Sa pag iisa ko dito na umiiyak, napakaraming mga pumapasok sa aking isipan. Nakapag isip isip ako na kung gusto niya akong maging malakas pwes tutumbasan ko yan pero may gusto lang muna akong malaman at kumpirmahin sa kanila mamaya. Sa tuwing pipikit ako, umaalingaw ngaw sa akin ang mukha nilang dalawa ng babae niya na masayang masaya. Ang sakit sakit isipin na pinaasa niya lang pala ako, ginawa niya lang pala akong katawa tawa sa harap ng maraming tao. Hinding hindi ko ito matanggap, kinuha ko ang isang matalas na bubog na nahulog sa sahig at ginamit kong pag punit sa aking damit hanggang sa umikli ito. Nakakalakad na ako ng maayos ng matanggal ko ito. Sa pagputol kong ito, ipinapahiwatig ko na wala na kaming magiging connection pa sa kaniya or sa kanila man. Pumunta ako sa banyo na kar

