"Bianca…" Napahinga si Julie at saglit na lumayo kay Elmo.
Tuluyan na pumasok sa loob ng kwarto si Bianca at sinara pa ang pinto sa likod niya. She looked uneasily at the two people also inside the room.
"Ano narinig mo Bianca?" Marahan na tanong ni Elmo.
Muhkang kinakabahan pa rin ang batang babae pero wala na siya magagawa kundi sabihin dahil may narinig naman talaga siya.
"Na…kapatid po ni Mam si Miguell…?"
Napabuntong hininga si Elmo habang si Julie naman ay lumapit kay Bianca.
"Bianca…" Mahinahon na sabi ni Julie habang marahan na hinahawakan ang balikat ng estudyante niya. "Please Bianca, wag mo muna babanggitin ito kay Miguell okay? Please wag, promise me."
Nakikita ni Bianca kung gaano nagmamakaawa ang mga mata ni Julie kaya naman napatango na lang siya. "O-opo mam. Pero paano po…?"
Hinila ni Julie si Bianca para makaupo silang dalawa sa upuan habang si Elmo naman ay tumayo lamang sa tabi ng kasintahan.
Huminga muna ng malalim si Julie bago magexplain. "I just found out recently." She said. "We have the same dad…"
"Kailan niyo po balak sabihin sa kanya?" Maingat na tanong ni Bianca.
Nagkatinginan muna si Julie at si Elmo. Tumango lang naman ang lalaki kaya nagpatuloy sa pagsasalita si Julie. "I wanted it to be during these three days. Humahanap lang ako ng tiyempo. Ang kaso di ko lang talaga alam kung papaano."
Nahalata ni Elmo na para bang nahihirapan na si Julie sa sitwasyon. Muhkang pati si Bianca ay nahihirapan sa nangyayari. Siyempre kung kaibigan mo nga naman ang isang tao, at may alam ka na malaking sikreto, aba mahirap talaga pigilan ang wala ka masabi.
"Bianca, ikaw mas nakakakilala kay Miguell, ano ba sa tingin mo magiging reaksyon niya?" Tanong naman ni Elmo habang umuupo sa tabi ni Julie sa kama.
"H-hindi ko rin po sigurado eh." Sabi naman ni Bianca. "Siya lang naman po nakakakalam kung ano saloobin niya…"
Pangilang buntong hininga na ni Julie. Hindi na rin niya mabilang. Hindi niya kasi talaga alam kung ano ba sasabihin niya kay Miguell. 'Ui Miguell pareho nga pala tayo ng ama kaya magkapatid tayo.' Hindi naman pwede na ganun lang.
Naramdaman naman niya na bigla siya inakbayan ni Elmo na para bang pinapagaan ang loob niya. She leaned in on his broad chest, requesting for warmth. It was times like these that she really was thankful that someone loved her.
"Huwag po kayo mag-alala mam. Gagawin ko po ang lahat ng makakaya ko para makatulong." Sabi ni Bianca na may maliit na ngiti sa muhka.
=°=°=°=°=°=°=°=°=°=°=°=
Isang seminar nanaman ang kinailangan attendan nila Julie.
Nakakatuwa rin naman ang mga topic pero minsan kasi aantukin ka talaga kahit anong gawin mo. Matagal ka ba naman na nakaupo lang sa iisang lugar at makikinig lang sa mga lecture na ibigay ng speaker edi talaga namang tatamarin ka lang.
Napalingon siya sa tabi niya at muntik na matawa. Si Elmo kasi…natutulog na. Kakaunti na nga lang at nakahiga na ang ulo nito sa balikat niya. Buti na lang sa likod sila banda nakapwesto. Napakaswerte talaga ng mokong na ito. Naalala niya kasi nung nag-aaral pa sila, kahit hindi ito ganun na nakikinig ay pumapasa ito. Hindi lang pasa, mataas pa talaga ang grades.
E muhkang ngayon ganun pa rin ang pinaggagawa nito eh. Napatitig tuloy siya sa boyfriend niya. Eh. Bakit ba kinikilig siya habang tinitingnan ito. At mag-isa na lang siya bigla napangiti. "I love you Sioppy…" She whispered and she knew that what she felt was real.
Siguro ay nakaramdam ito si Elmo dahil dahan dahan din naman bumukas ang mga mata nito at kaagad na napatingin kay Julie. He gave a soft smile.
"Good morning Sioppy."
"Good morning ka diyan." Julie chuckled. "Makinig ka kaya…"
Elmo shrugged and crossed his arms before placing his head on Julie's shoulder. "Alam ko na yan eh. Mas magaling pa kaya ako doon sa speaker."
"Eh bakit ka pa nandito?" Julie teased. She was still looking up front while Elmo still had his head on her shoulder.
Kaya naman nagkalingunan silang dalawa. Nakangiti si Elmo habang si Julie ay naghihintay ng sagot.
"Nandito ka kasi, at sa tingin mo hahayaan ko na magsama kayo ni Ben? Asa naman yung muhka niyang unggoy."
Mahinang natawa si Julie. "Ang seloso mo talaga."
"Diba ikaw naman selosa?" Pangaasar ni Elmo. Bigla naman naningkit ang mata ni Julie. "Pero wala ka dapat ikaselos kasi ikaw lang ang mahal ko." He smiled before kissing her shoulder.
"Mabuti na maliwanag." Sabi naman ni Julie. Nanahimik na lamang silang dalawa na ganun pa rin ang pwesto. Sigurado naman si Julie na hindi naman talaga nakikinig si Elmo kahit gising dahil panay lang ang hawak nito sa kanya. Literal na hawak. Mamaya sa kamay, tapos sa braso, minsa iikot ang braso sa bewang. At pinipigil na niya kapag lumalandas ang kamay nito sa may hita. Naka-skirt pa man din siya.
"Elmo ah…"
"Bakit?" Inosenteng tanong ni Elmo habang papalandas nanaman ang mga kamay sa hita nh kasintahan.
At pinigil nanaman ni Julie. "Yang kamay mo kasi dumodora nanaman."
Ngumisi lang si Elmo sa kanya. "You make it so hard for me Sioppy."
Julie teasingly looked at him. "Talaga? Anong tumitigas?"
"Sioppy naman eh."
Mahinang natawa si Julie at hinalikan na lang ang pisngi nito bago marahang itulak palayo. "Teka Sioppy at kanina pa ako naiihi." Mabilis siyang tumayo kahit muhkang aangal pa rin si Elmo.
Walang tao sa may corridors ng hotel na iyon. Well, except na lang siyempre sa mga trabahador doon pero bukod sa kanila ay wala na iba. Kaya alam ni Julie na kahit papaano ay libre siya sa pag-gamit ng CR.
Papasok na sana siya sa mismog rest rooms nang makita na nandoon sa lobby si Miguell.
Nakaupo lang naman ang lalaki sa may couch. Nagtatakang linapitan niya ito.
"Miguell?" Natigilan nanaman si Julie nang mapansin niya na…umiiyak ang bata. "Miguell bakit?"
Gulat na napatingin naman sa kanya ang mas batang lalaki. Siguro ay hindi nito inaasahan na makikita siya ng ganun ng kanyang guro.
"Mam Julie." Nasambit na lamang ni Miguell habang nagpupunas ng luha. Sinubukan niyang magpakita ng ngiti pero ano pa ng ba ang magagawa non dahil nakita naman na siya ni Julie na umiiyak.
Umupo si Julie sa tabi ng kapatid niya at marahang tiningnan ito. "Miguell ano yon? Come on you can tell me I'm your teacher." And your sister...
Nagpunas nanaman ng luha si Miguell. "Ah mam, nagtext po kasi si mama. Muntik na ulit itakbo sa ospital yung papa ko."
Nanigas si Julie sa sinabi ng kapatid. Ang papa nanaman nito…nila.
"Anong nangyari?"
"Akala po kasi inaatake nanaman siya ng hilo dahil sa diabetes. Hindi naman po pala, kinailangan lang magpahinga sa bahay." Derederetsona sabi ni Miguell. Muhkang kailangan na rin talaga nito maglabas ng sama ng loob. "Ayoko na po kasi nakikita siya ng ganun mam eh." Sabi niya ulit kay Julie. "Kung pwede lang ako na ang magkaroon ng sakit, wag lang siya."
Tiningnan ni Julie habang nagpupunas nanaman ng luha ang batang lalaki. Kitang kita niya ang lungkot at pagod sa mata nito. Marahil nga ay napakamabuting ama sa kanya ni Julian. Marahil ay minahal talaga siya nito. Masama ba na sa panahon na ito ay nararamdaman na niya ang pagkainggit? Mabilis siyang umiling para mawala lahat ng iniisip niya at kaagad namang inalo na lamang si Miguell sa pamamagitan ng pagtapik sa likod ng lalaki.
"G-gagaling din siya Miguell, may awa naman ang Diyos eh." Tanging nasabi na lamang niya.
Naoasinghot naman si Miguell at nakangiting tiningnan na lamang ang guro, na hindi niya alam ay kapatid din niya pala. "Maraming salamat po Mam Julie ah. Kahit papaano ay gagamitin ko itong driving force. Papanalunin ko ang competition bukas para kay Papa."
Maliit na ngumiti si Julie. "Tama Miguell, para…sa papa mo."
=°=°=°=°=°=°=°=°=°=°=°=°=
Mabilis na bumalik sa seminar hall si Julie at kaagad na umupo sa tabi ni Elmo na hanggang ngayon ay muhkang bored na bored pa rin.
"Ang tagal mo ata Sioppy?" Bungad sa kanya ni Elmo habang dumederetso ng upo para makadaan siya.
Hindi sumagot si Julie. Tanging iling lang ang nagawa niya at tinuon na lamang ang pansin sa nagsasalita sa harap. Muhkang patapos na din naman ito.
Nakatingin pa rin si Elmo sa kasintahan. Alam niya na may mali pero alam din iya na hindi magsasalita si Julie hanggang sa hindi pa ito handa. Muhkang ayaw din siya nito harapin kaya naman hinayaan lang niya na kunwari ay makinig ito sa nagsasalita.
At parang hinihila ang oras para kay Elmo dahil ngayon gustong gusto na niya matapos ang seminar. Gusto na niya talaga kausapin si Julie.
Muntik na siyang mapacheer nang sa wakas ay pinatayo na sila ng speaker at isa isa na rin nitong pinatay ang mga kagamitan.
Hinarap naman ni Elmo si Julie pero nakita na kaagad naman na ito nakatayo at derederetso palabas ng hall.
"Julie!" He called out as she walked faster.
"Bilisan mo Elmo."
At least sinagot siya nito pero aminado si Elmo na nalilito pa rin siya sa inaakto nito. Nagtaka siya nang makita na hindi ito sa dinig halls dumeretso kundi sa mga elevator.
"Julie…"
"Sshh…"
"But…" Nanahimik nanaman si Elmo nang sensyasan siya ni Julie na manahimik habang mabilis itong may tinetext sa cellphone.
He took the time to catch his breath. What the eff was going on? Ano nangyayari sa girlfriend niya?
The elevator bell dinged and Julie actually stopped looking at her phone so she could get off but not without gripping Elmo's hand in hers and pulling him with her.
Nasa 5th floor sila. Sa kanilang mga kwarto. Kahit anong subok ni Elmo na makapagsalita ay hindi niya magawa dahil lagi siya pinipigilan ni Julie.
Ano na ba ang nangyayari. Kanina pa siya kasi litong lito sa inaakto ng girlfriend niya kaya naman hindi na rin niya alam ang gagawin niya.
Natagpuan na lang niya ang sarili na nasa loob na ng room 517.
He wasn't ready though when Julie suddenly pulled him by the lapels of his shirt and started kissing him.
"Jul--"
"Don't talk Elmo." Julie said and pulled him even closer to kiss him. This wasn't how Julie kissed. This was harsh.
Napasandal si Elmo sa pinto nang itulak siya dito ni Julie kaya naman napahawak din siya sa braso ng babae.
He also felt her nibbling on his lips that he almost tasted blood. "Sioppy--"
"Shhh…"
Bumaba ang mga halik ni Julie mula sa labi ng lalaki hanggang sa leeg nito at hindi naman napigilan ni Elmo ang sarili at napaungol. Lalaki lang din siya.
His eyes closed in ecstasy when Julie started removing the buttons of his shirt and finally the material itself, leaving kisses on his bare skin along the way.
"J-Julie…" Elmo moaned as Julie slowly licked each of his n*****s.
His consciousness was slowly coming back though and he tried pushing her away yet again.
"Wait… Julie what's--f**k!"
Elmo stilled as Julie suddenly reached for his front even through the cloth of his pants.
"Julie wait..hnn--f-f**k!"
"Elmo please, make love to me." Julie whispered.
Even though he would want to make love to her until dawn, he still knew something was wrong. So, mustering up all of his strength, Elmo was able to pull Julie towards him so he could cup her face and they could look at each other.
"Julie...Sioppy." Elmo breathed in. "Kausapin mo ako, anong nangyayari?"
With that being said, Julie broke down and cried. "Elmo…" She sobbed before burying her face on Elmo's bare chest. "Elmo hindi ko kaya…hindi ko talaga kaya."
"Shhh…" Pagtatahan ni Elmo kay Julie. Kinarga niya ito para nakaupo na siya sa kama habang nakakalong ito sa kanya. "Sabihin mo sa akin…ano nanangri?" Tanong naman ni Elmo habang yakap yakap pa rin si Julie at marahan na hinahalikan ang buhok nito.
Tumutulo pa rin ang luha sa mata ni Julie nang tingnan niya si Elmo. "Tinakbo nanaman ang papa ni Miguell sa ospital."
"Papa mo din Julie Anne…"
"Papa ko nga ba?" Pagak na tawa na lang ni Julie. "Iniisip ko, bakit ko pa kailangan sabihin kay Miguell na magkapatid nga kami? Baka nga kinalimutan na din ako ng tatay namin. Baka mapahiya lang ako dahil hindi naman niya aminin na may ibang anak pa pala siya."
"Sshh, hindi yan totoo Julie." Sabi naman ni Elmo. He continued hugging her and giving her comfort. "At kailangan malaman ito ni Miguell. The kid has a right to know."
"Hindi ko talaga alam kung kaya ko Sioppy." Marahang bulong ni Julie. "Paano na lang kung ako pa ang maging dahilan para magalit si Miguell sa tatay niya? Hindi pwede, lalo na at may sakit ito ngayon."
"Kelan pa Sioppy?" Balik bulong ni Elmo habang hinahagod ang likod ng kasintahan. "Mas maganda na ng mas maaga kaysa marami pa iba na mangyari."
Julie breathed in. She was no longer crying but her head hurt. "Kapag handa na ako Sioppy." Then she looked up at him before pulling him forward to give him a gentle kiss. "I love you Elmo. Thank you."
=°=°=°=°=°=°=°=°=°=°=°=
"Elmo wait…" Elmo sropped walking the minute Julie pulled his arm so that they could talk.
Katatapos pa lamang ng huli nila na seminar para sa gabing iyon pero may pinaplano silang apat na huling coaching session bago ang maliit na competition kinabukasan.
"What is it Sioppy?" Elmo asked as he caressed his girlfriend's cheek.
Huminga muna ng malalim si Julie bago nagsalita. "Switch tayo ng estudyante…"
"What?"
Julie breathed in again. "Switch tayo. Si BiBianvca muna ang turuan mo at ako kay Miguell."
Halata naman na gulat si Elmo sa sinabi ni Julie. "S-sigurado ka ba diyan?"
Tumango naman ang dalaga. "I'm sure Elmo. Kailangan ko ito. Kailangan ko ba gawin hangga't sa may lakas pa ng loob na natitira sa akin."
At naintindihan na ni Elmo kung ano ba talaga ang balak ng kasintahan niya. Kaya naman tumango siya at hinalikan na lang ito sa noo. "I'm here for you Julie. Always remeber that. I love you."
At hayun na nga. Laking gulat na lamang ni Miguell nang makita na si Julie ang pumasok sa kwarto nila ni Elmo.
"Mam Julie?"
"Good evening Miguell. Kamusta naman ang huling seminar ninyo?" Tanong ni Julie habang dumederetso sa kama ni Elmo at kinukuha ang gitara na nandoon.
Kahit muhka pa rin na nalilito ay sumagot naman sa kanya si Miguell. "Ah, maayos naman po mam. Pagdating nga lang po sa dulo medyo nabore na kami." He sheepishly smiled.
Palihim na napabuntong hininga si Julie. Nuhkang mahirap talaga itong gagawin niya. Muhka pa naman kasi napakabait na bata nito ni Miguell. Parang walang masamang dugo lagi. Pinaka kakulitan na siguro nito ay kapag inaasar si Bianca pero hanggang doon na lamang iyon.
"Ako muna magiging coach mo…" She then explained. "Para naman at least may dalawang insight kayo diba? Pero saglit lang ito para naman makapagpahinga kayo."
Tumango na lamang si Miguell bilang sagot at hinanda na ang gitara niya.
Nagensayo na rin si Julie eh. Hindi. Hindi siya nagensayo sa pag-gitara. Nagensayo siya kung paano niya sasabihin kay Miguell na magkapatid nga sila.
Here goes.
"Miguell…"
"Po?"
"Pwede malaman pangalan ng mga magulang mo?"
Biglaan naman na napatingin si Miguell kay Julie na para bang takang taka. Pero dahil propesor niya ito ay sumagot na lamang siya.
"Julian po saka Irene, bakit po mam?" Magalang pa din naman na tanong ni Miguell. By this time ay lumuluwag na ang paghawak nito sa gitara dahil napansin niya na hawak lamang ni Julie ang gitara niya sa isang kamay pero hindi nakapwesto.
"Uh mam--"
"Julian din pangalan ng tatay ko." Nasambit na lamang ni Julie.
Nung una ay hindi nagsalita si Miguell bago ito mahinang natawa. "Haha. Ang galing po ano. Magkaapilido na nga tayo tapos pareho pa pangalan ng tatay natin."
Muhkang mahirap talaga itong gagawin niya. This time ay binaba na ng tuluyan ni Julie ang gitara at lumapit para mahawakan ang kamay ni Miguell.
"Miguell…kaya ganun dahil iisa lamang ang tatay natin."
Nakita ni Julie yung moment na nagfalter ang ngiti ni Miguell pero may bakas pa rin na nandoon. Hindi lang siya handa sa bigla nitong pagtawa.
"Kayo mam ah. Plano niyo ito ni Bianca no? Nagpustahan kasi kaming dalawa kung sino mananalo bukas. Dinidistract niyo po ako ah." At tuloy naman ang mahinang pagtawa nito.
But Julie was neither laughing nor smiling. "Miguell, I'm telling you the truth."
Tuluyan na nawala ang tawa sa muhka ni Miguell habang tinitingnan niya si Julie. "Ano po sinasabi niyo mam…"
"Nung nakita ko yung picture sa wallet mo, nakita ko din ang tatay ko. He left me and my mom when I was four." Julie explained.
"S-so… Kami ang pangalawang pamilya?" Nalilito na sabi ni Miguell.
Nakita naman ni Julie kung gaano nahihirapan ang lalaki. Pati naman siya eh. "Miguell…"
"Hindi!"
Nagulat si Julie. Nagpumiglas sa kanya si Miguell at hinayaan na malaglag sa kama ang hawak na gitara.
Tiningnan niya ng huling beses si Julie bago lumabas na binabagsak ang pinto.
Napapikit na lang ng mariin si Julie habang naiwan siya na nakaupo sa kama.
=°=°=°=°=°=°=°=°=°=°=°=
AN: Habol is my middle name! Ano na po kaya mangyayari sa susunod na kabanata? Haha! Malalaman po natin :)
Salamat po sa lahat! Sa mga nagbabasa, nagcocomment at bumoboto, thank you thank you talaga!
Importante po kayo lahat yihii haha! Thank you once again! Comments and votes please!
Mwahugz!
-BundokPuno