CONFESSION 2 MGA NAKAW NA SANDALI

6039 Words
CHEATING CONFESSION 2 MGA NAKAW NA SANDALI Sa kabila ng makapal na usok ng sigarilyo at ingay ng mga kainuman ko dahil sa masayang kwentuhan, hindi ko pa rin maiwasang hindi tapunan ng tingin ang napakaseksing asawa ng aking kaibigan. Si Jenalyn. Kanina pa ito pabalik balik sa salas upang magbigay ng aming pulutan. Nakay Jenalyn na ang lahat ng hinahanap ng lalaki sa isang babae. Maganda, seksi, mabait, matalino, mahinhin kumilos, at malambing magsalita. Kaya naman lihim ko na rin siyang inibig mula ng ipakilala siya sa akin ng aking kaibigan. Wala ka din namang maipipintas kay Hector. Responsable at mabait na tao. Kaya din siguro siya nagustuhan ni Jenalyn. "Pareng Bryan", pukaw sa akin ni Elmo na kasama ko sa inuman. Lasing na ito. "Tagay mo pa oh. Pambihira naman." Nagsalin ito ng alak sa baso at iniabot sa akin. Agad ko namang tinungga. Pagdating sa inuman kinokontrol ko ang aking sarili na huwag malasing lalo na kung magmamaneho pa ako pauwi. Dadampot sana ako ng pulutan pero wala ng laman ang mga platong nasa aming mesa. Kinuha ko ang mga yun at naglakad patungong kusina. Nadatnan ko si Jenalyn na nasa harap ng lababo at naghuhugas. Lumingon ito nang mapansin niya ang aking presensiya. " Oh, bat ikaw pa nagdala niyan dito?" Nakangiti nitong tanong. Lalo tuloy siyang gumanda sa aking paningin dahil sa ngiting iyon. "Ano kasi, palalagyan ko pa sana kung meron pa." Kahit malayo ako ay amoy na amoy ko ang gamit niyang pabango. Napalunok ako dahil sa pagkabuhay ng pagnanasa sa aking katawan. Lumapit ako sa kanya upang iabot ang plato. Sinadya kong hawakan ang kaniyang kamay. Ang lambot ng kanyang balat. Makinis at maputi. Kinuha niya ang plato mula sakin at nagtungo sa harap ng kalan. Sinundan ko siya. Ayaw kong mawala ang mabangong amoy niya sa ilong ko. "Ito talagang si Hector oh. Lasing na yata kaya pinabayaan na niya ang kaniyang bisita na siyang magsilbi sa kaniya", anito habang sumasandok ng adobong manok. "Ok lang naman. Walang problema sa'kin 'yon", sagot ko sabay titig sa kaniyang mga mata. Mapungay na rin ang aking mga mata dahil sa aking ininom. Bagamat medyo may tama na, alam ko pa rin ang aking ginagawa. At sa tulong ng alak ay lumakas ang loob kong magbigay ng motibo sa kaniya na gusto ko siya. Iniabot niya sa akin ang platong may laman nang pulutan. Inilapag ko yun sa mesa at hinarap ulit siya. " Ganda mo Jen", sensiro kong sabi. Hindi mapawi ang maluwang na ngiti sa aking mga labi. Bibihira kaming mabigyan ng pagkakataon na ganito. Yung kami lang ang nag uusap. Namula ang kaniyang magkabilang pisngi. "Sa-salamat. Bumalik ka na dun baka hinahanap kana", ilang niyang sagot. Hindi ako sumunod. Sa halip ay unti unti ko siyang nilapitan. Napaatras siyat napasandig sa counter ng kusina. Iniharang niya ang dalawang palad sa aking dibdib. "Ano ba, Bryan?! " Sita niya sa akin. Sabay tulak ng malakas sa akin pero di ako nagpatinag. Balot ng aking kagustuhang matikman ang kaniyang mga labi na matagal ko ng pinapantasya, hinawakan ko ng mahigpit ang dalawa niyang kamay sabay siil sa kaniya ng halik. Ang lambot ng mga labi ni Jenalyn. Sobrang bango ng kaniyang hininga. Lalo akong nabaliw. Mas diniinan ko pa ang aking halik. Nag umpisa na ring manaliksik ng aking dila sa loob ng kaniyang bibig. Narinig ko ang kaniyang pag ungol sa pagitan ng pagpupumiglas. Pero maski nasa ilalim ako ng espiritu ng alak ay nanaig pa rin ang aking lakas. Ang sarap sa pakiramdam. Ang mga labi ni Jenalyn ay parang isang uri ng alak na hahanap hanapin ko at babalik balikan. Pinutol ko ang halik upang sumagap ng hangin. Ramdam ko ang mainit na buga ng kaniyang hininga sa aking bibig. Napapikit ako. "Jenalyn," ungol ko malapit sa kaniyang taenga. Hawak ko pa rin ng mahigpit ang dalawa niyang kamay. "Bryan pls, bitawan mo ako. Baka biglang pumasok si Hector dito", naiiyak niyang sabi sa akin. Hindi ko iyon pinansin. Sa ngayon, nawala na sa isip ko kung nasaan kami. Wala na rin akong pakialam kung mahuli mab kami ni Hector. Mas nangibabaw na ang aking nararamdaman. Kaytagal na panahon ko din itong hinintay. Ang aktuwal na mahalikan sa labi si Jen. Hindi sa imahinasyon lang. "Bryan pls", muli niyang sabi. Nagmamakaawa. Nagbabadya ang pagtulo ng kaniyang mga luha dahil sa pinaghalong takot at nerbiyos. Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Agad ko siyang binitawan. "Im sorry." Pinakawalan ko siya. Napayuko ako dahil sa kahihiyan. Malalaki ang mga hakbang na nilisan ko ang kusina. Iniwan ko siyang yakap ang sarili habang nagpapahid ng luha. Dumeretso ako palabas ng bahay. Nagtungo sa madilim na parte ng bakuran kung saan nakaparada ang aking motorsiklo. Nanginginig na naglabas ako ng isang stick ng sigarilyo mula sa aking bulsa at sinindihan iyon. Hindi ganito ang gusto kong unang maging impresyon ni Jen sa akin. Kaya naman lihim kong pinagalitan ang aking sarili dahil sa katangahan. Nagpadala ako sa bugso ng aking damdamin. Damdamin na matagal ko ng kinikimkim. Pero dahil sa espiritu ng alak ay minsanan ko na yatang nasira ang tiwala sa akin ni Jenalyn. Ang masama pa nito ay baka magsumbong pa ito kay Hector. Sa isang iglap ay masisira din ang pagkakaibigan namin na nagsimula noong mga bata pa kami. Apat na stick na sigarilyo ang naubos ko upamg pakalmahin ang panginginig ng aking katawan. Kalahating oras ko ding kinalamay ang aking loob at nag isip ng matino. Hindi ako ganitong tao. May respeto ako sa pagkakaibigan namin ni Hector. At lalong mas malaki ang respeto ko kay Jenalyn. Hindi ko ugaling magtraidor sa kaibigan. Pero sa tulong ng esperitu ng alak na nagpalakas sa aking loob, nagawa ko ang isang bagay na maaring pagmulan ng malaking problema sa pagitan naming tatlo. Sunod sunod na buntung hininga ang aking pinakawalan bago ko napagpasyahang muling pumasok sa loob ng bahay upang magpaalam na kay Hector. Dahil sa mga nangyari ay hindi na ako maaring tumagal pa dito. Baka ipagkanulo na naman ako ng sutil kong damdamin. Pero pagpasok ko ng bahay ay bulagta na sa sofa si Hector. Naghihilik pa. Hindi ko na rin namalayan na nauna na rin palang umuwi ang iba pa naming kainuman. Biglang bumungad sa pintuan ng kusina si Jenalyn. May hawak na walis at dustpan. Napatigil siya ng mapalingon sa akin. Balak na rin siguro nitong iligpit ang aming mga kalat. "U-uwi na rin ako Jen," lakas loob kong sabi. "Sige", sagot niya sabay iwas ng tingin sa akin. Dinampot ko ang aking susi sa ibabaw ng mesa. "Pasensiya ka na sa nangyari kanina. Dala lang yun ng kalasingan. Sorry." "Umuwi ka na. Gabi na." ,sagot niya. Ramdam ko ang pag iwas niyang mapag usapan ang nangyari samin kanina sa kusina. Tumango ako at dahan dahang tinungo ang pinto palabas. Sumakay ako sa aking motorsiklo pero hindi ko pa iyon pinaandar. Napabuntung hininga ulit ako ng malalim. Ano ba tong nagawa ko? Parang ang bigat ng aking kalooban na iwan si Jenalyn na masama ang loob sa akin. Pero nangyari na. Hihingi na lang ako ulit ng patawad sa ibang pagkakataon. Akma kong bubuhayin ang makina ng aking motor ng marinig ko ang boses niya. "Bryan, naiwan mo ang selpon mo." Iniabot niya sakin iyon. Tinanggap ko at ibinulsa. Sa nakakapagtakang kilos ay dahan dahan siyang lumapit na halos isang pulgada na lang ang aming pagitan. Nagulat ako ng bigla na lamang siyang kumapit sa aking leeg at hinalikan ang aking mga labi. Ora mismo ay parang nagbalik kami sa pangyayari kanina sa kusina. Walang pag aalinlangan kong tinugon ng buong puso ang kaniyang mga halik. Mga halik na naging mapusok, agresibo at naghahanap ng mas malalim na tugon. Animoy may sariling isip ang aking mga kamay na naglakbay paikot sa kaniyang makurbang bewang. Hinapit ko siya upang lalong magkalapit ang aming mga nag iinit na katawan. Pinutol niya ang mainit naming halikan. Hinila ako sa kamay pababa ng aking sasakyan at dinala sa papag na nasa likod lang ng kanilang bahay. Pinaupo niya ako pagkatapos at kumandong siya sa akin. Muling naglapat ang uhaw naming mga labi. Pinagapang ko ang aking mga palad sa lahat ng parte ng kaniyang katawan. Mula sa kaniyang makikinis na hita pataas sa kaniyang perpektong dibdib. Kahit may telang nakapagitan ay ramdam ko ang singaw ng kaniyang katawab dahi sa nararamdamang pagnanasa. Hindi pa ako nakuntento ay pinagapang kong muli ang aking mga palad sa ilalim ng kaniyang blusa. Hinawi ko pataas ang suot niyang bra at nagsimulang lamasin ang kanyang malusog na s**o. Nagmamadaling hinubad ko lahat ng saplot niya sa katawan. Hindi na ako makakapagpigil pa. Hindi ko na rin namalayan kung paano niya ako nahubaran. Pinahiga ko siya sa papag. Agad naman akong pumaibabaw sa kaniya. Bahagya kong ibinuka ang kaniya mga hita upang bigyan daan ang aking palad sa kaniyang p********e. Napaliyad siya sa sarap. Lalo akong ginanahan. Ikiniskis ko ang aking ari sa kaniyang kaselanan. "Ohhhhh, Bryaaann..", mababaliw niya ungol. "Jeenn.. ang bango mo," sagot ko habang siyay hinahalikan. Bumaba ang aking mgg labi sa kaniyang leeg. Gusto kong pasadahan ng halik ang bawat parte ng kaniyan katawan. Napadako ako sa kaniyang dibdib. Pinaglaruan ng aking dila ang kaniyang matigas ng u***g. Sipsip at dila ang aking ginawa dahilan upang bahagya niya akong masabunutan sa buhok dahil sa ligayang aking pinadarama. "Bryan pls... angkinin mo na ako", masuyo niyang bulong sa aking tenga. Ipinosisyon ko ang aking sarili sa kaniyang ibabaw. Sa una ay nahirapan akong pumasok dahil may kalakihan ang sa akin. Sa bawat ulos ko ay siya namang ungol niya. Sinasalubong niya ang bawat bayo ko. Pareho kaming nasa saliw ng tugtog na kami lang ang nakakaalam kung paano sayawin. Ang mabagal na pag ulos ay naging mabilis. Ang mga daing ay naging ungol. Parehong naging mabigat ang aming paghinga habang papalapit kami sa sukdulan. Ang mainit na buga ng kaniyang hininga sa aking mukha ay naging dahilan upang pag igihan ko ang pag indayog sa kaniyang ibawbaw. Pahigpit ng pahigpit ang kapit niya sa aking balikat. Halos bumaon na rin ang kaniyang kuko sa aking balat ng pareho naming marating ang sukdulan. Saksi ang bilog na buwan sa aming kasalanan. Tuksong pareho naming pinaunlakan. At alam ko hindi pa ito ang huli. Inaasahan ko nang mauulit at mauulit ang ganitong tagpo ngayong pareho na naming nalasahan kung gaano kasarap ang bawal. --------------- Jenalyn's POV "Mahal, anong ulam natin?" Naputol ang aking pagmumuni nang marinig ko ang boses ng aking asawa na nasa likuran ko na pala. Binigyan niya ako ng masuyong halik sa balikat habang ako ay naghihiwa ng patatas. Bagong ligo ito. Amoy ko ang pamilyar na bango ng shampoo na gamit niya. "M-menudo mahal", sagot ko. Hindi ko alam kung bakit bigla akong nabulol. Siguro dahil kagabi pa lang ay hindi na ako makatulog dahil sa usig ng aking konsensiya. Napakabait ng aking asawa upang pagtaksilan ko siya. Hindi dapat. Pero kagabi hindi ko alam kung anong klaseng masamang esperitu ang sumanib sa akin. Hindi ito tawag ng laman lamang. Kayang ibigay ng aking asawa ang pangangailangan ko sa kama. Pero iba si Bryan. Magkaiba sila. Magkaiba ang pakiramdam na ibinibigay nila sa akin sa larangan ng mundo ng pagtatalik. Si Bryan na kahit kagabi ko lang nakaniig ay parang isang gamot sa sakit na dumapo sa akin mula ng akoy kaniyang halikan. Halik na pakiramdam koy umangkin sa kalahati ng aking pagkatao. Sa unang pagkakataon ay kinuwestiyon ko ang aking sarili kung may kulang ba sa akin. At nasagot yun ng ipahintulot kong may mangyari sa amin kagabi. Tunay ngang may mga pakiramdam tayong sobrang makapangyaharihan na mahirap tanggihan. Na kung ating pauunlakan ay dadalhin tayo sa magkahiwalay na daan. Kaliwa o kanan? Sa tama or panandaliang kasiyahan? Ipinilig ko ang aking ulo upang pawiin ang mga bagay na hindi dapat. At sa harapan pa mismo ng aking asawa. Isang kabastusan sa kaniyang panig. Isang malaking kasalanan sa isip, sa salita at sa gawa. "Bakit tila ang lalim ng iniisip mo?" Tanong sa akin ni Hector. Binigyan ako ng mapanuring tingin. Lalo akong nakaramdam ng pagsisisi. "Wala mahal. Iniisip ko lang ang mga gastusin na naman ulit jdito sa bahay. Malapit na naman ang bayaran ng kuryente at tubig", pagsisinungaling ko. "Huwag kang mag alala. Akinse na bukas kaya sasahod na kami." Lumapit siya sa akin at niyakap ako mula sa likuran. Pinupog niya ng halik ang aking leeg. Napakislot ako ng maramdaman ang pagkabuhay ng kaniyang p*********i sa aking puwitan. "Mahal," bulong niya. "Tara sa kuwarto." May nginig na sa kaniyang boses. Pinihit niya ako paharap sa kaniya at walang paalam na hinalikan ako sa labi. Hindi ako nagdalawang isip na tugunin yun. Naging abala ang kanyang mga kamay. Dumako ang isa niyang palad sa aking p********e. "Mahal sandali", bahagya kong tulak sa kaniya. Napalunok ako ng makita sa kaniyang reaksiyon ang pagtataka. "Mamaya na. Magluluto muna ako. Hindi pa nga tayo nag aagahan eh. Malilate ka na rin sa trabaho mo." Nginitian ko siya ng matamis upang mapawi ang pagdududang nakabalatay sa kaniyang mukha dahil sa aking ikinilos. Hindi na siya nagpumilit pa pero naging tahimik na tila ba may malalim na iniisip habang sumisimsim ng kape sa ibabaw ng hapag. Lihim kong minura ang aking sarili. Kailangan kong bumawi sa kaniya. Ang lahat ay tapos na at hindi ko na maibabalik pa. Nangyari na at wala ng paraan upang malinis ko pa ang aking sarili. Dali-dali kong ipinagpatuloy ang naudlot kong gawain. Siya naman ay walang paalam na nagtungo sa aming silid. ---------------- Mainit pa man ang ulam na aking isinilid sa baunan ng aking asawa ay tinakpan ko na agad. Gahol na sa oras upang palamigin pa iyon. Inilagay ko sa isang paper bag kasama ng isang bote ng tubig. Pagkatapos nun ay pumanhik na ako sa aming kwarto upang tawagin siya. Nakita ko siyang nakahiga sa aming kama. Nakapikit ang mga mata. Ni hindi pa nga nakakapagbihis. Tumabi ako sa kaniya't niyakap siya ng mahigpit. Ngayon pa lang nakokonsensiya na ako. Bigla siyang pumaibabaw sa akin at sabik na inangkin ang aking mga labi. Hindi na ako tumanggi. Tinugon ko iyon ng buong puso. Nabuhay na rin ng kusa ang apoy sa aking katawan. Isa isa kong hinubad ang aking mga saplot. Walang nagbago kahit ilang taon na kaming kasal. Hindi nababawasan ang pananabik sa tuwing kami ay nagtatalik. At kailanmay hindi niya ako binigo. Napapaligaya niya ako ng walang labis walang kulang. At muli ay naging saksi ang silid na iyon sa aming pagmamahalan. Bilang asawa, obligasyon kong ibigay ang pangangailangan niya. Sa kanya lang dapat ako. Ng buong-buo. Hindi dapat ako nagpadala sa tukso. Mula ngayong araw na'to, kakalimutan ko na kung anuman ang nangyari kagabi. Ituturing ko na lang iyong isang masamang panaginip. At magmula sa oras na ito,sa kaniya lang ang katawan at puso ko . Mahal ko siya at mahal niya ako. Iyon ang bagay na panghahawakan ko palagi. ------------------ Bryan's POV Nagising ako sa malakas na patugtog ng kapitbahay kinaumagahan. Mabigat ang ulong bumangon ako dahil imposible nang makabalik pa ako sa pagtulog. Hindi ko alam kung dahil sa alak or sa puyat. Magdamag na si Jenalyn ang laman ng isip ko. Paulit- ulit na binabalikan ang nangyari sa aming dalawa. Lihim akong napangiti. Sa isang iglap ay nawala ang dinaramdam dahil sa alaalang iyon. Hinanap ng aking mata kung nasaan ang aking telepono. Nasa ilalim lang pala ng aking unan. Tatawagan ko si Jenalyn. Miss na miss ko na agad siya. Maski boses lang niya ang marinig ko buo na ang araw ko. Pero bahagya kong natapik ang aking noo nang maalalang hindi ko pala alam ang kaniyang numero. "Tanga," mariing bulong ko sa aking sarili. Nanatili akong nakaupo sa aking kama, nag-iisip ng tamang gagawin para sa araw na iyon. Mababaliw ako. Gusto ko ulit makita si Jenalyn at makaniig. Hinahanap hanap ng ilong ko ang amoy ng kanyang buhok. Ang pakiramdam ng makinis at malambot niyang balat sa aking balat. Para sakin ang isang pagkakataon ay hindi sapat. Isang araw, linggo or buwan? Hindi! Napaungol ako dahil sa reyalisasyong nawawala na sa tama ang aking pag-iisip. Nagtungo ako ng banyo upang agad ay maligo. Baka sakaling pagkatapos ay makapag isip na ako ng matino. _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ "Sir, thre hundred pesos po lahat", nakangiting imporma sa akin ng kahera. Naglabas ako ng pera sa aking pitaka. Iniabot niya sa akin ang bulaklak na aking binili pagkatapos tanggapin ang aking bayad. Inamoy ko ang mga rosas at daisy. Napapikit ako at napangiti. Tiyak na magugustuhan ito ni Jenalyn. Hindi ko na yata kaya pang tanggalin siya sa aking sistema. Sa panaginip ko, sa pangarap, paggising at bago matulog sa gabi, siya ang laman ng lahat ng iyon. Hindi ko na inabala pa ang aking sariling isipin pa ang mga kalalabasan ng aking mga gagawin. Palagi kong binabalewala ang mga babalang kusang sumusulpot sa aking utak sa tuwing nag iisip ng paraan kung paanong muling makita at makasama si Jenalyn. Ako muna ngayon. Ang mahalaga masaya ako. Iba ang pakiramdam. Kahit hindi tama basta napagbibigyan ko ang aking sarili kung ano ang kulang. Si Jenalyn ang kulang sa buhay ko. Hindi na mahalaga kung anong mangyayari sa hinaharap. Mas mahalaga ang bawat sandali na kapiling ko siya. - - - - - - - - - - - - Ipinarada ko ang aking motorsiklo sa harap mismo ng bahay nila Hector. Alam kong wala siya sa mga oras at araw na ito dahil pumasok sa trabaho. Bitbit ang isang malaking paper bag na ang laman ay bulaklak, tinungo ko ang pintuan upang kumatok. Si Jenalyn mismo ang nagbukas ng pinto para sa'kin. Buhat ang kanilang dalawang taong gulang na anak na lalaki. Sumama ang timpla mg kaniyang mukha nang makita ako. "Anong ginagawa mo dito?!" Galit at madiin ang kaniyang boses. Sa kabila ng kaniyang reaksiyon ay ngumiti ako. "May dala akong pagkain." Itinaas ko ang supot na may lamang meryenda. Napatingin siya sa isa ko pang dala. Nakita niya ang mga bulaklak. "Nababaliw ka na ba?" Nanlaki ang kaniyang mga mata. Tumalikod siya at dinala ang bata sa crib na nasa salas lang. Pumasok na ako at isinarado ang pinto. Marahas na hinila niya ako sa kamay at dinala sa kusina. Tila nagtatanong naman ang mga mata ng paslit habang tahimik na nakamasid sa amin. "Tama na Bryan! Nasisiraan ka na ba ng ulo?! Hindi tama to! Mali ito!" Tuliro at tila nanghihinang nakatingin siya sa akin. Nagmamakaawa ang mga mata. "Siguro nga!", medyo pasigaw ko na ring sagot. "Matagal na akong may gusto sayo. Matagal na akong may nararamdaman. At kagabi.." Napalunok ako upang basain ang nanunuyo ko ng lalamunan. Gumuho ang munting pag asa kong magkaunawaan kami sa bagay na'to." Kabagi, lalong hind ka na maalis sa isipan ko." Palakad-lakad lang siya sa makipot na kusina. Halata sa kaniyang ekspresyon ang pagkabalisa. Lumapit ako sa kaniya at tinangka siyang hawakan sa kamay pero umiwas siya. "Tama na sabi eh! Ayoko na! Oo, may nangyari sa atin pero pareho nating alam na natukso lang tayo. May asawa ako't anak Bryan."Humihikbi na siya habang pinapahid ang tumulong luha sa mga mata. "Hindi mo ba naisip na kapag nalaman to ng asawa ko, patay tayong dalawa?! Kaya utang na loob umalis ka na." Napailing ako. Wala akong oras upang pakinggan ang kaniyang pagtutol. Nasasaktan ako dahil nakikita at naririnig ko na mismo sa kaniyang bibig ang pagkadisgusto at tila pandidiri sa akin. "Hindi malalaman to ni Hector. Akong bahala, ok? Kapag nalaman niya poprotektahan kita. Hindi ko hahayaan na may mangyaring masama sa atin lalo na sayo." Pagkukumbinsi ko sa kaniya. Tumawa siya ng pagak . "Sa tingin mo ba ganoon lang kadali yun? Kasal kami at may anak na rin. Masisira ang pamilya ko Bryan. Ayokong mangyari 'yon." Humihikbi na siya sa pagitan ng pagsasalita. "Ayokong mawala sa akin ang asawa ko lalo na ang anak ko. Malaking problema lang to. Bagay na pagsisihan nating...." Rindi na ako sa kaniyang mahaba pang pangaral sa akin. Nilapitan ko siya at agad tinakpan ang kaniyang bibig gamit ang aking palad. "Ssshhh...Tama na. Akong bahala sayo." Nanginginig na ang aking boses. Amoy ko na naman kasi kung gaano siya kabango. Gumapang narin sa palad ko ang mainit na buga ng kaniyang hininga. Walang paalam ko siyang siniil nang malalim na halik sa labi. Nagpumiglas siya. Pinipilit kumawala sa aking mahigpit na pagkakahawak sa kaniyang dalawang kamay. Pero malayong mas malakas ako sa kaniya. Sinamantala ko ang kapangyarihang iyon upang pagpiyestahan ng dampi-damping halik ang makinis niyang leeg. Animo'y gutom sa laman. Sabik na sabik na tila isang hayop. Hindi lumaon ay ramdam ko na ang pagtigil niya sa pagpupumiglas. Kasunod niyon ang mainit na rin niyang pagtugon sa mga halik ko. Ang paghaplos niya sa ibat ibang parte ng aking katawan na lalong nag udyok sa akin upang palalimin pa ang paghalik sa kaniyang labi. Balot na ng pagnanasa ang buo kong pagkatao nang bigla niya akong itulak sabay tutok sa akin ng kutsilyo na nadampot niya sa lababo. "Sige! Subukan mo pang lumapit. Hindi ako magdadalwang isip na saksakin ka." Hindi na ako nagtangka pa. Batid kong hindi siya nagbibiro. Pero hindi ako natakot. Ngumisi ako." Sige nga. Kaya mo ba talagang manakit ng tao Jen?" Muli ay unti unti akong sumulong palapit sa kaniya. Hindi siya natakot. Lalong napuno ng galit ang kaniyang mga mata. Itinutok niya ang dulo ng patalim sa aking leeg. "Sige! Isang hakbang mo pa!" Matapang niyang saad. "Akala mo ba natatakot ako sayo?" Napalunok ako at unti unting napaatras. Kaya ko siyang pagbigyan ngayon. Marami pang pagkakataon para sa akin. Marami pang araw na darating. At titiyakin kong lahat ng iyon sa huli ay papabor sa gusto ko. "Pagbibigyan kita sa ngayon." Seryoso kong saad. Tiningnan ko siya ng mata sa mata upang maayos na maiparating ang ibig kong sabihin. "Babalik at babalik ako dito. Hindi kita titigilan. Ngayon pa ba?" Kagat ang ibabang labing tiningnan ko siya ng mula ulo hanggang paa. "Wala ka ng magagawa Jenalyn kundi harapin at gawin ang gusto ko. Wala ng atrasan 'to. Naumpisahan na natin hindi ba? Tayong dalawa ang gumawa nito. Pinilit ba kita? Hindi! Kaya huwag kang umastang parang hindi mo nagustuhan. Kalaunan ay kailangan mong sundin ang gusto kong mangyari. Dahil kung hindi, malalaman ito ng iyong asawa." Pagbabanta ko sa kaniya. "Sasabihin ko sa asawa mo sa kahit na anong paraan. Sasabihin ko." Isa iyong babala na gusto kong pag isipan niya. Hindi na ako desperado. Isa na itong hamon para sa akin. Tinapunan ko siya ng huling sulyap bago lumabas ng bahay. Hanggang sa muli naming pagkikita. - - - - - - - - - - - - - - Jenalyn's POV Paglabas ni Bryan ng pinto ay agad kong isinarado iyon. Natakot akong baka maisipan niyang bumalik muli at ipagpilitan ang gusto niyang mangyari. Hindi ko na alam kung ano'ng gagawin ko. Hindi ko alam na sa ganito hahantong ang isang gabi kong pagkakamali. Habang buhay na yata akong uusigin ng aking konsensiya. Tuliro ang aking isip. Naguguluhan sa desisyong aking gagawin. Pumayag na lang kaya ako sa gusto ni Bryan upang manahimik na siya? Pero lalo ko namang ilulublob ang aming mga sarili sa isang kasalanan. Nanghihinang napaupo ako sa sofa habang patuloy pa rin ang pagpatak ng aking mga luha. Narinig ko ang tahimik na paghikbi ng aking anak sa kaniyang crib. Para bang alam na nito ang nangyayari sa edad niyang dalawang taon. Agad ko siyang nilapitan at binuhat sabay yakap sa kaniya ng mahigpit. "Ssshhh..Sorry anak, ha? Mali si Mommy. Mali si Mommy." Pinupog ko siya ng halik. Hindi ko na napigilan pa ang aking sarili at tuluyan na akong napahagulgol. Sa ngayon, anak ko lang ang makakaintindi sa akin. Sa kaniya ako huhugot ng lakas at tapang sa sarili na gawin ang tama. Ayokong pagdating ng araw ay siya din mismo ang huhusga kung gaano ako kasamang ina dahil nagawa kong lokohin silang mag-ama. Babawi ako. Sa asawa at anak ko. Sa kahit na anong paraan.. - - - - - - - - - - - - - - Pag uwi ni Hector galing trabaho ay nagulat ako dahil hindi siya nag-iisa. Kasama niya si Bryan. Gamit nila ang motorsiklo ng huli. Binundol na naman ng kaba amg aking dibdib. Hindi niya alam kung ano pa ba ang dapat niyang gawin uoang tumigil na ito sa panggugulo sa dati'y tahimik niyang mundo. "Mahal." Nakangiting salubong sa akin ng aking asawa sabay dampi ng halik sa aking labi na agad kong tinugon. Sa sulok ng aking mata ay kitang-kita ko ang masamang tingin sa amin ni Bryan. "Sinundo na ako ako ni pareng Bryan sa trabaho ko. Gusto daw ulit makipag inuman sa akin eh." Ang asawa ko ulit. "Ka -kayo ang bahala." Pero sa loob loob ko ay gusto kong tumutol. Sigurado siyang may ibang balak na naman ang Bryan na ito kaya sinadya pa ang kaniyang mister sa trabaho upang sunduin. Umupo si Bryan sa sofa na nasa salas. Pumasok naman ang aking asawa sa kuwarto namin upang magpalit. Nagpunta na rin ako ng kusina upang ipaghanda sila ng kanilang mga gagamitin sa pag inom. Nagsasalansan ako ng mga basong aking hinugasan nang biglang may yumakap sa aking likuran sabay halik sa batok ko. Sa takot na baka si Bryan iyon ay agad ko siyang tinabig gamit ang aking siko. Pero laking gulat ko nang paglingon ko ay hindi naman pala si Bryan kundi ang aking asawa. May pagtataka sa kaniyang mga mata habang nakatingin sa akin. Sapo nito ang parte ng katawan kung saan tumama ang siko ko. "Masyado ka naman yatang naging magugulatin nitong mga nakaraang araw?" "Sorry, ku-kulang lang siguro ako sa tulog.", pagsisinungaling ko. Hindi siya sumagot. Seryoso ang ekspresyon ng kaniyang mukha habang nakatitig sa akin. Ibinaling ko ang kaniyang atensiyon sa iba. "Sige na. Tara sa salas." Nagpatiuna na ako dala ang isang tray na may lamang pulutan, isang pitse ng tubig at mga baso. Narinig ko ang kaniyang yabag na sumunod sa akin. Nahimasmasan ako. Hindi ko alam kung hanggang kailan ako magsisinungaling sa kaniya. Parang hindi ko na kaya. Sa isiping iyon ay nagbabadya na namang pumatak ang aking mga luha. Pero pinigil ko dahil ayokong magtanong si Hector at lalong magduda sa mga kinikilos ko. Wala pang isang oras ay dinig ko na ang masaya at maingay na kuwentuhan nila mula sa salas. Kanina pagkatapos kong isilbi ang mga kailangn nila ay nagkulong na kami dito sa kwarto kasama ang aking anak. Kanina pa ito tulog sa aking tabi. Pero ako, nanatiling dilat ang mga mata. Paano ba ako makakatulog kung nandiyan lang sa salas si Bryan na tila may maitim na naman na balak kaya biglaan ang pagyaya sa asawa kong uminom. Lumabas ako ng kuwarto upang patigilin na sa pag inom ang dalawa. Pero pagbungad ko sa salas ay bulagta na pala ang aking asawa sa sofa. Si Bryan naman ay nakaupo sa tabi nito. Nagsisindi ng sigarilyo. Napalingon siya sa kinaroroonan ko. Isang nakakalokong ngiti ang sumilay sa kaniyang mga labi. Ginapangan ako ng takot sa katawan. Batay sa kaniyang mga kilos at pungay ng mata ay lasing na siya. Bigla siyang tumayo. Muntik pang sumabit ang paa sa mesa pero nakahawak sa sandalan ng sofa. Hindi ko alam ang gagawin. Hindi ko maigalaw ang aking mga paa. Nang makalapit siya sa akin ay marahas niya akong niyakap at pinaghahalikan sa leeg, sa pisngi at kung saan pa dumapo ang kaniyang mga labi. Nagpumiglas ako. Pero tulad ng dati ay nangibabaw ang kaniyang lakas. Wala na akong nagawa kundi magmakaawa ulit. "Bryan pls. Baka magising ang asawa ko. Ano ka ba!", marahas kong bulong. Maiiyak na naman ako sa nerbiyos. "Pagbigyan mo na ako Jen. Hhhmmm.... Ang bango bango mo talaga Jenalyn." Wala na itong pakialam sa maaring mangyari. Kinalma ko ang aking sarili. Kailangan makontrol ko siya. Mapasunod at mapaniwala ko siya sa mga sasabihin ko. "Sige na. Bukas. Bukas magkita tayo. Huwag lang dito. Ok?", kumbinsi ko sa kaniya. Napatigil siya sa tangkang muling paghalik sakin. "Pangako?", parang batang tanong nito. "Pangako. Bukas magkita tayo. Ok? Sa ngayon umuwi ka muna." Pinunas ko ang mga luha ko sa mata. Hinila ko na siya palabas ng bahay. Iginaya sa kaniyang motorsiklo. Kusa naman itong sumakay. "Basta bukas ha? Susunduin kita.", anito. "Oo na. Sige na pls. Umuwi ka na." "Pero puwede bang makahingi uli ng isang halik bago man lang ako umalis." "Baka makita tayo ng asawa ko. Ano ka ba? Hindi ka ba nakakaintindi?!" Nagsimula na naman akong mairita sa kakulitan niya. Amoy ko rin ang ang alak sa kaniyang hininga. Hindi na niya ako pinakinggan. Hinapit ako sa bewang at binigyan ako ng uhaw na halik sa labi. Hindi ako tumugon. Hindi rin siya tumigil. Tila hinihintay na sagutin ko ang kaniyang mga halik. Nang mapagtantong nawawala na naman ako ng kontrol sa sitwasyon ay pumayag na ako sa kaniyang nais. Tinugon ko ang kaniyang mga halik. Pero hindi ko pinatagal iyon. Agad ko siyang bahagyang tinulak. "Sige na, gabi na." Dumistansiya na ako sa kaniya. Kaylapad ng kaniyang mga ngiti. Halatang uhaw at sabik na may mangyari ulit sa aming dalawa. "Basta bukas ha?" Tumango ako. Nabunutan ako ng tinik sa dibdib nang paandarin nito ang sasakyan. Tumabi agad ako upang magbigay daan. Ihinatid ko siya ng tanaw paalis. Nang mawala siya sa aking paningin ay agad akong pumasok sa loob. Tulog na tulog na ang aking asawa sa sofa. Gusto kong maiyak habang pinagmamasdan siya. Paano ko ba ipagtatapat sa asawa ko ang nangyayari? Gulong-gulo na ang isip ko. Ayoko ng ganitong sitwasyon. Hindi ako makatulog ng maayos sa gabi dahil sa sundot ng konsensiya. Maiintindigan kaya ni Hector ang lahat kapag nagtapat ako sa kaniya? Maniniwala kaya siyang ang lahat ay isa lang pagkakamali at di sinasadya? Paano? --------------- KINAUMAGAHAN. Paroo,t parito ako s aloob ng aming salas. Hindi ako mapakali sa isiping anumang oras ay nasa likod na ng pintuan si Bryan. Parang sirang plakang nauulinigan ko ang tunog ng paparating na motorsiklo ng lalaki kahit hindi naman. Tatapusin kp ito dito. Kailangan. Responsibilidad ko to. Ginawa ko. Kasalanan ko kaya paninindigan ko upang itama lahat ng pagkakamali ko sa aking asawa. Ilang minuto pa ay bumukas na ang pintuan at iniluwa nito ang nakangiting si Bryan. Ni hindi man lamang inabalang kumatok upamg ipagbigay- alam na andito na siya. "Bilisan mo. Isara mo agad ang pinto.", turan ko. Agad siyang lumapit at tinangkang yakapin ako. Pero agad ko siyang pinigilan. "Tama na! Pinapunta kita dito hindi upang ipagpatuloy ang kahangalan nating dalawa." Nanlisik ang kaniyang mata dahil sa aking sinabi. "At alam mong hindi ko papayagang mangyari ang gusto mo.", nakapamulsa nitong sagot. " Ititigil na natin to. Tumigil ka na dahil kung hindi magtatapat na ako sa asawa ko." Tumawa siya ng pagak. "Ha! Sa tingin mo ba ako ang mawawalan kapag nalaman niya ito?" "Alam ko na yan. Lalaki ka. Sa anumang oras ay may kakayahang kang maghanap ng ibang babae diyan. Pero ako, buong pamilya ko ang masisira kapag nalaman to ng asawa ko. Tanggap ko na ang mga maaring mangyari. Tatanggapin ko ang galit ng asawa ko. Ang parusang ipapataw niya sa akin." Muling naglandasan ang mga luha sa aking mga mata. Sadyang kaylupit ng dulot ng minsang pagkakamali. Ang minsang pagpatol sa tukso. Ang kagustuhang malasahan kung gaano katamis ang bawal. Habang buhay kang uusigin. Ng iyong konsensiya. Mahabang katahimikan ang namagitan sa amin pagkatapos ng aking sinabi. Pero nakikita ko sa kaniyang mata ang pagkainis. Alam ko din na hindi rin niya basta hahayaang masira ang buhay niya't reputasyon dahil dito. Kailangan na niyang magising sa katotohanan. Ngayon or hindi kailanman. Magwawakas ang patuloy na paglangoy namin sa ilog ng pagkakasala. "Sige." Sa wakas ay narinig kong tugon niya. "Pero..." Muli akong nanlumo. Di yata't hindi ito papayag ng basta-basta. Lumapit siya sa akin at niyakap ako. Wala na akong lakas upang tumanggi pa. Ang mga tuhod ko ay wala ng lakas upang ihakbang ang aking paa. Pagod na ako sa pagtanggi. Sa panlalaban at sa wakas ay maging talunan kontra sa kaniyang lakas. Inilapit niya ang kaniyang mukha sa akin. Ang mabigat niyang paghinga ay nakakabinging pakinggan. "Sa huling pagkakataon, pagbigyan mo akong muli. Ng walang pagtanggi bagkus ay may pagtugon. Tulad ng unang may mangyari sa atin, mahal ko." Hindi ako sumagot. Patuloy ang pagdaloy ng luha sa aking mata na nakatingin sa kawalan. Hinalikan niya ako ng may pagkasabik. Hindi ako tumugon. Tila akoy itinulos sa aking pagkakatayo dahil sa panghihina at pagsuko. Paulit-ulit na naririnig ko sa aking isipan ang kaniyang sinabi. "Sa huling pagkakataon." Oo. Ito na ang huling papayagan kong may mangyari. Pagkatapos nito,y pinapaubaya ko na sa Dios ang lahat ng mangyayari. ------------------- Hector's POV Kuyom ang aking palad sa aking nasaksihan. Pabalik ako ng bahay dahil nakalimutan ko ang aking cellphone pero ganitong eksena ang aking madadatnan. Mula sa siwang ng bintana ay nasilip ko ang loob ng aming sala ng tangka kong buksan ang pintuan. Agad bumangon ang galit sa aking puso. Nanginginig ang kamay na pinihit ko ang seradura ng pinto. Pareho silang nagulat at napalingon sa akin. Inilang hakbang ko ang aming pagitan at agad hinila sa likuran ang traidor kong kaibigan. Isinalya ko siya sa pader at agad tinutukan ng baril sa ulo kaya hindi siya nakapalag sa takot na baka makalabit ko ang gatilyo. "Hayop ka!" Nanggigil kong bulalas. Sa anumang oras ay maaring magdilim ang aking paningin. Pero pilit kong kinokontrol ang aking sarili. "Hector huwag!", sigaw ni Jenalyn. "Tumigil ka!" Parang may sariling isip ang aking kamay. Naitutok ko sa kaniya ang hawak kong baril. "Isa ka pa! Hayop ka! Mga hayop kayo! Iniiputan mo na pala ako sa ulo! Hindi ka pa ba nakuntento sa akin at naghanap ka pa ng ibang lalaki!" Linapitan kp siya at sinakal habang nakatutok ang baril sa kaniyang ulo. Pinakawalan ko na ang galit na kanina ko pa pinipigil. Hindi na tao ang tingin ko sa kanila. Kundi mga hayop. "Papatayin kita Jenalyn! Papatayin kita! Sa kabila ng lahat ay nagawa mo pa rin sakin to?!" Padiin ng padiin ang kabig ko sa gatilyo. Nanginginig ang aking buong katawan sa galit. "Tama na yan!", sigaw ni Bryan. Nakipag agawan ng baril sa akin. Hindi ako nagpatalo. Nagsukatan kami ng lakas. Dinampot ko ang flower vase sa ibabaw ng mesa at ipinukpok sa kaniyang ulo. Sapo ang duguang sentido na napaatras siya. Sa isang iglap, walang pag-aalinlangan na kinalabit ko ang baril. Isa. Dalawa. Tatlong beses. Tumama ang lahat ng iyon sa kaniyang dibdib. "Hector tama na!" Lumuluhang pigil sa akin ng aking asawa. Sinubukan niyang agawin ang hawak kong armas pero huli na. Aksidenteng nakalabit ko ulit ang gatilyo. ------------------- Jenalyn's POV Naramdaman ko ang pag agos ng mainit na likido mula sa aking tagiliran. Nanghihinang tinitigan ko sa mata ang aking asawa. "Patawarin mo ako." Sa huling sandali ng aking kamalayan ay nabanggit ko. Pero bago nagdilim sa akin ang lahat ay mukha ng anak kong nakangiti ang nakita ko. Pamilya ko. Si Hector ako at ang baby namin. Masaya... ------------------ Pauwi na ako galing ng paaralan. Sa bawat madadaanan ko ay pinagtitinginan ako ng mga tao. Pagkatapos ay magbubulungan. Napahinga ako ng malalim. Hindi na ito bagong eksena sa buhay ko. Na pag- usapan ka ng mga tsismosa sa baryo niyo pero wala ka namang ginawang masama. Pag uusapan ka dahil ang tatay mo kriminal at ang nanay mo naman ay malandi. Ano bang alam ko? Maraming kuwento ang nakakarating sa akin. Sanga- sanga. Minsan may dagdag. Minsan may bawas. At minsan hindi ko na rin alam ang paniniwalaan ko. Iba rin naman ang kuwento ng aking lolo't lola sa akin. Ang tatay ko? Hindi ko pa siya nakikita mula ng makulong siya. Hindi ko alam pero takot ako. Hindi ko rin alam kung bakit. Marami akong gustong itanong sa kaniya pero takot akong malaman ang katotohanan. Ni hindi ko rin minsan nadalaw ang puntod ng aking ina. Para saan pa? Makakasagot ba siya kung maaari? Naisip ko tuloy. Minsan may mga bagay na hindi basta basta nakakalimutan. Nagpapatuloy ito. Pero ano ba ang alam ng isang sanggol na tulad ko sampung taon na ang nakakaraan? Ano ba ang magagawa ng isang musmos na katulad ko? Inosente ako sa mga pangyayaring hindi ko naman talaga nasaksihan. Pero bakit ang tingin sakin ng mga tao ay ako ang tatay ko. Ang tingin din ng ilan ay ako din ang nanay ko? Tunay nga sigurong kung ano ang puno ay siya din ang bunga. Pero sa kabilang banda ng katotohanan, ang tao'y marupok kaya nagkakasala. WAKAS
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD