Dumaan ang ilan pang oras, dumating si Jeric sa apartment ni Sally. Pagbukas nya ng pinto ay halos bumagsak sya kung hindi sya nakasandal sa pinto. Kaagad syang sinalubong ni Sally. "Ayos ka lang?" tanong ni Sally na inalalayan sa sofa. "Pasensya na, Ate," wika ni Jeric na parang bangag. Tinanggal ni Sally ang salamin nito at nilagay sa lamesita. "Akira! Kailangan ko ang tulong mo," tawag ni Jeric. "Master Jeric!" tugon ni Akira na nabahala. "Anong nangyayari sa kanya?" tanong ni Sally. "Power-deprived po si Master Jeric," sagot ni Akira. "Paanong nangyari?" tanong ni Sally na pinatay ang limiter ni Jeric. Kaagad binalot si Jeric ng kapangyarihan habang nakapikit at nakasandal sa sofa. "Mga Void?" tanong ni Sally. "Tama po. Sinundan po sila ng isa habang namamasyal. Ang pangalaw

