Kinagabihan, ginising si Jeric nang kirot ng kaliwang braso nya at sobrang init ng pakiramdam. Maingat at tahimik syang lumabas sa barracks nila. Nagtungo sya sa kalapit na kakahuyan at nagpractice ng taichi pero sobrang init pa rin ang pakiramdam nya lalo na ang kaliwang braso nya. Lumabas ang isang marka sa likod ng palad ng kaliwang kamay nya hanggang sa may siko na ikinagulat nya. "Anong nangyayari?" tanong ni Jeric sa sarili. Isang kakaibang kapangyarihan ang lumabas sa kanya. Isang asul na dragon ang lumitaw at umatake sa kanya. Nailagan nya ang atake pero nakaramdam sya ng panlalambot. "Bakit ngayon pa?" napalakas nyang sabi sa sarili. "Huwag mo syang labanan! Ipikit mo ang mata mo at kausapin ang dragon gamit ang isip mo," payo ng isang lalaki na biglang lumitaw. "Sino ka?" ta

