"Bes akalain mo yun? May ginagawa nang matino si Elmo!" "Hindi ba matino na minamahal niya ako?" Pag-angal naman ni Julie sa sinabi ng kaibigan. Nakaupo silang dalawa sa may patio ng mansyon ng mga Magalona. Oo nandoon pa rin si Maqui dahil magpapaampon na din ata ito. Dinalhan sila ng mga maid ng biscuits at kape--gatas para kay Julie. "Oo tama naman iyon." Sagot naman ni Maqui habang umiinom sa kanyang kape. "Pero kasi mas maganda itong gagawin niya na magpapasa na talaga siya ng CD. At muhkang sure ball naman na na makukuha siya eh." Natatawang napailing naman si Julie at uminom na din ng gatas. "Asan na nga ba ang asawa mo?" Maqui asked. "Nasa studio." Mabilis din naman na sagot ni Julie. "Ayaw daw muna niya ako doon baka daw madistract siya." "Oo kasi imbes na musika ang gawin

