Maya-maya pa ay bumalik sa kwintas nya ang Dragon. "Sino po ba talaga kayo?" tanong ni Jeric. "Isa rin akong tagapagmana ng Guardian. Siya si Angel, ang aking Guardian," ani Jude na kinuyom ang kamay at pumikit. Huminga sya ng malalim. Nawala ang marka sa braso ni Jude kasabay ng paglaho ng babae. "Ngayon. Kumpirmado nga na isa ka sa pinili," ani Jude. "Napili?" tanong ni Jeric. "Pinili ka ng Guardian para maging amo nya," paliwanag ni Fin. "Fin, maaari bang pakipagaling ang sakit na nararamdaman nya?" pakiusap ni Jude. "Masusunod po," ani Fin na lumapit kay Jeric. "Tutulungan ka namin na mapasunod sya kung nanaisin mo," wika ni Jude. Saglit na hindi kumibo si Jeric. "Ano po ang gagawin ko?" tanong ni Jeric kay Jude. "Sa loob ng dalawang linggo, ituturo namin kung paano mo gaga

