bc

Lost Identity

book_age16+
495
FOLLOW
1.6K
READ
spy/agent
warrior
royalty/noble
superhero
mystery
straight
magical world
high-tech world
special ability
kingdom building
like
intro-logo
Blurb

Paano kung malalaman mong ang nagisnan mong buhay ay pawang kasinungalingan? Magtitiwala ka pa ba sa mga taong tinuring mong kapamilya? Paano kung matuklasan mong may kakaiba kang kakayahan?

Ito ang mga tanong na bumabagabag kay Jeric, 21 matapos mabaliktad ang mundo nya. Masaya na sya sa kanyang nagisnang buhay pero lahat ng iyon ay nabahiran ng pagdududa ng unti-unting magbalik ang kanyang alaala. Mababawi nya kaya ang kanyang nakaraan? Matutupad kaya nya ang pangako nya kay Zarah?

chap-preview
Free preview
Inception
Sa gitna ng kaguluhan ay makikitang lumilikas ang reyna kasama ang kanyang dalawang anak -isang binatilyong may edad na naglalaro sa labindalawa hanggang labing apat at isang matikas na binata kasama ang isang kawal. "Mama saan tayo pupunta?" tanong ng binatilyo. "Kailangan na nating umalis," anang isang kawal sa reyna at mga lalaki. "Pero si Papa po," katwiran ng binatilyo. "Susunod daw ang Papa. Kailangan nating makalabas dito," anang reyna. "Kamahalan, nasundan po tayo," anang kawal. Tumigil ang binatilyo at binata gumamit ng kapangyarihan nya para hadlangan ang mga sumusunod. "Mauna na kayo sa sasakyan," anang binata. “Pero po..." anang binatilyo. "Sige na susunod ako," anang binata. Muling ginamit ng binata ang kapangyarihan nya para gumawa ng hadlang bago sumunod sa kapatid at kanyang ina. Pumasok sa kotse ang reyna, mga prinsipe at ang kawal. Kaagad namang minaneho ng kawal ang kotse palayo sa lugar na iyon. Lumingon sa likod ang binatilyo at sinilip kung nasundan sila. "Wala na po sila," anang binatilyo. "Pagdating sa transport area, ipapadala po kayo sa LeValle para sa kaligtasan nyo. Sasalubungin po tayo ng mga kawal ng Valle sa hangganan," paliwanag ng kawal na lumingon sa salamin sa gitna. Ilang saglit pa ay pinarada ng kawal ang kotse. "Kailangan nating lakarin ang papunta sa transport area," anang kawal. Naglalakad na sila patungo sa transpo area. Naramdaman ng kawal na may panganib na parating. Napalingon din ang binata sa kabilang direksyon ng panganib. "Prinsipe Luis nasundan nila tayo," anang kawal sa binata. "Ikaw na ang bahala kina mama at sa kapatid ko. Dalhin mo sila sa transpo area," bilin ng binata na lumapit sa ina at bumulong. Tumango lang ang reyna. Hinagod ng binata ang ulo ng kapatid. "Naaalala mo yung sinabi ko sa'yo?" tanong ng binata. "Opo," anang binatilyo na tumango. "Huwag mong kalilimutan," wika ng binata na tumalikod pabalik sa sasakyan nila. "Teka, hindi ka sasama Kuya?" tanong ng binatilyo. "Mauna na kayo ni mama. May naiwan ako sa kotse. Susunod ako sa inyo," sagot ni Lucas. "Sige po," anang binatilyo. Naglakad muling palayo ang tatlo habang patungo sa kabilang direksyon ang binata. Ilang saglit pa ay isang pagsabog ang nakita at narinig nila mula sa direksyon ng binata. "Kuya!" nag-aalalang wika ng binatilyo. "Halika na Kamahalan. Kailangan nating magmadali," wika ng kawal. Nasa transpo area na sila nang mapansin ng reyna na may nakasunod na halimaw sa kanila. Nilabanan ng kawal ang halimaw. Tumulong na rin ang reyna at binatilyo para magapi nito ang halimaw. Ginamit nya ang kapangyarihan ng kanyang awit para labanan ito at natalo nila ito. Nabahala ang reyna ng makita ang kasunod na mga sundalo at halimaw. "Pumasok na kayo Kamahalan para makatakas na po kayo. Ako na ang bahala sa kanila," wika ng sundalo. "Masyado silang marami para sa'yo, Kuya," wika ng binatilyo. "Ikaw na ang bahala sa anak ko. Susubukan kong pigilan sila," anang reyna. "Tungkulin ko iyan, Kamahalan," tutol ng kawal. "Kailangang may makaligtas para sa kinabukasan ng kaharian. Kailangang matiyak ang kaligtasan ng Prinsipe. Kaya inuutos ko sa'yo na pangalagaan mo ang anak ko," atas ng reyna sa kawal. "Pero Mama. Hindi ako aalis kapag hindi ka kasama, Ma. Lalaban din ako," anang binatilyo. "Sundin mo ang hiling ko, Prinsipe. Ikaw ang pag-asa ng Esmeralda. Ingatan mo ang sarili mo," sabi ng reyna sa binatilyo. "Hindi po ako papayag!" anang binatilyo na tumututol. Niyakap ng reyna ang Prinsipe ng buong higpit at hinalikan ang noo.Nagdilim ang paningin ng binatilyo matapos kumalas ng reyna. "Tandaan mo lang na kailangan mong magpalakas at magpakatatag. Ikaw ang pag-asa ng ating kaharian. Mahal na mahal ka namin ng iyong ama. Alagaan mo ang sarili mo at magpalakas," bilin ng reyna sa binatilyo. Iyon ang mga huling salitang narinig nya bago tumahimik ang lahat. Napabalikwas si Jeric sa pagkakaupo nya. Pawis na pawis at hingal na hingal sya sa pwesto nya. Huminga sya ng malalim at sinapo ang ulo nya. "Naulit na naman!" anya sa sarili nya. Naramdaman nyang may nakalapit sa pwesto nya. Maingat nyang ibinaba ang kanyang kamay sa sapatos nya at naghahandang bunutin ang ankle knife bilang depensa. Lumitaw ang binata sa harap nya. Napahinga syang malalim ng makita ang kasama. Yumuko sya at muling huminga ng malalim. "Ayos ka lang, Hawk?" tanong ng isang kasama nya. Tumango si Jeric. "Nakatulog po ako," hingi ng paumanhin ni Jeric sa kasama. "Idlip lang ang nagawa mo. Wala pang sampung minuto. Ayos lang naman wala ka pang tulog. Kailangang matalas ka kasi mukhang malapit na tayong magsimula. Umagaw ka pa ng kaunti, buksan mo lang ang radyo mo. Pinasilip ka lang ni Boss," anito. Huminga muli sya ng malalim bago sumandal sa pwesto nya at pumikit. "Babalik na ako. Hintayin mo na lang ang hudyat," bilin nito. "Mag-ingat po kayo," wika ni Jeric. Napaisip sya sa napanaginipan nya habang nakapikit. Isang kakaibang binata si Jeric. Katamtaman ang taas at sya ang tipong boy-next-door na mahiyain at gwapito. Malinis ang naka-crew cut nyang buhok na akma sa kanyang kulay kapeng mga mata. Sa mura nyang edad ay sinanay sya at naging bahagi ng isang special unit ng Zulu dahil sa kakaibang talento nya. Bagamat pinakabata sa grupo ay dinadaig pa nya ang ibang mas nakatatanda sa kanya sa pagdiskarte at pagkilos. "Bakit napanaginipan ko na naman iyon?" tanong nya sa sarili nya. Hindi nya maintindihan kung bakit pakiramdam nya ay totoong-totoo ang lahat ng nakita nya sa panaginip nya. "Kailangan kong mag-focus. Hindi pwede ito," anya. Inilabas nya ang isang mini-player na dinugtong nya sa relo nya gamit ang wireless connection. Pinakinggan nya ang isang awit mula doon na lagi nyang ginagamit para pakalmahin ang sarili habang naghihintay ng hudyat sa mga kasama. Sinilip din nya ang mga mensahe nya sa group chat ng klase nya at mga email nya ng mga gawaing tatapusin nya pagbalik nya. Ilang saglit ay nakarinig sila ng instruction mula sa radyo nya kaya bumalik na sila sa kanyang pwesto. "We are going in!" anang team leader nila. Kaagad nyang sinilip ang scope ng sniper rifle nya at tinuon ang atensyon sa kaguluhang nangyayari sa paligid nya. "May sniper!" wika ng isa nilang kasama. Pinindot ni Jeric ang gilid ng scope ng rifle nya kaya nabuksan ang night vision features nito. Kaagad nyang pinaputukan ang natagpuan nyang sniper ng kalaban at pinatay. "Hawk pakilinis ang daan!" pakiusap ng isa pa sa kanya. "On it!" sagot ni Jeric na kaagad tumutok sa palapit na kalaban sa mga kasama nya. Makaraan ng ilang saglit. "Lilipat po ako," wika ni Jeric. Mabilis nyang sinakbit ang baril nya at bumaba sa kinalalagyan nya. Maliksi at maingat syang tumakbo sa susunod nyang pupuwestuhan.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

ANG HAYOK KONG BOSS (SPG)

read
11.1K
bc

Yakuza's Contract Wife [ SPG ]

read
181.6K
bc

AGENT ENRIQUEZ (R-18) SSPG

read
26.9K
bc

Guillier Academy ( Tagalog )

read
195.5K
bc

PARAUSAN NG BILYONARYO

read
73.7K
bc

NINONG HECTOR (SPG)

read
124.2K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook