Chapter 18

2488 Words
Kanina pa nakaupo sa may gazebo si Elmo. Ang lamig sa Baguio! Ang sarap. Saka alam mo na malinis talaga ang hangin na nalalasap mo. Tumingin ulit siya sa relo niya tapos sa kanyang cellphone. Kanina pa siya tinext ni Julie na magkita sila ngayon doon din mismo sa gazebo na iyon pero hanggang ngayon ay wala pa ito. Nagaalala na siya. Tatayo na sana siya mula sa kinauupuan nang may marinig siyang mga yapak sa likod niya. Tuluyan na siyang napatayo nang makita na si Julie nga ito. Nakatungo ang babae at yakap yakap ang sarili na para bang linalamig. Paano ba naman, naka blazer nga ito pero manipis lang. "Sioppy!" Elmo called at mabilis na linapitan ang dalaga. Mabilis niyang hinubad ang kanyang jacket at sinuot iyon kay Julie na hanggang ngayon ay nakatulala lamang. "Sioppy, ano nangyari?" Elmo asked her. He rubbed his hands on her arms as to give comfort. Hindi sumagot si Julie bagkus ay dumeretso sa may mismong gazebo para maupo. Sumunod naman si Elmo sa kanya kahit na medyo nalilito pa ito. "I told him about it." Bungad ni Julie habang najaupo na at yakap yakap ang jacket ni Elmo na nakapalibot sa kanya. Nakatingin lang siya sa scenery sa tapat nila. May maliliit na lampara na nakapaligid sa garden kaya kahit ba gabi ay naliliwangan naman sila. Umupo si Elmo sa tabi ni Julie. "What happened?" Nakatingin pa rin sa malayo si Julie ng sagutin niya ang kanyang boyfriend. "Sinubukan ko sabihin kay Miguell ang lahat kaso, nagwalk-out lang siya." Tiningnan naman ni Elmo si Julie. Kita niya na blangko lang ang itsura nito pero hindi naglaan at bigla naman itong napabuntong hininga at napatungo. "I knew na mahirap sabihin sa kanya. Di ko lang alam na ganitong sakit pala yung mararamdaman ko." Sabi ni Julie. Hindi siya ganun ka close kay Miguell. Estudyante nga lang niya ito diba. Pero mahalaga pa rin sa kanya na nalaman niyang may kapatid pala siya. Silang dalawa lang naman kasi ng nanay niya habang lumalaki siya kaya naman...kahit papaano ay gusto niya makaramdam ng pamilya. Kahit presensya lang ay okay na sa kanya. "Sana lang..." She finally spoke again kaya naman napatingin ulit sa kanya si Elmo. "Sana, hindi siya magalit sa tatay namin. Ayaw ko maging dahilan para masira ang pamilya nila." They both stayed quiet after that at napatingin naman si Julie kay Elmo na para bang naghihintay ng reaksyon mula rito. "You're amazing Julie Anne San Jose." Bigla na lang nasambit ni Elmo habang hinahaplos ang muhka ng magandang dalaga sa harapan niya. Julie blinked as she looked at the man. "What?" Elmo gave a small smile. "It's just that... mas iniisip mo pa ang relasyon nilang dalawa kaysa nararamdaman mo sa lahat ng ito." He just looked at her and one could see the adoration evident on his face. He hugged her closer and kissed her temple. "Hayaan mo Sioppy, gagawin ko ang lahat para makatulong sa inyo." Tumango na lang si Julie at yinakap din pabalik si Elmo. Sobrang nagpapasalamat talaga siya na kasama niya ito ngayon. Kundi, baka nasiraan na siya ng bait. At habang nakaupo doon sa gazebo, ay nabuo ang desisyon ni Elmo na siya ang kakausap kay Miguell. Baka sakali ay makuha niya ang saloobin ng mas batang lalaki. Nang papalalim na ang gabi ay inimbita na ni Elmo na bumalik sila ni Julie sa mga kwarto nila. Sakto naman na naglalakad sila sa hallway nang matanaw nila si Bianca na nasa tapat ng pinto ng kwarto nila ni Julie. Narinig siguro nito ang mga yapak nila kaya naman napatingin din. Mahinang ngumiti si Bianca at hinintay na lang din na makaabot sa kanya si Elmo at si Julie. "Uhm, Bianca..." Julie started uneasily. "Sinubukan ko sabihin kay Miguell ang lahat kaso, nagwalk-out lang siya." Tiningnan naman ni Elmo si Julie. Kita niya na blangko lang ang itsura nito pero hindi naglaan at bigla naman itong napabuntong hininga at napatungo. "I knew na mahirap sabihin sa kanya. Di ko lang alam na ganitong sakit pala yung mararamdaman ko." Sabi ni Julie. Hindi siya ganun ka close kay Miguell. Estudyante nga lang niya ito diba. Pero mahalaga pa rin sa kanya na nalaman niyang may kapatid pala siya. Silang dalawa lang naman kasi ng nanay niya habang lumalaki siya kaya naman...kahit papaano ay gusto niya makaramdam ng pamilya. Kahit presensya lang ay okay na sa kanya. "Sana lang..." She finally spoke again kaya naman napatingin ulit sa kanya si Elmo. "Sana, hindi siya magalit sa tatay namin. Ayaw ko maging dahilan para masira ang pamilya nila." They both stayed quiet after that at napatingin naman si Julie kay Elmo na para bang naghihintay ng reaksyon mula rito. "You're amazing Julie Anne San Jose." Bigla na lang nasambit ni Elmo habang hinahaplos ang muhka ng magandang dalaga sa harapan niya. Julie blinked as she looked at the man. "What?" Elmo gave a small smile. "It's just that... mas iniisip mo pa ang relasyon nilang dalawa kaysa nararamdaman mo sa lahat ng ito." He just looked at her and one could see the adoration evident on his face. He hugged her closer and kissed her temple. "Hayaan mo Sioppy, gagawin ko ang lahat para makatulong sa inyo." Tumango na lang si Julie at yinakap din pabalik si Elmo. Sobrang nagpapasalamat talaga siya na kasama niya ito ngayon. Kundi, baka nasiraan na siya ng bait. At habang nakaupo doon sa gazebo, ay nabuo ang desisyon ni Elmo na siya ang kakausap kay Miguell. Baka sakali ay makuha niya ang saloobin ng mas batang lalaki. Nang papalalim na ang gabi ay inimbita na ni Elmo na bumalik sila ni Julie sa mga kwarto nila. Sakto naman na naglalakad sila sa hallway nang matanaw nila si Bianca na nasa tapat ng pinto ng kwarto nila ni Julie. Narinig siguro nito ang mga yapak nila kaya naman napatingin din. Mahinang ngumiti si Bianca at hinintay na lang din na makalapit sa kanya ang dalawang guro. "Ah Bianca..." Julie started uneasily. "Nakita mo ba kung nasaan si Miguell?" Bianca's smile slowly faltered. "Kausap ko po siya kanina mam. Pero po umalis din naman. Gusto lang mapag-isa daw." Nalaglag naman ang balikat ni Julie sa sinabi nito. But what did she expect right? Alam naman niya na wala pa rin sa wisyo si Miguell upang kanyang makausap. Dahan dahan naman na hinarap ni Elmo si Julie sa kanya. "Sioppy, pahinga ka na lang muna ha. I'm sure nandito lang sa paligid si Miguell. Sige na. Tulog na kayo ni Bianca. Hintayin ko makabalik si Miguell." Kahit muhkang ayaw niya ay tumango na lamang si Julie. Elmo smiled up at her before kissing her forehead. Saka naman niya tiningnan si Bianca at binigyan na lamang ito ng maliit na ngiti. "Bianca pasok na kayo ni Mam Julie mo." "Sige po sir." Pumasok na sa loob ang dalawang babae habang si Elmo naman ay pinanuod lang na sumara ang pinto. Hindi siya pumasok sa kwarto nila ni Miguell, bagkus ay naglakad siya palayo at bumaba ulit sa lobby. Napalinga-linga siya sa paligid at napagpasyahan lumabas sa may mga garden. Hindi niya alam kung magugulat ba siya o hindi pero hindi na rin naman siya talaga nabigla nang makita na nakaupo sa same exact gazebo kung saan sila galing ni Julie, si Miguell. Humigit siya ng isang malalim na hininga bago naglakad patungo sa gazebo na iyon. "Miguell..." Siguro sa sobrang lalim ng pap-iisip ay hindi man lang napansin ni Miguell na papalapit na pala sa kanya si Elmo. Kaya naman halatang halata ang gulat sa muhka nito nang makita si Elmo na nandoon. "S-sir Elmo." "Pwede ba makiupo?" Tanong naman ni Elmo sa kanya. Tumango naman si Miguell at gumalaw pa para naman makaupo nga ang kanyang guro sa tabi. Elmo took a seat right next to him and then stayed quiet. Hindi rin naman nagsalita si Miguell at patuloy lamang ang pagtungo. Una na nagsalita si Elmo. "Kinausap ka na ba ni mam Julie mo?" Hindi pa rin tumitingin si Miguell pero tumango naman ito. Mahinang napabuntong hininga muna si Elmo bago nagpatuloy na magsalita. "Miguell alam ko naman na kung ano ang sinabi ni Julie is a lot to take in. At ayoko naman sana mangeelam as nararamdaman mo pero sana maintindihan mo ang side ni Julie." Hindi pa rin nakatingin sa kanya si Miguell pero alam niya na nakikinig ito. "Isipin mo na lang kung gaano nahirapan si Julie na sabihin sayo ang alam niya. Pero ginawa pa rin niya dahil mahirap para sa kanya ang itago ang lahat ng ito." At sa mga panahon na iyon ay nakatingin na din sa wakas sa kanya si Miguell. Nagpatuloy lang siya sa pagsasalita. "Alam ko na walang hangad si Julie na sirain ang pamilya niyo. Gusto niya lang malaman mo na may kapatid ka pala." With that said he stood up and gave Miguell one last look. "Babalik na ako sa room. Sana magkausap kayo ng masinsinan ni Mam Julie mo. May minamahal ka din naman Miguell, at mahirap na makita na mahihirapan o nasasaktan ang minamahal mo." Bumalik sa 5th floor si Elmo at mahinang kumatok sa pinto nila Julie at Bianca. Ang batang estudyante ang bumungad sa kanya. "Sir Elmo..." Bulong naman ni Bianca. "Si Julie?" Tanong kaagad ni Elmo. Bianca opened the door wider at nakita naman ni Elmo na mahimbing nang natutulog ang kanyang girlfriend. He smiled at Bianca. "Pakibantayan na lang siya ha. Magpapahinga na din po ako." "Okay po..." Naglalakad na sana palayo si Elmo nang mamasalita ulit si Bianca. "Sir?" Hinarap naman siya ni Elmo. Nung una ay parang hindi pa sigurado si Bianca pero nagsalita na din naman ito. "Hindi ko po alam kung ano talaga nararamdaman ni Miguell. Pero I wish na maayos nila ni Mam Julie ito." Mahinang ngumiti si Elmo. "I wish that too Bianca..." They both stayed quiet for a short time at si Elmo na ang unang nagsalita. "Sige na. Pasok ka na. Kailangan niyo magpahinga bukas." Nagising si Julie ng umaga na iyon na pakiramdam niya ay pagod na pagod siya. Masyado marami nangyayari sa span ng isang araw. Umikot siya sa kama niya at nakita na si Bianca naman ay tulog pa din. Bumangon na siya at naghilamos at toothbrush bago mag-ayos ng sarili. Balak niya nagikot ikot muna sa hotel. Sana gising na si Elmo dahil aayayain niya ito. Papalabas pa lamang siya ng kwarto ng may kumatok. Kaya naman kunot noo niya itong binuksan. Nagulat siya ng makita na nakatayo doon si Miguell. He had a soft expression on his face as he spoke up. "Pwede po ba tayo mag-usap?" Muhkang nagiging paboritong spot na nila lahat ang gazebo sa may garden dahil doon nanaman silang dalawa dumeretso. Hindi alam ni Julie kung ano ba ang mararamdaman niya. Hindi niya rin kasi mabasa ang nasa muhka ni Miguell pero muhka namang peaceful ang bata. Nang makaupo na sila ay nagsimula na magsalita si Miguell. "Mam...gusto ko lang po magsorry." Panimula ni Miguell na para bang nahihiya-hiya pa. "Hindi po kasi tama na, tinakbuhan ko kayo kahapon. It was rude po and I'm sorry." Tiningnan lang ni Julie ang batang lalaki at napatango naman. "It's okay Miguell, I realized na hindi ko dapat sinabi ng ganun iyon." Miguell's lips formed a thin line. "Hindi po mam. Mabuti na po na nasabi niyo po kaagad sa akin." Huminga ito ng malalim bago nagsimula magsalita. "Buong buhay ko po kasi. Ang pakiramdam ko, perpektong pamilya kami. Hindi naman po kasi masyado mag-aaway si mama at si papa. Tampuhan lang ganun pero hindi po lalagpas ang isang araw na bati na sila. At sa edad po nila ang sweet pa rin po nila sa isa't isa...kaya naman po, nagulat ako na malaman na pangalawang pamilya lamang kami." Saka naman niya hinarap si Julie. "Mam, kung okay lang po tanungin, bakit po naghiwalay si papa at ang mama niyo po?" Nahirapan din si Julie sa tanong. Dahil ang totoo niyan ay hindi naman din niya alam. "Hindi ko alam Miguell eh. Baka nga...talagang mas mahal ng papa...natin, ang mama mo kaya iniwan na lang niya kami." "Pero may anak siya." Parang naiiyak na sabi ni Miguell. "Ikaw yon mam." Julie gave the lad a wan smile. "Hindi natin pareho alam ang sagot diyan Miguell. Ang totoo nga e, kahit hindi na ulit ako magpakita sa papa mo. Gusto ko lang talaga malaman mo." Parang nabigla naman si Miguell sa sinabi niya. "Bakit po mam? D-dapat makita na po kayo ni papa." Mabilis ang t***k ng puso ngayon ni Julie. Ang totoo kasi niyan..."Hindi pa ako handa Miguell." Nasabi nalamang niya. "Balang araw magpapakita din ako ulit sa kanya pero sa panahon na ito ay hindi ko pa kaya." "P-pero mam. Parang mahihirapan naman po ako hindi sabihin sa kanya ang nalalaman ko." Tila naguguluhan din na sabi ni Miguell. Mahigpit naman na hinawakan ni Julie ang kamay ng binata. "I know Miguell. But please try. Para na rin sa ikabubuti ng kalagayan niya. May sakit siya sa mga panahon na ito hindi ba? Dapat ay hindi muna siya mastress." Nakita naman ni Julie na parang gusto pa rin umangal ni Miguell. Kaya maliit na lamamg siya na napangiti. "Please Miguell. For me. Alam ko mahirap pero wag muna. At kunwari ay masabi mo nga sa kanya. H-hindi pa ako handa na makita siya ulit." Hindi alam ni Julie kung galit ba siya, o hindi niya kaya makita ang ama na masaya kasama ang pamilya nito. Baka maulila lang ang pakiramdam niya. Napatango na lamang si Miguell. "Sige po mam." He nodded his head. "Pero sana po balang araw, magkita na po kayo." "Baby steps Miguell." Julie gave a small smile. "P-pero...hindi ka na galit sa akin?" Mahinang natawa si Miguell. "Hindi naman po ako nagalit mam. Nabigla lang po ako and for that I'm sorry." Nasiyahan naman si Julie sa sinabi nito. Nakakaginhawa sa pakiramdam. Hindi niya napigilan ang hawakan ito sa kamay. "Salamat Miguell. Salamat." Baby steps nga ika niya. Babay steps. Ngumiti naman pabalik si Miguell. "Ah mam?" "Ano iyon?" Miguell smiled sheepishly. "So ngayon po, pwede ko na rin po ba kayo tawagin na ate?" Hindi alam ni Julie pero parang nahabag siya at pnigil lang ang pagtulo ng luha. May kapatid siya. May nakababatang kapatid siya. At tanggap na siya nito. "Oo naman Miguell. Pero kapag nasa school mam pa rin ah." She chuckled happily. And it felt good to see Miguell smiling up at her. =°=°=°=°=°=°=°=°=°=°=°= AN: Baby steps people baby steps haha! Hahaha sorry po sa typos! Akala ko di ako makakapagupdate ngayon haha! Buti nakayanan! Salamat po sa lahat ng nagbabasa at sumusubaybay sa kwento na ito :) knowing na inaantay niyo itong kwento ay enough na para sa akin :) Pakiaantabay ang sunod na chapter! Comments or votes please! Thank you! Mwahugz! -BundokPuno<3
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD