"Sino ang kausap mo?" arte ni Jeric ng makita nyang hawak ni Zarah ang cellphone nya. "Si Cowboy pero binaba na nya," sagot ni Zarah na may halong lungkot sa boses. Napahilot sa noo si Jeric. "Ayos ka lang ba talaga?" nag-aalalang wika ni Zarah sa kaibigan. "Oo. Umakyat ka na. Magiging ayos lang ako," wika ni Jeric sa kaibigan. Sasagot sana si Jeric ng tawagin si Zarah sa entablado para magsalita. "Hanggang kailan mo itatago sa kanya, Cowboy?" tanong ni Lira sa linya ng radyo. "Hindi ko alam," sagot ni Jeric. "Bakit hindi mo sabihin sa kanya ang totoo?" sabad ni Echo. "Sinubukan ko na pero hindi sya naniwala," depensa ni Jeric. "Sino ba namang babae ang maniniwala na ang clumsy, nerdy at happy go lucky na si Jeric Castro at ang responsable, matapang at magiting na si Cowboy ay ii

