Palakad lakad ako sa harapan ni Glorina habang siya'y nag ngingit ngit sa galit ng hindi siya pinansin ni Nimer ng ito'y makausap niya kanina. "Wala man lang pakialam ang hudyo, mga salitang naririnig ko sa kanyang bibig na kulang na lang basagin niya ang kanyang cellphone sa inis. "Hello, where are you? Kanina pa ako tumatawag diba, bakit ba hindi ka sumasagot? Nambabae ka na naman ba gaya ng ginagawa ng kaibigan mong basta na lang buntisin ang kaibigan namin tapos yun iniwan lang ng herodes na impaktong animal," mura niya na ikinatawa ko. Grabe tong babaeng to, walang pakialam kung may makarinig man sa kanya or wala. Nagmukha na siyang iskandalosa sa hitsurang yan. "Ganon, tawagan mo siya at sabihin mo sa akin kung nasaan...bibigyan kita ng limang minuto," gigil niyang sabi sabay pata

