98

2412 Words

Sumunod ang dalawa sa isang kwarto. Pagpasok nila sa kwarto ay matatagpuang nakasandal sa higaan si Luis. Halata sa mukha nya ang hirap na dinanas. Maputlang-maputla din ito. Naroon rin sina Adrian at Zerel na nakaupo sa tabi ng higaan ni Luis. "Kuya!" masayang wika ni Jeric na yayakapin sana si Luis. "Rem," tawag ni Adrian. Pinigilan ni Adrian si Jeric at umiling. "Hindi mo pa sya maaaring lapitan, Jeremy," pagtatapat ni Nathan. "Salamat sa Dyos at ligtas ka, Kuya. Patawarin nyo ako kung hindi ko po kayo kaagad natulungan," ani Jeric na ngumiti. "Anong ginagawa mo rito? Hindi ka na dapat nagtungo rito!" singhal ni Luis sa kapatid. Nagulat si Jeric sa reaksyon ni Luis. "Umalis ka sa harap ko! Ayaw kitang makita! Umalis ka!" utos ni Luis na napahawak sa ulo nya. "Tumigil ka Luis!"

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD