"Tigil!" sigaw ni Sol na hinabol ang isang kidnapper palayo sa kanya.
"Perp, on the run!" wika ni Mico, ang team leader ng Special Action Unit Zulu.
Tumigil si Sol saglit at lumihis ng daan sa direksyon sa palayong lalaki.
"Nasa Asuncion na sya. Palayo na sya sa'yo," sabi ni Mico.
Umakyat sya sa isang bakod at tumalon pababa sa kabilang bahagi saka sinubukang salubungin ang lalaki. Pinabagsak nya ito gamit ang pagsugod sa kalaban.
"Sumuko ka na!" sigaw ni Sol.
Tumayo ang lalaki na nilabas ang isang baril at pinaputukan sya. Kaagad umilag si Sol at nagtago.
"Ano 'yun? May narinig akong mga putok! Ayos ka lang, Sol?" tanong ni Mico .
"Ayos lang ako," sagot ni Sol na sinilip ang nagpaputok sa kanya.
"Hindi mo ko mahuhuli," anang magnanakaw na tila balisang-balisa.
Lumabas si Sol sa kinatataguan nya.
"Sumuko ka na!" utos ni Sol.
"Hindi mo mababawi ang bato," anang kidnapper na nagpaputok muli.
Nagtago si Sol para umilag. Tumakbo naman ang magnanakaw palayo sa humahabol sa kanya.
Isang lalaki ang humarang dito. Hindi iyon inaasahan ng magnanakaw. Tututukan sana nya ito pero naunahan sya. Sinuntok sya nito sa sikmura kaya tumiklop ito sa sakit. Sinubukan nyang barilin ang lalaki pero sinipa lang nito ang baril sa kamay nya. Isa pang sipa sa tadyang ang nagpaupo sa kanya bago bumagsak ang lalaki sa semento. Sinaklangan ni Jeric ang lalaki at hinawakan ang braso nito sa likod.
"Lalaban pa eh!" komento ng binata.
Ilang saglit lang ay dumating si Sol kasunod ang isang squad car.
"Eto na Kuya," wika ni Jeric.
"Cien. Anong ginagawa mo dito? 'Di ba pahinga mo ngayon?" tanong ni Sol na napailing.
"Opo. Nataon naman po na kalalabas ko lang sa paaralan at papunta po ako sa shop," sagot ni Jeric.
Minasdan ni Sol ang binata at lalaki.
"Nakikinig ka na naman sa monitor," sabi ni Sol na natatawa.
"Teka po bakit po nyo hinahabol ito?" tanong ni Jeric na hawak pa din ang lalaki.
"May kinuha silang isang mahalagang alahas," sagot ni Sol.
"At ang SU ang kailangang humabol sa kanya?" tanong ni Jeric.
"Napakahalaga ng kinuha niya at sinibukang itakas," ani Sol na inabot kay Jeric ang posas.
Pinosasan ni Jeric ang lalaki. Pinasok ng pulis ang lalaki sa loob ng police mobile.
"Teka lang," pigil ni Sol.
Kinapkapan ni Sol ang lalaki at nakuha ang isang kakaibang bato. Nilabas nya ito sa bulsa ng lalaki - isang kulay asul na kristal.
"Ano iyan Kuya?" tanong ni Jeric.
"Hawakan mo nga muna," abot ni Sol na inalalayang tumayo ang lalaki.
Inabot nya kay Jeric ang bato. May kakaiba syang naramdaman ng lumapat ang bato sa kanyang kamay.
Tiningnan naman iyon ni Jeric ito. Natulala si Jeric at may mga flashes ng mga pangyayari ang biglang dumaan sa isip nya. Ibinigay ni Sol ang lalaki sa pulisya na sinakay naman sa kotse.
"Jeric? Ayos ka lang?" ani Sol na tinapik sya sa balikat.
"Po? Ah, eh may sinasabi po kayo?" tanong ni Jeric na nabigla.
Napansin ni Sol na biglang namutla si Sol.
"Ayos ka lang ba?" tanong ni Sol.
Nakaramdam si Jeric ng biglang hilo kaya nawala sya sa balanse pero naka-recover bago bumagsak.
"Ayos ka lang? Kanina pa kita tinatawag. Hindi mo ba ako narinig?" tanong ni Sol na nag-aalala.
"Akin na nga iyan para maisauli na sa kanila," wika ni Sol na kinuha kay Jeric ang bato.
"Ayos lang po. Pasensya na po hindi ko po kayo narinig," tugon ni Jeric na inabot ang bato pabalik kay Sol.
Hilo pa rin sya kaya napahawak sya kay Sol. Biglang umikot ang pakiramdam nya.
"Ayos ka lang ba talaga?" may halong pagkabalisang tanong ni Sol.
Tuluyang natumba si Jeric. Nagising na lang si Jeric sa isang diagnostic bed. Nilibot nya ng tingin ang buong lugar bago sya bumangon at umupo. Ilang saglit lang dumating si Sol.
"Kuya nasaan tayo?" tanong ni Jeric.
"Nasa clinic. Nag-collapse ka kaya dinala ka namin dito," tugon ni Sol na bakas ang pag-aalala
"Ayos lang po ako," wika ni Jeric na dinampot ang sapatos nya at sinuot.
"Maayos ka na nga raw. Lumabas na ang lab test mo wala naman daw problema," utos ni Sol.
"Kuya anong oras na?" tanong ni Jeric.
"Alas tres," sagot ni Sol.
"Patay! Huli na po ako! Mauna na po ako," ani Jeric na dinampot ang gamit nya.
Pagtayo nya ay naramdaman nyang muli ang biglang hilo. Nasalo sya ni Sol na binalik sya sa higaan.
"Magpahinga ka muna. Teka natulog ka na ba? Nabalitaan ko na inumaga daw ang operation nyo. Dalawang araw nyong nilamay 'yun," wika ni Sol.
"Pumasok po ako sa paaralan. May pagsusulit po kasi kami sa isang aralin ko. Hindi ko po kasi pwedeng libanan. Kailangan ko na pong umalis may kausap po ako kasi ngayon sa shop," salaysay ni Jeric.
"Si Zarah ba? Nag-iwan sya ng voice message noong wala ka pang malay alas kwatro daw sya darating. May emergency daw syang kailangang asikasuhin," wika ni Sol.
"Mabuti naman. Mababatukan nya po ako kapag hindi ako nakarating," hingang malalim ni Jeric.
"Jeric, magpahinga ka naman. Masyado ka pang bata para laspagin mo ang katawan mo," payo ni Sol.
"Ayos lang po ako," ani Jeric na ngumiti.
"Kailan ang huling kumain ka?" tanong ni Sol.
"Kaninang umaga po," sagot ni Jeric.
"Halika at kumain muna tayo bago ka umalis," ani Sol.
Napansin ni Sol na hinahagod na naman ni Jeric ang kaliwang kamay nya.
"Anong problema, Jeric?" tanong ni Sol.
"Kumirot po saglit ang kamay ko," amin ni Jeric.
"Pinatingnan mo na ba 'yan? Napapadalas ang pagsakit nyan nitong mga nakaraang araw," puna ni Sol.
"Opo. Pinasuri ko na po ito. Wala naman po raw problema sabi ni Doc. Ngalay lang po siguro," ani Jeric na minasahe ang kamay nya.
Lumabas ang dalawa sa klinika at nagtake-out sa isang fastfood joint. Sa loob ng kotse ni Sol, napansin ni Jeric ang isang malaking bag sa back seat.
"May operation po tayo?" tanong ni Jeric bago kumagat sa burger nya.
"Oo," pagkalunok sa burger na kinagat nya.
"Kailangan nyo po nang kasama? Pwede po ako," prisinta ni Jeric.
"Hindi na. Matulog ka na lang muna. Kadarating mo lang. Bukod sa kailangan mo ring magpahinga ay baka magtampo si Zarah kapag binitin mo sya," tutol ni Sol.
"Maayos lang po ako," wika ni Jeric.
"Magpahinga ka na lang muna. Ihatid na kita sa shop baka hinahanap ka na ni Roche," iling ni Sol na nilagay ang kinakain na burger sa paperbag at pinaandar ang makina ng kotse.
Pagdating sa tapat ng coffee shop ay tinigil ni Sol ang kotse nya.
"Dito na 'ko Kuya Sol. Sigurado ka na hindi mo ko isasama ngayon?" tanong ni Jeric.
"Gustuhin ko man ay hindi pa rin kita isasama. Wala ka sa kondisyon, ayokong mag-alaga ng bata ngayon. Kaya bumaba ka na, baka mapagalitan ako ng Kuya mo," pabirong wika ni Sol.
"Sige po. Salamat po," ani Jeric na bumaba ng kotse at sinara ang pinto.
Pumasok sya kaagad sa coffee shop. Tumunog ang bell na hudyat na may pumasok sa pinto at dumiretso sa counter.
"Dumating ka na pala," bati ng kahera.
Lumapit sya dito at humalik sa pisngi.
"Hello Ate Roche. Ang Kuya Addy po?" tanong ni Jeric.
"Lumabas may pupuntahan daw saglit. Dumating na si Zarah nasa booth two," paalam ni Roche.
"Sige po. Salamat," ani Jeric na minamasahe ang kaliwang kamay.
"Ayos ka lang? Masakit na naman 'yan?" tanong ni Roche na nag-aalala.
"Nangimay lang po. Sige po. Puntahan ko muna si Zarah," ani Jeric.
Nagtungo si Jeric sa booth nakalatag na ang ilang libro at nagsusulat na si Zarah nang umupo sya.
"Pasensya na medyo naatraso ako," ani Jeric na nilabas ang notebook nya mula sa bag nya.
"Paano ba ito?" tanong ni Zarah na tinuro ang isang problema.
"Ganito iyan," ani Jeric na tinuro ang tamang solusyon sa Calculus nila habang pinapaliwanag sa dalaga.
Ilang sandali ay naramdaman nya ang hilo kaya sumandal si Jeric at hinawakan ang pagitan ng kilay nya.
"Ayos ka lang?" tanong ni Zarah.
"Medyo masama lang pakiramdam ko," sagot ni Jeric.
"Wala ka na namang tulog? Ano na naman bang ginawa mo? Dalawang araw ka ring hindi pumasok," usisa ni Zarah.
"May pinaayos kasi kay Kuya Addy sa base sa Valle. Ako sinama nya para hindi daw sya makatulog sa byahe," palusot ni Jeric.
"Beast mode na naman nyan bukas sa'yo si Mr. Andres dahil lumiban ka na naman sa aralin nya kahapon. Ano bang ginawa mo sa kanya at sobrang init ng ulo nya sa'yo?" tanong ni Zarah.
"Hindi ko nga alam kung bakit mainit ang dugo nya sa akin," wika ni Jeric na humawak sa dibdib nya.
Napansin ni Zarah na huminga ng malalim si Jeric ng sunod-sunod.
"May problema ba?" tanong ni Zarah na biglang nag-alala.
"Za pakitawag si Ate Roche," pakiusap ni Jeric na sumandal sa upuan ng booth.
Kaagad tumayo si Zarah at nagtungo sa counter. Saglit nyang kinausap si Roche na kaagad namang sumunod sa kanya. Pinilit ni Jeric i-relax ang sarili at i-regulate ang paghinga nya.
"Kailangan natin syang ilipat sa break room," wika ni Roche nang makita si Jeric.
Inalalayan ng dalawang babae si Jeric sa break room at ihiniga sa sofa.
"Jeric! Jeric, naririnig mo ko?" tanong ni Roche.
Bahagyang tumango si Jeric. Tinusok ni Roche ang isang pen injector kay Jeric. Nakapikit na noon si Jeric.
"Itulog mo muna 'yan saglit," wika ni Roche.
"Ano pong nangyayari sa kanya?" tanong ni Zarah.
"Masyado lang syang napagod. May sumpong sya kaya masama sa kanya ang sobrang stress at pagod," ani Roche.
"Sumpong?" tanong ni Zarah na nagtaka.
"May asthma at migraine 'yang kaibigan mo. Madalas sumusumpong ang asthma nya kasunod ng atake ng migraine nya," sagot ni Roche.
"Pasensya na po. Hindi ko alam," wika ni Zarah.
"Tinatago nyang best friend mo sa'yo kasi nahihiya sya. Ayaw din nyang mag-alala ka," ngiti ni Roche.
"Ganun po pala," ani Zarah.
"Maiwan muna kita rito. Sisilipin ko lang ang counter," sabi ni Roche.
"Sige po. Ako na po muna bahalang magbantay sa kanya," wika ni Zarah.
"Sige salamat. Magigising iyan ilang minuto mula ngayon. Tatawagan ko na rin si Adrian para masundo sya," ani Roche.
"Sige po," sang-ayon ni Zarah.
Nagbabasa si Zarah nang bumangon si Jeric sa sofa makaraan ang ilang minuto.
"Gising ka na. Ayos ka na ba?" wika ni Zarah na binaba ang librong binabasa.
"Ayos na. Salamat," tugon ni Jeric na kinuha ang bote ng tubig na nasa lamesita.
Binuksan nya ito at ininuman.
"Hindi ko alam na may kryptonite ka rin pala," pabirong wika ni Zarah.
"Kryptonite?" takang tanong ni Jeric.
"Kahinaan. Bakit hindi mo sinabi sa'kin?" patampong tanong ni Zarah.
"Pasensya na. Ayaw ko na malaman kasi ng iba," sagot ni Jeric.
"Paano kapag inaatake ka sa school?" tanong ni Zarah.
"Kapag nararamdaman ko na pumupunta na ako sa clinic," tugon ni Jeric.
"Kaya pala bigla ka na lang nawawala," wika ni Zarah.
"Hindi naman. Maiba ako, ok na ba ang Calculus mo? Tatapusin ko na ang tinuturo ko sa'yo kanina," sabi ni Jeric.
"Ok na. Naintindihan ko na naman. Magpahinga ka na lang muna. Kelangan ko na ring umuwi. Hinintay lang kitang magising," ani Zarah.
"Pasensya na talaga," wika ni Jeric na hiyang-hiya.
"Ano ka ba? Wala 'yun. Hindi mo naman sinadya eh," sabi ni Zarah.
"Sige. Salamat," ani Jeric.
"Magkita tayo bukas," paalala ni Zarah.
"Ok," ani Jeric.
Lumabas si Zarah sa Break Room, nakasalubong nya si Adrian na binati nya bago lumabas.
Pagpasok ni Adrian sa Break Room ay nakatungo si Jeric sa pagitan ng tuhod nya. Naramdaman ni Jeric na may pumasok kaya kaagad nyang inangat ang ulo nya.
"Kuya." gulat na wika ni Jeric
"Kamusta na pakiramdam mo?" tanong ni Adrian.
"Maayos na po. Kuya, anong ginagawa mo dito? May operation po kayo ngayon ah?" tanong ni Jeric.
"Tinawagan ako ni Roche. Inatake ka naman daw. Pumasok ka ba kanina?" tanong ni Adrian na nag-aalala.
"Opo. May pagsusulit po kasi kami sa isang aralin namin," sagot ni Jeric.
"Nagpahinga ka na lang sana muna. Babad na babad ka sa field," ani Adrian.
"Nagpahinga naman po ako," depensa ni Jeric na minasahe na naman ang kaliwang braso at kamay nya.
Kaagad napansin ni Adrian ang kilos ni Jeric.
"Nasaan ang bracelet mo?" tanong ni Adrian.
"Nasa locker ko po sa HQ. Nakalimutan ko po. Dadaanan ko nga po mamayang kaunti. Inalis ko po kasi bago nag-operation baka po kasi mahulog," sagot ni Jeric.
"Sinabihan na kita na huwag mong tatanggalin at ilalayo iyon sa'yo," asar na wika ni Adrian.
"Kukunin ko na po," wika ni Jeric.
"Ako na kukuha. Babalik na rin ako sa HQ. Ihahatid na kita sa bahay bago ko iuwi mamaya," ani Adrian.
Tumayo si Jeric habang inaalalayan ni Adrian. Naglakad sila palabas ng shop patungo garahe. Umuwi ang dalawa sa tinutuluyan nilang apartment.
"Kuya, nagkita kami ni Kuya Sol kanina sa labas. May hinabol syang magnanakaw," ani Jeric habang naghihintay ng pagbukas ng elevator.
"Isang high profile na alahas ang kinuha kanina sa museum. Ililipat na muli iyon sa Royal Treasury kaya sila ang in-charge," wika ni Adrian na pinindot ang Up button ng elevator.
Biglang napahawak sa ulo si Jeric at napatukod sa pader na katabi ng elevator.
Flashes. Isang batong asul. Isang ensignia na kulay asul na may nakaguhit na dragon na may pakpak na may koronang ginto - isa itong coat of arms na tila pamilyar sa kanya.
"Jeric! Ayos ka lang? Jeric!" tawag ni Adrian na hinawakan si Jeric sa balikat.
Hindi sya pinansin ni Jeric na nagsalita ng Merala (lengwahe ng Esmeralda) na sobrang sakit.
"Anaria! (Masakit!)" daing ni Jeric.
Sinagot sya ni Adrian sa salitang Merala. Biglang natumba si Jeric. Nasambot sya ni Adrian at ng isang lalaki na biglang lumitaw at umalalay sa kanila.
"Relax lang, Kamahalan," anang lalaki.
Umiling si Adrian sa lalaki.
Nagbukas ang pinto ng elevator. Inalalayan ng lalaki ang pagpasok ng magkapatid doon. Pagdating sa sixth floor ay bumaba sila. Kaagad pinindot ni Adrian ang security code ng pinto at pumasok sila sa bahay.
Binaba nila si Jeric sa sofa at isinandal. Kaagad pumunta ng kusina si Adrian para kumuha ng ice pack. Ginamit naman ng lalaki ang kapangyarihan nya para paginhawahin ang iniinda ni Jeric. Ilang saglit pa ay nagkamalay si Jeric.
"Kamusta na ang pakiramdam mo?" tanong ni Adrian na inabot kay Jeric ang ice pack na pinatong sa ulo nya.
"Hindi na po gaanong masakit. Salamat po," sagot ni Jeric.
"Mabuti naman," anang lalaki na ngumiti.
"Maraming salamat. Sino po kayo?" tanong ni Jeric.
"Isang kaibigan ni Kuya mo," anang lalaki na tumingin kay Adrian.
"Oo. Jeric, sya si Kiel," pakilala ni Adrian.
"Hindi ko kayo napansin kanina," banggit ni Jeric.
"May pupuntahan akong isang pinsan sa gusaling ito. Nataon naman na paakyat din ako nang makita ko kayo sa elevator kanina," katwiran ni Kiel.
"Salamat po sa tulong," ani Jeric.
"Pumasok ka na muna sa kwarto mo at magpahinga. Sasabihan ko si Roche na mag-uwi ng pagkain dito," wika ni Adrian.
"Mauna na po ako Kuya Kiel," paalam ni Jeric.
Pagkapasok ni Jeric sa kwarto ay kaagad namang nag-usap ang dalawa.
"Anong balita?" tanong ni Adrian kay Kiel.
"Medyo kritikal ngayon sa Esmeralda. Natutunugan na nila ang plano sa Paris. Kamusta sya?" tanong ni Kiel na nakatingin kay Jeric.
"Lumalakas na sya, nalalabanan na nya ang kapangyarihan ng reyna. Madalas na nananakit ang braso nya," salaysay ni Adrian.
"Mukhang malaki na nga ang pinagbago nya. Mula sa kuting na makulit, ngayon ay mabangis na tigre na," sambit ni Kiel na napangiti.
"Oo," sang-ayon ni Adrian.
"May utos na kailangan na nyang ilipat ng Delta Unit," banggit ni Kiel.
"Sa Delta? Masyado pang maaga," nagulat na wika ni Adrian.
"Gusto ng Heneral na maihanda si Jeric sa lalong madaling panahon. Naparito ako para ipaalam sa'yo galing ang utos kay General Emir," lahad ni Kiel.
Saglit na natahimik ang dalawa at nagkatinginan.
"Kailan sya ililipat?" tanong ni Adrian.
"Sa lalong madaling panahon. Lalabas ang memo bukas," sagot ni Kiel.
"Sige. Salamat sa heads up," wika ni Adrian.
"Mauna na ako. Kailangan ko pang bumalik sa Esmeralda para tumulong," ani Kiel na tumayo at nagtungo sa pinto.