Kinabukasan pumasok si Jeric sa OJT nya. Nakasabay nya si Zarah sa lobby. "Gia moria!" masiglang bati ni Jeric. "Maayos na pakiramdam mo?" tanong ni Zarah. "Oo," sagot ni Jeric na hinawakan ang gasa sa noo nya. Napansin ni Jeric na mas humigpit ang security sa kanila. Kasalubong rin nila ang ilan pang security sa production line. "Anong meron?" tanong ni Jeric. "May espiya daw na nakapasok sa loob. Pinaghihinalaan nila na isa sa mga OJT," wika ni Zarah. "Masama ito," bulong ni Jeric sa sarili. "Sabay ka sa aking maglunch," yaya ni Zarah. "Sige. Kita tayo mamaya," wika ni Jeric bago sila naghiwalay. Dahil sa aksidente, inilipat si Jeric pansamantala sa isa pang station na malapit sa restricted area. Pasimple nyang nilagyan ng bug ang security box para makuha nya ang security code

