3

2308 Words
Biglang nakabitiw si Jeric sa pader at nagsimulang bumagsak ng walang malay. Nagsisigawan sa panic ang ibang mga kasama nila nang may isang kamay na pumigil sa pagbagsak ni Jeric. "I got you. Relax lang," anang boses. Narinig ni Jeric ang boses bago sya nawalan ng malay. Nagising sya sa Infirmary. "Nasaan ako?' tanong ni Jeric na biglang bumangon. Napahawak sya sa noo nya dahil sa biglang hilo nito. "Infirmary. Mabuti at gising ka na," sagot ni Sol na umupo sa glid ng kama. "Ano pong nangyari?" tanong ni Jeric. "Nahulog ka sa wall. Mabuti na lang at nailigtas ka ni Ma'am Artemis," sagot ni Sol. "Si Colonel Artemis?" tanong ni Jeric. Pumasok sa kwarto sina Mico at Artemis. "Officer's on deck! Attention!" ani Sol na tumayo ng tuwid at sumaludo. Nagpilit tumayo si Jeric na hilong-hilo. "At ease people. Bumalik ka sa higaan, Soldier! Nilagay ka dyan para magpahinga," wika ni Artemis. "Thank you Ma'am!" ani Jeric. "Maswerte ka at nasa wall pala si Artemis," sabi ni Mico. "Pasensya na kung pinag-alala ko kayo Sir," ani Jeric. "Kunin mo na lang ulit ang wall test sa susunod na pagkakataon," wika ni Henry. "Napakalakas ng loob mo para umakyat ng ganoong kataas nang masama ang pakiramdam. Ang taong nasa kondisyon ay hirap na hirap makaabot sa 15 feet ng pader na iyon with harness and all," puri ni Artemis. "Hindi naman po imposible dahil may nakagawa na, Ma'am," sagot ni Jeric. Napangiti si Artemis samantalang natawa naman si Mico. "May nasabi po ba akong nakakatawa?" takang tanong ni Jeric. "Tama nga si Sir Mico mo. Pareho kayo ng ugali," ani Artemis. "Po?" tanong ni Jeric "Nabanggit na ni Mico na may isang tao sa Unit nya ngayon na kahawig ng ugali ng isa naming kaibigan at mentor. Tama sya naaalala ko tuloy sya sa iyo." amin ni Artemis na napapailing. "Tama ka ganyan nga sya," ani Mico. "Sya ba iyong tinutukoy mo na ililipat sa Delta?" tanong ni Artemis kay Mico. "Oo. Siya si Jeric Castro," pakilala ni Mico kay Artemis. "Hi Jeric! Ako si Artemis. Madalas na tayong magkikita sa Delta. Magkikita tayo muli sa mga susunod na araw," wika ni Artemis na ngumiti. Tumunog ang cellphone ni Artemis. "Gusto ko mang makipagkwentuhan pa ay may tawag sa labas. Magkita tayo sa Delta," paalam ni Artemis na lumabas ng kwarto. "Sir totoo ba ang narinig ko? Si Jeric natanggap na sa Delta?" tanong ni Sol. "Oo. May bumukas na dalawang slot sa Delta Unit. Inirekomenda kayo sa Delta. Naaprubahan agad ang application nya," balita ni Mico noong dumaan ito sa kwarto. "Ako lang po? Pero si Kuya Sol? Sya po ang mas dapat makakuha ng slot sa Delta. Matagal na nyang hinihintay iyon," wika ni Jeric. "Ipinasa ko rin ang credentials nya para sa isa pang slot. Nakapasa na sya sa initials pero nirerebisa pa ng Screening Committee ang credentials nya," ani Mico. "Karapat-dapat ka naman sa promotion sa Delta, Jeric. Ayaw mo noon? Makakasama mo na si Kuya Adrian mo?" tanong ni Sol na tuwang-tuwa. "Pero maiiwan naman kita," malungkot na wika ni Jeric. "Hinihintay lang ang approval ng rank promotion ni Sol para maiangat ko sya sa Delta. Mauuna ka lang ng kaunti," banggit ni Mico. "Oo. Ilang linggo lang, paglabas ng evals magkikita din tayo sa Delta," ani Sol. "Nagfile ako ng forced leave mo nang isang linggo. Tinanggal kita sa on call list. Magpahinga ka muna at maghanda sa Delta training. Mag-uulat ka sa kanilang opisina at kailangan kondisyon ka kaya magpagaling at pahinga ka. Ikaw naman Reyes, bantayan mo muna iyang Buddy mo," saad ni Mico na lumabas. "Yes Sir," ani Sol na tumayo ng tuwid at sumaludo. "At ease," utos ni Mico bago lumabas. "Hindi ba kasama dati ni Colonel Artemis si Sir Xander sa Unit nila, Kuya?" tanong ni Jeric. "Sa pagkakatanda ko, oo. Magka-buddy sila bago nakatamo ng injury si Sir. Nagpadestino si Sir Xander sa Zulu as supervising officer para makapahinga muna. On call pa rin sya sa Delta. May mga nagsabi na isa sa mga pinakamahusay ang unit nila," kwento ni Sol. Pumasok si Adrian sa loob ng kwarto ni Jeric sa Infirmary. "Sir!" bati ni Sol na sumaludo. "At ease, Sol," utos ni Adrian na nilapitan si Jeric at binatukan. "Ano bang nasa isip mo bata ka?" galit na wika ni Adrian. "Pasensya na Kuya," wika ni Jeric. "Muntik ka nang mamatay kanina," asar na wika ni Adrian na niyakap ang kapatid. "Pasensya na po. Pinag-alala ko kayo," hingi ng paumanhin ni Jeric na na-guilty. "Nilalagnat ka pa. Iuuwi na kita. Naka-leave ka na simula sa oras na ito," matigas na wika ni Adrian. "Magbibihis lang po ako," ani Jeric. Inalalayan sya ni Adrian sa CR. Habang nagbibihis biglang nakakita na naman sya ng flashes ng mga tao, kaya bigla syang nahilo. Kasunod nito ay sumakit na naman ang ulo nya. "Kuya Addy! Kuya Addy!" sigaw ni Jeric na nakaupo sa saradong toilet seat hawak ng dalawang kamay ang ulo nya. Kaagad pumasok sa banyo si Adrian. Nakita nya ang sitwasyon ni Jeric. "Jeric! Jeric!" tawag ni Adrian na hinawakan ang braso nya. "Kuya, sobrang sakit. Patigilin nyo na! Sobrang sakit!" samo ni Jeric na umiiyak na sa sakit. "Sol pakitawag si Doktor Sy," kalmadong wika ni Adrian na sinuportahan si Jeric. Kaagad lumabas si Sol. Pagbalik nito kasunod nito ang doktor na kaagad sinuri ang binata. Matapos ang ilang saglit naglabas ng hiringgilya ang doktor na tinusok nya kay Jeric. Unti-unti namang kumalma ang binata pero kita sa mukha nya ang sobrang sakit ng dinaanan nya at ang panlalambot mula sa tinusok na gamot. Inakbayan nina Sol at Adrian si Jeric para maibalik sa higaan. "Masyado na po yatang napapagod si Jeric, napapadalas ang atake nya," wika ni Sol. "Anong ibig mong sabihin?" tanong ni Adrian. "Nag-collapse po sya noong isang hapon matapos rumisponde sa Museum Heist," tugon ni Sol. Nabahala si Adrian sa narinig napatingin sya sa direksyon ng doktor. "Mukhang inatake rin sya ng magkasunod kahapon at kagabi. Pagpahingahin nyo na muna sya, nai-stress na naman sya. Pwede mo na syang iuwi kapag maayos na pakiramdam nya," bilin ni Doktor Sy. "Opo. Salamat, Dok," ani Adrian. Lumabas ang doktor sa kwarto. Makaraan ang ilang minuto ay nahimasmasan si Jeric. "Kuya, umuwi na tayo," pakiusap ni Jeric na nagpipilit umupo. "Hey there, Jeric! Hinay-hinay mahiga ka pa muna," pigil ni Sol na inalalayan muli si Jeric mahiga. "Kaya ko na naman po eh," katwiran ni Jeric. "Pisilin mo muna ang braso ko. Kapag nagawa mo, ihahatid kita sa inyo," hamon ni Sol. Hinawakan ni Jeric ang braso ni Sol at pilit na pinisil pero walang diin ang pisil nito. "Kita mo na. Nanghihina ka pa," ani Sol. "Magpahinga ka muna, Jeric. Huwag nang makulit. May dadaanan lang ako sa opisina. Pagbalik ko, uuwi na tayo," payo ni Adrian. "Sige po." ani Jeric. "Maiwan muna rin kita. Dadaan ako sa Unit Room para damputin ang ulat ko ng huling operation. Matulog ka muna," paalam ni Sol. "Sige, Kuya," ani Jeric. Dumaan ang kalahating oras bago bumalik si Adrian sa Infirmary. Lambot pa rin si Jeric nang dumating ang nakatatandang kapatid. "Kuya dadaanan ko lang ang bag ko sa locker room," paalam ni Jeric habang naglalakad sila sa hallway. "Sige. Hintayin kita sa lobby," wika ni Adrian na nagpahuli ng kaunti. Dumaan si Jeric sa locker room nila at kinuha ang bag nya. Pagbalik nya ay kaagad syang dumiretso sa lobby. Naroon si Adrian na may kausap na isang lalaki. Nakasuot ito ng t-shirt na may patch ng Delta Unit. Napansin sya ng lalaki. "Sige. Andito na pala hinihintay mo," anang lalaki habang papalapit si Jeric. "Handa ka na?" tanong ni Adrian kay Jeric. "Opo. Magandang hapon po," bati ni Jeric na sumaludo sa kasama nang Kuya nya. "Carry on!" anang lalaki. "Spartan, ang kapatid ko, ang pinag-uusapang si Jeric Castro. Jeric, kilala mo na siguro sya," pakilala ni Adrian. "Opo. Sya po si Sir Spartan, Delta Fox Unit," tango ni Jeric. "Ikaw pala ang isa sa mga bagong aspirant ng Delta. Congratulations," bati ni Spartan. "Salamat po Sir," tugon ni Jeric. "Magkwentuhan tayo sa susunod, Adrian. Good luck sa Unit Assessment Evals mo, Jeric," paalam ni Spartan. "Sige. Salamat. Tayo na," wika ni Adrian. Habang nagmamaneho ay napansin ni Adrian na tahimik si Jeric. "Masyadong malalim iniisip mo," ani Adrian. "Po?" tanong ni Jeric. "Ano bang bumabagabag sa'yo?" tanong ni Adrian. "Kuya, kanina pong sobrang sakit ng ulo ko may nakikita akong mga pangyayari, may isang lalaki na halos kasing edad mo at isang babae na halos kasing edad ni Nana Emma tinatawag ako tapos isang pagsabog," kwento ni Jeric. "Ang Roman Conquest," sambit ni Adrian. "Opo, parang nandun po ako. Hindi ko alam pero parang nakita ko na sila, pakiramdam ko kilala ko ang babae at lalaki pero hindi ko alam kung saan at kailan," salaysay ni Jeric. "Gusto mong dumaan tayo kay Doc Francis? Naalog ata ulo mo nang bumagsak ka kanina sa Wall," mungkahi ni Adrian. "Hindi na po, Kuya. Ayos lang ako. Ano po ang sinasabi ni Sir Crossfire na Unit Assessment?" ani Jeric. "Isang three-week evals, hahawakan kayo ng iba't-ibang evaluators o team leader ng mga Unit. Ito ang magiging basehan kung saang Unit kayo ide-destino. Kasama ito ng performance evaluation mo sa dati mong Unit. Tatawagin kayong Tango. Kaya kailangan mo nang magpahingang mabuti," ani Adrian. Lumingon si Adrian kay Jeric, nakatulog na pala ang kausap nito. Napansin nyang latang-lata si Jeric kaya diniretso nya ito sa drive thru ng isang restaurant para umorder ng pagkain. Nagising si Jeric nang huminto si Adrian. "Nasa bahay na po ba tayo?" tanong ni Jeric. "Bibili lang tayo ng pagkain. Mahuhuli ng uwi si Ate Roche mo. Matulog ka na muna ulit," ani Adrian. Umorder ng pagkain si Adrian at dinampot nila sa kabilang window. Tulog na muli si Jeric nang lingunin ni Adrian. Nang makarating sa bahay ay nagpatay ng makina at nagtanggal ng seatbelt. "Jeric! Gising na! Andito na tayo," tawag ni Adrian. Nagmulat ng mata si Jeric saglit na bumuwelo bago tinanggal ang seatbelt nya. Binuksan nya ang pinto ng kotse at bumaba. Kinuha nya sa backseat ang backpack nya at nilagay sa likod. Pagdating sa pinto ng condo unit nila ay naabutan nilang nagbubukas ng pinto si Roche. Napansin nyang lumo si Jeric. "Magandang gabi! Napaaga ka," bati ni Adrian na hinalikan sa pisngi si Roche. Binuksan ni Adrian ang pinto. "Dumating kasi si Ate Bonne kaya pinalabas nya ako ng maaga," sagot ni Roche, "Bakit ata matamlay ka, Jeric? Ayos ka lang ba?" "Masama lang po pakiramdam ko," sagot ni Jeric na dumiretso sa sofa at binagsak ang sarili paupo. Hinipo ni Roche ang noo at leeg ni Jeric. "May lagnat ka na naman," sabi ni Roche na tumungo sa kusina. "Wala po ito, Ate. Napagod lang ako," balewala ni Jeric. Dumiretso naman si Adrian sa refrigerator para kumuha ang ice pack. Ipinatong nya ito sa noo ni Jeric. Iniaayos naman ni Roche ang pagkain nila sa lamesa. "Kumain na tayo para makainom ka na ng gamot," yaya ni Roche. Tumayo si Jeric sa sofa at nagtungo sa kusina para kumain. Kaunti lang ang kinain nito at nang matapos sila ay tumayo para ayusin ang ligpitin. "Sige na magpahinga ka na. Ako na ang magliligpit," wika ni Adrian. Nilabas ni Roche ang gamot sa medicine cabinet at inabot kay Jeric. Kaagad namang sinubo ni Jeric ang gamot. "Sige magpahinga ka na," ani Roche. "Papasok na po ako sa kwarto ko," sabi ni Jeric na binuhat ang bag nya bago dumiretso sa kwarto nya. Pinanood ng dalawa si Jeric na pumasok sa kwarto. "Mirawi, may problema ba?" tanong ni Roche kay Adrian nang mapansin nito na malalim ang iniisip nito. "Nag-aalala lang ako, Mirawi. Napapadalas na ang p*******t ng braso nya at nang ulo nya. Malapit na ang panahon. Nagsisimula nang bumalik ang mga alaala sa kanya," sagot ni Adrian. "Nalalapit na ang kaarawan nya," bamggit ni Roche. "Oo nga muntik ko na makalimutan. Ang kinatatakot ko ay baka hindi nya kayanin," nangangambang sabi ni Adrian. "Kakayanin nya lahat. Ihinanda nyo sya para dito," wika ni Roche. "Pero ang kinatatakot ko ay baka hindi pa ito sapat," katwiran ni Adrian. Niyakap ni Roche mula sa likod si Adrian. "May tiwala ako sa kanya," ani Roche. "Tulong! Tulong! Huwag po!" sigaw ni Jeric. Nabahala ang dalawa na kaagad pumasok sa kwarto ni Jeric. Nakita nila si Jeric na nananaginip at alumpihit sa kama nya. "Huwag! Huwag po!" sigaw ni Jeric. Lalapitan sana ni Andy si Jeric nang pigilan sya ni Roche. "Hayaan mo ako, Mirawi," pigil ni Roche. Lumapit si Roche sa kama ni Jeric at umupo sa tabi ng unan. Hinimas nya ang buhok ni Jeric. Umawit si Roche nang isang uyaying Vallian. Maya-maya'y nakalma si Jeric at nagising. Sobrang bigat ng pakiramdam nya at hindi nya halos maimulat ang mata nya dahil sa sobrang sakit ng ulo nya. Sobrang sakit rin ng kaliwang braso nya. Umusod sya paupo. "Ate Roche," wika ni Jeric na hinawakan ang ulo nya. Kaagad naman syang inabutan ng tableta at isang basong tubig. "Binabangungot ka na naman," ani Adrian na lumapit kay Jeric. Umupo sya sa paanan ng kama ni Jeric. "Pasensya na po kung naabala ko kayo," mahinang wika ni Jeric. "Ang mabuti pa ay bumisita tayo kay Doc Francis bukas. Sasamahan kita. Nag-aalala na ako sa madalas na sakit ng ulo mo," mungkahi ni Adrian. "Tama ang kuya mo, Jeric," sang-ayon ni Roche. "Maayos lang ako, Ate. Pagod lang po ito," ani Jeric. "Pakiusap sumunod ka na muna kay kuya mo. Masyado na syang nag-aalala sa mga atake mo nitong mga nakaraang araw," pakiusap ni Roche. Saglit na tumitig si Jeric kay Adrian bago nilipat ang tingin kay Roche. "Sige po para mapanatag kayo," payag ni Jeric.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD