Nakatulog ako sa kanyang kandungan dahil sa kalasingan. Naramdaman ko na lang na parang nakalutang ako at inilapag sa isang malambot na kama. Gusto kong imulat ang aking mata pero hindi ko magawa dahil sa antok na antok ako. Naramdaman ko pa na parang may humalik sa akin bago ako hinila ng antok. Habang nakatunghay ako kay Jayjey napapailing ako sa aking ginawa. Nag panic ako hindi para sa sarili ko kanina kundi para sa kanya kaya no choice akong mag suot ng iba at takpan ang aking mukha upang walang makakilala sa akin. Hindi ko akalain na makikita namin sila kanina. I have a transaction in that bar "Cocktail bar own by a friend of Nimer. Matagal na kaming nagkakaroon ng transaction sa kanila at wala namang nagiging problema ngayon lang talaga. Napapaisip ako kung bakit nabulilyaso ang t

