Lahat kaming magkakaibigan na tatlo ay pareho nang graduating ngayong susunod na buwan na. Hindi naman lingid sa amin ni Glorina na may kinalolokohan tong kaibigan naming to na kaibigan ding mismo ni James. A rich and powerful man too pero walang seryosong naging karelasyon. Isa ring playboy na kung pagsawaan ang babae ay kala mo damit na basta na lang itapon sa tabi. Naiisip ko nga na baka magaya din ako sa kanya, ang lakas din ng attraction ko kay James na kung madikit ako sa kanya nawawala ako sa concentration ko. "Nope, hindi na kami nagkita pa. I think he's busy," sabi ni Jenny na parang may nililihim dahil mailap siyang tumingin sa amin. Nagkatinginan kami ni Glorina at nagsenyasan. "Ok, that's good sabi ko na lang at baka hindi pa siya ready na magsabi sa amin. Nag inuman na lang

