Nabalitaan ko kay ate Karen na busy daw tong si James. Nahighblood nga daw tong mga magulang niya at hindi man lang daw tumatawag sa kanila. Nalaman pa daw nila sa assistant niya na nasa kaduluduluhan daw siya ng Italy dahil sa isang project niya daw na hindi niya matapos tapos. Kaya nakahinga ako ng maayos ng marinig ko yun, nalulungkot lang ako dahil hindi man lamang niya ako mabati sa mismong graduation ko. Ipakulam ko kaya ang lalaking yun, subukan niyang umuwi at talagang hindi ko siya kakausapin sabi sabi ko sa aking sarili. Hmmppp, makaligo na nga at ng mawala siya sa aking systema muna. Kaylangan kong magpaganda sa nalaalpit naming Japan tour ng aking mga kaibigan. next week pa naman yun pero excited na kasi ako. Katatapos kong maligot at naglalagay ng cream sa aking mukha ng bigl

