Nagising sina Roche at Adrian nang madaling araw sa isang malakas na putok mula sa hindi kalayuan.
"Ano iyon?" tanong ni Adrian na nagulat.
Sumilip si Adrian sa bintana ng kanilang apartment at nakita ang isang kaguluhan sa hindi kalayuan sa lugar. Kaagad nyang pinindot ang relo nya.
"Mukhang may pagsabog," sabi ni Adrian.
"Baka mula sa linya ng tubig sa malapit lang," wika ni Roche.
"Linya?" tanong ni Adrian.
"May sumabog na linya ng tubig noong isang linggo sa 5th Street. Nakakatakot ang pagsabog na iyon parang bomba ang sumabog," kwento ni Roche.
"Si Ric!" nabahalang wika ni Adrian na napatakbo sa kwarto ng kapatid.
Nadatnan nila si Jeric na tulog pa sa kama nya. Naupo ang dalawa sa kama ni Jeric habang sinubukang gisingin ni Adrian si Jeric pero hindi ito kumilos.
"Roche pakikuha ang gamot ni Jeric sa ref. Bilis!" utos ni Adrian na mabilis na ihiniga si Jeric.
Kaagad namang tumayo si Roche at nagtungo sa kusina.
"Jeric! Jeric! Relax lang," sabi ni Adrian na tinapik ang pisngi ni Jeric.
Nagmulat ng mata si Jeric. Wala ito sa sarili - walang focus ang mata at nanginginig ang buong katawan. Nagsimulang umangat ang kakaibang lakas mula sa kanya. Kaagad pinigilan ni Adrian iyon gamit ang mahika at nabuwag ito bago pa lumala. Hinawakan naman ni Jeric ang braso ni Andy at pinisil ng sobrang diin. Tiniis ni Adrian ang sakit.
"Ric! Ric!" tawag ni Adrian na marahang tinatapik ang pisngi ng binata.
Kaagad naman bumalik si Roche dala ang gamot ni Jeric. Tinusok ni Adrian kaagad ito sa balikat ni Jeric. Ilang saglit lang nagbalik ang focus ng mata ni Jeric. Humingang malalim si Jeric nabitiwan nya ang braso ni Adrian. Kaagad namang minasahe ni Adrian ang nasaktang braso. Pumikit si Jeric saglit bago humingang malalim.
"Ayos ka na Jeric?" tanong ni Roche na pumuwesto sa likod ni Adrian.
"Kuya. Anong nangyari?" tanong ni Jeric na nagmulat ng mata at dahan-dahang umupo.
Napansin nyang hawak ng kuya nya ang braso.
"Nangyari na naman?" tanong ni Jeric.
Tumango ni Roche.
"Pasensya na po," nahihiyang wika ni Jeric.
"Badtrip! Ano ba itong nangyayari sa akin?" tanong ni Jeric na pilit kinokontrol ang hinga.
"I-relax mo lang ang sarili mo. Masyado kang maraming inaalala," payo ni Adrian.
"Mabuti ay mahiga ka na muna ulit," bilin ni Roche.
"Opo. Salamat po," ani Jeric na muling humiga.
"Gigisingin kita mamaya ng kaunti para makainom ka ng gamot sa lagnat mo," sabi ni Roche.
"Huwag na, Ate. Ako na lang po ang gigising kusa. Ilagay nyo na lang po ang oras at ise-set ko alarm ko. May pasok kayo sa trabaho mamaya," tanggi ni Jeric.
"Sige na matulog ka na muna," ani Roche na hinalikan ang noo ng binata.
Kaagad lumabas ang dalawa sa kwarto ni Jeric.
Kinaumagahan ay naabutan ni Roche si Adrian sa kusina.
"Magandang umaga, Mirawi," bati ni Roche.
Nasagi ni Roche ang braso ni Adrian.
"Aray!" angal ni Adrian na hinawakan ang braso nya.
"Patingin nga nyan," wika ni Roche.
"Hindi na kailangan. Bugbog lang ito," sabi ni Adrian
"Patingnan na natin 'yan," nag-aalalang wika ni Roche.
"Ako na lang mamaya. Uminom na 'ko mefenamic," wika ni Adrian.
"Kung hindi mo kaya, liliban talaga ako," ani Roche na naglabas ng ice pack at pinatong sa braso ni Adrian na kulay ube.
"Pumasok ka na. Baka mahuli ka, kaya ko na si Jeric. Huwag mo kaming alalahanin, Mirawi," sabi ni Adrian.
Lumabas si Jeric sa kwarto nya. Bagong ligo ito, nakatokong shorts na brown, at naka-t-shirt na pambahay.
"Magandang umaga po," bati ni Jeric.
"Magandang umaga!" bati ng dalawa.
Humalik si Jeric sa pisngi ng dalawa.
"Kamusta na ang pakiramdam mo?" tanong ni Roche kay Jeric.
"May lagnat pa po kaya ipinaligo ko muna para makasingaw ang katawan ko," sagot ni Jeric na pumasok sa kusina.
Dumiretso sya sa counter. Sinalubong sya ni Roche na inabutan sya ng isang mug na tsaa.
"Iyan na muna ang inumin mo," wika ni Roche.
"Salamat, Ate," sabay lagok ng tsaa sa mug.
"Naka-schedule tayo ng alas otso kay Doc Francis kaya pagkakain mo ay magbihis ka na. Ihahatid ko lang si Ate mo sa school nila," sabi ni Adrian na tumayo na at inubos ang laman ng mug na inilagay nya sa lababo.
"Kumain ka na muna dyan ng agahan. Tumawag na ako sa Dean nyo para ipaalam na hindi ka papasok. Sige, aalis na muna kami. Magkita tayo mamaya," bilin ni Roche na humalik sa noo ni Jeric.
"Ingat ka ate. Mag-ingat po kayo," wika ni Jeric.
Sabay na lumabas sina Adrian at Roche. Nang bumalik si Adrian ay naghihintay na si Jeric sa waiting area sa harapan ng gusali nila. Kaagad syang pumuwesto sa passenger side ng kotse katabi ni Adrian. Naghilot ulit ito nang noo nya.
"Masakit na naman ang ulo mo?" tanong ni Adrian.
"Konti lang po," sagot ni Jeric.
"Pikit mo muna. Medyo ma-traffic naman kaya idlip ka muna," wika ni Adrian habang nagmamaneho.
Dumating sila sa Ark Medical Institute at pinuntahan ang klinika ni Doc Francis. Habang sinusuri si Jeric ay nagtungo si Adrian sa kakilala nyang doktor at pinasuri ang braso nya. Pagbalik nya ay nakahiga si Jeric sa diagnostic's bed ni Doc Francis.
"Pinatulog ko muna sya para maka-relax at makag-usap tayo sa opisina ko," ani Doc Francis.
Lumabas ang dalawa ng check-up room at nagtungo sa opisina.
"Gaya ng hinala mo, bumabalik na ang ibang alaala nya. Mas mati-trigger 'yan sa mga darating na araw. Mukhang dumadami ang triggers nya. Mapapadalas ang flashes ng alaala nya na maaaring magdulot ng mga biglaang sakit ng ulo at panic attacks nya," anang doktor.
"Anong maitutulong natin sa kanya, Doc?" tanong ni Adrian.
"Sa ngayon wala. Kapag kasi pinigilan natin ang mangyayari ay lalo lang syang mahihirapan o maguguluhan. Nagreseta ako ng mga gamot para mabawasn ang sakit na mararamdaman nya para sa ulo nya at relaxants kapag inaatake sya," lahad ni Doc Francis.
Bumalik ang dalawa sa check -up room. Tiyempong nakaupo na si Jeric sa check-up bed.
"Kamusta po?" tanong ni Jeric.
"Wala namang problema. Magaganda naman ang resulta ng mga test mo," balita ng doktor kay Jeric.
"Sabi ko sa'yo, Kuya," nakangiting wika ni Jeric sa kapatid.
BUmaba sa diagnostic bed si Jeric at isinuot ng maayos ang sapatos nya.
"Masyado kang napapagod at sobrang stress, nilalagnat ka pa. Sinabihan kita dati na hindi maganda sa'yo 'yun. Although maganda ang resulta, may irineseta akong maintenance meds - relaxant, paracetamol o pain reliever mo. Kapag hindi mo sinunod ang payo ko, mapipilitan akong i-schedule ka ulit ng therapy linggo-linggo," banta ni Doc Francis.
"Hindi na po kailangan. Susundin ko na po ang payo nyo," tanggi ni Jeric.
"Sige na. Pwede ka nang umuwi. Bed rest and relax ang gagawin mo ngayong araw," bilin ni Doc Francis.
"Salamat po Doc," ani Jeric.
Paglabas nila ng klinika ni Doc Francis napansin ni Jeric na naka-sling ang braso ni Adrian habang naglalakad sila papunta ng parking area.
"Kamusta po 'yan?" tanong ni Jeric na ang tinutukoy ay ang braso nito.
"Hindi naman malala. Bugbog lang. OA lang si Doc at nilagyan ng suporta. Kailangan ko lang ipahinga ng ilang araw," sagot ni Adrian.
"Pasensya na, Kuya," wika ni Jeric.
Pagdating sa kotse ay nilabas ni Adrian ang susi.
"Kaya mo bang magmaneho, Kuya?" tanong ni Jeric.
"Kaya naman. May tiwala ka naman sa kaliwang kamay ko, hindi ba?" patuksong wika ni Adrian na sumakay sa driver side ng kotse.
Pagdating sa bahay ay nagkulong si Jeric sa kwarto para magpahinga. Nang hapong ding iyon ay ginising sya ni Roche.
"Jeric!" marahang tawag ni Roche.
Bumangon si Jeric at umupo sa kama nya.
"Ate!" ani Jeric na mahilo-hilo pa.
"Kamusta na pakiramdam mo?" tanong ni Roche.
"Medyo nahihilo po," sagot ni Jeric.
Kinuhanan nya ng temperatura si Jeric, mataas ito.
"Uminom ka na nang gamot?" tanong ni Roche.
"Kaiinom lang po, isang oras pa lang po nagdaan," tugon ni Jeric
Nabahala si Roche.
"Jeric, bibigyan kita ng IV. Padadaanin na natin sa IV ang gamot mo. Mahiga ka muna. Pupunta lang ako saglit sa botika," sabi ni Roche.
"Ok po," ani Jeric na muling humiga sa kama.
Pagbalik ni Roche ay kinabitan nya nang swero si Jeric at nilagyan nya ng gamot ito. Makaraan ang ilang sandali bumaba ang lagnat ni Jeric. Dumating si Adrian mula sa trabaho makaraan ang ilan pang oras.
"Kamusta na si Jeric?" tanong ni Adrian na humalik kay Roche.
"Bumaba na ang lagnat nya. Pinakain ko na sya. Nagpapahinga sya sa kwarto," ani Roche na naghahain na nang hapunan.
"Silipin ko muna sya," ani Adrian.
Nagtungo si Adrian sa kwarto nila at nagpalit ng damit bago nya tinugo ang kwarto ni Jeric.
Napalingon si Jeric sa pinto ng kwarto nya nang maramdaman nya na may taong lumapit doon. Naka-headset ito nakikinig ng musika habang nagbabasa ng libro kasunod noon ay pumasok si Adrian.
"Kuya!" bati ni Jeric.
"Kamusta na ang pasyente?" tanong ni Adrian na hinipo ang leeg nito.
"Ayos na po pakiramdam ko," ani Jeric na tinanggal ang headset nya.
"Naghapunan ka na?" tanong ni Adrian.
"Opo. Pinagluto ako ni Ate ng arroz caldo para makakain daw po ako ng maayos," tugon ni Jeric.
"Mabuti naman," sabi ni Adrian.
"Kailan po kaya aalisin ni Ate ito?" tanong ni Jeric na tinutukoy ang swero.
"Kapag hindi ka na nilagnat sa loob ng walong oras tatanggalin na 'yan," sagot ni Adrian.
"Nahihirapan po kasi akong kumilos," angal ni Jeric na humikab.
"Magpahinga ka na lang muna. Sa nangyari sa'yo kahapon at kanina, kakailanganin mo iyan," wika ni Adrian.
"Ok po," ani Jeric.
"Walang mag-aalaga sa'yo kay Ate mo kailangan mong magpagaling," wika ni Adrian.
"Lalabas po kayo?" tanong ni Jeric.
"Hindi ko pa sigurado," sagot ni Adrian.
"Huwag nyo po akong masyadong alalahanin," wika ni Jeric.
"Magandang gabi. Matulog ka na para maka-recover ang katawan mo," ani Adrian na tumayo at lumabas ng kwarto.
Pagbalik sa kusina ni Adrian ay nakahain na. Umupo si Adrian sa tapat ni Roche at kumain.
"Mirawi, mawawala ako ng ilang araw. May misyon kami sa Esmeralda. Ikaw na muna ang bahala kay Jeric," paalam ni Adrian.
"Sa ganyang kalagayan? Sigurado ka?" nangangambang tanong ni Roche.
"Maayos na ito. Bugbog lang naman," banggit ni Adrian.
Mababakas sa mukha ni Roche ang pag-aalala.
"Ayos lang ako. Mag-iingat ako kaya huwag mo akong alalahanin," paniniyak ni Adrian.
"Kailan ka aalis?" tanong ni Roche.
"Hindi ko pa alam. Baka sumabay sa simula ng training nya o baka sa isang araw. Wala pang tiyak na araw o panahon. Huwag kang mag-alala, tatawag ako bago umalis pero nagpauna na ako dahil walang katiyakan kasi para magpaalam ng maayos," ani Adrian na nag-aalala.
"Ayos lang, pero anong inaalala mo?" tanong ni Roche.
"Sinabi ni Doc Francis na mapapadalas ang mga nararamdaman nya. Nagsisimula nang bumalik ang alaala nya. Baka wala ako para alalayan sya," ani Adrian.
"Narito naman ako para tumulong, Mirawi," wika ni Roche.
"Salamat," sabi ni Adrian na niyakap ang asawa.
Kinabukasan, nagising si Jeric na may sinat pa rin.
"Kamusta na ang pakiramdam mo?" tanong ni Roche.
Dahan-dahang umusod paupo si Jeric.
"Medyo maayos na po. Hindi na po ako nahihilo," sagot ni Jeric.
Hinawakan ni Roche sa noo si Jeric.
"Mukhang sinat na lang 'yan. Hindi ko na muna ito tatanggalin habang hindi pa tuluyang bumaba 'yan," ani Roche na pinalitan ang dextrose.
Nagtusok si Roche ng paracetamol kay Jeric.
"Nagugutom na po ako, Ate," sabi ni Jeric.
"May gusto ka bang kainin? May natirang arroz pa kagabi. Ok lang ba 'yun sa'yo? O magpapakuha ako ng mami sa Cakehouse?" tanong ni Roche.
"Arroz na lang po," ani Jeric.
"Sige, iinit ko lang. Tatawag na ko sa school mo. Sasabihin ko may trangkaso ka kaya hindi ka makapasok," wika ni Roche.
"Kaya ko na naman pong pumasok," tutol ni Jeric.
"Magpahinga ka muna," pilit ni Roche.
"Si Kuya po?" tanong ni Jeric.
"Pumasok na sya. Iinit ko muna ang arroz," ani Roche na tumalikod kay Jeric.
"Tanghali na po kayo. Ako na po ang bahala sa sarili ko," wika ni Jeric.
"Wala naman akong pasok ngayong araw sa school o trabaho. Mamaya pa naman ang shift ko," banggit ni Roche.
Lumabas si Roche sa kwarto. Ilang saglit ay bumalik sya dala ang isang bed tray.
"Kumain ka na," ani Roche.
Dinampot ni Jeric ang kutsara at nagsimulang kumain.
"Ate, pwede po bang pakilagay ang tablet ko dito sa tabi ng side table ko?" tanong ni Jeric.
"Hindi. Wala munang trabaho o aral para sa'yo. Mag-relax ka lang dyan," tutol ni Roche.
"Pakiabot na lang po ang libro na nasa study table ko po," pakiusap ni Jeric na muling sumubo ng pagkain.
"Sige," ani Roche.
Nang matapos kumain si Jeric ay kaagad na niligpit ni Roche ang kinainan nito.
"May inaayos lang ako sa salas. Huwag mo nang tangkain pang gumawa ng kababalaghan," sabi ni Roche.
Nagbabasa si Jeric habang nakikinig ng musika nang muling pumasok si Roche para suriin sya. Tinanggal ni Jeric ang earphones nya sa tainga nya at binaba ang librong hawak nya sa side table. Hinaplos nito ang leeg nya bago kinuhanan ng temperatura.
"Mukhang wala ka nang lagnat, dahil dyan tatanggalin ko na ito," lahad ni Roche na pinatay na ang line ng dextrose.
Dahan-dahan nyang inalis ang karayom sa kamay ni Jeric. Kaagad naman nyang nilagyan ng bulak ang pinagtanggalan ng karayom.
"Maaari po bang sa kusina na lang ako mamaya kumain? Nakakabagot na po kasing kumain mag-isa," tanong ni Jeric.
"Sige. Pwede ka na ring lumabas sa salas," wika ni Roche.
"Pwede po ba akong tumulong sa inyo?" tanong ni Jeric.
"Hindi na kailangan. Makakatulong ka na kung wala kang mabigat na gagawin," pagmamatigas ni Roche.
"Salamat po," ani Jeric.