Para akong binagsakan ng langit at lupa. Hindi makapaniwala sa narinig, 'MEET MY GIRLFRIEND GISSELLE ALVAREZ' umaalingaw ngaw na bumabalik sa pandinig ko. Akala ko ako ang tatawagin niya at sa akin siya nakatingin pero hindi pala, ang sakit sakit. Namumula ako ng makita kong ibang babae ang pumunta sa stage at nakita kong isang napakagandang babae na napaka kinis ng katawan. Walang wala pala ako sa kanya, nanliit ako sa aking sarili ng matitigan ko sila. Nang maramdaman kong magsisimula ng papatak ng aking luha, bigla akong nag excuse. Tinanong ako ng asawa ni Mr Sandoval kung ok lang ba ako. Sinabi ko na lang na hindi ako ok at kaylangan ko nang bumalik sa hotel, dali dali akong umalis at hindi na lumingon pa ng marinig kong tawagin ako ni Tita. I can't face them...hindi ko kaya at baka

