Pagdating sa tinutuluyang bahay ay diretsong inalalayan ni Sam si Jeric sa kwarto nila. Napansin ni Sam na tulala si Jeric. "Ayos ka lang?" tanong ni Sam. "Opo," sagot ni Jeric. "Magpahinga ka muna," ani Sam. Nag-ayos si Sam ng gamit nya at nagpalit ng damit. "Lalabas po kayo?" tanong ni Jeric. Tumango si Sam. "May misyon kami sa labas. Pinatawag kami ng Military HQ," wika ni Sam. "Mag-ingat po kayo," bilin ni Jeric. "Salamat. Magpahinga ka ng mabuti," ani Sam. Sa misyon ni Sam nalagay sya sa alanganin ng bigla silang tambangan ng mga masasamang loob. Sinubukan nyang lumaban pero tinamaan sya ng isang taser kaya hindi sya makagalaw ng maayos. Naramdaman ni Jeric na nasa panganib si Sam kaya napabalikwas ito sa higaan. "Kuya!" ani Jeric na naglaho. Dumating sya sa kinalalagyan n

