Sa Infirmary, hinintay nina Trix at Ivan ang pagsusuri ng doktor. Lumabas ang doktor sa check-up room at tinanggal ang salamin nya. "Kamusta po sya?" tanong ni Trix. "Ayos lang sya. May migraine sya na sanhi siguro ng mga nagbabalik nyang alaala," anang doktor. "Alaala?" gulat na tanong ni Ivan. "Base sa medical history nya nagkaroon sya ng aksidente ilang taon ang nakakaraan. Kapag nati-trigger ang alaala nya ay sumasakit ng ulo nya. Inatake na sya dito base sa lala ng atake nya ngayon. Huwag nyong hayaang atakehin sya ng hindi nakaiinom ng maintenance nya. Ng-iwan na ako ng reseta para sa kanya. Ikaw na ang bahala Nathan," anang doktor. "Salamat, Kuya. Pasensya na kung naabala ka namin," wika ni Trix. "Walang kaso iyon, basta kayo. Ikamusta mo nga pala ako kay Kuya Ethan mo," anang

