AN: Pasensya po ulit sa typos. Masaya magsulat ng mabilisan haha.
"Julie Anne!"
TOK TOK TOK
"Bes! Hoy! Buksan mo yung pinto!"
Kanina pa naririnig ni Julie na may kumakatok sa pinto ng condo niya. At alam niya na si Maqui yun. Pero ayaw niya tumayo. Hindi ba pwede forever na lang siya nakahiga?
Hindi ka pwede humiga forever kasi walang forever...
"Pasta putanesca Julie Anne ha!" Sigaw nanaman ni Maqui. "Bubuksan mo ba itong pinto o sisirain ko?!"
Kahit ayaw at tumayo na din si Julie Anne, natatakot na lumabas na ang iba niyang kapit bahay sa condo at pagtsismisan pa sila ni Maqui.
Marahas na binuksan ni Julie ang pinto ng condo niya at naglaban sila ng tingin ni Maqui.
"Ano San Jose hindi ka na marunong bumangon sa kama mo ha?" Naiinis na sabi ni Maqui habang nakapamaywang at nakasimangot sa kaibigan.
"Maq, wala ako sa mood." Sagot naman ni Julie na nakasimangot din. Pero kahit ba sinabi niya iyon ay hinayaan naman niya na nakabukas ang pinto para sa kaibigan bago bumalik sa kwarto niya.
"Jusko naman Julie Anne!" Linya ni Maqui habang tintingnan ang kaibigan nang sumunod siya sa may kama nito.
Hindi naman sumagot si Julie at bagkus ay nahiga na lamang ulit sa kama na nakatago ang muhka sa mga unan.
"Hoy babae!" Sigaw naman ulit ni Maqui sabay palo sa puwet ni Julie.
"Aray Maqui ah!" Julie yelled back, glancing at her friend as she was still faced down on the bed.
"Sorry tambok ng pwet mo eh." Nangaasar na sabi ni Maqui habang tinitingnan ulit ang kanyang kaibigan. "Ano ba kasi problema mo at buong weekend ka nandito sa kwarto mo?"
Huminga ng malalim si Julie at tiningnan si Maqui. "Maq..."
"Pucha Julie Anne ayoko ng mga ganyang entrada mo eh." Sabi ni Maqui. Nakaupo na rin siya sa harap ni Julie sa may mattress.
Napasuklay sa buhok niya si Julie at napasandal sa headboard niya. Napagdesisyunan na rin naman niya na sabihin kay Maqui ang lahat lahat.
"Basta, Maq wag ka muna magagalit ah." Sabi ni Julie.
"Eh letse kung sinasabi mo na sana kasi sa akin kung ano yun edi hindi humaba itong usapan natin." Sabi ni Maqui.
Napahinga ng malalim si Julie. Okay it was time. This was it.
Hindi niya alam kung paano sisimulan ang pagsabi sa kaibigan kaya naman walang preno na umamin na siya.
"Elmo and I...sleep together."
Magkatinginan sila nang sinabi ni Julie at nakitang lang ng huli na blangko ang ekspresyon sa muhka ng kaibigan niya.
Akala niya hindi na ulit magsasalita si Maqui kaso bigla naman ito dumeretso sa upo at hinarap si Julie. "Kelan pa?"
"Ha?"
"Kelan pa kayo nagsisiping ni Elmo Magalona ha Julie Anne San Jose?"
Natigilan si Julie. Hindi naman niya kasi ineexpect na ganito ka-kalamdo si Maqui habang kakausapin siya nito.
"Maq--"
"Pakisagot muna yung tanong ko Julie Anne." Sabi ni Maqui na matalim pa rin na nakatingin sa babae.
"I-I don't know...a month?"
"A month?!" Ayan, hindi na kalmado si Maqui.
"O-oo eh..." Natatakot na sabi ni Julie. "Sasabihin ko naman sana sa--"
"Bakit hindi ka pa nabubuntis?!"
Natigilan si Julie sa sinabi ng kaibigan at kunot noo na napatingin dito. "H-ha?"
Lumapit pa si Maqui sa kanya at tiningnan siya sa mata. "Aba, isang buwan na tapos wala pa rin ako inaanak? Ano ba naman Julie Anne! Kamo kay Elmo hindi siya magaling magshoot ah!"
Namula kaagad ang pisngi ni Julie sa pinagsasabi ng kaibigan. Kahot kailan talaga kasi ito walang filter ang bunganga!
"Maq, mas iniisip mo pa kung magkakaanak kami?"
"Eh sa gusto ko na ng inaanak eh." Sabi naman ni Maqui.
Nalilito pa rin si Julie. "H-hindi ka ba nagulat sa sinabi ko sayo?"
"Nagulat siyempre." Pero kibit balikat na sumagot si Maqui. "Pero hindi rin ganun ka-gulat. Expected naman na ng lahat ng tao iyon eh."
"Ha??" Nalilito na sabi ni Julie. Hindi kasi niya talaga maintindihan ang kaibigan niya. "Anong expected ang sinasabi mo?"
Umikot ang mga mata ni Maqui. "Nukaba bes, e nung nag-aaral pa lang tayo inaasar na kayo niyan ni Elmo. I was surprised nga na hindi kayo nagkaroon ng something hanggang graduation kasi parang wala."
Nag-init ang muhka ni Julie sa sinabi ni Maqui. Kasama noon ay napaiwas naman siya ng tingin.
Kahit hindi nakikita ni Julie ay alam niya na nanlaki bigla ang nata ni Maqui at hinila naman siya nito palapit para tumingin siya dito.
"Hoy hoy Julie Anne bakit? college pa lang may something na kayo?"
Natatakot pa rin tumingin si Julie aa kaibigan kaya naman pilit siya na pinaharap ni Maqui.
"Psst, babaita, hoy tignan mo nga ako sa mata at sabihin mo sa akin bakit ka nag-iiwas ng tingin?"
Napahinga ng malalim si Julie at hinarap na rin sa wakas si Maqui.
Nakita niya na nagaantay ito ng sagot niya.
Oh fine, bahala na! "It was one night Maq--"
"My gash Julie Anne! Ang landeutch mo! Ang landeutch mo talaga!"
"Sabi sayo it was one night!" Exasperated na sabi ni Julie. Pinatong niya ang ulo niya sa isang kamay. "Alam mo naman Maq na...he's a rival...and ewan ko attracted naman talaga ako sa kanya dati pa."
"Alam ko yun gaga."
Sinimangutan naman ni Julie si Maqui na napangisi na lang sa kanya.
Saka naman niya tinuloy ang kanina niyang sasabihin.
"Basta. Ayun e nung grad party kasi ewan. Something I don't know, soemthing sparked. Parang sumabog." Sabi naman ni Julie na napapailing at napapahinga na lamang ng malalim.
"Alam mo Julie Anne, ang tawag don... UST."
Umakyat ang kilay ni Julie. UST? Ang alam niya school iyon.
"UST?"
Ayan at umikot nanaman mata ni Maqui, buti hindi ito nahihilo. "Unresolved s****l tension bes. Which eventually, na-resolve niyo nga."
Namula nanaman muhka ni Julue kaya nahampas siya ni Maqui ng unan.
"Aray!" Inis na sabi ni Julie. "Problema mo?"
"Pademure ka pa! Eh if I know!" Maqui pouted. Tapos bigla bigla na lang ito tumayo sa kama.
"Bakit?" Nagtatakang tanong naman ni Julie.
"Umupo ako sa kama mo!!!" Biglang sigaw ni Maqui.
Nakakunot noo pa rin na tiningnan naman ito ni Julie. "Oo nga. O ano naman ngayon?"
"Eeeeeh!" Impit na tili ni Maqui na para bang nandidiri. "Jusko! Nakailan na kayo ni Elmo dito?!"
"Maq naman!" Sabi ni Julie. At namula nanaman ang muhka niya. Siguro kamatis na kamatis na ang itsura niya sa kakablush. "Gusto mo ba ng strainer?! Para naman may filter yang bibig mo!"
"Kunwari ka pa Julie Anne!" Sabi ni Maqui habang nakapamaywang sa harap ni Julie. "Eh if I know ilang beses niyo na nabinyagan ni Elmo itong kama mo tapos may pademure effect ka diyan? Langya dis!"
"Pinapalitan naman namin yung sheets!" Sabi ni Julie at napatakip na lang sa bibig niya sa inis na na-reveal niya iyon.
"Aha! Sabi ko na nga ba ginagawa niyo talaga dito eh!" Sabi naman ni Maqui habang tintingnan ang kaibigan.
"Eh bakit Maq, saan ba sa tingin mo gagawin namin?" Balik naman ni Julie. Tinampal nanaman niya ang sarili niyang bibig. Ano ba 'to! Sagot din kasi siya ng sagot kay Maqui! "Maq, pwede ba busalan mo ako. Baka ano pa masabi ko sa'yo eh."
"Deh gurl sige tuloy mo lang." Sabi nanaman ni Maqui at kumuha ng upuan na nasa may vanity table ni Julie bago doon pinili na umupo.
Julie scowled at her friend again. "Alam mo Maq, para kang sira, bakit ba ayaw mo umupo dito sa kama?"
"Baka may bakas niyo pa nga kasi, no thank you."
Sa wakas ay nakayanan manahimik ni Julie. Hindi kasi alam ni Maqui na pati yung upuan na iyon saka yung vanity table mismo ni Julie ay nabinyagan na nila ni Elmo.
Elmo...
Malalim ang hininga na napakawalan niya sa muling pag-isip sa binata. Alam niya na hindi maganda ang paghihiwalay nila nung isang gabi. Hanggang ngayon ay hindi pa sila nakakapagusap ng mabuti and it's been two days. At hindi pa binabalik ni Elmo ang susi niya.
"So ayun ba yung drama niyong dalawa sa may corridor nung acquaintance party?" Tanong naman ni Maqui bigla sa kanya.
Napapitlag si Julie sa sinabi ng kaibigan niya. Narinig sila?
"Di ko sinasadya bes..." Sabi ni Maqui na marahan na nakatingin sa kanya. Tumayo na ito mula sa upuan at tumabi kay Julie sa kama. "Nung una, siyempre nagugulat ako sa mga naririnig ko. Lalo na nung banggitin mo na...FuBu kayo ni Elmo."
Napailing si Julie. Muhkang narinig nga ni Maqui lahat ng pinaguusapan nila ni Elmo nung gabing iyon.
"FuBu lang ba talaga bes?" Biglang sabi nanaman ni Maqui.
Tiningnan ni Julie ang kaibigan. "Maq naman. Kita mo naman na lagi nga kami nagaaway ni Elmo noon eh. Bale, it's just the pleasure saka na rin yung company ang nangyayari sa aming dalawa."
Binalik ni Maqui ang tingin kay Julie. "Talaga???"
Sa sinabing iyon ng kaibigan niya ay napabalik ang tingin ni Julie kay Maqui. "O-oo."
"Nauutal ka bes. Hindi ka nauutal ever unless nagsisinungaling ka or hindi ka sure." Sabi ni Maqui.
Umiwas kaagad ng tingin si Julie at namalayan na lamang niya na parang may bumabara sa lalamunan niya at tutulo na ang luha mula sa kanyang mga mata.
Hindi naman nagsalita si Maqui. Gusto din niya kasi na handa si Julie magsalita. Ayaw niya pilitin ito.
Sa wakas ay hinarap na ulit siya ni Julie Anne. At namangha din naman si Maqui dahil nakita niya na nawala na ang kaninang nakita niya na nagbabadyang luha mula sa mata ni Julie.
"Bes..." Julie started. "Ako yung tao, na hindi pwede para sa pag-ibig."
"Paan mo naman nasabi iyon?" Parang nanghahamon na sabi ni Maqui. Kahit naman kasi siya ay hindi naniniwala sa pinagsasabi nitong kaibigan niya.
"Eh...hindi ako naniniwala sa ganun eh." Sabi ni Julie at kaagad naman nag-iwas ng tingin.
Nagulat naman siya nang makita na natawa na lamang si Maqui sa kanya.
Taas kilay niyang hinarap ang kaibigan. "Bakit?"
"Nakakatawa ka kasi." Sabi ni Maqui. "Kung hindi ka naniniwala sa pag-ibig, bakit apektado ka na sa pagiging FuBu niyo ni Elmo?"
Hindi kaagad nakasagot si Julie. Dahil sa totoo lang, hindi din naman niya alam ang isasagot sa kaibigan niya.
"Wala. Wala lang. Ayoko na."
At tumawa nanaman si Maqui.
"Ano ba Maq, tawa ka ng tawa." Sabi nanaman ni Julie.
"Shunga ka kasi Julie Anne. Hindi ka naniniwala sa pag-ibig pero yung totoo matagal ka na rin nagkakagusto kay Elmo."
Nanlaki naman kaagad ang mata ni Julie sa sinabi ni Maqui. "H-ha? Hindi ah! Sino may sabi?!" Napatayo naman si Julie mula sa kama at umiwas para umupo sa may vanity table.
Tumayo na din si Maqui at napahagod pa sa buhok niya. "Sabi sayo bes e shunga ka talaga." Pumwesto siya sa harap ni Julie para wala itong choice kundi tingnan siya. "Kaya ka apektado Julie. Kasi alam mo sa sarili mo na mahal mo na siya. At natatakot ka." Maqui moved to lower herself so she could be face to face with Julie who was still seated on the chair. "Bakit ba Jules? Hindi ka naniniwala na may gusto din sa'yo si Elmo? Muhka naman mahal ka niya."
"Hindi Maq." Julie insisted. "M-maybe it's just...I don't know...lust. I mean may constant sleeping partner siya diba?"
"Haay pakatanga talaga ng best friend ko oo." Bulong na lamang ni Maqui.
"I heard that."
"And you were meant to hear it Jules." Sabi naman ni Maqui. Tumayo na siya mula sa pwesto sa harap ni Julie at naupo ulit sa kama. "Ikaw lang ang nagsasabi na hindi ka mahal ni Elmo."
Hinarap ulit ni Julie si Maqui. "Maq, let's say nga na oo..."mahal" ako ni Elmo. Walang mangyayari sa amin."
"Eh bakit kasi ayaw mo tanggapin?" Maqui asked again. "Hindi pa ako nagkakaboyfriend pero sabi nila masarap ang feeling ng may nagmamahal sayo."
Nakalingon lang si Julie kay Maqui. She then scoffed. "Masarap nga. Tapos kapag iniwan ka, sinaktan ka, ano ka na non. Iiyak iyak." She looked away, looking at herself in the mirror. "Lumaki na ako na nakikita si mama na ganon ang ginagawa. Ayoko na ganun ang mangyari sa akin."
=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=
Nakatayo sa harap ng school gates si Elmo. Mga 15 minutes din siya na nakapwesto lamang doon. Simula kasi ng paguusap...or rather pagsiosgawan nila ni Julie nung isang gabi ay hindi na sila nakapagusap pa.
Nakatitig siya ngayon sa kamay niya na hawak hawak pa rin ang spare key na binigay sa kanya ni Julie.
His face looked determined as he gripped it back into his palm and placed it inside his pocket. "Hindi ako madali sumuko Sioppy." Mahinang sabi niya.
Dumeretso siya sa may faculty room at nakita na wala pa si Julie. Saka naman niya naalala na alas diyez pa ang unang klase nito. Memorize na din niya kasi ang sched nito.
Linagay na niya ang gamit niya sa may desk at inayos ang quiz na ibibigay niya mamaya sa kanyang mga estudyante.
"Morning pare." Napatingin siya sa nagsalita at nakita na si Sam pala ito.
"Ui, pare." Mahinang bati naman ni Elmo habang patuloy na nagaayos ng gamit.
"Okay ka lang?" Sam asked hesitantly.
Napaangat naman ng tingin sa kanya si Elmo. Tumigil ito saglit sa ginagawa bago bumalik sa pagayos ng mga papeles. "Oo naman, bakit mo naitanong?"
"Parang pagod kasi yang mga mata mo." Sabi naman ni Sam."Sure ka na okay ka lang?"
Mahinang napangisi si Elmo. "Okay lang ako Sam ano ka ba."
"Sige. Sabi mo eh." Sam said bago na naglakad palayo.
Tuloy pa rin sa pagaayos ng mga papeles si Elmo nang mapansin na niya ang babaeng naglalakad sa may pinto.
He stopped what he was doing and just had to look at her.
Napatigil sa gitna ng kwarto si Julie at hindi maiwasan ang magkatinginan silang dalawa.
Napansin ni Elmo na nakasunod si Maqui kay Julie at nasense naman nito ang tension.
"Ah, Julie, gusto mo kumain muna tayo sa canteen?" Sabi naman ni Maqui. "Hindi pa kasi ako nagb-breakfast eh."
Tiningnan ni Julie ang kaibigan at tipid na ngumiti. "Sige Maq..." Tapos ay dumeretso siya sa kanyang desk at mabilis na linapag lahat ng gamit niya.
Lalakad na sana siya palayo pero nahuli kaagad ni Elmo ang kamay niya.
"Julie wait."
Lumingon si Julie sa lalaki at mahinang umiling. "Wag ngayon Elmo, please." Hinila niya ang kamay niya palayo at mabilis na lumabas mg kwarto.
Kuyom ang palad na napaupo ulit si Elmo sa may desk niya at nakita na lamang niya na lamang niya na malungkot na napatingin sa kanya si Maqui. Para bang naawa ito sa kanya. Siya na ang unang nag-iwas ng tingin.
His arms were crossed on his chest as he looked away. Mabuti na laamng ay kakaunti pa lamang ang kapwa nila na mga instructor sa loob ng faculty kundi ay marami ang nakapansin sa nangyari kanina lamang.
"Pare..." Napaangat siya ng tingin sa nagsalita at nakita na ayan nanaman si Sam.
Umupo ito sa upuan ng desk ni Julie para naman sila ngayon ang magkaharap. "Ano...may balak ka ba sa akin magkwento?"
Huminga ng malalim si Elmo. Simula kasi nung gabi na iyon, wala pa siya nakakausap sa mga kaibigan niya. Nagkulong lang siya sa condo niya at linunod ang sarili niya sa alak.
Pero ngayon na nasa harap na niya si Sam ay parang gusto na talaga niya maglabas ng hinanaing.
"Bakit ganun pare, mahal ko naman siya eh. Ayaw lang niya maniwala."
"Pinapakita mo naman ba?" Biglang sabi ni Sam. "O baka naman puro s*x lang ang ginagawa niyo kaya naman hindi siya naniniwala. Linalabas mo ba siya on dates or stuff like that?"
Elmo leaned on the desk para mas marinig pa siya ni Sam. "Pare naman. Paano ko siya malalabas on dates e hindi nga siya naniniwala na gusto ko siya. Hindi siya naniniwala na mahal ko siya. Hindi niya ako binibigyan ng chance."
"Then create your own chance." Sabi naman ni Sam. "Alam mo naman si Jules, ang tigas niyan eh. Pero sa totoo, she has a soft side. Show her you love her, magbigay ka ng gesture."
"Hindi na uso harana Sam." Balik naman ni Elmo.
Kaagad na natawa si Sam sa sinabi ng kaibigan. "Gago pare wala naman ako sinabi na harana. Maging orig ka naman. Yung ibang bagay para maniwala siya na mahal mo nga siya. Mahal mo nga ba?"
Madilim na tiningnan ni Elmo ang kaibigan. "Iniyakan ko na nga at lahat eh."
"Iyakin ka kasi..."
"Gago."
"Bwahahahaha!"
=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=
Iwas na iwas talaga si Julie. As much as possible kasi ay ayaw niya makita si Elmo. Umabot na nga siya sa punto na kay Maqui niya pinadala ang iba niyang gamit para lamang hindi siya bumalik sa faculty. Ang totoo kasi niyan ay ayaw niya muna makausap ito. Baka kasi kung ano rin ang sabihin niya.
And she knew Maqui was right. She was falling for Elmo big time. At ayaw niya iyon.
Ano, they'll be in a relationship and what not, tapos kapag nagsawa ito sa kanya, iiwanan siya nito at maghahanap ng ibang babae? Tss. Hindi totoo ang forever. Kathang isip lang lahat ng yon.
Kasalukuyan siyang nasa studio 4. Sa totoo lang ayaw na niya sa studio na iyon. Puros kasi si Elmo ang naaallaa niya kapag nandoon siya.
Magtigil ka nga Julie eh kahit saan ka naman pumunta naaalala mo si Elmo eh.
Napabuntomg hininga siya at napatingin ulit sa orasan niya. Muhkang malelate itong estudyante niya ah. May individual lesson kasi siya.
Tiningnan niya ang nakasched sa kanya... Miguell San Jose.
Ito palang bata ang ka-lesson niya ngayon. Mabait na bata si Miguell. Tahimik lang at laging nakikinig kapag nagdidiscuss siya. Matataas din ang nakukuha nito na quiz kapag sa klase niya.
"Mam!"
Gulat na napatingin naman sa may pinto si Julie at nakitang nagmamadali na pumasok si Miguell. Pawis pa ang bata at hingal na hingal. Muhkang kagagaling lang sa pagtakbo.
"Mam, I'm sorry I'm late."
"Okay lang Miguell." Ngiti naman ni Julie sa bata. "Upo ka muna at magpahinga."
"Salamat po mam." Sabi naman ni Miguell. Umup naman ito sa stool, katabi ni Julie at nagpahinga saglit.
"Is everything alright?" Tanong naman ni Julie. "Bakit parang nalate ka ata ngayon?"
"I'm sorry po mam." Sabi naman ni Miguell. "Nasa hospital po kasi yung dad ko. Hinintay ko pa po si mama na makabalik from work kasi night shift po siya. Buti po same hospital."
"Ah, nurse ba mom mo? I'm sorry to hear about your dad."
"Opo mam. Nurse po si mama. Si dad po dati ay tumutugtog din sa banda. Kaya po ako nahilig magpiano dahil na din sa kanya. Kaso nagtrabaho na lang po siya sa isang advertising company. Mas malaki sweldo e. Paminsan minsan tumutogtog pa rin naman po siya." Nakangiting sagot ni Miguell.
Mahinang ngumiti din si Julie. Somehow naaalala niya din ang kanyang papa. Ito kasi ang nagturo sa kanya magpiano. Kahit papaano naman ay naramdaman niya na minahal sila ng ama niya. Iyon nga lang. Mas mahal siguro nito ang babaeng kinasama.
But it's all in the past now. No use crying over spilled milk.
"O sige. Ready ka na ba magstart?" Tanong naman ni Julie.
"Opo!"
Nagsimula na nga sila sa lesson at nakikita ni Julie na may angking galing din talaga ang batang ito.
Kapag nagkakaron man ng mistake ay minimal lang at tuwang tuwa si Julie dahil doon. Sa iba niya kasing estudyante ay talagang nasusubok pasensya niya. May pagkaperfectionist pa man din kasi siya.
"Good lesson Miguell, keep it up. Practice lang ng practice ha." Sabi ni Julie.
"Thank you po mam!" Malaking ngiti na binigay ni Miguell. Nagligpit ito ng gamit at sakto naman na nalaglag ang wallet nito na nakabuklat.
Si Julie na ang gumalaw para pulutin ito ngunit natigilan siya nang makita ang picture na nasa compartment ng pitaka ng bata.
"Ah, ayan po mom and dad ko, mam." Explain ni Miguell.
Pakiramdam ni Julie ay para siyang nauubusan ng hininga. Literal na natigil ang isang t***k ng puso niya sa nakita. Parang umiikot na din ang kwarto.
"Mam?" Nagtatakang tawag ni Miguell sa kanya.
Kaagad naman niya binalik ang wallet sa bata. Huminga muna siya ng malalim at parang napapailing ulit paea lamang mawala ang pagikot ng kwarto sa paningin niya. "Ah, sige Miguell, I'll see you na lang tomorrow."
Hindi naman na nakapagsalita si Miguell dahil dali dali na lumabas ng studio si Julie.
Hindi na muna kinuha ni Julie ang mga gamit sa loob at derederetso lamang na lumabas at umakyat sa may rooftop.
Habang nasa loob siya sa isa sa mga studio room ay mabilis naman na nakita ni Elmo si Julie na ngalalakad palabas.
Something was wrong.
Iniwan ni Elmo ang kasamang estudyante sa loob ng studio room na iyon at sinundan si Julie.
Marahas na bumukas ang pinto ng rooftop ng school at kaagad naman na napaupo si Julie sa mababang dingding ng nasabing lugar.
Nagpakawala siya ng isang malalim na hininga at inilabas na lahat ng iyak sa katawan niya.
Naramdaman naman niya bigla na may umupo sa tabi niya at alam na niya kung sino iyon. She'd know that scent anywhere.
"Sioppy..." Bulong ni Elmo habang umuupo sa lapag sa tabi ni Julie.
Umiiyak pa rin si Julie na lumapit dito at walang sabi sabi na tinago ang muhka sa pagitan ng leeg at balikat nito bago tinuloy ang pag-iyak.
"Sshh...shhh..." Pagaalo ni Elmo bago yakapin ito palapit. He kissed the top of her head and hugged her tighter.
"Julie what's wrong?" He asked.
Her face was still resting on his chest when she answered. "May kapatid ako Elmo...kapatid ko si Miguell."
=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=
AN: whoo! This internet tho! Haha pahirapan magpublish!
Anyways! Salamat po sa lahat ng nagbabasa! Sa mga bumoboto af nagcocomment and everything else! Sa ngfofollow pa pala haha!
Sobrang natutuwa po ako sa comments! Salamat po talaga :)
So...kamusta mga kaganaan.
Hahaha!
Mwahugz!
-BundokPuno