Nasa kakahuyan sya noon, hindi nya alam kung saan sya pupunta. Lumingon sya sa paligid para subukang tukuyin ang direksyon nya pero dahil makapal ang hamog ay nabigo sya. Hindi nya makita kung ano ang nasa harapan nya kaya dumulas ang isang paa nya sa bangin. "Jeremiah! Jeremiah, mag-ingat ka," anang babae na hinawakan sya at hinatak sa kaligtasan. "Salamat po," sagot ni Jeric. Napansin ng babae na nasugatan ang sakong ng binata. "Hayaan mong gamutin ko ang paa mo, Jeremiah," anang babae na tinukoy ang paa nya na nasaktan. "Salamat po. Pamilyar ang mukha nyo. Sino po kayo?" tanong ni Jeric. "Maaalala mo rin sa tamang panahon. Ang mahalaga ay ligtas ka," anang babae. Isang malaking ahas ang biglang lumitaw sa likod ng babae. Hindi ito napansin ng babae pero nakita ito ni Jeric. Kaaga

