6

2242 Words
Isang araw ang nagdaan, dumating sina Roche, Jeric at Zarah hanggang sa hotel na pagdarausan ng seminar. Doon na sila nagtanghalian. "Alas sais pa magpapapasok sa Sunken Garden. Magsisimula ang seminar ko ng ala-una. Maggala muna kayo sa fair at dito sa Sentro. Ipasyal mo muna si Zarah dito," bilin ni Roche kay Zarah. "Baka nga po mas pamilyar pa sa akin si Zarah dito," patuksong wika ni Jeric. "Hindi naman ako madalas dalhin ni Papa dito. Mas madalas kasi sa ibang sektor nya ako naipapasyal," wika ni Zarah. "Kaya ipasyal mo sa mga lugar dito si Zarah," sabi ni Roche. "Ok po. Ako na pong bahala kay Zarah," tango ni Jeric. "Dala mo phone mo?" tanong ni Roche. "Opo," ani Jeric sabay pakita ng telepono nya. "Tawag kayo kapag may problema," bilin ni Roche. "Ok po," ani Jeric. Nang humiwalay sila kay Roche ay kaagad nagtanong si Zarah. "Madalas kang dito sa Sentro?" tanong ni Zarah. "Sa military base. Dito kasi si Kuya Addy madalas ipatawag. Pinapasyal nya ako rito habang naghihintay kami ng oras," sagot ni Jeric,"Saan mo nga pala gustong simulan ang tour dito?" tanong nito. "Sa Fire Flower Temple. Sabi ni Ate Roche, malapit lang iyon dito," wika ni Zarah na nakatingin sa telepono nya para sa mapa. "Ok," ani Jeric. Sumakay sila ng bus patungo sa templo. Nang makarating ay kaagad silang nag-ikot kasama ng maraming turista sa paligid. Isang matandang manghuhula ang lumapit kay Jeric at hinawakan ito sa siko nya. "Natagpuan ko na rin ang magliligtas sa bayan ng Esme," malakas na wika nang matanda. "Pasensya na po kayo. Nagkakamali po ata kayo. Hindi po kami magpapahula," banggit ni Jeric na napatingin sa matanda. "Anong ibig nyong sabihin?" tanong ni Zarah na nagtaka. Nakita ni Jeric ang kakaibang marka sa mukha ng matanda kaya natigilan sya. "Ang kaibigan mo ang magliligtas sa lupa ng Esme. Matagal na syang hinihintay para mapalaya ang tunay na kapangyarihan ng Esme. Sya ang magpapalaya sa lupang kanyang sinilangan. Totoo ang mga nakikita mo sa panaginip binata. Bahagi iyon ng iyong pagkatao," anang matanda. May nakitang mga flashes ng alaala si Jeric. Nakita nya ang kakaibang markang iyon sa mukha ng matanda sa alaala nya at ang asul na dragon at isang hiyas. "Jeric! Jeric!" tawag ni Zarah. Natauhan si Jeric. "Ayos ka lang?" tanong ni Zarah na nag-aalala. "Ah, oo," ani Jeric na hinahanap ang matanda. "Nasaan ang manghuhula?" ani Jeric. "Ewan ko. Bigla nga syang nawala," sagot ni Zarah na nagulat. "Ang mabuti pa ay umalis na tayo rito. Malapit lang dito ang Royal Museum. Doon muna tayo," banggit ni Jeric na naguguluhan pa rin. Sa Royal Museum ay naramdaman ni Jeric na may nagmamasid sa kanila. Hindi nya ito pinahalata kay Zarah para hindi ito mag-alala. Sa concert grounds, maaga pa lang ay jammed packed na ang mga tao. Naramdaman pa rin ni Jeric na sinusubaybayan pa rin sya kaya maingat sya sa galaw nya. Habang nasa kalagitnaan ng concert at may nagbulong sa kanya sa Merala mula sa likuran nya. Lumakas ang t***k ng puso nya ng hindi nya alam kung bakit. Umaalingawngaw sa isip nya ang sinabi nitong salita. "Zarah lalabas muna ako. Magbabanyo lang." ani Jeric na biglang inatake ng hingal. "Ayos ka lang?" tanong ni Zarah na nag-aalala. "Oo. Babalik kaagad ako," nabalisang sabi ni Jeric na umalis sa lugar na iyon. Nagtungo sya sa masukal na parte ng parke para sundan ang kakaibang nilalang na nagbulong sa kanya. "Sino ka? Anong kailangan mo sa akin?" tanong ni Jeric na hinihingal. "Matagal ka naming hinanap, Jeremiah. Dito ka lang pala namin matatagpuan," anang mahiwagang babae. "Nagkakamali kayo. Hindi ako ang taong hinahanap nyo." ani Jeric na nagsimulang makaramdam ng kirot sa ulo. Kakaiba ang boses ng babae, malamig na nakapangingilabot. "JEREMIAH!" wika nito muli. Napaluhod sa isang tuhod si Jeric at napapikit sa sakit ng ulo matapos banggitin ang pangalan. "Hindi ako maaring magkamali, Jeremiah. Pati ba pangalan mo ay nakalimutan mo na?" anang babae na naglabas ng punyal. Lalong sumakit ang ulo ni Jeric. "Nagkakamali po kayo. Hindi po ako ang taong tinutukoy nyo," sabi ni Jeric na kitang-kita sa mukha ang sakit na nararamdaman. Inatake sya ng mahiwagang babae gamit ang punyal. Halos hindi sya makagalaw sa sakit pero isang liwanag mula sa dibdib nya ang lumabas at nagtaboy sa mahiwagang babae paatras. Sumugod muli ang mahiwagang babae kay Jeric na sobrang sakit ng nararamdaman. Isang pana ang pumigil muli sa babae kasabay ng paglitaw ng isang malaking lobo. Sinubukang tumakas ng babae. "Habulin mo sya Fido!" utos ng lalaki. Kaagad nilapitan ng lalaki si Jeric. "Ayos ka lang?" anang lalaki. "Sobrang sakit! Patigilin nyo po ang sakit!" pagmamakaawang wika ni Jeric na nakahawak sa ulo nya. "Ligtas ka na," anang lalaki. "Pakiusap! Sobrang sakit!" namimilipit na wika ni Jeric. Nawalan ng malay si Jeric. Kaagad naman syang sinuri ng lalaki. Nakita nya ang kwintas na suot ni Jeric kaya nagulat ito. Sumulpot ang mga kasama ng lalaki. Nakasuot sila ng ensignia ng Delta Unit. "Anong nangyari?" tanong ng kasama nito. "Hinahabol sya ng Banshee. Muntik na syang mapahamak," anang naunang lalaki. Pinakita ng naunang lalaki sa kasama nyang lalaki ang kwintas ni Jeric. Kaagad itong tumawag ng back-up. "Jade ihatid mo itong binata kay Kiel," anang binata. "Masusunod, Skipper!" tugon ni Jade na hinawakan si Jeric na naglaho. "Kailangang hindi makabalik ang Banshee na iyon," seryosong sabi ng lalaki. "Wolves, hunt that Banshee!" utos ni Jude bago tuluyang naglaho. Nagising si Jeric sa first aid tent ng concert. "Gising na sya," anang medic. Dahan-dahang bumangon si Jeric. "Dahan-dahan, Ric!" wika ni Sol. "Kuya Sol, anong ginagawa ko rito?" tanong ni Jeric. "Sinumpong ka na naman. Tumawag si Roche na nag-aalala. Tumawag daw si Zarah dahil bigla kang nawala at hindi mo sinasagot ang telepono mo. Nataon na narito ako sa paligid kasama ang ilang kaibigan," sagot ni Sol. "May humabol sa akin," sumbong ni Jeric. Sumenyas si Sol na mamaya na nila pag-usapan ang detalye noon. Tumango si Jeric. "Mag-ingat ka. Sa susunod magdadala ka ng extrang gamot mo," anang medic. "Opo," ani Jeric. "Kapag medyo maayos na ang pakiramdam mo pwede ka nang umalis," anang medic. "Salamat po," tugon ni Jeric. Lumipas ang ilan pang minuto bago sila lumabas ng tent. "Ano bang nangyari?" tanong ni Sol. Ikinuwento ni Jeric ang mga detalye ng nangyari. "Baka naman nananaginip ka lang. Nakita kita sa concert ground papunta sa mga portalet," sabi ni Sol. "Hindi ko po sigurado. Hindi ko nga po maalala kung paano ako nakabalik dito," ani Jeric na nag-alinlangan. "Mag-relax ka nga. I-enjoy mo ang concert na ito. Wala kang ibang iisipin kung hindi magsaya. Panaginip lang ang nangyari," payo ni Sol. "Siguro nga po," sang-ayon ni Jeric na kinukumbinsi ang sarili. "O eto. Dalhin mo. Enjoy," ani Sol na iniabot ang isang paper bag ng pagkain. "Salamat, Kuya," sabi ni Jeric. "Sige na. Hinahanap ka na ni Zarah," udyok ni Sol. Nagbalik si Jeric sa pwesto nila ni Zarah. "Ayos ka lang? Pinag-alala mo ako. HIndi ka sumasagot sa tawag ko sa cellphone mo," wika ni Zarah. "Pasensya na. Hindi ko napansin na tumatawag ka," sabi ni Jeric. "Bakit ang tagal mo?" tanong ni Zarah. "Bumili ako ng pagkain natin. Medyo mahaba ang pila," ani Jeric na inabot kay Zarah ang paperbag. "Ayos ka lang? Namumutla ka," pansin ni Zarah na nag-alala. "Ayos lang. Medyo nanikip lang dibdib ko kaunti, sobrang daming tao," katwiran ni Jeric. Nagsimula na ulit ang second set ng kantahan at tugtugan. Pinilit ni Jeric mag-enjoy kahit binabagabag pa rin sya ng pangyayari na hindi nya maintindihan kung totoo bang nangyari o hindi. Natapos ang concert at bumalik sila sa hotel kung saan sila hinihintay nina Roche at Andy. Nagpunta sila sa isang diner kung saan sila naghapunan. "Nag-enjoy kayo?" tanong ni Adrian. "Oo kuya. Iginala pa ako ni Jeric dito sa Sentro. Nagulat nga ako hindi ko alam na marami pala syang lugar na alam dito," kwento ni Zarah. "Talaga?" tanong ni Roche na naintriga. "Nagpunta po kami sa templo, sa museo, Rose Garden at Puzzle Mansion," lahad ni Zarah. Nagulat si Adrian at nabitiwan ang kutsara nya nang banggitin ang Puzzle Mansion. Kaagad namang yumuko si Adrian at dinampot ang kutsarang nahulog nya. "Pasensya na. Dinala mo sya sa Puzzle Mansion Jeric?" tanong ni Adrian. Tumango lang si Jeric halatang medyo matamlay ito at nag-iisip. "Sigurado ka bang ayos ka lang, Jeric?" tanong ni Zarah sa kaibigan. "Huwag mo akong alalahanin," masiglang wika ni Jeric. "Sya nga pala, tumawag ang sundo mo Zarah. Dito ka na lang daw nila susunduin, may pupuntahan daw kayo." banggit ni Roche kay Zarah. "Pinasusundo po siguro ako ni Papa. May conference po sya sa Lime. Magba-bonding daw kami," wika ni Zarah. "Basta huwag kang mawawala sa Linggo at baka mag-alburoto ang isa dyan," pabirong wika ni Adrian. "Tama. Magtatampo ako kapag hindi ka dumating," sang-ayon ni Jeric. "Huwag kang mag-alala darating ako sa Linggo," paniniguro ni Zarah. Nagring ang phone ni Zarah. "Narito na po sila. Aalis na po ako. Salamat po sa pagkakataon. Nag-enjoy po ako," paalam ni Zarah na tumayo. "Hatid na kita sa labas. May kukunin din ako sa kotse," wika ni Roche. "Sige po," ani Zarah. Pagkalayo ng dalawang babae ay napansin ni Adrian na matamlay si Jeric. "Ric, ayos ka lang?" tanong ni Adrian. "Kuya may nangyari kanina pero hindi ko sigurado kung totoo," amin ni Jeric. "Anong ibig mong sabihin?" tanong ni Adrian. Ikinuwento lahat ni Jeric ang nangyari sa buong araw nya. Tahimik lang at walang emosyong pinakinggan ni Adrian ang detalye. "Hindi ko po sigurado kung totoo o panaginip lang ang ibang detalye," wika ni Jeric. "Jeric, paano kayo nakarating sa Puzzle Mansion?" tanong ni Adrian. "Naalala ko po na nakarating na tayo doon. Hindi ko lang matandaan kung kailan," sagot ni Jeric na hinawakan ang ulo nya. "Ayos ka lang?" tanong ni Adrian. "Pagod lang po siguro. Daig ko pa ang nag-operation ng tatlong araw," napapailing na wika ni Jeric. "Mabuti pa ay umuwi na tayo. Maaga pa tayo bukas. Pinag-uulat ka sa opisina para sa ID at biomet scanning," pabatid ni Adrian. Kaagad tinawag ni Adrian ang waiter at binayaran ang bill. Tinawagan ni Adrian si Roche. "Hihintayin na tayo ni Ate mo sa kotse," ani Adrian. "Ok lang po ba na magtutulog ako?" tanong ni Jeric. "Sige lang. Magpahinga ka na lang," payag ni Adrian. Pagdating sa kotse at kaagad sumakay sa backseat si Jeric. Habang nagbibyahe pabalik ay nakatulog si Jeric. "Bumabalik na nga ang alaala nya," wika ni Adrian kay Roche. "Paanong?" tanong ni Roche kay Adrian. "Nagulat ako nang may sinabi syang tungkol sa Puzzle Mansion," sagot ni Adrian. "Bakit?" tanong ni Roche. "Sinama namin sya ng kapatid nya sa Puzzle Mansion bago ang digmaan sa Esme. Masayang-masaya sya dahil unang beses nya. Hindi ko pa sya dinadala sa Puzzle Mansion simula noon," ani Adrian na sinilip mula sa salamin ang likod na upuan. Habang nagbibyahe ay napansin ni Adrian na balisa sa pagtulog si Jeric. "Roche, pakigising si Jeric. Nananaginip yata sya," pakiusap ni Adrian. Humarap sa likod si Roche na niyugyog ang tuhod ni Jeric sabay ng pagtawag nito sa pangalan nito.  "Ric! Ric!" tawag ni Roche. Naramdaman ni Adrian na biglang kumapal ang hangin sa loob ng sasakyan. "Korse (Damn)!" naibulalas nya, "Mirawi, hingang malalim!" utos nya sa asawa. Hinawakan ni Adrian ang hita ng asawa para pangalagaan ito. Binasag ni Adrian ang kumakalat na lakas habang nagmamaneho sya. Unti-unting kumalma si Jeric. "Ayos ka lang?" tanong ni Adrian sa asawa. "Oo," tugon ni Roche. Napamulat ng mata si Jeric na hinihingal. Hinagod nya ang mukha nya. "Ayos ka lang?" tanong ni Adrian sa asawa. "Oo," sabi ni Roche. Tumigil si Adrian sa isang convenience store. Bumaba si Roche at bumili ng tubig na inabot kay Jeric. Uminom agad si Jeric kasunod ng isang gamot mula sa  bag nito. "Ayos ka na?" tanong ni Roche kay Jeric. Hindi kumibo si Jeric. "Jeric!" tawag ni Adrian na nilakasan nya ng kaunti. Nagsalita ng Merala si Adrian. Sumagot si Jeric sa parehong lengwahe. Pumikit si Jeric at sumandal saglit. Ilang saglit pa ay nagmulat syang muli. "Ayos na po ako. Pasensya na po," wika ni Jeric kay Roche. "Ano bang nangyayari sa'yo?" tanong ni Roche na niyakap si Jeric. "Ate!" tawag ni Jeric. "Hindi ka na naman rumiresponde nang tinawag ka sa pangalan mo," ani Adrian na nag-aalala. "Pasensya na po. Hindi ko po alam kung anong nangyayari sa akin," tugon ni Jeric na tumungo. "Nandito lang kami, Ric. Kumalma ka lang," wika ni Roche. "Chill ka lang," payo ni Adrian na pinaandar ang kotse. Kaagad nyang pinindot ang music player sa kotse at nagpatugtog. Napakalma nito ang isip ni Jeric na tahimik na nakinig sa likod habang nakatingin sa madilim na daan. Pagdating sa condo nila ay kaagad tinawag ni Jeric sina Andy at Roche bago pumasok ang dalawa sa kwarto. "May hindi po ako nasabi sa inyo kanina. Pasensya na po kung tinago ko," amin ni Jeric na kinuwento ang nangyari sa manghuhula at ang Banshee. "Hindi ka matahimik?" tanong ni Adrian. Tumango si Jeric. "Tinawag nya akong Jeremiah. Hindi ko alam pero parang pamilyar po ang pangalang iyon," lahad ni Jeric. "Baka naman narinig mo kung saan," ani Roche. "Siguro nga po," sang-ayon ni Jeric. "Mabuti pa ay magpahinga ka na. Maaga tayo bukas," ani Adrian. "Sige po," tugon ni Jeric na nagdiretso sa kwarto nya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD