5

2207 Words
Matapos ang tanghalian, bumalik si Jeric sa kwarto para magpahinga dahil nakaramdam sya ng hilo. Nagising sya dahil sa isang panaginip. Isang katok ang kanyang narinig. "Tuloy po," ani Jeric na bumangon. "Jeric, andito si Zarah hinahanap ka," banggit ni Roche. "Sige po. Pakipapasok po," ani Jeric. "Ayos ka lang ba?" tanong ni Roche ng mapansing malamya ang kilos ni Jeric. "Medyo masakit po ang ulo ko," daing ni Jeric. "Sige at magdadala ako ng paracetamol mamaya," wika ni Roche. Lumabas si Roche saglit bago pumasok si Zarah. "Kamusta na? Balita ko may trangkaso ka?" tanong ni Zarah. "Medyo maayos na," sagot ni Jeric. "Nag-alala ako sa'yo. Hindi ka pumasok kahapon. Tumatawag ako sa'yo hindi ka sumasagot," sabi ni Zarah. "Pasensya na. Nakalimutan kong i-charge ang cellphone ko kahapon. Bumagsak daw ako noong isang hapon sa storage ng Cakehouse. Sumama kasi pakiramdam ko kahapon, kaya hindi nila ako pinapasok," pagdadahilan ni Jeric. "Nagpatingin ka na?" tanong ni Zarah na nag-aalala. "Oo. Kahapon kasama ni Kuya Addy. Sabi ng doktor bed rest muna. Trangkaso daw ito pero medyo maayos na pakiramdam ko," sagot ni Jeric. "Sobrang pagod at stress siguro," ani Zarah. Pumasok si Roche dala ang dalawang basong juice at miryenda. Binaba ni Roche ang tray sa side table ni Jeric at inabot sa binata ang isang kapsula ng gamot. Kaagad namang kinuha ni Jeric ang gamot, sinubo at nilunok ang kapsula. Sinundan ni Jeric iyon ng juice. "Pasensya na kung nakakaabala ako sa pahinga mo," ani Zarah. "Hindi Zarah. Mabuti ngang bumisita ka at nababaliw na sa kabagutan ang best friend mo. Dahil bawal syang tumulong sa mga gawain, mas mabuting nandito ka para may ibang pagkaabalahan iyan dito. Alam mo namang hindi sanay ng walang ginagawa 'yan," wika ni Roche. "Kamusta na nga pala ang Calculus mo?" tanong ni Jeric. "Mukhang sasabit ako. May bagong formula na binigay si Sir. Natataranta na ako," nahihiyang wika ni Zarah. "Marami ba akong na miss na lessons kahapon?" tanong ni Jeric. "Walang gaano. May mga outputs ka naman na make-up na kailangan mong i-email. Ang mga na-miss mo na lecture natin, huwag mo nang alalahanin. Ipahihiram ko ang notes ko sa'yo. Tutal wala namang pasok bukas, bukas ko na lang kukunin sa'yo. Ihiniram na rin kita ng notes sa ibang subjects mo sa mga kaklase mo," wika ni Zarah. "Hulog ka nang langit talaga, Zarah. Salamat," ani Jeric. "May kapalit 'yan. Tuturuan mo ako sa Calculus," sabi ni Zarah pabiro. "Oo naman," ani Jeric. "Buti naman at dumating ka. Nagkukulong na naman sa kwarto ang kaibigan mo," banggit ni Roche. "Ako na pong bahala dito," ani Zarah. "Sige. Nagluluto ako ng mac and cheese, maiwan ko muna kayo," paalam ni Roche bago lumabas. "Ang bait talaga ng ate at kuya mo," wika ni Zarah. "Hindi naman. Mas maganda siguro dun tayo sa salas, mas maluwag dun," mungkahi ni Jeric. "Kaya mo ba talaga o baka pinipilit mo lang?" usisa ni Zarah. "Kaya ko," giit ni Jeric. Habang tinuturuan ni Jeric ng Calculus si Zarah ay pinaghain naman sila ni Roche ng pagkain. "Malapit na nga pala ang kaarawan mo, sa linggo na 'yun. Anong balak mo?" tanong ni Zarah. "Magsisimba lang bilang pasasalamat. Baka kumain lang sa labas. Simpleng salu-salo lang ayos na sa akin," sagot ni Jeric. "Ok. Anong gusto mong regalo?" tanong ni Zarah. "Basta huwag kang mawawala sa linggo, ayos na 'ko," banggit ni Jeric. "Ang drama mo! Syempre naman hindi. Kaliligtaan mo ba ang kaarawan mo? Saglit lang. Kukuha lang ako ng tubig," ani Zarah na tumayo. Nagtungo si Zarah sa kusina. "May kailangan ka, Zarah?" tanong ni Roche sa dalaga. "Ate, kaarawan na ni Jeric sa linggo. Ano pong plano?" tanong ni Zarah. "May ihinanda kaming surprise party para sa kanya sa Cakehouse. Huwag kang mawawala," wika ni Roche. "Sige po. Masaya iyon," sabi ni Zarah. Biglang may narinig na kalabog ang dalawang babae mula sa kung saan. Kaagad naman nilang sinilip si Jeric na nawala sa salas nila. "Si Jeric!" bulalas ni Roche na tumakbo sa kwarto ni Jeric. Nakita ni Roche si Jeric na nakaupo sa sulok ng kwarto nya wala sa sarili, nanginginig. Nakahawak ito sa kanang bahagi ng ulo nya kagat ang labi. May kakaibang sugat na nagdurugo sa kaliwang kamay nito. Nakatitig si Jeric sa dugo sa kamay nya. "Zarah, lapitan mo sya! Kausapin mo muna. Kukunin ko lang ang gamot nya sa kusina," bilin ni Roche na tumakbo pabalik sa kusina. Kaagad namang binalot ni Zarah ng panyo ang nagdurugong kamay ni Jeric. "Jeric!" tawag ni Zarah. Hindi sya pinansin ni Jeric. Nagsasalita noon si Jeric ng Merala na halos pabulong. "Ric! Si Zarah ito Ric!" sabi ni Zarah. Bumalik si Roche dala ang isang pen injector. Lumapit sya kay Jeric. "Ric si Ate Roche ito," wika ni Roche na ihinanda ang injector. Blanko ang titig ni Jeric na nakatingin pa rin sa kamay nya na ngayon ay nakabalot ng panyo. "Jeric, relax lang," wika ni Roche na tinusok sa balikat ni Jeric ang injector. Napaiktad si Jeric ng maramdaman ang hiringgilya. Ilang saglit pa ay nagbalik ang sigla ng mata nito bago kumurap. Yumuko si Jeric sa braso nya habang minasahe ni Roche ang tinusukang balikat ni Jeric. "Ate," mahinang sambit ni Jeric. "Relax lang muna Ric," wika ni Roche. "Ayos na po ba sya?" tanong ni Zarah. "Ayos na sya. Bigyan lang natin sya ng ilang saglit para makarecover," wika ni Roche kay Zarah. Nagtungo si Roche sa banyo ni Jeric at naglabas ng first aid kit. Nilinis ni Roche ang kaliwang kamay ni Jeric saka ginamot at binendahan. Makaraan ang ilang minuto nag-angat ng ulo si Jeric. Napagtanto nyang nakaupo sa tabi nya si Zarah minamasahe ang kanang palad nya. "Zarah, nasaan tayo?" tanong ni Jeric. "Buti nahimasmasan ka na. Nasa kwarto mo. Ayos ka lang?" tanong ni Zarah. "Anong ginagawa natin dito? Anong nangyari?" tanong ni Jeric na humawak sa ulo nya. May kaunting kirot syang naramdaman sa ulo nya pero palipas na. May sakit syang naramdaman sa kaliwang kamay nya na nakita nyang nakabenda. Hindi sumagot si Zarah bagkus ay tumayo at inabot ang kamay nya kay Jeric. Kinuha ito ni Jeric na tumayo rin. Inalalayan sya ni Zarah nang mapansin nito na wala syang balanse patungo sa salas. "Hindi ko alam na nagsasalita ka ng Merala?" tanong ni Zarah. "Merala?" tanong ni Jeric. "Nagsasalita ka ng Merala noong wala ka sa sarili kanina," tugon ni Zarah. Dumating muli si Roche na may dalang paracetamol at isang basong tubig galing kusina. "Magpahinga ka muna," ani Roche kay Jeric. "Ano bang nangyari sa'yo?" tanong ni Zarah na nag-aalala. Lumingon si Jeric kay Roche na tila humihingi ng tulong. "Ako na ang magpapaliwanag sa kanya," wika ni Roche. "Zarah, nasangkot sa aksidente si Jeric ilang taon ang nakararaan sa Esmeralda. Doon kasi sila nakatira ni Adrian dati. Kasagsagan noon ng pagkakagulo, naipit sila sa digmaan at kaguluhan. Traumatic ang mga nadanasan nya kasabay na ang pagkaulila nila sa magulang. Nakatakas sila patungo dito sa LeValle. Dahil sa mga pangyayaring iyon ay nagkaroon sya ng mga panic attacks, madalas nawawala sa sarili, o nanginginig na lamang sa takot ng walang dahilan. Kapag mahihimasmasan na sya hindi nya alam ang nangyari. Nawala iyon makaraan ang halos dalawang taong therapy," paliwanag ni Roche. Nagulat si Zarah sa narinig at hindi nakakibo. Si Jeric naman ay tumungo tila nahihiya. "Hindi nya alam pero may mga triggers nitong mga nakaraang araw," dugtong ni Roche. Hindi kumibo si Zarah. "Ngayon nakita mo na ang ibang bahagi ng pagkatao ko. Sabi mo dati na gusto mo akong makilala. Ayos lang naman kung iwasan mo na ako matapos ito," wika ni Jeric. "Madrama ka! Ikaw pa rin ang best friend ko. Wala akong pakialam sa nakaraan mo kasi ikaw ay ikaw. Mabuti at nalaman ko rin para matulungan kita sa school sa oras ng mga atake mo," wika ni Zarah. "Salamat sa pang-unawa," sabi ni Jeric. "Napakamatalinhaga naman ng buhay mo parang telenovela," ani Zarah pabiro. "Kung alam mo lang. May mga bagay pa ako na nais sabihin sa'yo pero hindi pa maaari sa ngayon," sabi ni Jeric. "Saka mo na sabihin kapag handa ka na," wika ni Zarah. Nagbeep ang alarm ng cellphone ni Zarah. "It's time to go. Kailangan ko nang umuwi. Sa Linggo ko na lang kukunin ang usb ko. Basahin mo na lang kapag maayos-ayos na pakiramdam mo," wika ni Zarah. "Sige. Salamat," ani Jeric na ngumiti. "Salamat din sa tutorials," sabi ni Zarah na niligpit ang gamit nya. "Salamat sa pagbisita. Gusto sana kitang ihatid sa labas," banggit ni Jeric. "Huwag na. Kaya ko naman. Susunduin naman ako ngayon. Baka nasa baba na nga sila eh," tanggi ni Zarah. "Sige. Mag-ingat kayo," ani Jeric. Hinatid ni Roche si Zarah sa elevator ng apartment. Pagbalik ni Roche ay nakita nyang nakatitig si Jeric sa kamay nyang may sugat. "Ayos ka lang?" tanong ni Roche. "Hindi ko alam Ate. Hindi ko maintindihan ang nangyayari sa akin," nababahalang wika ni Jeric. "Your putting too much pressure sa sarili mo," wika ni Roche. "Napapadalas na po ito. Natatakot po ako na baka may magawa po akong hindi maganda sa inyo ni kuya," ani Jeric. "Hindi mo kayang gawin sa amin iyon, Jeric. Alam kong hindi mo magagawa," malambing na wika ni Roche na niyakap sa ulo si Jeric at hinalikan sa noo. "May mga nakikita akong mga tao sa panaginip ko na pamilyar sa akin pero hindi ko kilala," naguguluhang kwento ni Jeric. "Sobrang stress at pagod lang 'yan. Ang mabuti pa ay mamasyal muna kayo ni Zarah. Papunta ako sa Sentro sa isang araw para sa seminar," ani Roche. "Bukas na po ang simula ng taunang Fire Flower Festival," alala ni Jeric. "Oo. Magpapasama sana ako sa'yo bukas dahil mas pamilyar ka sa lugar. Hindi ko kasi alam ang pagdarausan namin ng seminar," sabi ni Roche. "Sige po. Walang problema," sabi ni Jeric. "Nakakuha ako ng passes para sa concert ng Live Mynx na magtatanghal sa sunken garden ng Sentro sa isang araw. Isama mo si Zarah. Magrelax ka muna at unwind," lahad ni Roche. "Paborito rin ni Zarah ang grupong iyon. Matutuwa po iyon kapag nalaman nya. Gustung-gusto sana nyang manood kaya lang wala na pong makuhang tiket," napangiting sabi ni Jeric. "Sige na. Tawagan mo na si Zarah at isama natin sya sa makalawa," sabi ni Roche. "Salamat Ate," ani Jeric. "Kaya magpahinga ka ngayon para maayos ang pakiramdam mo sa isang araw," bilin ni Roche sa kanya. Tinawagan ni Jeric si Zarah kinagabihan. "Za, may gagawin ka sa makalawa?" tanong ni Jeric. "Wala pa naman. Bakit?" tanong ng dalaga. "Ipinatatanong ni Ate kung gusto mo raw sumama sa Sentro. Nagpapasama kasi si Ate at ihahatid ko sya doon kasi may seminar sya. May tiket din ako ng Live Mynx concert," banggit ni Jeric. "Talaga! Paano ka nakakuha? Sold out na ang tiket noon," usisa ni Zarah. "Binigyan ako ni Ate ng mga passes. Galing daw sa katrabaho nya," sagot ni Jeric. "Magpapaalam ako kay Papa," wika ni Zarah. "Kailangan mo ng tulong sa pagpapaalam?" tanong ni Jeric. "Hindi na kailangan. Sasabihin ko lang na kasama kita, papayag na iyon," wika ni Zarah. "Mabuti naman," sabi ni Jeric. "Hindi ko nga alam kung anong gayuma ang ginamit mo kay Papa kasi kapag sinabi ko na kasama kita ay pumapayag iyon ng walang palya," wika ni Zarah. "May magnetic personality 'ata ako," pabirong wika ni Jeric. "Siguro nga kasi noon ay hindi sya pumapayag," wika ni Zarah. Makaraan ang ilang minuto pang pagkukwentuhan ay nagpaalam si Zarah kay Jeric. Nang gabi ding iyon ay muling nanaginip si Jeric. Nasa isang templo sya kung saan pamilyar ang lugar. Iginala nya ang paningin sa paligid at iniisip kung anong lugar iyon. 'Anong lugar ito?' tanong ni Jeric sa sarili. "Kailangan mong maalala!" anang isang boses mula sa lugar. 'Seo esh?' tanong ni Jeric na hinanap ang pinanggalingan ng boses. Nakarinig sya ng kaguluhan mula sa kapaligiran nya. Isang nakagigimbal na tunog kasunod ng isang pagyanig ang kanyang nasaksihan. Dugo at katawang walang buhay ang nakita nyang nakakalat sa hindi kalayuan. 'Tumakas na kayo!' anang boses. 'Tayo na, bunso!' nagmamadaling wika ng binata na marahang hinatak sya palayo sa lugar na iyon. 'Seo esh?' tanong ni Jeric. 'Ano ka ba? Ako ang kapatid mo,' wika ng lalaking humahatak sa kanya. Tumigil si Jeric at nagmatigas. Gulung-gulo ang isip nya. 'Hindi ito ang oras para makipaglaro. Mapanganib na dito,' seryosong wika ng lalaki. Isang matinding pagsabog ang muling naganap malapit sa lugar nya. 'Kailangan mong maalala!' wika muli ng misteryosong boses. "Ric! Ric!" anang boses ni Adrian. Nagmulat ng mata si Jeric at napahinga ng malalim. Saglit syang pumikit para makabawi ng bahagya ng composure nya. "Uminom ka muna ng tubig," sabi ni Adrian. "Keniasí (Panaginip)!" wika ni Jeric. "I-relax mo lang muna ang sarili mo," wika ni Adrian. "Bakit kayo narito?" tanong ni Jeric. "Kadarating ko lang at nataong sumilip ako sa kwarto mo para tingnan ka. Tumaas na naman ang lagnat mo," sabi ni Adrian hipo ni Jeric sa leeg. "Pasensya na po," sabi ni Jeric. "Pakalmahin mo lang ang sarili mo bago ka matulog. Huwag kang masyadong mag-isip ng kung anuman," bilin ni Adrian. Tumango lang si Jeric.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD