AN: Sorry po for the typos! Kinakabahan na napabalikwas sa kama si Elmo nang maramdaman na malamig ang espasyo sa tabi niya. "Sioppy?" Mabilis niyang inihagis ang kumot mula sa katawan niya at tumayo sa kama. Nagmamadali na lumabas siya ng bedroom suite at kaagad naman kumalma nang makita si Julie na nakaupo sa may living room couch. Nakatalikod ito sa kanya at bahagyang nakatungo. Dahan dahan lang siyang naglalakad patungo dito at narinig naman na simple itong humehele habang hinihimas ang tiyan. Kapag si Julie talaga ang kumanta parang kahit ang mga ibon sa labas ay nakikinig. Partida at hindi naman buong kanta ang ginagawa nito kundi paghele lamang. Tumayo lang doon si Elmo at pinanuod ang asawa habang hinehele ang anak nila. Matapos ang ilang segundo ay tumigil na si Julie at

