"Nalasing po ako kaya hindi na ako nakauwi kagabi Nana Encar," paliwanag ko sa kanya na may ngiti sa aking labi. Hindi ako makapaniwala na natulog ako sa kwarto ni James. Sana pala inagahan kong gumising para masilayan ko siyang natutulog, ano kayang hitsura niya pag tulog siya? Kaya lang naalala ko rin ang sinabi niyang never siyang magkagusto sa katawan ko. Akala ko pa man din sexy na ako, wala din pala akong appeal sa kanya. Nakakainis ang lalaking yon kapag talaga ako nainis sa kanya gagapangin ko siya sa gabi tingnan lang natin. May ilang araw pa naman silang mag stay dito, pupunta na naman ako mamaya doon at aakitin ko siya sabi ko sa aking sarili. "Jayjey, yugyog ni ate Ligaya sa aking balikat kaya nahimasmasan ako at nabalik sa kasalukuyan. "May sinasabi ka ate, may iniisip lang

