Inakyat ko ang napakataas na bakod nila Jenny, actually bakod ng bahay ni Nimer nilang dalawa dahil kasal naman sila so hindi lang kay Nimer kundi kay Jenny din. Nagpalinga linga ako sa paligid pero wala akong makitang tao. Napansin ko ang camera na malapit dito sa bakod. May kasamang CCTV pala ang ilaw dito sa kanilang malapit sa gate. Napataas ang aking kilay kaya sa inis ko tinaas ko ang aking kamay at nag f***k sign ako para lalo nilang makita bago ko binuksan para papasukin si Glorina na hindi na mapalagay sa labas, napaka eskandalosa talaga. "Ang tagal mo," bungad niya sa akin kaya nilakihan ko siya ng mata. "Aba, kung ikaw kaya paakyatin ko gaga ka," sa akala niya yata madaling umakyat. Halos mahulog na nga ang panty ko sa kaba nito tapos siya ganun lang sasabihin. "Ok ok...huwag

