppy wait!" "Wag ngayon Elmo." Kaagad na sabi niya habang patuloy na naglalakad. Naramdaman na lamang niya na mahigpit na hinawakan ni Elmo ang kamay niya. "Sioppy what's wrong?" At natigilan si Elmo nang makita na naluluha luha si Julie. "Sioppy..." Julie shook her head at him. "Please Elmo, tama na kaka-Sioppy sa akin." "Bakit, ano nangyayri sayo?" Elmo asked worriedly. "Okay ka lang ba?" "Hindi..." Julie sobbed. "Sioppy--" "Stop calling me that!" Natigilan si Elmo. Umalingaw-ngaw ang sigaw ni Julie sa corridor na mabuti na lamang ay malayo sa auditorium. Lumapit si Elmo palapit pero pinigilan nanaman siya ni Julie. "Elmo, please...ayoko na." Julie actually saw the moment that Elmo's heart looked like it stopped beating. "H-ha? Anong--" "A-Ayoko na ng ganitong set-up." Julie uttered. Nalilitong tiningnan ni Elmo si Julie. "Bakit? Ano ba?! Okay naman tayo kanina ah!" Nag-iwas ng tingin si Julie at napapikit ng mariin. "Basta. Ayoko na. Co-worker and friend mo na lang ako. Let's keep it that way. No other thinga involved." "Putangina Julie ano nanaman ba ito?! Okay naman na tayo ah! Bakit, ano ba ginawa ko?" Galit na sabi ni Elmo. Napatingin si Julie kung may iba pa na tao at buti naman ay wala. "Hindi na kasi pwede ito." She calmly answered. "Ha? Anong hindi pwede? Julie naman! Hindi ako marunong magbasa ng utak! I-explain mo na sa akin!" Elmo yelled. "Bakit ba affected ka masyado?" Julie suddenly fiercely asked. "Mawawalan ka lang ng f**k buddy. Maghanap ka na lang ng iba." Naguguluhan na tiningnan lang ni Elmo ang babae. "Tangina talaga." Hindi na siya sumisigaw pero malalim ang tinig niya. "Sinusubukan mo ba talaga ako ha Julie Anne? E sa ayaw ko ng iba! Tangina naman!" "Hindi nga kasi pwede!" And again Julie was crying. "H-Hindi pwede mangayri ito." Natigilan nanaman si Elmo. He hated seeing her cry. "J-Julie." Lumayo si Julie bago pa siya mahawakan ni Elmo. Huminga muna siya ng malalim at pumikit bago hinarap ulit ang lalaki. "Ibalik mo na lang ang susi ng condo ko ah." Naglakad na siya palabas ng school, iniwan si Elmo na nanlulumo doon sa may corridor. Ang huling narinig na lang niya ay ang pagsipa ni Elmo sa isang pinto at ang pagmura nito. =•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•= AN: Hello faneys!!! Ang utak ko ay nocturnal ohoho! So ano nanaman ang mangyayari sa dalawamg ito? Abangan. Hoho. Salamat po sa lahat ng nagbabasa! Salamatvsa bumoboto at nagcocomment! As in nakangiti ako kapag nakita ko ang mga comment niyo. Please don't stop letting me know what you think about the chapter. Nakikita ko din ang mga insights niyo sa twitter so thank you for that :) Please do comment or vote! Again, thank you for reading! Mwahugz! -BundokPuno
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD