Chapter 6

5217 Words
Katatapos pa lang ni Elmo na iexplain ang basic parts ng guitar sa mga estudyante. Pinapadrawing niya ang mga ito ngayon habang pinagaaralan niya ang seat plan. Isang paraan na din ito ng pagmemorize sa mga estudyanye niya. "Just pass your drawings to me before the class ends alright?" "Yes sir!" Mahinang tumango naman si Elmo habang binalik ang pagtingin sa seat plan. Napansin niya ang isang pangalan at naalala ang paguusap nila ni Julie nung isang gabi. Pasimple niyang sinulyapan ang batang lalaki na masipag pa rin na gumuguhit sa upuan nito. San Jose, Miguell... Pinagmasdan niya ang bata at nakitang tahimik lang ito sa upuan habang ang ibang kaklase niya ay naghaharutan kahit pa na may mga tinatapos na seatwork. "Ito po sir o." Naputol ang pagiisip niya nang mapanssin niya na may estudyante na pala siya na nagpapasa. "Ah, thank you." He said, taking the piece of paper from the girl before placing it carefully on the pile to his right. Maya maya ay halos lahat na ang nakapagapasa sa kanya at kakaunti na lang ang gumuguhit pa rin. "Sir?" Tanong bigla ng isang estudyante niya. "Yes?" He returned, turning to the girl. Nakita niya na naghagikhikan ang grupo ng mga kababaihan na magkakasamang nakaupo sa column na nasa kanan niya banda. "Sir, may girlfriend po kayo?" Lakas loob na tanong ng isa. Mahina siyang natawa at napangisi. "No. Wala..." "Talaga sir?" Sabay sabay na kinilig ang mga kabataan. Hindi na siya pinasagot pa dahil nagtanong ulit ang isa sa mga ito. "Sir, hindi po ba kayo ni Mam Julie Anne? Bagay po kasi kayo." "Ay oo nga girl!" Sabi naman ng isa pang estudyante. "Hindi naman love song yung kinanta nila nung opening ceremony pero kinilig ako sa kanila." Mahinang napailing si Elmo at napapangiti na lamang sa mga kabataan sa harap niya. "Marunong pala ngumiti si sir o! Pusta kinikilig yan." "Ayiiiii!" "Shh, kayo talaga, may ginagawa pa ang iba niyong kaklase o." Elmo pointed out. Humagikhik lang ang mga kabataan at nagsibalik na sa kanilang mga pwesto. "Marunong din pala ngumiti si Sir Elmo? Kala ko dati masungit eh." "Kinilig kasi yun girl...Pusta trip talaga non si Mam Julie Anne." Kunwari ay hindi na lamang narinig ni Elmo ang mga pinagsasabi ng mga estudyanteng babae at napailing na lang ulit. "Sir..." Napapitlag naman siya nang marinig niya ang nagsalita at nakita na si San Jose pala ito. "Ah akin na." Sabi niya habang linalahad and kamay. Mahinang ngumiti lamang si Miguell at pinasa na ang papel. "San Jose huh." Bigkas ni Elmo habang kunwari ay binabasa ang pangalan na nakalagay sa papel ni Miguell. Saka naman siya nagangat ulit ng tingin dito. "Kaano ano mo si Mam Julie Anne mo?" Mahinang pagbiro niya. "Ah." Napakamot sa likod ng ulo niya si Miguell at ngumiti-ngiti pa. "Baka po magka-apilido lang kami." "Sige. Balik ka na sa upuan." Sabi na lang ni Elmo. Sakto naman na napantingin si Elmo sa wristwatch niya at nakitang tapos na ang period. "Okay class, you may go." "WHOO!!!" Masayang nagsilabasan ng kwarto ang mga kabataan at ilan ilan ay nagpaalam na kay Elmo. Nagsimula naman magayos ng gamit ang huli. Linigpit pa niya yung projector at kung ano ano pang gamit nang may marinig siya na munting katok sa may pinto sa kanan. Napatingin siya at nakita si Sam na nakangiti sa kanya. "Pare!" Sabi nito na may hawak pang mga libro at class record sa isang kamay. "Oi..." Bati ni Elmo habang tinatali ang chord ng projector. "Magl-lunch ka na ba?" "Oo eh. Sakto nakita ko mga estudyante mo na palabas kaya pumasok na ako." Sagot ni Sam. Hindi muna sumagot si Elmo dahil patuloy pa rin siya sa pagaayos ng mga kagamitan kaya naman pumasok sa si Sam at umupo sa isang desk ng estudyante na kaharap mismo ng teacher's table. "Ayusin ko lang ito." Sabi naman ni Elmo. Tumango lang naman si Sam at nagthumbs up pa. Hindi muna siya nagsasalita. Minsan iniisip ng mga tao kung bakit magkaibigan itong si Sam at si Elmo. Kung ano kasing ikinadaldal ni Sam ay siya namang ikinatahimik ni Elmo. But they just clicked. Wala na sila magagawa pa doon. "Okay lang ba mga bata mo ngayon?" Sam asked. "Naalala ko kasi last year yung mga freshmen puros makukulit." Kakalagay pa lang ni Elmo ng lahat ng kagamitan sa loob ng bag bago sumagot. "Hindi ko pa matantya eh. Muhka namang mababait. Mga tsismosa lang yung iba." Naiiling na sabi niya habang umuupo ulit sa upuan niya. Naaalala niya kasi ang mga kausap niya bata kanina. Ang tsitsismosa eh. Pero wala lang naman sa kanya iyon. Hindi rin naman masama ang mga pinagtatanong nila. "Bakit ano ba tinatanong nila sa'yo?" Tanong ni Sam na muhkang natatawa sa sinasabi ni Elmo. "Ha? Wala naman. " Kibit balikat ni Elmo. "Tinatanong nila ako kung kami ba daw ni Julie. Tapos kinikilig daw ako sa kanya." Kakatapos pa lang lumabas ng mga salita sa bibig ni Elmo nang napahagalpak na ng tawa si Sam at talagang napapalo pa sa desk na nasa harap niya. Sinimangutan naman siya ni Elmo at mahinang binato ng papel. "Tawa ka diyan Concepcion?" Tuloy pa rin ang tawa ni Sam at napailing pa. "Wala lang. Kasi kahit mga estudyante kitang kita na in-love ka kay Jules." Nag-iwas ng tingin si Elmo. Nararmdaman niya ang pagusok ng tenga niya sa init. "D-deh no." Nawawala-wala na ang tawa ni Sam pero nakangisi pa rin ito kay Elmo. "Pare kahit anong tago mo nakikita naman namin lahat eh." This time seryoso na si Sam. "Saka, alam ko na din ang kababalaghan na nangyari nung grad party natin." Gulat na napatingin si Elmo sa kaibigan. Nanlaki ang mata niya at parang kinakabahan. Hindi naman siya nakapagsalita dahil kaagad na nagpaliwanang si Sam. "Bro, bahay ko yun, nakita ko ung bed sheet na linabhan ni manang." Kaagad naman naliwanagan si Elmo ay nahoyang humarap sa kaibigan. " Pre pasensya na..." "Don't be." Tawa ni Sam. "Pero tapatin mo nga ako. Pagkatapos non do na kayo nagkaron ng relasyon ni Julie?" Saglit lang nagisip si Elmo. Baka kasi mahalata siya ni Sam. Nakasagot din naman kaagad siya. "She told me she doesn't believe in relationships." "But you love her." Seryosong sabi ni Sam. "I mean, I don't mean to imply Moe...pero alam ko naman na matagal ka na may gusto kay Julie." Elmo's lips pulled into a straight line. "Matagal na yon Sam. She's just a friend now." Sabay tingin kay Sam. "Isang kaibigan na lang siya para sa akin." Tiningnan ni Sam si Elmo ng ilan pa na segundo bago sumagot. "Moe, sino kinukumbinsi mo, ako o ikaw?" =0=0=0=0=0=0=0=0=0=0=0=0= Tahimik na kumakain sa may canteen si Julie. Mag-isa lang muna siya ngayon dahil lahat ata ng kasama niya ay may mga klase pa. Iba iba din naman kasi ang sched nila kaya minsan ay hindi sila nagsasama sama. "Mag-isa ka lang?" Napatingin si Julie sa nagsalita at mahinang napasimangot. "May nakikita ka na kasama ko?" "Ang sungit." Tawa ni Ben at umupo sa tabi ni Julie sa may bench. "Ang laki laki ng space sa kabila o." Julie pointed out. Napakibit balikat lang naman si Ben. "Gusto ko dito sa tabi ko eh." Napairap lang si Julie at tinuloy ang pagkain sa pasta salad niya. "Kamusta naman ang pagtuturo?" Tanong ni Ben sa kanya. Sa kanilang lahat kasi, si Julie ang pinakabago sa pagtuturo. Iba naman kasi ang trabaho niya nung nandoon siya sa NY. Kumakanta kanta siya pero hindi naman talaga siya nagtuturo, lalo na sa isang classroom setting. "I'm getting used to it. Nakikinig naman ang mga bata kapag nagtuturo ako." "Baka kasi maganda ka." Nakangiting sabi ni Ben. Napairap nanaman si Julie. "Wala ka ba talaga ibang magugulo? Ako nanaman nakita mo." "Ikaw lang naman talaga nakikita ko." Nakangiti pa rin na sabi ni Ben. Napabuntong hininga naman si Julie. "Will you stop it." "Bakit?" Inosenteng tanong ni Ben bago sumubo ng pagkain niya. "Di ka naniniwala sa akin?" "Puro ka kasi pambobola." Sabi na lang ni Julie at kumain na din. "Bakit, hindi ka ba naniniwala na maganda ka?" Tanong naman ni Ben. "Kung ganon tanga mga tao sa paligid mo, di ka man lang ba nasasabihan? E ikaw pinakamaganda na professor dito eh." Hindi na napigilan ni Julie ang pamumula ng muhka niya. Kahit papaano masarap din naman mapakinggan na sinasabihan ka ng maganda. "B-Bolero ka talaga Ben." "Ui nagb-blush siya!" Ngiti ni Ben at lumabas pa ang dimples. "Ben ah." Pagbanta ulit ni Julie. Pero ang pagsisimangot na kanina pa niya ginagawa ay napalitan na ngayon ng pagngiti. "Ayan, mas maganda kasi na nakangiti ka." Pahabol nanaman ni Ben. At ngayon ay inuubos na ang kinakain. "Hi bes!" Parehong nagulat si Julie at si Ben nang lumapit bigla si Maqui sa kanila. Ngiting ngiti ito na may hawak na sariling tray na may laman na ding pagkain. Tapos ay pabagsak itong umupo sa tabi ni Julie. "Grabe, mahirap talaga kapag higher years na ang tinuturo. Minsan ang hirap na pagsabihan e." Maqui pointed out before taking a bite from her sandwhich. Napatingin naman si Julie sa kaibigan at napasulyap din kay Ben. Nagulat siya nang makita na parang napasimangot ito. "Bili lang ako drinks, gusto mo ba Jules?" Sabi ni Ben. "Wow, ako Ben hindi mo alukin?" Natatawang sabi ni Maqui. "Eh. Kaya mo na yan." Biro naman ni Ben bago tiningnan ulit si Julie. "Uhm Jules, ano gusto mo softdrinks na lang?" "Ah, hindi, water okay lang." Sabi naman ni Julie. Ngumiti lang naman sa kanya si Ben at nagsimula na maglakad palayo. Mahinang napapailing si Julie ng bigla siyang kalabitin ni Maqui. "Bakit?" Tanong niya habang napapatingin dito. Maqui looked back at her. "Taray ah. Liniligawan ka ba ni Ben? Ang sama ng tingin sa akin eh. Porke't pang ruin ako ng date niyo eh." "Sira. Di naman kami nagd-date eh." Pabulong na sabi ni Julie. "Alam ba niya yon?" Sabi naman ni Maqui sakto habang pabalik na si Ben. Sasagot na sana si Julie nang linapag na ni Ben ang bote ng tubig sa harap niya. "Inom ka na Jules. Baka masira ang maganda mo na boses." All smiles ulit na sabi ni Ben. "A-ah. Thanks Ben." Sabi ni Julie at nagsimula na maglabas ng pera para bayaran sana ito pero pinigilan siya ng lalaki. "Ah, wag na Jules, it's on me." "Pero..." "Okay lang." Singit ulit ni Ben. "12 pesos lang naman yan eh." At ayan lumalabas nanaman ang dimples niya. "Sosyal. Layo ng maabot talaga ng 12 pesos." Mahinang sabi ni Maqui. Napatingin sa kanya si Ben at si Julie pero nagkibit balikat na lang siya at tumayo. "Bili na lang din ako ng sarili ko na tubig Jules ah." "Problema non?" Nagtatakang tanong ni Ben kay Julie habang umuupo sa tabi nito. Julie merely shook her head. "Ay ewan ko sa gagang yan." Uminom siya mula sa tubig na binili ni Ben at mahinang nginitian ito. "Ah salamat Ben ah." Okay din naman ito kahit papaano. Di lang naman pala puro bola ang alam. Inubos na niya ang kinakain nang napansin niya na nakatingin sa kanya si Ben. "Huy Ben...bakit?" Pagtawag niya ng pansin nito. Natawa si Ben. "Haha ang cute mo kasi kumain. May sauce ka pa o." Ben pointed out. At laking gulat na lang ni Julie dahil inabot siya nito at pinahiran ang sauce na nasa gilid ng labi niya. Nung una ay hindi siya nakagalaw. Sobrang lapit kasi nito sa kanya. "Ayan wala na." Ben smiled. Hindi pa rin makagalaw si Julie. "Wow lang ah..." Napatigil silang dalawa nang makita na nandoon na pala ulit si Maqui sa tabi nila. May hawak na itong isang bote ng tubig at nakataas ang kilay sa kanila. "So nakakaistorbo na ba talaga ako?" "Ah, hindi Maqui." Kaagad na sabi ni Ben. "Aalis na din naman ako kasi may sunod pa ako na class." Tumayo na ito at marahan na nginitian si Julie. "Sige Jules, I'll see you around." Naglakad na ito palayo at parang lumulutang na lumabas ng canteen. Nakataas pa rin ang kilay na umupo si Maqui sa tapat ni Julie. "O ano bakla, care to explain?" "Explain what?" Sabi naman ni Julie na para bang gulong gulo. "Tsk. Kala ko ba di mo feel si Ben?" Sabi ni Maqui. "Mabait naman kasi yan kaso may pagkaepal lang talaga." "Grabe. Wala naman siyang ginagawa na masama." Pagdepensa ni Julie na ikinagulat niya din. Kanina lang kasi ay inis na inis siya dito. But then again, she got to know him naman and he was fine. Magsasalita pa sana si Maqui nang makita nila na papalapit si Sam sa kanila. Muhka itong nalilito at pakinga linga sa paligid bago umupo sa table talaga nila Julie. "Sam okay ka lang ba?" Tanong ni Maqui sa kanilang kaibigan. "Ah oo." Sagot ni Sam na luminga ulit bago hinarap ang dalawang babae. "Nakita niyo ba si Moe? Kasabay ko lang siya na pumasok kanina dito. Tapos ngayon nawawala." Nagkatinginan muna si Julie at si Maqui bago naman sumagot kay Sam. "Hindi. Wala naman kami napansin." Julie answered. Maqui scoffed. "Panong mapapansin mo e masyado ka preoccupied kanina kay Ben." "Drop it Maq." Sabi ni Julie. Hindi pinansin ni Sam ang huling sinabi ni Julie bagkus ay kay Maqui humarap. "Maq, anong sinasabi mo na kay Ben?" Maqui looked at their friend and had to sigh. "Eh kasi ito si Julie makikipagdate kanina kay Ben."  Gulat na napatingin si Sam sa kaibigan. "Teka teka. Magkasama kayo ni Ben kanina?" Napasimangot naman si Julie sa pinagsasabi ng mga kaibigan niya. "Bakit? Bawal na ako makisama sa mga katrabaho natin?" "Ah, hindi naman sa ganon Jules." Parang kinakabahan na sabi ni Sam. "Akala ko lang iwas ka sa kanya kasi diba parang hindi mo naman siya feel nung unang araw natin dito?" Sam said. "Wala rin naman kasi ako sa posisyon na magjudge kaagad." Sabi ni Julie. "Well, anyways, asan na kaya ang best friend ko?" Nagtatakang sabi ni Sam at kagaya ng kanina ay napalinga linga pa talaga sa paligid. "Kanina kasi kasama ko lang siya. Ako lang bumili ng pagkain tapos pagtingin ko naman sa kanya wala na siya." "Wala bang text sayo?" Tanong ni Maqui kay Sam. The latter checked his phone and had to shake his head. "None." "Hala e asan naman kaya yun?" Kahit si Maqui ay nagtataka na. Hindi na rin muna nagsalita si Julie dahil wala rin naman siyang alam. Basta masaya siya na wala na ang topic sa kanila ni Ben. Hindi naman niya kasi maintindihan dito sa mga kaibigan niya kung bakit na lang ang hostile kay Ben. Pero sabagay siya din naman kasi nung una ganun sa lalaki. =•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•= "May klase ka pa ba?" Tankng ni Maqui kay Julie nang tumayo na sila mula sa table kasama si Sam. Umiling naman si Julie. "Mamayang hapon ang huli ko na klase, may one hour ako na break." "Hay sarap." Natatawa na sabi ni Maqui. "Enjoy mo muna yan Jules." Sabi ni Sam at napabuntomg hininga. "Asan naman kaya yung gungong na yon. Di na ako rineplyan sa text eh." "Baka may klase na kanina?" Pagsuggest ni Maqui. Napailing naman si Sam. "Hindi, kakatapos pa lamg ng klase niya non eh. Lunch break din dapat niya kaso nawala." "Hayaan niyo na yun." Natatawa na sabi ni Julie. "Weird naman talaga yun diba, bigla bigla na lang nawawala. Baka nasa sariling mundo nanaman niya." At dahil alam naman nilang lahat na ganun talaga si Elmo, wala na iba pa nagsalita. "Saan ka ngayon bes?" Tanong ni Maqui. "Balik na lang muna siguro ako sa faculty." Sagot naman ni Julie. "Ah sige sige." Nagpaalamanan naman silang tatlo bago bumalik si Julie sa direksyon ng facultyr room. Nananahimik ang buong paligid, panigurado dahil tuloy tuloy pa rin ang pagsagawa ng mga klase. Binuksan ni Julie ang pinto ng faculty room at dumeretso sa desk niya. Lakong gulat na lang niya na nandoon si Elmo. Nakaupo lang ito sa sariling desk at nagpapahinga na nakasandal sa swivel chair. "Sioppy..." Mahinang bati ni Julie. Napatingin naman sa kanya si Elmo na para bang pagod na pagod. Gumalaw ito para sana magsalita nang biglang bumukas ulit ang pinto at pumasok si Ben. "Ui! Hi Julie!" Bati ni Ben. At saka naman nito nakita si Elmo. "O Elmo, nandito ka rin pala." Silang tatlo lang ang nasa loob ng faculty. "Ben..." Mahinang bati naman ni Julie. "Akala ko may klase ka pa?" "Ah oo, kaso may naiwan ako dito eh." Ben explained. Nakita niya na parang patayo non si Elmo. "Ui pare, wala ka din klase?" Tanong naman niya dito. Umiling si Elmo. "Ah. Wala wala. mamaya pa. Nagpapahinga lang ako." Saka naman siya uminom sa bote niya ng tubig. Ngumiti lang naman ulit si Ben sa kanya bago binalingan si Julie. "Uh Jules, nakalimutan ko kasi pero...gusto mo ba kumain mamaya sa labas?" Hindi pa nakakasagot si Julie sa tanong ni Ben nang bigla na lang sila nakarinig ng kalabog at nakitang marahas na pinatong ni Elmo ang bote niya sa taas ng desk bago tumayo at lumabas ng kwarto na may huling binulong. "Tangina..." Napakunot noo naman si Julie sa ginawa nito at sabay sila na nagkatinginan ni Ben. "Okay lang ba un?" Sabi naman ni Ben at nakita ni Julie na napasimangot ito. "May topak din talaga yan si Magalona eh." Julie looked thoughtful for a while before she came up with a decision. "Saglit lang Ben ah." "Pero Ju-wait! Paano yung mama-" Hindi na narinig pa ni Julie ang gusto sana sabihin ni Ben dahil nakalabas na siya ng faculty at ngayon ay nasa corridor na. She looked to the left and to the right but there was no sign of Elmo anywhere. Tsk. Magalona naman o... Nagikot ikot pa siya sa paligid pero di niya talaga makita kung nasaan ito. Hanggang sa parang may humulong sa likod ng utak niya at dinala na lang siya sa isang lugar na pamilyar na pamilyar sa kanya. Natagpuan na lang niya ang sarili na nasa harap ng studio 4. Hindi naman siya nagkamali at nakita na nandoon si Elmo sa loob. Nakaupo lang ito sa may harap ng piano at pumipindot ng random keys. Dahan dahan niyang binuksana ng pinto pero sa sobrang tahimik ay narinig kaagad ito ni Elmo. Napaharap ang lalaki sa kanya at parang nagulat pa na nandoon siya. "Julie..." He uttered. "What was that back there?" Julie asked in an annoyed tone. Napabuntong hininga lang si Elmo. "Wala." "Anong wala..."Nagtitimpi na sabi ni Julie at linapitan si Elmo. Nakatayo na siya sa harap ng lalaki na nakaupo pa rin sa may piano. Binalik nito ang tingin sa kanya habang tinutuloy niya ang sinasabi. "Bigla bigla ka na lang lalabas nung kwarto na nagdadabog." They looked at each other as if challenging each one to say something provoking. And Elmo was the one to do just that. "Bakit ka nakikipagusap kay Ben?" Marahas naman na napatingin si Julie kay Elmo. "At bakit? Bawal ko siya kausapin?" "Stay away from him Julie." Sabi ni Elmo at tumayo na. Ngayon ay napatingala na si Julie sa kanya pero matapang pa din ang itsura. "Elmo...wala kang karapatan na sabihan ako kung sino kausapin at hindi." She said with a low tone. Elmo looked back at her and couldn't help but hold both of her arms. "He's bad news Julie..." Julie looked back at him. "Stop it Elmo, what's wrong with talking to him?" Elmo scoffed. "Hindi lang pag-uusap ang habol ni Ben sayo." "Oh, and you know so well?" "I know enough Julie." Elmo said. "And that guy likes you." "Elmo, ano ba paki mo. Porke't ba nakikipagkaibigan sa akin si Ben, ganyan ka na?" Julie asked. "And he doesn't like me that way." "He does Julie!" Napasigaw si Elmo at pareho sila nagulat. "And it f***s with my mind!" Lumayo si Julie habang si Elmo ay napahinga na lang ng malalim. Walang ni isa ang nagsasalita hanggang si Elmo na ang unang gumalaw at nagmamadaling lumabas ng kwarto na iyon. =•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=• Iy was already 5 in the afternoon at pwede na magsiuwi ang mga professor at estudyante na tapos na ang klase. Kanina pa nakatingin si Julie sa desk na nasa harap niya. Simula nung nagusap sila kanina ay hindi na bumalik pa si Elmo sa faculty room. Gusto niya sana ito kausapin pero kahit siya ay naguguluhan pa. Iniwasan din muna niya si Ben dahil sa totoo lang nahihiya siya sa nangyari kanina. "Jules?" Napatingin siya sa nagsalita at nakitang si Tippy pala ito. "Tippy." Pagngiti niya habang umuupo sa tabi niya si Tippy. "Okay ka lang? Hindi ka pa ba uuwi?" Tanong ni Tippy sa kanya. Julie shook her head. "Ah, hinihintay ko pa sila Maqui eh." Napatingin sa orasan niya si Tippy. "Matagal pa ata si Maq,mamayang gabi pa ata, baka gusto mo muna magkape?" Napaisip si Julie at tama nga naman ang isa pa niyang kaibigan. Mamayang mga 6:30 pa ang huling klase ni Maq kaya naman napatango na lamang siya sa sinabi ni Tippy. "Mamayang gabi din pa kasi ang huling klase ni Sam." Tippy pointed out. Si Kris naman ay kinailangan umuwi ng maaga dahil sinundo pa nito si Joyce from work at sabay na rin daw sila magdidinner. Pumasok sila sa isang coffee shop na malapit lang sa school. Katunayan at marami ding estudyante ng Apollo-Artemis ang nandoon kaya naman muntik na hindi makahanap ng upuan ang dalawang propesor. "Isang condo na lang din ba kayo ni Sam?" Julie asked. Dahil oo, hanggang ngayon ay hindi niya alam kung live in na yung dalawa. Nakaupo na sila sa isang maliit lang na table na sakto lang para sa kanilang dalawa. "Yeah, just a few months back din." Tippy replied as she sipped from her coffee. Napangiti naman si Julie sa sinabi nito. "Hindi ka man lang ba talaga nagkaboyfriend sa America?" Ito talaga si Tippy wala man lang preno kung makapagtanong. Mahinang napailing na lamang si Julie. "Ah, may mga nanliligaw, saka I dated naman. Pero wala talaga ako naging yung matatawag ko na boyfriend." "Talaga? Aba ang tatanga naman ng mga kano kung ganon." Tippy commented. Natawa naman si Julie sa sinabi ng kaibigan. "Uhm, siguro nasa akin na din yun? Parang ayaw ko rin naman kasi mag enter into a relationship ng mga panahon na yon. And I never actually fell in love with someone..." Habang sinasabi niya ang mga kataga na iyon ay bigla naman namumuo ang muhka ni Elmo sa utak niya. Kinailangan niyang umiling para mawala ang iniisip. JulieAnneanonangyayarisayo... "But it's such a good feeling though Jules." Sabi ni Tippy. Muhka pa itong lumilupad sa ere na napangiti at nagiisip. "Wala lang, yung feeling na may nagmamahal sayo saka ikaw mismo na may inaalagaan. Ang sarap." Mahinang napangiti na lang si Julie habang umiinom sa kape niya. Ayaw na niya sabihin kay Tippy pero hindi siya kasi naniniwala na maiinlove siya. Siguro ang ibang tao may mahahanap na pagmamahal pero siya mismo ay walang pake sa mga ganung bagay. She has better things to think about. Matapos non ay iba ibang topics na ang pinaguusapan nila hanggang sa mapansin nila na ala sais na nga ng gabi. Bumalik na silang dalawa sa school at sakto naman na nandoon na din si Sam at si Maqui sa may faculty. Kakaunti na lang din ang professors sa loob. "Hey, ready to go?" Bati ni Sam kay Tippy matapos halikan ito sa pisngi. Ayaw sana magtanong ni Julie pero kinailangan niya dahil napansin niya... "Uhm, Sam?" "Yes Jules?" Sam asked habang nakaakbay kay Tippy. Hinihintay kasi nila si Maqui dahil ilang taon pa ata bago nito maayos ang kagamitan sa sariling desk. "Saan si Elmo?" Ayan natanong na niya. Wala na kasi ang gamit nito sa desk. "Ah! Nagtext na sa akin kanina." Sam explained. "Medyo masama daw pakiramdam kaya nauna na rin kaagad umuwi. Pero tinapos naman niya yung classes niya." "G-ganun ba." Tanging nasabi na lang ni Julie. Naiinis na ako sayo Magalona ah. Hirap mo ispelingin. "Ano guys tara?" Saka naman dating ni Maqui. "Nakakapagod itong araw na ito. Biro mo hanggang gabi ang klase ko." Sabi niya habang iniikot ang braso sa braso ni Julie. "Asan nga pala si Elmo?" "Nauna na daw." Sagot na lang din ni Julie. "Ah ganon. Daya talaga non." Pagbibiro pa ni Maqui. "O pano tara na?" Tumango na silang lahat at sabay sabay na naglakad palabas ng school grounds. May ilan ilan pa na estduyante na natitira sa ibang studios dahil sa nagp-practice o di kaya ay nagaaral din. Buong lakad ay masayang nagdadaldalan ang magkakaibigan. Bukod na alng kay Julie na sumasali lang kapag tinatanong at ngumingiti ngiti lang. "Bes okay ka lang ba?" Maqui asked Julie habang nahuhuli silang maglakad dahil may sariling mundo si Sam at si Tippy. "Hmm?" Balik naman ni Julie. "Oo naman. Bakit?" Tiningnan lang siya ni Maqui bago ito napabuntong hininga. "Sige dahil pareho tayo na pagod. Ipagbubukas ko na ang paguusap natin." Nasa may sakayan na din naman kasi sila banda at kailangan na maghiwahiwalay. "Bukas bes ah!" Sabi ni Maqui bago magpaalam kay Sam at Tippy at sumakay na din sa jeep. Nagpaalam na din si Julie sa magkasintahan niyang mga kaibigan bago mabagal na naglakad papunta sa condo niya. Hindi lang katawan niya ang pagod ngayong araw, pati na rin ang utak niya kakaisip ng pinagsasabi ni Elmo kanina. What was his problem anyways? She made her way to her condo, taking her keys out and inserting them in the keyhole when... Magisang bumukas ang pinto... Nanlamig ang buong katawan ni Julie. Kaagad niyang binunot ang payong na nasa may harapan banda ng condo niya bago dahan dahan pumasok. Diyos ko Lord, pano ako napasukan akala ko ba safe dito? Humigpit ang paghawak niya sa payong habang dahan dahan na naglakad. Wala siya mawari sa loob ng condo, masyadong tahimik. "Mmpff!!!!" Gumalaw si Julie para pumiglas. Ngayon ay may taong nakahawak sa kanya mula sa likod at mahigpit na nakapalibot ang mga braso sa kanya. Nagsubok pa rin siya na magpumiglas hanggang sa may nasipa niya ito sa may binti. Mahinang napaungol sa sakit lamang ang lalaki kaya naman sinubukan ni Julie ulitin ang ginawa niya kanina. "Julie ano ba!" She stopped when she recognized that voice. And slowly the arms around her went from too tight to just right. Umikot si Julie at nagtama ang tingin nila ng lalaki. "ELMO?!" Mahinang ngumiti naman sa kanya si Elmo. "Oo ako—aray! aray!" Buong ilag ang ginawa ni Elmo sa takot na matamaan siya ng payong sa muhka. "Gago ka talaga!" Inis na sabi ni Julie nang makuntento siya sa pagpalo kay Elmo gamit ang payong. "Tinakot mo ako! Akala ko may magnanakaw!" "H-hindi. Ano ka ba." Sabi naman ni Elmo at linapitan pa ito. "Nakalimutan mo ba na binigyan mo ako ng spare key?" Malalim pa rin ang paghinga ni Julie habang tintingnan ang lalaki. Inis na inis pa rin siya dito dahil totoo na takot na takot siya kanina. Hindi naman aiya handa na magkaroon ng magnanakaw sa condo niya! Lumayo siya dito at tuluyan nang binuksan ang ilaw sa may receiving area ng condo niya. Nang mahinasmasan ay hinarap na niya si Elmo. "O bakit ka ba nandito? Aawayin mo nanaman ba ako tungkol kay Ben?" Elmo's face turned somber at that bago niya linapitan si Julie at kagaya ng kanina ay hinawakn ito sa magkabilang braso. "I'm sorry sa nangyari kanina Julie..." He explained. Huminga siya ng malalim bago tinuloy ang sasabihin. "I guess...nagsesel—" "Stop right there Elmo." Sabi naman ni Julie kaya kaagad naman nanahimik si Elmo. "Diba...sabi ko sayo, I don't do relationships? Hindi din naman ako kakagat kay Ben if that's what the guy is really thinking of. Ewan ko bakit ka ba naiinis kay Ben e wala naman ginagawang masama yung tao." She looked at him then shook her head. Ayaw niya kasi isipin na "nagseselos" si Elmo because that meant he was actually falling for her. "Kung ano man ang meron tayo, hanggang doon lang, please. If hindi mo kaya, then I guess we can stay just as friends, things would be better." Nakita niya na nagigting nag panga ni Elmo sa sinabi niya. She continued..."Moe, I already told you before hand diba?" Sana lang ay maintindihan talaga nito. "Alam ko naman iyon Jules." Sabi ni Elmo. "What I mean is... I mean...I sleep with you, tapos makikita ko na lalandiin ka ni Ben...I-It's not that I'm falling for you Sioppy." Sabi naman ni Elmo bago siya tingnan. "Possessive lang ata ako sayo." Hindi niya alam kung ano itereact ni Julie pero nagulat na lang siya nang makita na mahina ito napangiti. "Ito naman si Sioppy." Sabi ni Julie at mahina siyang kinurot sa pisngi. "Alam mo, gutom lang yan eh. Kalimutan na lang natin ito okay? Tapos ipagluto mo na lang ako ng dinner kagaya ng dati." Naglakad na palayo si Julie papasok sa kusina at iniwan si Elmo doon sa receiving area. She was actually running away from the conversation pero kasi mas gusto niya talaga na doon na lang yung usapan. Mas okay na siya na possessive sa kanya si Elmo all because they were sleeping together, and she just wanted to leave eveything at that. =•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•= Naalimpungatan si Elmo dahil sa paggalaw ni Julie sa tabi niya. They were sleeping together again. And yes, literally just sleeping. Masyado sila na-drain sa mga event na nangyari sa nakakapagod na araw na iyon kaya paghiga sa kama ay pareho silang nakatulog na lamang. Pero ito ngayon si Julie at sinisiksik pa lalo ang sarili kay Elmo. Baka rin kasi nalalamigan sa aircon. Hinila naman ito ni Elmo palapit at pinalibot ang mga braso sa katawan nito pati na rin ang mga binti. Pinagmasdan niya lang ang mahimbing na pagtulog nito. Napakaganda talaga ni Julie. Totoong nabibighani siya dito bawat beses na tinitingnan niya ito. Pero hindi lang iyon. She was beautiful inside too. Alam ni Elmo kung gaano ito kabait kahit pa panay sila ng bangayan nung nagaaral pa sila. Alam din niya kung gaano ito kabuti bilang isang mag-aaral.Alam niya kung gaano ito kaloyal na kaibigan at mapagmahal na anak sa nanay. Lahat iyon matagal na niyang nakikita kay Julie...simula pa lang. "I lied Sioppy..." He whispered to her sleeping form. "I fell for you a long time ago, and I'm still falling." Then he moved close and gently kissed her slightly open lips before molding himself with her and falling back to sleep. =•=•=•=•=•=•=•=•=•=• AN: I'm sorry about the typos guys! Anyways ang haba ng chappie haha naubos ung utak ko :P Salamat po sa lahat ng nagbabasa, bumoboto at nagcocomment! please let me know what you think! And sa mga nagfofollow at nagaadd nito sa reading list, salamat! Thank you din sa silent readers! Mwahugz! -BundokPuno
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD