Nakarinig ng malakas na ingit ng bakal ang dalawa. "Kailangan na nating umalis dito," udyok ni Jeric. Nakarating ang dalawa sa lugar na tinutukoy ni Zarah pero nagipit ng nagsimulang pumasok ang tubig sa loob ng barko dahil sa pagtagilid nito. Sinubukan nyang buksan ang pinto pero hindi nila ito mabuksan. Umupo si Zarah na nawalan ng pag-asa. "Nasa susunod na kwarto ang pinto para makarating ulit tayo sa deck," desperadong wika ni Zarah. "Huwag kang mawalan ng pag-asa," wika ni Jeric. Sinubukang gamitin ang kapangyarihan nya para mabuksan ang pinto kahit dumaragdag iyon sa sakit ng ulo nya. Nagawa nya ito pero halos mawalan sya ng malay sa sakit. "Subukan mo ulit," udyok ni Jeric na sumandal sa pader. Sinubukan muli ni Zarah na pihitin ang hawakan ng pinto at nabuksan naman nya ito.

