Kaguluhan, nasa gitna sya ng isang digmaan.
Naglalakad si Jeric nang makita sya mga sundalo na kaagad syang inatake. Lumaban si Jeric sa mga sundalo ng buong husay. Sa gitna nang labanan ay naglabas ang sundalo ng isang bato at bigla syang nakaramdam nang hilo. Pilit nyang nilalabanan ito habang inilagan nya ang umatake sa kanya. Napahawak sa ulo nya at biglang napaluhod sa isang tuhod.
Isang babae ang nakita nyang lumapit sa mga sundalo para tulungan syang makipaglaban. Tinapos nito ang mga natitirang kalaban gamit ang isang ipo-ipo. May isang bato syang sinunog mula sa mga sundalo. Nang maging abo ang bato ay nakaramdam sya nang ginhawa at nawala-wala ang hilo nya.
"Ayos ka lang?" tanong ng babae na inalalayan syang tumayo.
"Opo. Salamat po," ani Jeric na dahan-dahang tumayo.
"Jeric! Lumayo ka na rito! Masyadong mapanganib dito! Darating na ang mga kasama nila," anang babae na tumingin sa 'di kalayuan.
"Pero..." angal ni Jeric na nakaramdam muli ng hilo.
"Makinig ka. Sige na. Masyado silang marami. Ako na ang bahala sa kanila," anang babae.
Lumayo si Jeric at isang pagsabog ang kanyang nakita at narinig.
"Jeric! Jeric!" anang isang boses.
Napabalikwas paupo si Jeric mula sa higaan nya. Nasa gilid ng higaan nya si Adrian na ginising sya. Hingal na hingal sya sa hindi malamang dahilan.
"Ayos ka lang?" tanong ni Adrian na inabutan sya ng tubig.
Kaagad namang lumagok ng tubig si Jeric bago tumango.
"Panaginip lang, Kuya," amin ni Jeric.
"Sumisigaw ka kaya ako pumasok sa kwarto mo. Anong napanaginipan mo?" tanong ni Adrian.
Ikinuwento ni Jeric ang panaginip nya kay Adrian.
"Bumalik na naman mga bangungot mo. Kailan pa?" tanong ni Adrian.
"Nito lang po ulit," tugon ni Jeric na naghilot ng noo nya.
"Eto na nga pala ang bracelet mo," sabi ni Adrian na inabot ang bracelet.
"Salamat po," ani Jeric na kaagad sinuot ang bracelet.
"Masakit pa rin ulo mo?" tanong ni Adrian.
"Medyo masama rin po pakiramdam ko, Kuya," sabi ni Jeric.
"Elf, initiate body scan!" utos ni Adrian.
Sumagot ang relo ni Jeric at nagbigay ng reading ng katawan ni Jeric.
"Nilalagnat ka. Kailangan mo din kasi nang pahinga. Dapat hindi ka na pumasok kanina." pangaral ni Adrian na binuksan ang drawer ng bedside cabinet ni Jeric.
Kinuha nito ang isang bote ng paracetamol sa drawer at inabot kay Jeric. Kaagad naman nya itong sinubo at nilunok.
"Ayos lang po ako," sagot ni Jeric na nakaramdam ng kirot mula sa braso nya.
Tinago nya ang sakit kay Adrian para hindi ito mag-alala.
"Sige na matulog ka na ulit. Tumawag ang HQ pinag-uulat ka sa opisina. Pero kapag nagpatuloy lagnat mo, tatawagan ko sila para mag-sick leave ka muna bukas," wika ni Adrian.
"A.S.A. (Annual Skills Assessment) po namin bukas, hindi po maaaring lumiban," sabi ni Jeric.
"Hindi ka dapat sasabak sa ASA kung wala ka sa kondisyon. Ipagpapaalam na lang kita bukas," saad ni Adrian.
"Hindi na kailangan, Kuya. Maayos na ako bukas. Pagod lang po ito. Salamat po," ani Jeric.
"Huwag mo abusuhin sarili mo," sabi ni Adrian na tumayo mula sa higaan at nagtungo sa pinto ng kuwarto ni Jeric
"Opo," ani Jeric na muling humiga.
Pinatay ni Adrian ang ilaw ng kwarto ni Jeric bago nito tuluyang sinara ang pinto ng kwarto. Nanatili pang gising ng ilang minuto. Iniisip nya ang kung sino ang babaeng iyon sa panaginip nya. Pilit nyang iniisip ang mukhang iyon hanggang sa dalawin sya muli ng antok.
Kinabukasan maagang nagising si Jeric para maghanda sa paaralan. Papasok muna sya bago sya umattend ng kanilang A.S.A. Nakita nya ang isang note sa dining table nakasandal sa isang food cover.
Breakfast muna. Drink your meds. Got some errands to go to . See you later. - Kuya Adrian.
Kinain ni Jeric ang pagkain sa lamesa bago nag-ayos ng gamit nya. Suot ang kanyang salamin, mukhang nerdy si Jeric. Pagkakaalam ni Zarah ay nagco-contacts lang sya kaya minsan ay wala itong salamin na suot.
Sa paaralan hinintay nya si Zarah sa tambayan nila malapit sa gate. Habit na nyang ihatid sa unang klase nya si Zarah bago sya pumasok sa unang klase nya sa katabing gusali.
"Magandang umaga!" bati ni Jeric kay Zarah.
"Magandang umaga! Tayo na," bati ni Zarah pabalik.
Inabutan ni Jeric si Zarah ng isang sandwich.
"Bakit suot mo na naman 'yang salamin mo? Mas bagay kaya sa'yo ang contacts mo," puna ni Zarah.
"Mas komportable ako sa salamin ko. Naiwan ko rin kasi ang contacts ko sa pagmamadali ko kanina," katwiran ni Jeric.
"Anong meron ngayon sa klase natin?" tanong ni Jeric.
"Teka may recitation at quiz sa Literature ngayon. Pasensya na nakalimutan kong sabihin sa iyo. May quiz din sa Calculus mamaya," sagot ni Zarah.
"Anong paksa sa Lit?" tanong ni Jeric.
"Beowulf. Pinadala ko na sa tablet mo kagabi," sagot ni Zarah.
"Sige. Basahin ko pagkatapos ng unang klase ko. Got to go," wika ni Jeric.
"Sige. Magkita tayo mamaya. Salamat ulet," ani Zarah.
Saktong nagbell nang makarating sya sa loob ng classroom nya. Pumuwesto sya sa sulok sa first row. Habang nagkaklase kumirot muli nang gumuguhit ang braso nya. Tiniis nya ito at marahang hinilot pati ang kamay nya.
Dumaan ang isang period, nagbabasa sya ng Beowulf nang gambalain sya ng isa sa mga kaklase nya. Tinabig nito ang kamay nyang masakit kaya muntik na nyang mabitawan ang tablet nya. Tinawanan sya ng iba nyang kaklase na nanonood lang sa nangyayari. Bumuntong-hininga lang sya at pumikit para pigilan ang sarili.
"Anong kailangan mo?" mahinahon nyang tanong.
"Pakopya ng assignment sa Calculus. Alam ko namang tapos mo ang assignment sa Calculus," anang kaklase nya na hinaltak ang bag nya.
Nagpanic si Jeric dahil baka makita ng mga ito ang military fatigues nya na nasa bag nya. Bubuksan na sana ng lalaki ang bag nya nang hawakan ni Jeric ang kamay ng lalaki.
"Teka Al!" ani Jeric na napisil ang braso ng kaklase nya.
Nabitiwan ng kaklase nya ang bag nya.
"Aray!" sigaw ni Al na hinawakan ang braso nya.
Napatingin ang ibang kaklase nila sa kanila. Saglit na natigilan si Jeric dahil hindi sya makapaniwala sa lakas nya. Kaagad naman itong naka-recover. Gumuhit muli ang sakit ng braso na naramdaman nya. Napapikit saglit si Jeric na pinipilit tiisin ang masakit na braso.
"Keinisha! Pasensya na, hindi ko sinasadya," wika ni Jeric na kinuha ang bag nya.
"Aba'y lumalaban ka na?" hamon ng isang kasama ni Al.
Hinawakan nya si Jeric sa kwelyo ng polo nya.
"Hindi ko talaga sinasadya." takot na arte ni Jeric.
May mga flashes na lumabas sa isip nya na biglang nagpakirot sa ulo nya.
"Magtigil kayo! Bitiwan nyo si Castro." anang isang binata na pumasok sa kwarto nila.
Makisig ito nakasuot ng puting long sleeves polo na nakatupi ang sleeves hanggang siko, itim na pantalon na kapares ng itim nitong sapatos.
"Bakit ba nakikialam ka? Sino ka ba?" pasinghal na tanong ni Al.
Nataong pumasok naman si Zarah noon sa kwartong iyon. Nagulat sya sa nangyayari. Nanlaki ang mata nya nang makilala ang binatang umaawat.
"Sir Elvin!" bati ni Zarah.
Kaagad namang nagsibalikan sa upuan ang mga kaklase ni Jeric maliban sa grupo ni Al nang marinig ang pangalan ng binata.
"Yes Zarah, you may take your seat," ani Elvin.
"Good morning class! I'm Mr. Elvin Cruz. My students call me Sir Elvin. I'll be taking over your Calculus class from Ms. Eva. So Mr. Sanchez you and your group might as well sit down and we will start our class," pakilala ng guro.
Binitawan ng grupo si Jeric at naupo sa pwesto nila. Lumipat naman sa tabi ni Jeric si Zarah. Sa kalagitnaan ng klase napansin nya na matamlay si Jeric.
"Ayos ka lang?" tanong ni Zarah na pabulong.
"Ayos lang ako. Medyo masama lang pakiramdam ko," ani Jeric na tinatago ang naramdamang sakit ng ulo matapos ang insidente.
Natapos ang klase at lumabas ang ibang kaklase nila para dumalo ng ibang subjects. Dumaan muli ang grupo ni Al sa harap ni Jeric.
"Hindi pa tayo tapos!" banta ni Al na umalis.
Naghilot ng ulo si Jeric pagkalabas ng grupo.
"Sigurado kang ok ka lang? Mas mabuti siguro ay ihatid na kita sa clinic," mungkahi ni Zarah.
"Ok lang. Medyo masakit lang ulo ko. Tapusin ko na lang Lit. Huli ko na rin naman," ani Jeric.
"Pero may recitation pa tayo dun," nag-aalalang wika ni Zarah.
"Tiwala lang," sabi ni Jeric na nginitian si Zarah.
Dumating ang ibang kaklase nila sa Lit kasunod ang guro nila kaya nagsimula agad ang klase. Nagsimula ang recitation nila sa Beowulf. Nang tinawag si Jeric ay kaagad naman itong tumayo kahit hindi sigurado ang isasagot o ang pakiramdam. Sa kalagitnaan ng pagsasalita nya ay muntik na itong matumba kung hindi naalalayan ng guro nya. Inalalayan sya kaagad sa upuan.
"Ayos ka lang?" tanong ng guro na hinipo si Jeric sa leeg
"Y- yes Ma'am," ani Jeric na huminga ng malalim.
"You better go to the clinic now. Nilalagnat ka, hindi ka dapat pumasok," anang Teacher.
"Samahan ko na po sya," prisinta ni Zarah na dinampot ang gamit ni Jeric.
"Sige Zarah. Pakisamahan na sya," anang teacher.
Lumabas sina Jeric at Zarah.
Inalalayan nya si Jeric patungo sa clinic.
"Nahihilo ka pa?" tanong ni Zarah.
"Hindi na gaano. Maayos na ako." sabi ni Jeric habang naglalakad sila.
Hinawakan ni Zarah ang kamay ni Jeric. Naramdaman nyang malamig ang kamay ni Jeric.
"Halika na para makapahinga ka," wika ni Zarah.
Nagdiretso sa clinic ang dalawa. Binigyan naman ng paracetamol si Jeric sa lagnat at pinagpahinga sa kama. Binantayan naman sya ni Zarah. Nagtungo sa banyo si Jeric na sumuka.
"Ayos ka lang, Jeric?" tanong ni Zarah.
Kaagad nagbukas ng gripo si Jeric at naghilamos. Lumabas kaagad sya sa banyo.
"Naghilamos lang ako." palusot ni Jeric.
Nagring ang bell na naghuhudyat ng pagtatapos ng klase nila.
"Sige na. Pupunta na ako sa shop. Baka mahuli ka pa sa susunod mong klase." ani Jeric na kinuha ang coat nya at backpack.
"Sigurado ka na ayos ka na?" tanong ni Zarah.
"Oo. Sige na." sagot ni Jeric.
"Sige ingat ka." ani Zarah.
"Text kita later." wika ni Jeric.
Lumabas si Jeric sa campus. Sumakay sya nang bus patungo sa isang mall. Pagkababa nya ay pumasok sya sa mall at nagtungo sa isang bakanteng parte, lumingon muna sya sa paligid. Nang makasiguro na walang nakakapansin sa kanya ay pumasok sya sa bakanteng space. Pagpasok nya ay may isang pinto na may security keypad na nakadikit sa isang pinto. Pinindot nya ang security password at isang retina scanner ang lumabas. Tinapat ni Jeric ang mata nya sa scanner.
"Agent, recognized!" anang scanner.
Nagbukas ang isang teleporter at pumasok si Jeric. Naglakad syang saglit bago nakarating sa main entrance ng Police Training Center. Sinuot nya ang ID nya habang naglalakad patungo sa locker room.
"Just in time." wika ni Sol.
"Pasensya na Kuya." sabi ni Jeric.
"Magbihis ka na. May sampung minuto ka pa tayo bago magsimula." wika ni Sol.
"Ok po." ani Jeric.
Kaagad nagbihis si Jeric, masama pa rin ang pakiramdam nya at medyo nakakaramdam ulit ng hilo pero hindi nya ito ininda.
Nagsimula ang test nila. Unang test nila ay rappelling. Habang naghahanda sa Australian rappel ay nakaramdam sya ng hilo kaya napahawak sya sa railguard ng launching area.
"Ayos ka lang?" tanong ni Sol.
"Opo." tango ni Jeric.
"Chicken feed ito sa'yo." tukso ni Sol.
Nang sya na ang bababa ay napahawak sya sa ulo nya dahil medyo hilo sya.
"Height sickness?" biro ng safety officer.
"O dinadaga." tukso ng isa.
Nagkatawanan ang dalawang safety officer habang hindi sila pinansin ni Jeric. Narinig ni Henry, ang commanding officer nila, na nakamasid ang dalawang safety officer.
"Castro, lizard no belays." utos ni Henry.
"Yes Sir!" ani Jeric.
Nagulat ang dalawang safety officer nang tanggalin ni Jeric ang mga carabiner at belay device.
"On, 3, 2, 1. Go!" anang test officer na pinindot ang stopwatch.
Nagrappel ng baliktad si Jeric. Mabilis syang bumaba at pumreno gamit ang kamay nya bago nya tinanggal ang pagkakaikot ng lubid sa katawan nya. At inikot ang katawan nya sa ere para makalanding na nakatayo.
Pagkapindot ng Testing Officer ng stop ay nakatayo na si Jeric.
"Eight seconds. New record!" anang testing officer na napangiti.
Biglang napaluhod si Jeric nakahawak sa lupa. Hindi napansin ng mga nasa taas na nakatalon na si Sol pababa. Pagdating sa baba ay kaagad nyang tinanggal ang carabiner lock nya at lumapit kay Jeric.
"Ayos ka lang?" tanong ni Sol kay Jeric.
"Ayos lang, Kuya. Medyo nabigla lang po kaya nawala ako sa balanse." palusot ni Jeric.
Kaagad namang nilapitan ni Mico at ng testing officer ang dalawa. Sinuri nya si Jeric.
"Kailangan lang dalhin si Castro sa Infirmary. May lagnat sya Sir." ulat ni Sol.
"Doon tayo sa gym. Reyes samahan mo si Castro sa Infirmary. Bakit kasi sumabak ka sa A.S.A na nilalagnat?" ani Henry.
"Kaya ko naman, Sir. Isang pagsusulit na lang naman po ang kukunin ko. Payagan nyo na po ako." pakiusap ni Jeric.
"Mapanganib ang huli mong pagsusulit, Jeric. Kunin mo na lang kapag maayos na ang pakiramdam mo." wika ni Sol.
"Ano ba ang huli nya?" usisa ni Henry.
"Free solo for 30 feet, Sir," tugon ni Sol.
Napataltak si Henry.
"Papayagan kitang kunin iyon sa ibang araw. Masyadong mapanganib ang pagsusulit na iyon. Walang lifeline." sabi ni Rico.
"Sir, kukunin ko na po. Made-delay ang evals ng batch ko kapag sa ibang araw ko pa kinuha ito." banggit ni Jeric.
Napaisip si Rico at saglit na hindi kumibo.
"Sige papayagan kita sa isang kondisyon. Huli kang aakyat at kapag hindi ka naka-recover sa loob ng time frame na iyon, hindi mo itutuloy ang test. Is that a deal?" tanong ni Mico.
"Yes Sir." ani Jeric.
Sa last test area, naunang umakyat pataas ang limang kasama nya. Ang goal ng test ay makarating sa tuktok ng walang tali o harness. May bahagi ito na horizontal climb na kapag bumagsak sya ay pahiga syang babagsak sa sahig.
Umakyat si Jeric nasa 12 feet mark na sya nang makaramdam sya nang hilo pero binalewala nya ito. Nakarating sya sa 20 feet mark nang sumala ang grip nya sa kaliwang kamay.
Nabahala si Sol sa nakita nya.
"Masama ito." wika ni Sol.
Muling inabot ni Jeric ang pwesto na aabutin nya.
"Ayos ka lang?" tanong ni Sol kay Jeric.
"Oo Kuya. Nadulas lang kamay ko." sigaw pabalik ni Jeric kay Sol.
Sa horizontal climb nakaramdam ng kakaibang kabog sa dibdib si Jeric. Tumigil sya.
"Anong nangyayari?" tanong ni Sol.
"May problema." nabahalang wika ni Rico.
Biglang nakabitaw si Jeric sa pader at nagsimulang bumagsak ng walang malay. Nagsisigawan sa panic ang ibang mga kasama nila nang may isang kamay na pumigil sa pagbagsak ni Jeric.
"I got you. Relax lang." anang boses.
Narinig ni Jeric ang boses bago sya nawalan ng malay.
Nagising sya sa Infirmary.
"Nasaan ako?' tanong ni Jeric na biglang bumangon.
Napahawak sya sa ulo nya dahil sa biglang kirot nito.
"Infirmary. Mabuti at gising ka na." sagot ni Sol na umupo sa kama.
"Ano pong nangyari?" tanong ni Jeric.
"Nahulog ka sa wall. Mabuti na lang at nailigtas ka ni Colonel Artemis." sagot ni Sol.
"Si Colonel Artemis?" tanong ni Jeric.
Pumasok sa kwarto sina Henry at Artemis.
"Officer's on deck! Attention!" ani Sol na tumayo ng tuwid at sumaludo.
Nagpilit tumayo si Jeric na hilong-hilo.
"At ease people. Bumalik ka sa higaan, Soldier! Nilagay ka dyan para magpahinga." wika ni Artemis.
"Thank you Ma'am!" ani Jeric.
"Maswerte ka at nasa wall pala si Artemis." sabi ni Rico.
"Pasensya na kung pinag-alala ko kayo Sir." ani Jeric.
"Kunin mo na lang ulit ang wall test sa susunod na pagkakataon." wika ni Henry.
"Napakalakas ng loob mo para umakyat ng ganoong kataas nang masama ang pakiramdam. Ang taong nasa kondisyon ay hirap na hirap makaabot sa 15 feet ng pader na iyon with harness and all." puri ni Artemis.
"Hindi naman po imposible dahil may nakagawa na, Ma'am." sagot ni Jeric.
Napangiti si Artemis samantalang natawa naman si Henry.
"May nasabi po ba akong nakakatawa?" takang tanong ni Jeric.
"Tama nga si Sir Henry mo. Pareho kayo ng ugali." ani Artemis.
"Po?" tanong ni Jeric
"Nabanggit na ni Henry na may isang tao sa Unit nya ngayon na kahawig ng ugali ng isa naming kaibigan. Tama sya naaalala ko tuloy sya sa iyo." amin ni Artemis na napapailing.
"Tama ka ganyan nga sya." ani Henry.
"Sya ba iyong tinutukoy mo na ililipat sa Delta?" tanong ni Artemis kay Henry.
"Oo. Siya si Jeric Castro." pakilala ni Henry kay Artemis
"Hi Jeric! Ako si Artemis. Madalas na tayong magkikita sa Delta. Hope to see you soon." ani Artemis na ngumiti.
Tumunog ang cellphone ni Artemis.
"Gusto ko mang makipagkwentuhan pa ay may tawag sa labas. Magkita tayo sa Delta." ani Artemis na lumabas ng kwarto.