Nanginginig ako sa nerbiyos ng bumababa ako, nakatingin sila sa akin ng ako'y makababa. Naalala ko ang sinabi ng aking mga kaibigan na kaylangan kong magkaroon ng self confidence kung ayaw ko raw na mapahiya. Bago ako bumaba kanina, kinausap ko muna sila at yun nga panay hiyaw ng dalawang bruha. Naiiyak pa tong si Glorina na akala mo naman ngayon lang ako naging seryoso sa tanang buhay ko. Pagdating namin sa venue ni Ate Karen napakaraming mga nagkikislapang camera ang sumasalubong. May pa red carpet pa pala, iba talaga ang pamilya nito. Nakakapanginig ng tuhod, mukhang hindi ko yata kayang humarap nito sa mga maraming tao. Inakay ako ni ate Karen panay ang picture nila at may mga nagtatanong pa na reporter na kung sino daw ako. Alam kong mayaman sila pero hindi ko naman alam na ganito p

