Julie checked everything inside her bag and made sure that everything was in place inside her condo. Then she looked at herself in the mirror and smiled widely.
"You're ready Julie!" She cheered herself.
Lumabas na siya at sumakay sa elevator pababa hanggang sa may lobby ng building nila.
Napangiti naman siya nang makita ang dalawa niyang kaibigan na nandoin din.
"Hi Jules!" Bati ni Joyce sa kanya, kumakaway ng malaki.
"Good morning guys!" Bati ulit ni Julie habang si Kris naman ay nakangiti din sa kanya.
"Ready na kayo sa first day ng class?" Joyce asked.
Pareho naman tumango si Julie at si Kris.
"Pero yung totoo kasi hindi ko naman agad papagawan ng activity yung mga estudyante ko." Sabi ni Kris. Guitar instuctor din si Kris para sa mga higher year nga lang. "Kilala ko naman na sila lahat. Baka kung ano ano lang ang gawin namin."
"Hay nako hon loko loko ka talaga." Sabi ni Joyce at natatawa sa sariling boyfriend. "O paano baka lahat tayo malate na sa trabaho. Sige na hon." Lumapit ito para gawaran ng halik si Kris at nakipagbeso naman kay Julie.
"Ready na Prof. San Jose?" Tanong ni Kris nang naglalakad na sila ni Julie papunta sa school.
Maaga pa. It was only 7 in the morning. 8 pa ang start ng classes nila at ngayong araw ay opening ceremony lang muna ang gagawin nila sa umaga.
Mahirap makapasok sa Apollo-Artemis, only the brightest and the most talented people could pass the entrance exam at may kasama pa na audition.
"Ang ganda nga pala nung ginawa niyong kanta ni Elmo." Biglang sambit ni Kris. Pinarinig naman kasi kaagad ni Mr. Ramirez ang demo na ginawa ni Julie at Elmo matapos ito mapakinggan.
Julie shrugged. "Thanks. Mas madali talaga gumawa kapag may kasama ka."
"Or pwede din na malakas lang talaga ang chemistry niyo ni Elmo." Sagot naman ni Kris at deretso na na naglakad.
Nanahimik naman si Julie sa sinabi ng kaibigan at panandaliang natigilan sa sinabi nito. Pero hindi na niya masyado pinansin. Alam naman niya na ang sinasabi ni Kris ay tungkol sa musika pero bakit parang iba ang dating sa kanya?
Masyado malalim pagiisip mo Julie.
Papalapit pa lang sa mga gates ay nakita na ni Kris at Julie kung gaano karaming estudyante ang pumapasok sa eskwelahan.
"Ito na." Tawa ni Kris.
Nasa may parking na sila banda nang may marinig si Julie na pamilyar na tunog ng isang motorsiklo sa likod niya. Sabay sila ni Kris na nanuod nang pumarada sa isang slot ang motorsiklo at bumaba si Elmo matapos magtanggal ng helmet.
"Good morning Moe." Ngiti ni Kris.
Marahang tumango si Elmo sa kaibigan at saka naman nginitian si Julie.
"Andaya mo Moe, bakit ako walang ngiti?' Pagbibiro ni Kris.
Napangisi si Elmo. "Sayo kasi pare kiss."
"Talaga? Halika pakiss nga!"
"Parang hindi mga prof tong dalawang ito o." Kunwari ay inis na sabi ni Julie bago nagsimula na maglakad papasok. Narinig naman niya ang munting tawanan ng dalawang lalaki sa likod niya habang papasok na sila sa mismong corridors ng mga school.
Bumabati ang mga bata na nadadaanan niya at binabalik naman niya ang bati. Muhkang magagalang ang mga magiging estudyante niya.
Pumasok na siya sa faculty habang nakasunod naman ang dalawa niyang kasama.
Umupo na din si Elmo sa harap niya habang si Kris ay dumeretso sa sariling desk. Napatingin siya dito at kaagad naman siya nitong kinindatan.
She made a face and he only chuckled her way.
"Ready ka na mamaya sa performance natin?" Tanong ni Elmo. Aside from the other professors performing for the students, the two of them had a special performance of their own; their song.
"Ready as I'll ever be." Sagot naman niya dito. Hindi na siya kinakabahan kapag kakanta eh. Halos buong buhay niya ayun lang naman ang ginagawa niya.
"Alalayan mo na lang ako mamaya." Sabi ni Elmo at nginitian siya.
"Ano ka matanda? Bakit naman kita aalalayan?" Takang tanong ni Julie.
Mahinang natawa si Elmo. "Taray talaga nito. Mas magaling ka kasi sa akin kumanta."
"Sus. Kayang kaya mo yon. Ikaw pa." Julie absent-mindedly said as she fixed some of her files on top of her desk.
Hindi niya nakita ang malaking ngiti na gumapang sa muhka ni Elmo.
"Problema mo Elmo?"
Napatingin si Julie at si Elmo sa nagsalita at nakita na nandoon na pala sa tabi nila si Maqui.
"Ha?" Takang tanong naman ni Elmo habang pinapanuod ni Julie ang eksena sa harap niya.
"Eh kasi ngingiti ngiti ka diyan habang tinitingnan mo si Julie. Ano naka-LSD ka na ngayon?" Mahinang tawa ni Maqui.
Elmo immediately told himself to get it together and shook his head. "Ha? Hindi ah."
"Anong hindi eh kanina pa kita tinitingnan habang nginingitian mo si Julie."
Tiningnan lang naman ni Julie si Elmo at bahagyang tumaas pa ang kilay.
"W-wala." Elmo said. He felt his ears burning. Nag-iwas na siya kaagad ng tingin.
"Kayong dalawa ah. May hindi ba kayo sinasabi?" Tawa ni Maqui.
Naramdaman ni Julie na bahagyang naningas ang paa niya pero marunong din naman siya umarte kaya naman kaagad siyang nakasagot. "Imahinasyon mo Maq kung saan saan talaga pumupunta ah."
Tumawa lang si Maqui. "O siya, napadaan lang naman ako nung kumuha ng kape nang makita ko na nakatingin nga yan si Elmo sa'yo." Naglakad na ito pabalik sa desk niya at nginitian pa talaga silang dalawa bago bumalik sa gawain.
Ang ibang professor ay nagre-relax lang bago dumeretso na sa auditorium para sa opening ceremony.
"Hindi ba tayo magp-practice?" Tanong ni Elmo kay Julie.
Nag-angat naman ng tingi si Julie sa lalaki na nasa harap niya. "Nagpractice na tayo kahapon ah."
Elmo simply shrugged. "Baka lang gusto mo ulit pasadahan."
"Okay na ako..." Sagot ni Julie at tiningnan nanaman ang mga papel sa harap niya. Unang subject niya ngayon ay music theory kaya nasa harap din niya ang listahan ng mga estudyante niya para sa klase na iyon. Pinapasadahan niya ng tingin ang mga pangalan na nasa listahan niya nang mapa-angat nanaman siya ng tingin.
Nagulat siya nang makita na nakatitig lang sa kanya si Elmo at para pang hindi napansin na nakatingin na siya ngayon. High ba ito? First day pa naman ng classes.
"Elmo..."
"..."
"Sioppy..."
"..."
Pak!
"Aray!" Elmo yelled habang napahawak sa braso. "Bakit ka ba namamalo?" Pag-nguso niya.
"Pano kanina pa kita tinatawag. Nakatulala ka diyan. May tulog ka ba? Baka naman nakadrugs ka? Unang araw ng pasukan." Taas kilay na tanong ni Julie at humalukipkip pa.
Inis na lang ng babae nang makita na ngumisi nanaman sa kanya si Elmo.
"Nagdrugs ka talaga kanina no?" Sabi na lamang ni Julie.
Tumayo naman si Elmo mula sa desk at umiling. "Iinom lang ako ng kape, gusto mo ba?"
Naweweirduhan na tiningnan lang ni Julie si Elmo. "Fine, please and thank you." Nagiwas na siya ng tingin habang si Elmo naman ay narinig niya na dumeretso papunta sa may coffee maker.
Iiling iling si Julie habang binabalikan ang listahan ng mga estudyante niya. Pero ang totoo ay hindi naman siya mapakali dahil pinagtatakhan niya kung ano problema ni Elmo. Ang lagkit kasi makatingin kanina. Nakatulala pa.
Napalingon naman siya kung nasaan ito ngayon at nakita na ayon nga at gumagawa ng kape sa may coffee maker nila sa pantry ng faculty. Sakto naman na nakita niya na linapitan ni Kiara si Elmo at kinakausap ito. Ngiting ngiti ang babae habang kinakausap si Elmo. Halatang nakikipagflirt.
Pssh. Nag-iwas na siya ng tingin at natigilan naman sa sarili. Problema mo nanaman Julie Anne. Edi maglandian sila. Wala ka naman na don.
She shook her head to clear her thoughts out before going to back to her class list. Nasa may bandang baba na siya ng listahan nang may mapansin siya na pangalan.
"Coffee, Sioppy." Sabay lapag ni Elmo ng isang tasa ng kape sa harap niya.
"Uh thanks." Sagot lang ni Julie na napatingin din sa lalaki na nakatayo lang doon sa may tabi niya.
"Okay ka lang?" Tanong ni Elmo matapos humigop sa kape niya.
Parang baliktad lang ang nangyari. Kasi kanina si Julie ang nagtatanong kung ayos lang si Elmo. "Uhm, oo naman. Hindi pa ba daw tayo pupunta sa auditorium?"
Elmo looked at her as of making sure that she was alright. Then he sighed and shrugged. "Dunno. Mamaya pa siguro."
Nanahimik na lang si Julie at pinapagpatuloy ang pagscan sa mga papel na hawak niya. All the time ay hindi niya napansin na nakatingin sa kanya si Elmo.
"Professors, let's go." Ayon ang unang sinabi ni Mr. Ramirez nang pumasok ito sa loob ng faculty room.
Simple lang na nagsilakad ang mga katauhan at dumeretso sa auditorium.
"Pasabog nanaman ba ang kanta niyo ngayon?" Maqui smiled at Julie habang sabay sila na naglalakad.
Mahinang natawa si Julie. "Ha? Kung ano narinig niyo sa demo ganun lang din naman ang kakantahin namin ni Sioppy."
"Deh I mean, kapag kayo ni Elmo ang nagperform, parang may magic eh." Ngiti ni Maqui.
Umikot nanaman ang mata ni Julie. "Sige lang Maq, ipagtulakan mo pa."
"Washu kunwari ka pa babaita ka. Hindi ba nabuhay yang HD mo kay Elmo nung bumalik ka na dito?"
"H-hindi." Hiling lang ni Julie na hindi napansin ni Maqui ang bahagyang paguutal niya.
Tinignan naman niya ang kaibigan at nakitang nagkibit balikat na lamang ito at nagderetso sa paglalakad.
Maingay na sa loob ng auditorium at marami din ang estudyante na nagkakagulo sa kanilang mga upuan.
Ang iba ay mga muhkang kinakabahan, panigurado ito ang mga freshmen habang ang iba naman ay prente lang na nakaupo.
Nag-assemble na ang mga propesor sa backstage habang si Maqui at Ben ang tatayong emcee para sa event.
Nasa backstage lang si Julie at ang iba pa nilang kasamahan. Magkausap ngayon si Sam at si Elmo habang si Tippy naman ay mag-isang nagvovocalize sa tabi.
Narinig na ni Julie ang pagsasalita ni Maqui at ni Ben sa may podium. Siya naman ay mag-isa lang na nakaupo sa gilid.
Napatingin naman siya nang nay bigla na lamang umupo sa tabi niya. Gulat niya nang makita na si Kiara ito.
"Uh, hi Kiara." Bati niya.
Ngumiti naman sa kanya si Kiara. "Jules, pwede magtanong?"
Tiningnan naman ni Julie ang babae at hinintay na lang ang sasabihin nito.
Huminga muna ng malalim si Kiara bago nagsalita.
"Kayo ba ni Elmo?"
Nanlaki naman ang mata ni Julie sa sinabi nito. Shet. Nakita kaya niya kami sa studio?
Kaagad siya kinabahan at nararamdaman niya na kumakabog ngayon ang puso niya sa kanyang dibdib.
"B-Bakit mo naman natanong?"
Kiara chuckled unamusedly. "Naman Julie, lagi kaya siya nakabuntot sayo. At saka, sayo ko lang nakikita na nakangiti siya ng ganun."
Kagaya ng kanina ay natigilan lang si Julie. Hindi siya makaimik sa sinabi ni Kiara. Binuo muna niya ang mga guni guni at kuro kuro sa utak niya bago sagutin ang babae.
"Kiara...magkaibigan lang kami." Sinungaling Julie, may iba pa kayo na ginagawa at sa kama pa. Hindi na niya pinansin ang pinagsasabi ng konsyensya niya. "Siguro kaya lang yun ganun kapag kasama niya ako kasi sanay na rin siya." Pero saglit naman na naisip ni Julie; "Teka nga bakit mo ba natatanong?"
Kiara shrugged and laughed. "Uhm, wala naman." Tumayo ito at kaagad na nagbigay ng maliit na ngiti kay Julie. "Close ko kasi siya kaya naiisip ko lang na hindi siya open sa akin tungkol sa inyo. Akala ko lang may tinatago siya."
Pagkatapos nito sabihin iyon ay naglakad na ito palayo kay Julie.
Naiwan naman ang huli na takang taka sa pinagsasabi non. Anong paguusap naman iyon?
Napalingon siya kay Elmo at nakita na sumesenyas ito sa kanya na lumapit. Tumayo naman siya sa upuan niya at kaagad na lumapit dito.
"Bakit?" She asked.
Marahang hinawakan ni Elmo ang braso niya at hinila siya sa isang gilid nung stage. "Susunod na daw tayo eh."
"O? E bakit kailangan nandito pa tayong dalawa sa may gilid?" Takang tanong naman ni Julie.
Huminga muna ng malalim si Elmo bago siya sinagot. "Isang pasada nga."
Mahinang natawa si Julie sa sinabi nito. Kilala niya kasi si Elmo at alam niya na hindi ito kinakabahan. Pero ngayon hindi niya alam kung bakit parang aligaga ito.
"Sioppy ano ba, hindi ka naman ganyan dati ah."
Napapunas sa may labi si Elmo. At marahas naman na napatingin kay Julie. "Kinakabahan ako kasi ngayon lang ulit kita makakasama na kumanta."
Julie smiled at him. "O, e ano naman?"
Elmo scowled her way. "Ano ba, gusto mo magkalat ako sa stage?"
"O eto naman highblood." Natatawa na sabi ni Julie. "Chill ka lang." Sabay marahan na kinurot ang tagiliran nito. "O tara na. Saan mo ba gusto pumasada?"
"Dito na lang din." Sabi naman ni Elmo.
Tuloy ang dalawa sa pagpractice at hindi napansin na may nakamasid na pala sa kanila kanina pa.
=°=°=°=°=°=°=°=°=°=°=°=°=°=°=°=°=°=
"Now students! We'd like to congratulate everyone who's here right now. It just goes to show that you all have talent!" Linya ni Ben.
Sumunod naman ng linya si Maqui. "Right now we would like to showcase this song, composed by two of your soon to be instructors, a song for our school's 20th anniversary... here's Mr. Elmo Magalona and Ms. Julie Anne San Jose."
Nagkatinginan muna si Elmo at si Julie bago lumabas sa stage.
Pumalakpak naman ang mga estudyante ng lumabas ang dalawa. At hindi naiwasan ang pagcheer ng mga ito nang makita talaga si Elmo at si Julie.
Ngumiti lang muna si Julie sa student body habang hinanda ni Elmo ang gitara.
At nagsimula na nga kumanta si Julie.
Napanganga naman ang lahat nang marinig ang boses niya. Akala mo may milagro na nangyayari dahil napatulala talaga sila lahat.
Saka naman sumabay din si Elmo at nagngitian pa ang dalawang prof habang kumakanta. Hindi lang ang mga estudyante ang natutuwa kundi pati na rin ang kapwa nila na propesor.
"Alam mo Bes, sabi sa'yo may magic talaga kapag kayo ni Elmo ang kakanta eh." Ayun ang bungad sa kanya ni Maqui pagkabalik nila ni Elmo sa backstage.
"Huh?" Sabi naman niya at natawa na lang si Maqui bago sumenyas na kailangan na niya bumalik sa podium kasama si Ben.
She shook her head and started to head back to her seat when Elmo sat beside her.
"O anong ginagawa mo dito?" Julie asked.
At kahit anong pagtataray naman niya ay wala lang kay Elmo dahil ngiting ngiti ito.
"Thanks Sioppy. Nawala kaba ko dahil sayo."
Julie chuckled. "Hindi ka naman talaga kinabahan eh."
"Kabado nga ako." Sabi ulit ni Elmo bago lumapit at binulungan si Julie. "Celebrate tayo mamaya?"
Julie immediately blushed at that but tried to hide it.
Marahan niyang tinulak si Elmo na tatawa tawa lang. "Heh. Pahinga kaya muna tayo."
"Sure. Save your energy Sioppy." Elmo laughed. Kunwaro ay kinurot nito ang ilong ni Julie bago tumayo at linapitan ulit si Sam.
Iiling iling na tumawa naman si Julie habang nagpapahinga na lang. They did good with the song. And not just good...great!
Kaya nalaman na lang niya sa sarili na mag-isa na siyang ngumingiti. Napatigil naman siya nang pagangat niya ng tingin ay napasulyap sa kanya si Kiara. Ito na rin ang unang nagiwas ng tingin.
Gulong gulo na talaga siya dito.
=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=
"Good morning class!" Julie greeted.
There were only twenty students in this class and she knew she could handle them.
Tila naexcite naman ang mga kabataan nang makita na pumasok siya. Oo nga pala, nakita ng mga ito na nagperform sila ni Elmo kanina.
Dumeretso siya sa may desk at linapag ang gamit niya doon.
"Welcome to Apollo-Artemis. I understand that all of you here are freshmen?" Julie asked.
Nakita naman niya na nagsitango ang mga bata. Tila takot pa na mga magsalita.
Napako naman ang tingin niya sa isang estudyanteng lalaki. Naaalala niya ito. Yung batang nawawala nung unang araw din niya na bumalik. Mahinang ngumiti naman ito sa kanya at binalik niya ang ngiti.
Then humarap ulit siya sa blackboard at nagsimula magsulat.
"I am Miss Julie Anne San Jose and I'll be your professor in Music Theory." Sinulat niya ang pangalan niya at ang subject sa board.
Pagkatapos ay nagexplain siya ng course outline nila para sa semester na iyon. At ng matackle na ang lahat ay hinarap niya ulit ang mga estudyante.
"Any questions?"
"Mam, ilang taon na po kayo?"
Natawa si Julie sa sinabi ng estduyanteng lalaki na iyon. "I am 21 years old."
Salu-salong bulungan naman ang narinig niya. Wala naman sa kanya na malaman ng mga ito kung ilang taon na siya.
"Mam?" Isang babae naman ang nagtaas ng kamay.
"Yes?"
"Magiging teacher din po ba namin kayo sa individual studies?"
"I teach majors in Voice and minors in piano." Nakangiting sagot naman ni Julie.
Tila naexcite naman ang mga iba sa sinagot niya.
Nang natapos ang mga nagtatanong ay nagsimula siya sa roll call.
Natigil siya sa iaang estudyante.
"San Jose, Miguell??"
"Present mam!" It was that kid. He just smiled at her as she looked back at him.
"Magkapareho pala tayo ng apilyido Mr. San Jose." Tawa na lang niya at tinuloy ang pagtawag.
=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=
"Congrats bes! You survived the first day!" Sabi ni Maqui kay Julie nang naglalakad na sila lahat palabas ng school.
"Mababait estudyante ko. Hindi sila makukulit." Sabi ni Julie na may malaking ngiti sa labi.
May mga nakakasabay din sila na kabataan at bumabati naman ang mga ito sa kanila.
"Paano Bes, mauna na ako?" Sabi ni Maqui sa kaibigan. Tatlong sakay pa kasi ang layo niya samantalang si Julie ay maglalakad na lamang.
"Sige bes ingat ka." Sabi ni Julie at nakipagbeso pa kay Maqui.
They parted ways at magsisimula na sana si Julie sa paglakad nang may marinig siya sa likod niya.
She stopped walking and saw that it was Elmo.
Nakasakay ito sa motor niya at nakatingin kay Julie.
"Sakay na."
"Huh?" Julie looked at him. "Okay ka lang? Maglalakad lang kaya ako."
"E diba magcecelebrate tayo?" Ngisi ni Elmo.
Napaikot ang mga mata ni Julie. Araw araw ata maghahanap ng celebrasyon ito si Elmo para lang...yun.
"Paano si Kiara?" Julie asked. Now that they were finished with the song, balik na sa dating gawi ang sched nila kaya naman alam ni Julie na ihahatid ulit ni Elmo ang katrabaho nila.
"Hindi ako obligado ihatid un." Marahan na sabi ni Elmo. "Malaki na siya kaya na niya iyon."
Napaisip saglit si Julie at tumango na lang. Paulit ulit niyang sinasabi na papahatid lang siya hanggang sa condo.
Papahatid ka lang Julie. Tapos uuwi na siya okay? Papahatid ka lang.
"Ahhhh...."
"f**k ang sarap..."
Pagod na bumagsak si Elmo at si Julie sa kama. Nakatapos nanaman kasi sila ng isang session.
Marahang kinagat kagat ni Elmo ang leeg ni Julie bago umikot para deretsong mapahiga sa kabilang side ng kama.
"That was good." Ngiti ni Elmo kay Julie.
Sumandal siya sa may headboard ng kama at nagrelax. "Anong oras na ba?"
Hinihingal na tiningnan ni Julie ang orasan niya. "11 ng gabi. Di ka pa uuwi?"
"Magpapaumaga na ako." Sagot ni Elmo. "10 pa naman ang unang class ko bukas. Di naman ako malelate."
"Ay teka!" Napatayo si Julie at tiningnan ang drawer niya sa isang tabi.
Pinapanuod naman siya ni Elmo at nakita na tinitingnan nito ang banig ng pills na gamit.
Marahang natawa ang lalaki. "Ang hirap naman ata i-monitor niyan."
"May guide naman." Sagot ni Julie. Nang makita na tama naman ang pagtrack niya, bumalik siya sa tabi ni Elmo at sumandal din sa headboard. "Ikaw kasi ayaw mo magcondom...edi pills ang gawin."
Natawa si Elmo. "Pfft. Condom. Hindi masarap kapag nakacondom." Kindat nito at hinalikan pa ang balikat ni Julie.
"Tseh." Sagot naman ng huli. "Kamusta nga pala first day kanina?"
"Okay naman." Elmo shrugged. "Kakainis lang mga ibang estudyante number kaagad ang hinihingi sa akin."
"O edi ikaw na gwapo." Pagbibiro ni Julie.
Elmo smirked. "Di naman. Medyo lang."
Natawa naman si Julie nang maalala niya si Kiara. "Oi Sioppy."
"O?" Elmo faced her.
She faced him back. "May something ba kayo ni Kiara? Binabakuran ka sa akin eh. Wala naman ako ginagawa."
Napatingin sa kanya si Elmo at parang naiinis na napailing. "Wag mo pansinin yun. Dapat kasi hindi rin ako ganun kabait sa kanya. Kung ano ano tuloy iniisip."
"Pfft. Baka naman kasi linalandi mo din naman talaga."
Napangiti si Elmo at bigla na lang pumaibabaw kay Julie. "Bakit Sioppy? Selos ka?"
At siyempre, hindi papatalo..."Ha? Selos ka diyan. Edi ligawan mo kung gusto mo. Panigurado wala pa isang minuto sinagot ka na non."
"Di ko type..."
"Bakit, ano ba type mo?"
Magkatinginan lang sila habang nakapaibabaw pa rin si Elmo. "Sa akin na yon."
Tinulak naman ni Julie si Elmo na natatawang napahiga ulit. "Sus. Ayaw pa magsalita eh."
"Hahaha. O ikaw ba. Kamusta first day?"
"Okay naman." Julie answered at humarap kay Elmo. Tapos naalala niya..."May estudyante ako na San Jose din haha. Kapag nagkulit un tapos pinagalitan ko parang sinesermunan ko din sarili ko."
"Baka kapatid mo." Pagbibiro ni Elmo.
Tumawa lang naman si Julie nang may maramdaman siya na naninigas na sa may bandang tiyan niya.
"Sioppy...agad agad?"
Bigla siya hinapit palapit ni Elmo at ngumisi. "Tara Sioppy round 7..." At hindi na nakapagsalita pa si Julie dahil kaagad siyang sinunggaban ni Elmo. Pagod nanaman sila nito bukas. But they didn't care.
=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=
AN: hello faneys!!!
Sorry natagalan. Haha! Naggrocery pa kasi kami kanina at nagloloko net namin. Anyways! Sorry sa typos! Papalit palit ako ng keyboard haha di makuntento.
Please do comment or vote! Natutuwa ako sa comments tungkol sa kwento :) nakakainsipire at nakakataba ng puso.
Mwahugz!
-BundokPuno