Bumalik sa sala si Jeric para umupo at sumandal sa sofa. "Kamusta ang lakad mo, Ric?" tanong ni Roche. "Ok naman po. Binigyan na nila po ako ng group assignment," ani Jeric na antok. "Ayos ka lang?" tanong ni Roche ng mapansin na tila lambot na lambot ito. Tulog na si Jeric ng mapansin nya. "Hayaan mo na muna syang magpahinga. PDE," bulong ni Adrian. "Nagkamisyon na sya agad?" tanong na gulat ni Roche. "Huwag kang mag-alala. Emergency kasi iyong kanina, he held his own," ani Adrian na ngumiti. Nang matapos ang pagluluto ay ginising ni Adrian si Jeric para kumain. "Kamusta na pakiramdam mo?" tanong ni Adrian. "Ayos na po," ani Jeric. "Makakasanayan mo rin 'yan. Tayo na kakain na tayo," ani Adrian. Pagkatapos ng hapunan ay nagprisinta si Jeric magligpit. "Maaga kang matulog. May

