Kinabukasan oras ng PE nila, nasa kalagitnaan ng interclass volleyball si Jeric habang naglalaro sina Zarah at mga kaklase nya nang makaramdam ng kirot sa ulo si Jeric. Kabababa lang nya mula sa pagtalon nang mapahawak siya sa noo nya. Kaagad napansin ito ng isang team mate nya na kaagad nilapitan sya para kamustahin sya. Napansin din ito ni Zarah na napalingon. Nakatukod na si Jeric sa tuhod nya nang lapitan sya ng isang professor. Kaagad naman syang nilapitan ni Zarah. "Jeremy, bakit?" tanong ni Zarah. "Ang ulo ko!" daing ni Jeric kay Zarah. "Paki-sub out na muna sya," pakiusap ni Zarah. Inalalayan ni Zarah si Jeric patungo sa bleachers. "Pakitawag po si Jude Guevarra sa Room 113 Salcedo Hall. Pakisabi na sumunod sya sa clinic," ani Zarah sa isang kaklase nyang lalaki. Kaagad nam

