Matapos kumain ng napakarami (Halos hindi maubos ni Julie ang kinain nila) dumeretso na sila sa mismong Piazza San Marco. May ilan ilan pa din na tao na nandoon pero mostly ay mga kabataan na lang din na ayaw pa umuwi at gusto magpaumaga sa labas. Magkahawak kamay na naglalakad ang mag-asawang Magalona at tahimik na pinagmamasdan ang magandang view. Kahit hindi naman sila magsalita ay sapat na. "Parang kumikinang yung tubig o." Sabi ni Julie habang tinuturo ang lagoon sa harap nila. Plus nagrereflect pa ang moon kaya naman nakakadagdag lalo ang epekto nang serenity. Simpleng inakbayan ni Elmo ang asawa at pareho na lamang nilang tiningnan ang tubig. Gabi na pero nagliliwanag pa din ang ilaw sa paligid. "Sioppy, baka pagod ka na ah, sabihin mo sa akin para naman makabalik tayo sa hotel

